Kabanata 3

1411 Words
"Itigil mo na nga ang kalokohan mo na yan Solomon! Mamaya niyan makahanap ka pa ng squatter na babae na nagpapanggap lang na hindi ka kilala. Malay mo matunugan kung sino ka talaga. Hindi pa naman malabong mangyari iyon dahil alam mo naman na kilala kami ng Papa mo dito sa ating bayan," nakasimangot na na wika ng kanyang Mama. Kabababa lamang niya sa truck na kanyang minamaneho. Sumalubong na kasi ang tunay na driver nito at kinuha iyon para ito na ang mag park sa parking space na para talaga sa mga truck na pan-deliver. Lumapit siya sa ina at hinayaang mag litanya ito. Araw-araw naman ganito ang ginagawa ng kanyang Mama kapag uuwi siya tuwing hapon, nakaabang na ito sa kanya para pagsabihan siya ng pagsabihan. Pero mukhang susuko na talaga siya, mukhang katulad ng sinasabi nito ay ititigil na niya ang kalokohang iyon. Mahigit isang buwan na kasi pero wala pa rin siyang mahahanap na babae na katulad ng kanyang hinahanap. Nakakalungkot lamang isipin na karamihan talaga ngayon ay mas mahalaga na ang estado sa buhay. Kapag driver ka lang o mababa ang klase ng trabaho tatanggihan ka talaga at aayawan ng babaeng iyong matitipuhan. Mukhang pera na lang talaga ang labanan sa panahon ngayon at estado sa buhay. "Don't worry Mama, bigyan mo na lang po ako kahit na isang linggo at kapag wala pa talagang dumating na babaeng hindi titingin sa estado ng buhay, ititigil ko na ang ginagawa kong ito," nakangiting sagot niya sa ina. "Diyos ko, mabuti naman kung ganon," tila nakahinga ng maluwag na wika nito. "Naku ang Mama talaga, halina nga po kayo sa loob medyo napagod ako ng husto sa maghapon kaya parang gusto kung kumain ng masarap na luto ni Manang Nyebez Montilla." natatawang wika niya dito, sabay akbay dito. Agad naman siya nitong na kurot sa tagiliran dahil tinawag niya itong Manang kapag kasi naglalambing siya dito tinatawag niya itong Manang at kasunod naman niyon ay kukurutin siya nito sa tagiliran. Siya naman ay yayakapin ito nang buong higpit. Hanggang sa natatawa na lamang ang kanyang Mama at sa paglalambing nito. Marami silang kasamahan pero hindi hinahayaan ang kanyang Mama na iba ang magluluto para sa kanila ng kanyang Papa. Ang katwiran nito tatlo na nga lang sila sa pamilya at wala naman itong ginagawa bakit daw iaasa pa sa iba ang pagluluto para sa pamilya nila. Pero may mga tagapagluto naman sila at tinutulungan naman ang kanyang Mama. Kapag may mga okasyon, ang mga ito ang nagluluto, pero pag simpleng salo-salo lamang ang Mama niya ang nagluluto ng kanilang pagkain. Ito naman ang nagustuhan niya sa ugali ng kanyang Mama, talagang maalaga ito at mapagmahal. Kinabukasan sa palengke. "Manang naman ilang banyera na ng isda ang nabuhat ko tapos ito lang ang ibabayad ninyo sa akin?! Ang usapan namin ng asawa mo isang daan bawat isang banyera. Nakali-mang banyera ako pero bakit two hundred fifty lang itong binayad niyo sa akin?!" mangiyak-ngiyak na wika ng babaeng kausap ng matabang babae. May-ari ng bagsakan ng isda na kanila namang sinusuplayan din ng karneng manok at baboy. "Hoy Carlota kayong dalawa ng asawa ng nag-usap pero hindi isang daan ang bawat banyera fifty lang! Di kasi nagtatanong sa akin ang lalaking iyan! Ikaw naman masyado kang demanding nakiusap ka lang sa akin dito na mag bubuhat ka ng banyera pero hindi ko sinabing maging regular na kitang tauhan, mabuti nga pinapayagan pa kita!" galit na wika ng matabang babae. Si Solomon naman ay nakatayo sa di kalayuan dahil hinihintay niyang matapos ang pagbababa ng kanyang mga kasama sa mga karneng order ng babaeng may kasagutan. "Pero Manang naman, alam ninyo naman po na iyan lamang ang inaasahan ko pambili ng pagkain at gamot ng Nanay ko. Wala pa naman po ngayon si Aling Lope hindi rin ako makakapag buhat ng mga paninda niyang gulay kaya ito lang po talaga inaasahan ko. Dagdagan nyo naman po kahit isang daan lang Manang," tuluyan nang tumulo ang luha ng babae habang nakikiusap. Nakasuot ng butas butas na pantalon ang babae at may kalumaan na ng blouse na pinatungan nito ng maluwang na jacket. Hinayaan lamang na nakabukas ang zipper sa harapan ng jacket nito. Nakatali lamang nang basta ang buhok nito pataas kaya naman marami nakalaylay na hibla ng buhok sa may mukha nito. Hindi niya masyadong makita ang mukha nito dahil naka-side view ito at napansin lang niya na tuluyan na itong umiyak dahil nagpunas ito ng luha gamit ang palad pero napansin niya na maputi ang babae at may magandang mukha dahil nakita niya ang kabiyak ng mukha nito. Maging talampakan ito ay mamula-mula dahil nakasuot lamang ito ng manipis na tsinelas. Pero ang nakakatuwa dito ay kahit na maliit ang babaeng ito halata dito ang kasipagan. Mukhang ito ang tumataguyod ng pamilya nito dahil hindi ito iiyak ng ganon at magmamakaawa sa babae kung hindi nito kailangan ng pera. Sabi nga nito kailangan nito ng pera para sa pagkain at gamot ng Nanay nito. "Hay naku naman, wag mo nga akong iniiyak-iyakan dyan Carlota ha! Lumayas ka na nga lang dito at bukas ayoko nang makita ang pagmumukha mo dito ha! Doon ka pumasok na kargador sa iba wag sa akin masyado kang demanding sa sahod!" galit na wika ulit ng matabang babae. Tsaka tinalikuran na ito hinarap na ang mga karneng ibinababa ng kanyang mga kasamahan. Nahabag siya sa babae, dahil umiyak na ito nang husto at tila wala sa sarili naglakad papalapit sa may kinatatayuan niya. Pag-angat nito ng mukha, hindi sinasadyang magkatitigan sila. Saglit siyang natulala dahil totoo nga ang hinala niya na magandang babae ito. Hindi lang simpleng ganda kundi iyong ganda na mapapansin ng lahat. Ngunit hindi niya akalain na ang isang ganito kagandang babae ay nagtatrabaho bilang kargador sa palengke. Tila natigilan din ng babae at kumurap-kurap habang nakatitig sa mga mata niya, mabilis nitong pinunasan ang luha. Siguro nahiya sa kanya kasi nakita niya itong umiyak, medyo namula kasi ang pisngi nito. Tsaka napatingin sa mga kasamahan niyang nagbubuhat ng mga karne na deliver nila sa babaeng kanina lamang ay kasagutan nito. Maya-maya ay biglang ngumiti ang babae sa kanya na kinagulat naman niya iyon dahil may kung anong biglang pumintig sa kanyang puso dahil sa napakagandang ngiti nitong iyon. Lumapit ito sa kanya at nagtanong. "Hi boss sa inyo po ba iyang delivery truck na iyan ng mga karne ng baboy at manok?" nakangiting tanong nito. "Ha-ah-eh, h-hindi! Driver lang ako dito," nauutal pa nga na sagot niya dito. Parang gusto tuloy niyang batukan ang kanyang sarili dahil hindi siya makapaniwala na nauutal sa harap ng babaeng ito. "Ay ganon po ba boss? Sayang naman po, pero maaari po bang ilakad niyo ko sa may-ari ng delivery truck na iyan? Gusto ko po kasi sanang mag-apply bilang kargador niyo. Maari po bang tulungan ninyo ako?" pakiusap nito sa kanya na ikinagulat niya. "A-Ano? Kargador? Pero babae ka ah," nagulat niyang tanong dito. "Kahit na po babae ako Boss, maipapangako ko naman po sa inyo na magagampanan ko ng tama at maayos ang trabaho ko bilang kargador. Sige na po, tulungan niyo po ako kasi kailangang-kailangan ko talaga ng pera. Kulang pa pong pambili ng gamot ng Nanay ko Alang kinita ko ngayon eh, wala pang pangkain. Sige na po Boss dalawa lang sila oh, medyo mahihirapan po sila kung sila lamang dalawa. Kahit 200 nalang po Boss, okey na po iyon sa akin basta madagdagan ko lang po itong pera ko ngayon," muling pakiusap nito. Nahabag siya sa babae, naisip niya na bakit nito ginagawang ang ganong klase ng trabaho. Kahit pa sinasabi nito na kaya nito ay batid naman niya na hirap na hirap ito. Sa liit ba naman ng katawan nito marahil kinakaya na lamang nito dahil sa pangangailangan sa pera. "Hoy Carlota, diyan ka naman nanggugulo! Umalis ka na nga lang dito!" galit naman na pagtataboy dito ng kanilang suki. Napansin niya ang pag lungkot ng mukha ng babae at tiningnan ang two hundred fifty pesos na nasa kamay nito at tila maiiyak na naman. "Okey Miss, you're hired!" turan niya dito. Na ikinagulat din niya, wala naman kasi siyang balak mag-hire pa ng tauhan dahil hindi naman talaga sila kulang, nag-cr lamang ang isa nilang kasamahan. Pero heto at mukhang nahabag talaga siya sa babae kaya tinanggap niya ito kahit wala sa plano. "Naku! Maraming salamat po Boss. Salamat po talaga!" mangiyak-ngiyak na pasasalamat nito habang nakangiti. ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD