Kabanata 1

1358 Words
Pauwi na sa bahay si Shane ng biglang umulan. Tumingin tingin siya sa paligid kung may masisilungan siya. "Ay wala, Saan kaya ako nito sisilong? Lumalakas na ang ulan lalong mababasa ang mga dala ko nito, nanood naman ako ng news araw araw bakit hindi ito binalita kanina? Ano ba yan nababasa na mga pinamili ko. Please huminto ka ng ulan ka. Pauwiin mo lang ako samin, pagkatapos nun kahit tuloy tuloy mo na ang malakas na ulan. Mahalaga pa naman itong mga dala ko. Naku nababasa na talaga". May nakitang masisilungan si Shane kaya naman mabilis siyang tumakbo papunta roon ngunit ng akma siyang sisilong ay mabilis siyang inunahan ng lalaking nakahood. "Hoy, ako ang naunang nakakita dito ha. Umalis ka nga diyan, bilis! Nababasa na mga dala ko, wala namang mahalagang mababasa sayo kaya ako na diyan." Hindi siya pinansin ng lalaki. Tahimik lang ito. Nakita ni Shane na naka headset kaya siguro hindi siya nito naririnig. Mas matangkad sa kanya ang lalaki kaya nahirapan siyang abutin ang headset. Binigay niya ang buong pwersa niya para maabot ang headset. Nagulat ang lalaki, kaya sa gulat niya ay hindi sinasadyang naitulak niya ito. "Aray!!!" "Ay naku po sorry, akala ko kung sino. Bakit mo kasi tinanggal ang headset sa tainga ko?" Tinulungan niyang tumayo si Shane. Pagkatapos nakatayo ng dalaga itinulak niya ang lalaki. "Parang kasalanan ko pa ha." Mabilis na pumunta si Shane sa kinatatayuan kanina ng lalaki. "Sa wakas nakasilong na ko." "Ah, wala kang pinagkaiba sa mga walang modo diyan sa kanto, tinanggal mo headset ko para makasilong ka, para pag umalis ako diyan ikaw ang pumalit. Grabe ka miss, naisip ko tuloy. Siguro katulad ka ng ibang babae diyan, stalker kita no."? "Excuse me? Sinong sinabihan mong stalker? Ako ba ha?" naiinis na saad ni Shane "Sino pa ba? Tayong dalawa lang naman dito!" Sagot ng lalaking nakahood "Ay, ay, pilosopo.? Sa mukhang to stalker? Ayos ka lang?" "Ay naku miss. Maraming klase ng stalker, kahit mukhang disente ang ayos, stalker na rin." Sagot ng lalaki "Hoy, ako wag mong binabadtrip ha! Hindi maganda ang mood ko ngayon dahil basa na ang mahahalagang bagay na dala ko, kaya kung puwede iwan mo ko gusto ko ng katahimikan." si Shane "Tingnan mo, basa na rin ako dahil sa ginawa mo." "Hindi ko yan kasalanan, ako ang unang nakakita sa lugar na to, tapos ymepal ka. Get lost." sigaw ni Shane sa lalaki. Lumapit ang lalaki kay Shane. Kaya napaatras ang dalaga. "Anong gagawin mo?" Nilapit ng lalaki ang mukha niya sa dalaga. "Kapag hindi ka umalis diyan, magsisisi ka." Nilapit niya pa lalo ang mukha niya kay Shane. Kinabahan si Shane, parang na-frozen ang buong katawan niya at kinakabahan siya. Tinulak niya ang lalaking naka hood. "Oo na." Tiningnan niya ang paligid at nakitang madilim ito at walang katao tao. Kaya naisip niya na umalis na lang dahil baka masamang tao ang lalaki at baka kung ano pa ang gawin sa kanya. Tumawa ang lalaki. "Aalis ka rin pala ang dami mo pang sinabi." Tumahimik na lamang ang dalaga at umalis. Basang basa na ang mga dala niya. "Wala na talaga, hindi ko na to magagamit pa. Ang malas ko naman, hay naku!" May nakita siyang mauupuan kaya lumapit siya at umupo. "Hay naku! Mahal pa naman ang bili ko dito tapos ganito lang ang mangyayari. Hay naku, bakit ba nangyayari ang ganitong kamalasan?" Pati buong katawan niya basa na rin. Naramdaman niyang walang pumapatak na ulan sa katawan niya. Nang tumingala siya ay nakita niya ang lalaking nakahood na pinapayungan siya, kaya napatayo siya. "Bumalik ka sa pagupo mababasa ka riyan." concern na wika ng lalaki. "Kanina ka pa diyan?" tanong ko sa kanya. "Wala pang dalawang minuto" sagot ng lalaki kay Shane. "Kaninong payong yan,? Kanino mo naman yan ninakaw?". tanong ko sa lalaki "Grabe ka manghusga, nakaw agad? Sa mukhang ito magnanakaw? Pasalamat ka nga at pinapayungan pa kita!" mahabang litanya ng lalaki. "Pasalamat? tingnan mo nga basang basa na ko" "Oh parang kasalanan ko pa?" sabi ng lalaki "Oo parang ganun na nga, teka kanino ba yang payong na yan?" "Sa akin" maikling sagot niya sa akin. "Seryoso? may payong ka naman pala hindi mo inilabas kanina? Tapos pinaalis mo pa ko doon, tapos ngayon pinapayungan mo ko?. Bakit kuya, nakonsensya ka ba?" "Grabe ka naman maka kuya, magkasing edad lang tayo no." "First year high school ako, ikaw?" tanong ko sa lalaki. "Ganun din. Parang ayaw maniwala nito." Pinakita niya kay Shane ang ID niya. "Oh, naniniwala ka na? kunin mo na itong payong ko at umuwi ka na, basang basa ka na eh." Ayaw tanggapin ni Shane ang payong kaya kinuha ng lalaki ang kamay ng dalaga at binigay ang payong. Nagpaalam na ang lalaki, naglakad siya habang nakangiti at kumaway kaway pa. Tinitigan siya ni Shane habang paalis ang lalaki at narealize sa sarili. With that guy, she can expressed. With that guy, she can be a talkative person. With that guy, she can be an amazing person. With the stranger. Nang wala na ang lalaki napangiti siya. "Sana magkita pa tayo ulit." Shane POV "Shane, may payong ka pero basang basa ka. Bilis at magbihis ka na baka magkasakit ka pa." Nagaalalang saad ng kanyang ina na si aling Melody. "Ayos lang po ako ma, wag na po kayo masyadong magalala." sagot niya sa kanyang ina. "Wait lang, nandito yung payong mo. Binili mo ba yan?" tanong ng kanyang ina. "Hindi po ma." maikling sagot ko "Kaninong payong yan? sa kaibigan mo ba?" nagtatakang tanong ni aling Melody. Ilang segundo bago sumagot si Shane. "Opo, sa kaibigan ko nga." sagot ko habang nakatingin sa ulan. Hindi na lamang niya isinalaysay ang nangyari kanina. "Mabuti at nakasalubong mo ang kaibigan mot pinahiram ka ng payong?" Alam ng kanyang ina na nagsisinungaling ang kanyang anak. Alam niyang walang friends na classmates si Shane dahil extrovert ito ay tahimik lang na tao. Hindi siya nakikihalubilo sa mga kaedaran niya. "Opo." sagot ko sa aking ina. Sinakyan na lamang niya ang kanyang anak. "Sige magbihis ka na at kakain na tayo. Niluto ko yung paborito mong ulam." Dalawa lamang silang nakatira sa kanilang bahay. Pumanaw na ang kanyang ama. Namatay ito nung elementary pa lamang siya. Wala rin siyang kapatid. Unika iha siya. "Nay magpahinga ka na po, ako ng bahalang magligpit ng pinagkainan natin. Maghapon po kayong nagtrabaho kaya alam kong pagod ka po, magpahinga na po kayo." "Sige anak, salamat. Mauna na ko, sumunod ka na lang kapag tapos ka na." "Opo nay, goodnight po." Pagkatapos kong maghugas at maglinis ay napagpasyahan ko munang lumabas sandali at pagmasdan ang pagbagsak ng ulan, malakas pa rin ang ulan sa isip niya. Sinalo ng kanyang dalawang kamay ang ulan. "Saan kaya siya nakatira? Ano kayang pangalan niya? Totoo kayang magkasing edad lang kami? Sana sa Tala High School din siya nagaaral!" Umupo si Shane sa harap ng pinto at patuloy sa pagtitig sa ulan. Alam mo tay sobrang saya ko po ngayong araw, dahil sa isang tao. Hindi ko po maintindihan itong nararamdaman ko. Hindi ko po maipaliwanag, basta iba po yung sayang nararamdaman ko ngayon. Wish ko nga po na magkita pa ulit kami. Kahit may pagka masungit natutuwa pa rin po ako sa kanya. Alam mo tay, natawa nga po ako ng kinuha ko yung headset niya at bigla siyang nagulat. Pinigilan ko lang po ang sarili kong matawa. Tapos ng nakaupo ako na basang basa sa ulan, lumapit siya para payungan ako at pinahiram ang payong niya sa akin. I think in other side, he's nice. Maalala pa kaya niya ko? Sa tingin ko hindi na, saka sino ba naman ako para maalala. I'm nothing, I'm no one, I'm nobody. Pero umaasa pa rin ako na maalala niya ko kapag nagkita kaming muli. Narinig ko ang tawag ng aking ina kaya naman pumasok na ko sa loob ng bahay. Sinigurado ko munang nilock ko ang pinto at mga bintana ng sa ganun ay secured kami habang nagpapahinga. Kailangan kong matulog ng maaga sahil maaga ang pasok ko kinabukasan. Natulog siya ng may ngiti sa kanyang mga labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD