KINABUKASAN, pagpasok ni Ricky sa school ay pansin niyang tila may ilang estudyante ang nakatingin sa kanya. May ilan din na tila pinag-uusapan siya. Inaasahan na niya rin ito, lalo pa't ang bilis kumalat ng balita tungkol sa nangyari kahapon. Maging ang kanyang mga kaibigan ay ganoon din. Si Reynan nga ay tinawagan pa siya para kumustahin. Wala naman siyang nagawa kundi ang sabihin ang kanyang dahilan. Kaya niya lang nagawa iyon ay dahil nainis siya kay Ibañez. Sinaktan kasi nito si Mika. "R-ricky..." Napahinto na lang sa paglalakad ang binata nang marinig na may tumawag sa kanya. Nakatayo na ito sa kanyang harapan. Si Mika! Si Ricky ay pinagmasdan ang dalaga at nginitian ito. Lumunok ng laway ang binata at doon na niya binati ang dalaga. "Good morning. Hi!" Napapangiting pilit na sin