"Hala Kuya, hindi ka po marunong magsibak?" Nagtatakang tanong ng batang si Katrina kay Solomon. "Ha? Ah, eh m-marunong ako ha. Ano lang kasi medyo napagod sa pagdadrive kanina kaya medyo nahihirapan ako." Nakangiting sagot ni Solomon dito, tagaktak na ang pawis niya pero kahit isang maliit na kahoy ei hindi manlang tumama ang palakol na hawak niya. Never pa talaga niya naranasan na magsibak ng kahoy, akala niya ganon lang kabilis. Lalo na kapag nakakapanood siya parang Napakadali lang gawin pero ngayong Sino ang gumagawa halos manakit sa kanyang balakang at maging ang kanyang mga kamay ay hindi pa rin siya makabiyak ng kahoy. "Hayss, pano ba to? Ang hirap naman..." Bulong niya sa sarili. Sabay punas ng pawis sa noo. "Sigurado ka po ba kuya na kaya mo po? Wag mo na lang po kayang p