"ANO na? Itutuloy mo ba ang pagpapakasal kay Sir Nicolas o good bye seven million na?"
Parang sirang plaka na paulit-ulit na nag-replay sa utak ni Kan ang tanong na iyon ni Ogie. Parehong ekis sa kaniya ang dalawang iyon. Alin man ang pipiliin niya ay parehong talo siya. Pero kung iyong unang tanong ang pipiliin niya, matalo man siya pero siguradong mananalo naman sila kay Simon. Hindi makukulong ang Tatay niya at maisasalba pa niya lahat ng ari-arian nila.
Hindi katulad kapag ang pangalawang tanong ng kaibigan niya ang pipiliin ni Kan na talunan silang lahat kapag wala siyang maiuuwi na limang milyon sa pamilya niya.
Pero malay mo, sa two days na natitira ay may himala pang mangyayari. Baka puwede mo pang tawagan si Simon at madaan siya sa maayos na usapan. biglang sabat ng isip niya at iyon ang nanaig kay Kan sa mga oras na iyon.
"I'm sorry, Ogie." She sighed habang nakatingin sa kaibigan. "Pero hindi ko talaga kayang magpakasal at makasama sa isang bubong ang lalaking saksakan ng..." At saka lumipad ang tingin niya kay Nicolas na nakatingin din pala sa kanila, at tiningnan ito ng masama, "babaero!" hiyaw niya rito at sabay talikod.
Dire-diretso lang si Kan patawid sa kalsada kahit parang lutang ang isip niya. At hindi niya napansin ang mabilis na sasakyan na papunta sa kaniya.
Nagulat na lang siya nang biglang may yumakap sa kaniya na matitipunong braso. Pagkatapos ay binuhat siya palayo sa gitna ng kalsada. Magwawala na sana siya nang makita niyang si Nicolas iyon. Pero biglang may isang sasakyan pa ang dumaan at binuhat na naman siya hanggang sa pinakatabing kalsada.
Narinig ni Kan na napamura nang mahina ang binata. Pero nang ma-realize nilang dalawa na yakap-yakap pa rin siya nito ay mabilis itong napabitaw sa kaniya. At ganoon din si Kan. Lumayo agad siya rito. Pero nanatili sa kaniya ang amoy ni Nicolas. Para iyong nakakaadik. Iyong tipong amoy na hahabol-habulin ng ilong mo.
Tse! Tumigil ka nga, Kan!
"Kung magpapakamatay ka lang din naman, asawahin muna kita," sabi nito sa kaniya. Halatang natigilan ito sandali habang nakatitig sa kaniya. "Sayang ang ganda mo."
Bolero talaga ang kolokoy na 'to!
Pero aminado na naman si Kan na guwapo talaga ito. He was so charming. Kaya kahit anong pagpapa-cute nito ay parang natural lang. Hindi nakakainis. Ang pagiging playboy lang talaga nito ang nakakabuwisit.
"Lahat naman ng babae sa'yo ay maganda. Tatak playboy talaga," bubulong-bulong na wika ni Kan.
"What did you say?"
Nakapamaywang siya. "Ang sabi ko, mas pipiliin ko pang mamatay na lang kaysa ang magpasakal sa'yo."
"Ako rin naman. I hate marriage." Mahahalata ang amusement sa mukha nito kahit medyo napangiwi nang banggitin ang salitang 'marriage'. "Allergic ako sa commitment."
"Gano'n naman pala, eh. Bakit kailangan mo pang magbayad ng pitong milyon para magkaroon ng asawa?"
Tumaas ang dalawang kilay nito. "Dahil may babae na gusto akong pikutin kaya kailangan ko ng babae na magpapanggap na asawa ko para tantanan na niya ako. Didn't Ogie tell you that?"
She smirked. "At walang babae ang pumayag dahil natakot na baka pagsamantalahan mo?"
Natawa ito. "I don't take advantage of women. They give themself freely to me."
"O, iyon naman pala, eh. So bakit mo pa ako kinukulit?" Iyon lang at tumalikod na si Kan. Eksakto namang malinis ang kalsada kaya nagmamadali na siyang tumawid habang wala pang dumadaan na mga sasakyan.
"What the--hey! Kan! Wait!"
Hindi niya pinansin ang binata at nagtuloy-tuloy lang sa paglalakad hanggang sa maabutan siya nito at pinigilan sa braso at nahila na naman siya pabalik sa tabing kalsada. Naniningkit sa inis ang mga mata na nilingon niya ito.
"You are so annoying. Can't you please just leave me alone? I already said 'no' from your offer, Mr. Gonzales," wika niya sa iritadong boses nang pihitin siya nito paharap dito. Sabay tingin sa braso niyang hawak pa rin nito. "Bitiwan mo ako bago pa kita masipa riyan."
Ngumiti lang ito. Ayaw pa rin siyang bitiwan. "I won't. You badly need my money and I want to help you."
Pinukol niya ng matalim na tingin si Nicolas. "Kung manggagaling lang din naman sa'yo, salamat na lang." Nagpumiglas uli si Kan. "Now, let go of me!"
"Bakit ba kung magsalita ka ay parang kilalang-kilala mo ako?" Binalewala nito ang pagpupumiglas niya. "Do you really know me?"
She stilled for a moment. Oo nga pala. Nagpanggap nga pala siya sa unang pagtatagpo nila na hindi niya ito kilala.
"N-nabasa kita sa magazine kahapon lang," palusot na lang ni Kan.
"At naniwala ka naman agad?"
"Oo," mabilis na tugon niya habang matalim pa rin ang titig sa binata. "Kaya ka nga napikot, 'di ba?"
Tinalikuran niya ito nang mabawi niya ang braso pero nakakailang hakbang palang siya ay napigilan na naman siya nito.
"Huwag kang umalis. Tataasan ko ang offer. I'll make it ten million pesos. Just be my wife."
Sa hindi niya malamang dahilan ay sumikdo ang puso niya sa binitiwan nitong salita. Kaya naman nilingon niya ang binata para alamin kung bakit ganoon ang reaksiyon ng puso niya pero mas dumoble pa ang bilis ng t***k niyon nang magtama ang mga mata nilang dalawa.
At batid ni Kan na hindi iyon dahil nalula siya sa laki ng offer nito sa kaniya.
"A-anong..." Ano ba itong nangyayari sa'kin?
"Hindi kita iti-take advantage kung iyon ang ikinakatakot mo. I promise. Just say 'yes'." Nag-iwas ito ng tingin na para bang nahihiya na nagsusumamo ito. Mukhang hindi nga ito sanay. "Gusto ko talagang makatulong sa problema mo. But first, help me with my dillemma."
Inaamin ni Kan na malapit na siyang pumayag dahil kung tutuusin ay pareho lang naman silang desperado na malutas ang kani-kanilang problema.
"Come on, Kan. Huwag mo nang pahirapan ang sarili mo. Rest assured na ibibigay ko sa'yo ang half ng ten million right after our wedding today. At puwede mo na agad mapadala sa family mo."
He was right. Kapag pumayag siya, ngayong araw agad ay lutas na ang problema niya. At kung tutupad ito sa sinabi na gagawin nang ten million ang deal nila, may matitira pa siyang five million. And that's a huge amount already. Puwede na siyang umuwi sa Pilipinas. Mag-business na lang ng restaurant. At siya ang magiging chef doon kagaya ng pangarap niya. Makakasama pa niya uli ang buong pamilya niya.
Pero...
"It is still no. Ayokong makipag-deal, at lalong magpakasal, sa lalaking walang ginawa kundi ang maglaro sa mga babae!" Nang sabihin niya iyon ay lumingon siya sa kalsada. At nang walang dumaan na sasakyan ay patakbo na siyang lumayo kay Nicolas.
Mabuti na lang ay may dumaan na sasakyan. Sunod-sunod. Kaya hindi na ito nakahabol sa kaniya.
Nice offer, Nicolas. Pero hindi ko papayagan na may lalaking kagaya mo ang makapasok na naman sa buhay ko. kuyom ang mga kamao na wika ni Kan sa sarili habang walang lingon na papalayo sa lugar na iyon.