Nakapameywang na nagtungo siya sa sala. Aba't ang kumag nasa kwarto ng kanyang Nanay at tila batang nagtatago sa likod nito. "Tita oh si Carlota, galit nanaman mukhang gugulpihin ako," parang batang sumbong nito sa kanyang Nanay. "Paano ba naman kasi Nanay nagpa-igib ang lalaking iyan kay Jepoy, babayaran ba naman ng dalawang libo. Tapos may pinagawa pa siya sa pasaway na iyon at nagdagdag pa ng isang libo. Pati po si Ate Caring, kinausap niya para ipaglaba tayo. Nakakainis lang kasi nagsasayang lang siya ng pera eh. Tingnan niyo po dipa nga nagsisimula, tapos nagbigay agad siya ng limang libo. Nagsasayang lang po kasi ng pera ang pasaway na iyan. Nakakainis na talaga kaya ko namang maglaba eh lalo na at may washing machine na tayo na binili niya. Hindi pa nasiyahan kumuha pa talaga