Kabanata 10

1236 Words
Pumunta silang dalawa sa mall. "Tara dito tayo, kuha tayo ng pictures ng magkasama." hawak niya ang kamay ni Shane. "Smile." sabi ni Dion. "Tara duon naman tayo!" yaya ni Shane habang kumukuha ng video. Pumunta sila sa isang fountain. Ngayon lang siya nakapasyal sa mall kasama ng isang malapit na kaibigan. Palagi kasing nanay niya ang kasama niya. "Ano ba yang ginagawa mo bakit nagvivideo ka pa? Picture na lang mangangalay ka niyan eh." Suway ni Dion kay Shane. "Huwag mo nga kong pakialaman. Hindi nga kita pinakikialaman diyan sa pagpipicture mo eh." Lumapit si Dion para guluhin si Shane sa pagvivideo. "Hi guys, welcome to girl vlog. Kilala niyo ba ang babaeng to? Siya lang naman ang tutor ko, pero hindi lang siya basta tutor ko. Pakialamera din to sa buhay ko daig pa ang nanay ko!" binatukan siya ni Shane. "Pinagsasabi mo diyan? Ginugulo mo lang yung pagvivideo ko eh!" Inagaw ni Dion ang phone ni Shane. Tumakbo siya habang nakatingin sa video. "Loko ka talagang lalaki ka, ibalik mo nga sakin yan. Akin na yan!!" Naririnig niyang sigaw ni Shane. "Hahaha.. Habulin mo muna ako para makuha mo to." tumatawa siya habang tumatakbo. "Sasapakin talaga kita kapag naabutan kita." hinihingal na sabi ni Shane. Sa tuwing kasama niya si Dion. Nakakalimutan niya ang pagiging mahiyain niya. Nawawala sa isip niya ang mga bagay na sasabihin ng ibang tao. Ngayon, wala siyang pakialam sa paligid niya. Nakangiti naman si Dion habang nakatingin kay Shane na humahabol sa kanya. "Ang bagal mo namang tumakbo Shane, para kang pagong!" sigaw niya habang tumatawa at nakatingin sa video. Dahil sa pagiging magulo nila ay sinita sila ng guard. Ngumiti sila sa isat-isa na parang walang nangyari. Binatukan ni Shane si Dion habang palabas sila ng mall. "Kasalan mo kung bakit tayo sinita ng lady guard eh. Napaka harot mo kasi." paninisi niya kay Dion. "Bakit kasalanan ko? Ikaw nga tong humabol sakin tapos nakatapon ka pa ng gamit ng iba kanina." "Oo pero kung hindi mo naman kinuha sakin yung phone ko hindi naman kita hahabulin." Natawa si Dion. "Gusto ko lang malaman kung mabilis kang tumakbo, grabe para ka palang pagong." "Ewan ko sayo, napaka bully mo talaga." May nakita si Dion na nagtitinda ng fishball sa gilid ng kalsada. "Tara kain muna tayo." Aya niya kay Shane. "Busog pa ko, kakakain lang natin sa loob." "Meryenda lang naman yun eh. Halika na libre kita!"hila niya kay Shane. "Sige na nga, parang bigla akong natakam sa chicken ball." "Buraot talaga!" bulong ni Dion pero narinig pa rin ni Shane kaya sinapak niya ito. "Manlilibre ka na nga lang, kung anu ano pang sinasabi mo diyan." "Sus, hinihintay mo lang na sabihin ko yung libre. May pasabi sabi ka pang busog pa ko, narinig mo lang yung libre eat whatever you wants na!" "Ano ba manlilibre ka ba or hindi? Dami mong sinasabi diyan eh!" Tuwang tuwa si Dion asarin si Shane dahil mabilis itong mapikon. "Sige na, kunin mo lahat ng gusto mo libre ko lahat." Naunang kumain si Shane. Si Dion naman ay pinagiisipan pa kung ano ang kakainin niya. "Masarap? pangaasar ni Dion habang nakatingin kay Shane. "Oo naman, heto tikman mo." isinubo niya kay Dion ang isang tusok ng kwek kwek. "Mam, sweet mo naman sa boyfriend mo!" panunukso ng tindero. "Kuya, hindi ko po siya boyfriend." Pero may sayang naramdaman si Shane sa sinabi ng lalaki. "Ay sorry po, hindi ko alam." sabi ng tindero. "Its ok kuya, hindi naman yun big deal sakin eh." sabi ni Dion na parang masaya din sa pagaakalang boyfriend siya ni Shane. "Naku sayang bagay pa naman kayo." hirit ng tindero. "Alam mo kuya ang daldal mo." sabi ni Shane habang nakangiti. "Nakikita ko naman sa inyong dalawa na parang gusto niyo ang isat isa.." "Hay naku kuya hindi ako magkakagusto diyan noh. Napaka bully ng lalaking yan." sagot ni Shane sa tindero. "Sus, alam ko na pasikot sikot na ganyan. Kahit ideny mo kitang kita na may gusto ka dito sa kasama mo." Tumingin ang tindero kay Dion. "Talaga kuya? May gusto siya sakin?" Excited na tanong ni Dion. Natutuwa siyang malaman na may gusto sa kanya si Shane. "Oo, ikaw din halatang may gusto kay mam." Mabilis na sagot ng tindero. "Ako magkakagusto sa pagong na to? Imposible, daig pa nito nanay ko kung manermon eh." natatawa niyang sabi sa harap ni Shane. Tumingin ang tindero kay Shane. "Anong reaksyon mo sa sinabi niya?" "Ok lang kuya, loko loko yan eh!" Tumingin naman ang tindero kay Dion. "Eh ikaw, anong sagot mo sa sinabi niya? Ilang segundo bago nagsalita si Dion. "I love you." Hindi inaasahan ni Shane na iyon ang sasabihin ni Dion. Seryosong nakatitig sa kanya ang binata kaya lalo siyang nailang sa sitwasyon. "Ayun, good job. Excited na ko sa sagot mo, anong reaksyon mo sa sinabi ni sir?" tanong ng tindero kay Shane. Naghihintay ng sagot si Dion. Ilang segundo ng magsalita si Shane. "Tara uwi na tayo. Bukas na lang mga lecture natin." Tumalikod na si Shane at naglakad paalis. "Awkward!" sabi ng tindero. Tumingin ang tindero kay Dion. "Excited pa naman akong malaman ang sagot niya kaya lang walkout." "Mali bang sinabi ko sa kanya yung I love you?" tanong ni Dion. "Magiging mali yun kung walang aksyon, sinabi mo na sa kanya kaya hindi niya yun makakalimutan. Kaya dapat maging responsable ka. Kung may nararamdaman ka talaga para sa kanya. Eh di ligawan mo. Nakikita ko rin naman, parang may gusto rin siya sayo." "Parang may gusto? Hindi pala sure eh." "Atleast may chance, malay mo pag niligawan mo sagutin ka niya agad!" masayang sabi ng tindero. "Sige po kuya, iniwan na ko ng kasama ko eh. Heto bayad ko." inabot niya sa tindero ang bayad sa kinain nila. Nakita ni Dion si Shane na nakaupo sa baluster. "Ano bang ginagawa mo diyan? Tara na ihahatid na kita." "Ang bagal mo kasing maglakad eh!" Sagot sa kanya ni Shane. Hindi maganda ang mood niya. "Iniwan mo nga ko eh, bakit ba bigla bigla ka na lang umaalis? Dahil ba sa sinabi ko kanina?" tanong ni Dion. "Ano bang sinasabi mo?" "I love you!" Tumingin sa kanila ang mga taong nakarinig kay Dion. Medyo malakas ang boses nito kaya madami ang nakarinig dito. Nahiya tuloy si Shane dahil sa atensyong nakuha nila sa mga tao. Nakatingin sila dito na parang inaabangan din kung ano ang isasagot nito kay Dion. "Ano ka ba?" sigaw ni Shane. "Ano nanaman? Ano namang ginawa mo? Patay malisyang tanong ni Dion. "Bakit mo kasi ako sinasabihan ng." napahinto siya sa pagsasalita. "Ng alin? tanong ulit ni Dion. "Ng I love you!" sagot ni Shane. "Ng I love you?" Narinig sila ng mga tao na nagpalitan ng I love you kaya nagtilian ang mga tao. "Puwede ba huwag mo ngang sabihin yung words na yan." hiyang hiya na si Shane. "Aling words ba? madami naman akong sinabi alin ba dun?" kibit balikat na tanong ni Dion. "Yung I love you nga!" hindi napigilan ni Shane mapalakas ang boses kaya narinig ulit sila ng mga tao. "I love you too.!" Lalong nagtilian ang mga tao sa sagot ni Dion kaya naman pulang pula si Shane sa kahihiyan na nararamdaman. Hindi niya alam kung bakit sinasabi ng Dion ang mga katagang iyon sa kanya. Hindi naman ito nanliligaw sa kanya kaya naguguluhan siya sa nangyayari.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD