"Yeheyy! Kuya tapos na po kami ni Ate Katrina sa pag-aayos ng mga Groceries!" masayang wika ang batang si CJ. "Very good tamang-tama luto na itong ulam natin. Saglit lang ha ilalagay ko lamang itong mga karne at isda sa ref, after nito maghahain na ako para makakain na tayo." turan niya sa mga ito at saka binuhat ang palangganang may lamang karne at isda. Hinugasan niya ang mga iyon at at pinaghiwa-hiwalay gamit ang plastik pero tinantiya niya ang bawat laman kung magkakasya sa mag-iina kapag magluluto na ang mga ito. Gano'n kasi ang nakikita niya sa kanilang mayordoma, iyon nga lang gumagamit ito ng plastic disposable tupperware para i-separate ang karne at isda. Iyon nga lang malaki ng freezer na pinaglalagyan nito sa kanilang villa. Kapag gumamit siya niyon ay siguradong hindi magkaka