Naging masaya ang salo-salong iyon, nagbibiruan at nagtatawanan pa nga sila. Ibang-iba sa nakasanayan ni Carlota kapag nanananghalian sila. Kadalasan kasi naunang kumain ang kanyang Nanay pati na ang kanyang mga kapatid tapos minsan siya nalang kumakain mag-isa sa kusina. Pagkatapos non maghuhugas na sila ng mga pinggan at maglilinis. Ayon minsan kapag napapag-usapan nila magkakasabay silang kumain sa silid ng kanyang ina. Kaya naman ang salo-salong ito ay hinding-hindi niya makakalimutan kahit kailan. Nakikita niya kasiyahan sa mga mata ng kanyang nanay, tila nakalimutan nito ang galit sa kanyang tatay at maging ang mga problema. Hindi niya akalain na si Solomon lamang pala ang magiging daan para kahit saglit ay makalimutan ng kanyang nanay ang mga problema lalo na ang problema nito sa