Chapter 31 HINDI nakapasok si Ricky kinabukasan. Suhestyon na rin ito ni Coach Erik at naipagpaalam na rin siya sa mga professors nito. Kung tutuusin ay kaya na ni Ricky na pumasok, pero dahil iyon ang sinabi sa kanya ng kanyang coach ay wala siyang magagawa kundi sundin iyon. Isa pa, pinagbawalan muna siyang mag-practice ng dalawang araw. Tutal, ang next game nila ay next week pa sa araw ng Miyerkules. Kasalukuyang nakaupo si Ricky sa salas habang pinapatalbog ang bola. Siya lang mag-isa ang nasa bahay nang sandaling iyon. Masaya nga siya dahil nakadalawang panalo na ang kanilang team. Hindi na sila winless team. Masaya rin siya dahil nakita niya na masaya ang kanyang teamates. Hindi nga niya lubos maisip na magiging ganito ang lahat. Nang makasali siya sa team, tanging sina Macky, Kier