KARLO Ibañez. Nasa Maynila siya noon, limang na taon na ang nakakalipas. Doon niya unang nakita si Macky Romero. Isang district basketball game iyon sa isang paaralang malapit sa kanyang pinsan. Araw nga iyon ng Sabado. Isa pa, pwedeng manood ang kahit sinong taga-labas ng paaralan sa larong iyon. Isinama siya ng kanyang pinsan dahil alam ng nito na naglalaro siya ng basketball. Pagkapasok ni Karlo sa loob ng gymnasium ng school ay pansin niyang napakarami ng manonood. Second game pala ito para sa Finals ng tournament. Sinabi ng kanyang pinsan na nanalo ang kalaban nilang school sa game 1. "Masyadong malakas si Romero, pinsan. Walang makapigil sa kanya." Iyon ang sinabi sa kanya ng kanyang katabi. "Romero? Malakas bang maglaro iyon?" Napapaisip na tanong ni Karlo na agad tiningnan ang