“Wow!” Awang ang labing inikot ko ang aking tingin sa malawak na lugar kung saan itinigil ni Noah ang sasakyan. Hindi ko na napansin ang paglabas niya sa sasakyan dahil nakatanaw ako sa bintana ng kotse. At manghang nakatingin sa malawak na lake. Malawak din ang damuhan at may pailan-ilan din ang nakaupo sa damo. Meron din akong nakitang nagbibisikleta sa kalsada. May mga magkasintahan din dahil magkahawak ang kanilang mga kamay. Hindi mabura ang ngiti ko dahil sa nakikita kong magandang tanawin. Masarap din ang hangin dito. Hindi ko akalain na may ganito kagandang lugar akong makikita ilang minuto lamang ang layo nito sa amin. Inalis ko ang baba ko sa tapat ng bintana dahil nakita ko si Noah na bubuksan ito. “Baba na ilang minuto lang tayo dito.” Wika niya. Wala sa sariling bumaba a