INAANTOK pa si Kan nang magising siya kinabukasan. Tinanghali pa siya dahil hindi niya narinig ang tunog ng alarm clock. Magdamag kasi siyang naghanap ng puwedeng mahingan ng tulong na kayang magpahiram ng limang milyon. Pero naubos na niya kalkal ang lahat ng social media friends niya at pati na rin ang contacts ng cellphone niya ay wala talaga siyang nahanap.
At naiintindihan naman iyon ng dalaga. Sa hirap ng buhay ngayon ay imposibleng may magpapahiram o magbibigay sa kaniya ng ganoon kalaking halaga ng pera.
Alam naman na ng kaniyang Auntie Vilma ang problema ng pamilya nila. Nag-abot na rin ito ng tulong pero barya lang yata ng halaga na kakailanganin niya. Bagaman at nangako ito na gagawa ng paraan para madagdagan iyon ay batid ni Kan na hindi pa rin iyon sapat.
Dahil tanghali na kaya pagkatapos maligo ay gumayak na lang si Kan para pumasok sa trabaho. Hindi na siya kumain ng almusal at nagdala na lang ng biscuit para may makain siya habang nasa bus.
Pero kahit hindi na siya kumain ng almusal ay parang ma-le-late pa rin siya. Kahit siguro mag-taxi siya ay ganoon pa rin. Mahirap makakuha ng taxi sa lugar na iyon.
Ayaw kasi niya ng nahuhuli sa pagpasok. Para hindi masabi ng mga kasamahan niya na porke't pamangkin siya ng may-ari ay hindi na niya sinseryoso ang trabaho.
"Ipapaliwanag ko na lang mamaya kay Auntie Vilma sa personal," kausap niya sa sarili pagkatapos niyang i-text ang tiyahin para ipaalam na baka ma-late siya, at humingi na agad siya ng pasensiya.
Habang nag-aabang ng bus ay biglang may tumigil na kulay gray na kotse sa harapan ni Kan. Kaagad na sumama ang timpla ng mukha niya nang bumukas ang bintana niyon at iniluwa ang guwapong mukha ni Nicolas.
"Good morning, Kan," nakangiting bati nito sa kaniya.
Dahil ayaw ng dalaga na umagang-umaga ay masira agad ang mood niya kaya pinigilan niya ang sarili na magsungit. "Good morning din," pormal ang mukha na bati rin niya rito. At hindi niya alam kung tama ba ang nakita niya na mas lumawak pa ang pagkakangiti ng lalaki.
"Papasok ka na sa work?"
Tumango lang siya nang bahagya. "Uh-uh."
"Sumabay ka na sa'kin," nakangiti pa rin na offer nito sa kaniya. "Tutal, doon rin naman ang way ko papunta sa Happy Life," ang financial company ng pamilya nito at pinagtatrabahuan ni Ogie ang sinasabi ni Nicolas. "Idadaan na lang kita sa restaurant na pinapasukan mo."
"Salamat na lang pero hindi na kailangan," malamig pa rin na tugon ni Kan at saka naglakad nang kaunti para makaiwas dito.
Pero kumunot ang noo niya nang pinaandar din nito ang sasakyan at sinundan siya sa bagong kinatatayuan niya. Hindi na lang niya ito pinansin at hinintay na lang ang pagdating ng bus.
"Kan," tawag uli nito sa kaniya. "Sakay ka na. I know na kailangan mo nang makarating sa trabaho mo dahil ma-le-late ka na."
"No need na nga, 'di ba?" Kinunutan na niya ito ng kilay para ipaalam na malapit nang maubos ang pasensiya niya. Buti sana kung hindi niya alam na may kailangan ito sa kaniya.
"Take my offer, Kan," giit nito. Hindi nga lang niya alam kung aling offer ang sinasabi ng binata. Ang sumakay sa kotse nito o ang magpakasal dito.
"Both, ayoko," sagot na lang niya at tuluyan nang nasira ang mood niya.
Kahit hindi siya nakatingin kay Nicolas ay narinig naman niya na pinatay na nito ang makina ng sasakyan. At mula sa kaniyang peripheral vision ay nakita niya na bumaba ito mula roon. Iniwan lang nitong nakabukas ang pintuan.
At ilang saglit pa ay nakatayo na ito sa harapan niya. He did not look like a CEO at all. He was just wearing casual wear. Dark blue fitted T-shirt on top, slim-fit jeans in the lower part, and paired it with brown leather boots.
But whether she admits it or not, Nicolas has got the winning look. Napaka-masculine ng dating nito dahil sa outfit na iyon!
"But I insist. I know how much you value your job," anito at sinundan ng makalaglalag panty na ngiti.
She looked sharply at him. "Huwag mo nga akong kinukulit. I know naman na ginagawa mo lang ito para pumayag akong magpakasal sa'yo. Pero sorry ka na lang, mister. Dahil 'no' pa rin ang sagot ko."
"Come on, Kan. Believe me, hindi iyon ang dahilan kung bakit kita gustong isabay sa kotse ko. Ayaw ko lang talaga na ma-late ka. Saka na ako magpo-propose uli sa'yo kapag guwapo na uli ako. Hindi pa ako naliligo, eh. Sa bar na kasi ako nakatulog kagabi. Kapag nasa nasa penthouse o bahay kasi ako, kinukulit lang ako ni Honoka. Iyong babae na gustong pumikot sa'kin."
Teka... Bakit ba ito nagpapaliwanag sa kaniya? Pakialam ba niya sa mga whereabouts nito?
Hinayaan lang ni Kan na magsalita nang magsalita si Nicolas. Hindi niya ito pinapansin. Matibay ang dibdib niya sa mga pambobola. Pinatibay na ng mga pinagdaanan niya sa maling tao at pag-ibig.
Hanggang sa tumunog na ang alarm clock sa cellphone na hawak ni Kan. Ibig sabihin ay may ten minutes na lang siya bago ma-late sa trabaho. Eh, biyahe pa lang ng bus ay twenty minutes na. Tapos magpapalit pa siya ng uniform at magki-"clean as you in" bago mag-in sa trabaho.
Kung papayag siya sa inaalok ni Nicolas na isabay siya nito, posibleng makakarating agad siya sa restaurant. Pero siguradong iisipin lang nito na mabilis siyang bumigay at lalo lang siyang kukulitin nito.
Ngunit batid naman ni Kan sa kaniyang sarili na kahit ano pa ang gawin nito ay hindi pa rin talaga siya magpapakasal dito.
"Okay," sa wakas ay pagpayag niya. Humarap siya rito at tiningnan ito. "Pero gusto ko lang linawin sa'yo na hindi porke't pumayag na akong magpahatid sa'yo, ibig sabihin ay papayag na rin akong magpakasal sa'yo. Clear?"
He smiled handsomely at her. "Clear." Then he motioned his hand for her to get into his car. "Ladies' first."
Malalim na napabuntong-hininga na lang si Kan bago pumasok sa loob. Pero dahil ang nasa katabi ng driver's seat ang nakabukas na pinto at hindi niya alam kung paano buksan ang nasa backseat kaya wala siyang nagawa kundi ang umupo sa tabi ng driver. Na hindi nagtagal ay inokupa na ng binata.
Napakislot ang dalaga nang bigla na lang itong dumukwang palapit sa kaniya at walang ano-ano na isinuot sa kaniya ang seatbelt. "For a safe ride," paliwanag nito at saka kumindat sa kaniya nang mahuling natigilan siya.
Nag-iwas na lang ng tingin si Kan at tumingin sa labas ng bintana. Nang umandar ang sasakyan ay saka niya pasimpleng tinapik-tapik ang dibdib dahil sa biglang pagbilis ng t***k niyon na hindi niya alam ang dahilan.