Ilang sandali pa at nasa tapat na sila ng bahay nina Carlota. Bumaba na ang ginang sa motor at maging siya. Itinuro nito ang medyo may kalumaan ng bahay. Ang bubong ay yari sa nipa, halatang dating pinapagawa pero hindi na natapos dahil halos kalahati lamang ng bahay ang hallow blocks, ang bandang taas ng bahay ay animo pinagtagpi-tagpi ng flywood na nabubulok na. May parte din na lumang yero lamang ang tabing at may mga telang nakalagay doon. Marahil para matabingan ang butas-butas na parte ng dingding na yero. Talagang kalunos-lunos nga ang kalagayan nina Carlota. Pero mapapansin namang malinis ang maliit na bakuran ng bahay. May mga halaman pa nga sa paligid na namumukadkad ang mga bulaklak. Halatang alaga ang mga halamang nandoroon maging ang mga rosas na nakatanim malapit sa may bak