3: Sharp Memory

2473 Words
Thea immediately threw herself on the bed when she got home. This is what she loves about living alone. Kapag nasa bahay siya paniguradong pakikialaman na naman ng mommy niya ang paghiga niya. She would always want her to change clothes. Napaka-metikulosa. Pati mga damit niya ay pinapakialaman. Kaya kasundong-kasundo nito ang kapatid niyang fashion designer. Siya naman kasi walang pakialam sa damit basta kumportable siya ay okay na sa kanya. She doesn’t like men drooling over her. Ayaw niya ng binabastos siya dahil lang sa suot niya kaya hindi siya masyadong nagpapakita ng balat. Speaking of “binabastos”, she closed her eyes forcibly and inhaled deeply. Naalala na naman kasi niya ang sinabi ni Vance kanina bago sila lumabas ng laboratory. She felt uncomfortable about it. Kaya noong nakalabas sila ay sinabi niya rito na hindi siya kumportable sa mga ganoong banat nito. She expected a wide grin or another joke from him but he just said “okay” and never spoke again. Sa pangalawang beses, pakiramdam niya ay iniwan na naman siya sa ere dahil sa pananahimik nito. Nagsalita lamang ito nang makabalik na sila sa VLF building. Sinabi lang nitong kailangan niyang bumalik ng isla at mag-stay doon ng isang linggo para makita ang proseso sa loob at kung ano ang dapat pang gawin para mapaganda ang laboratory. ----- She wasn’t able to sleep that night so she just prepared her luggage for a weeklong stay at the island. Tinawagan na rin niya ang mga magulang dahil baka puntahan siya ng ina sa condo. Kapag hindi siya madatnan doon, siguradong makakarinig na naman siya ng litanya. At 27, pinapagalitan pa rin siya nito kapag hindi siya nagpapaalam. Kahit noong nasa abroad siya at namamasyal sa ibang bansa, nagagalit ito kapag hindi niya ipinapaalam sa kanila at makikita na lang ang mga pictures niya sa social media. “I am still your mother, Thea Kimberly Samaniego.” She would always hear her mom say. Kaya kahit nakabukod siya ipinapaalam niya pa rin kung saan siya nagpupunta. Sinabi na lamang niya na may in-house training siya para sa bagong trabaho. She didn’t give her mom a chance to ask question. Baka ma-excite ito kapag nalamang sa VLF Empire siya magta-trabaho. ____ Maaga siyang nagpunta sa VLF building dahil hindi naman niya tinanong kung anong oras sila pupunta sa isla. Naghintay tuloy siya ng halos tatlong oras sa loob ng opisina ni Vance. Pabalik-balik pa ang sekretarya nito para itanong kung okay lang siya. Hindi naman daw kasi nagsabi si Vance na male-late ito at ayaw din nitong natatawagan sa umaga. Naglakad-lakad na lamang siya sa loob ng malawak nitong opisina. Unang nabubungaran ang table nito na may dalawang magkaharap na upuan sa harapan pagpasok ng opisina. May living area ito sa right side na may mahabang couch at dalawang single couches. May nakamount ding TV sa wall. Sa kanan pa ulit ng living room ay may dining area din at maliit na kitchen area. The kitchen counter serves as a division. Parang ‘yong condo niya lang. She was busy looking around nang makarinig siya ng mahihinang pagtawa. Agad siyang napatingin sa may pinto. She stood frozen. Kitang-kita niya kasi ang biglang paghalik ng babae kay Vance. She blinked twice thinking that she’s only imagining things but their kisses all the more became hotter. Pinamulahan siya ng mukha at hindi agad nakagalaw. Napalunok siya ng ilang beses. Her heartbeats are racing. If she won’t announce her presence, she might see them having s*x with her naked eyes. Just how horny is this green-eyed man? Singberde yata ng galaw nito ang mga mata. Pumikit siya ng mariin. She earned all her courage to fake a cough. “f**k!” Sambit ni Vance nang mailayo ang babaeng kahalikan. Agad itong lumingon sa kinaroroonan niya. “Thea?” Kunot-noo nitong sambit. Ngumiti siya ng alanganin. Tumingin siya sa babaeng kahalikan nito. She recognized the girl. She’s a model. Madalas itong nag-model para sa mga gowns ng kapatid niya. “K-karen, I mean Kara...” Vance muttered looking at the girl. The girl latter shook her head. “Karina pala, please just leave. I’ll call you.” Dagdag ng binata. Parang nainis pa ang babae sa sinabi nito pero hinawakan na ito ng binata sa siko at iginiya paharap sa pinto. Walang nagawa ang babae kundi lumabas ng opisina. “I forgot to instruct my secretary. I’m sorry.” Saad ni Vance nang makita ang luggage niya. Napatango na lang siya. Akala niya ay magagalit ito. Naalala niya ang sinabi nito noon na sa susunod na makita niya itong may kaniig ay isasali na siya. Iyon pa talaga ang una niyang naisip? Tsk! Ipinilig niya ang ulo at iwinaglit iyon sa isipan. Vance went to his desk and dialed on the phone. May tao itong tinawag na pumunta sa loob ng opisina. They were both silent for a moment bago bumukas ang pinto at pumasok ang isang lalaki. “He’s a pilot. He’ll take you to the island.” Hayag ni Vance nang makalapit ang lalaki sa kinaroroonan nila. Akala niya kasama si Vance pabalik ng isla. Hindi pala. Napatango na lang siya. Kinuha niya ang suitcase at tiningnan ang lalaki. He looks young. Sa tantiya niya ay 25 years old lang ito. “Tulungan na kita.” Agad na saad ng lalaki. Ngumiti ito sa kanya. She smiled and was about to hand him the suitcase when Vance suddenly stood from his swivel chair. “Ako na.” Saad nito sa lalaki. Kinuha agad nito ang suitcase mula sa kamay niya. Pakiramdam niya ay nagrigodon ang t***k ng puso niya sa pagdaiti ng kamay nito sa kamay niya. She inhaled deeply to calm herself. Bakit gano’n? Dahil ba crush niya ito dati kaya may epekto pa rin ito sa kanya? She shrugged the thought off. Sumunod na lamang siya sa dalawang lalaki nang lumabas na ang mga ito. “You’ll be using my cottage at the island. The receptionist will usher you when you get there.” Saad nito nang nasa rooftop na sila. Nauna na ang piloto sa chopper. Hindi niya alam kung ano ang isasagot kaya napatango na lang siya. “Use this to access all the doors in the island.” Hawak nito ang isang mahabang gold na kuwintas na may pabilog na pendant, may barcode ang pendant. “Huwag ka lang papasok sa mga quarters ng empleyado, ha?” natatawa nitong dagdag. Napangiti siya. Somehow it made the mood lighter. Aabutin na sana niya ang kuwintas pero naglakad ito papunta sa likuran niya. Nahigit pa niya ang paghinga nang maramdamang isinusuot nito ang kuwintas sa leeg niya. She closed her eyes when she smelled his scent. It was manly but at the same time sweet and soothing to the nose. Kaya siguro madaming nahuhumaling rito. O baka naman humalo lang ang pabango nito sa pabango no’ng babaeng kahalikan nito kanina? Bigla siyang nawalan ng gana nang maalala ang nakita kanina. Pinigilan pa niya ang sariling huminga hanggang sa mailagay nito ang pendant para hindi niya ito maamoy. Hindi siya nagsalita nang maglakad na ito papunta sa helicopter dala ang suitcase niya. He put it inside. Nang makababa ito ay saka naman siya sumakay. Nakatingin lang ito sa kanya. Pakiramdam niya ay may gusto pa itong ibilin pero hindi naman ito nagsasalita. She fixed her seatbelt. “Thea.” Napatingin siya sa binata nang magsalita ito. Nakatayo ito sa tapat ng pintuan ng chopper. “M-may ibibilin ka pa?” Lihim niyang pinagalitan ang sarili dahil sa pagkautal. Why is she so much affected by his presence? “I’ll just call you up.” Sambit nito bago tumalikod. Nakita niyang huminga ito ng malalim bago tuluyang naglakad palayo. Napapailing na lang siyang napasandal sa upuan. _________ Vance said he’d call up Thea but he never did. Ipinagkibit-balikat na lamang iyon ni Thea at nag-concentrate sa mga ginagawa niya. Salitan ang limang chemical engineers sa pag-guide sa kanya araw-araw. For a week she was able to know everything that she needs to know about the laboratory. Lahat ng equipments, machines at mga products na ginagawa sa loob. Nakilala niya rin ang mga empleyado. Sila pala ang nag-ooccupy ng lahat ng suites at cottages. Libre ang lahat ng amenities sa isla. They can eat at the restaurant for free. May bar din kung saan sila tumatambay sa gabi na free din sa lahat. But the employees are disciplined, hindi sila umiinom ng marami at nagtatagal doon dahil may mga trabaho pa ang mga ito kinabukasan. May mga motorboats rin na puwede nilang gamitin papunta sa mainland ng Bataan kung may gusto silang bilhin. May mga ilan kasing empleyado ang nagluluto sa kani-kanilang cottages. Pero kailangan sa private beach resort lang din ng mga Filan dadaong ang motorboat. They have two days off in a week. ‘Yong iba umuuwi ng Manila at sumasakay sa chopper pero kailangang i-arrange ng mas maaga dahil hanggang dalawampu lang ang i-aaccomodate for free every weekend. ‘Yong iba namamasyal lang sa Bataan. ‘Yong iba naman naiiwan na lang sa isla. There are around 150 people in the island. ----- Hindi niya alam kung anong oras siyang susunduin ng chopper pero ibinaba na lamang niya ang suitcase sa living room ng cottage. Sa restaurant na lang din siya kakain ng breakfast habang hinihintay ang sundo niya. The kitchen in the cottage is filled with supplies pero hindi talaga siya marunong magluto maliban sa instant noodles at prito. Kaya sa restaurant lang siya laging kumakain. Pati nga sa abroad dati at sa condo niya umaasa lang siya sa mga take outs. ------ “How was your stay here in the island?” Napahawak pa siya sa dibdib nang marinig ang boses ni Vance. Lumingon siya sa may kusina kung saan nanggaling ang tinig. Napalunok pa siya nang makitang naka-beach shorts lang ito at tumatagaktak pa ang tubig sa katawan. Anong oras ito dumating at nakaligo pa yata ito sa dagat? “You’re all set. Excited kang umuwi?” tanong nito habang nagsasalin ng tubig sa baso. Mas lalo siyang hindi nakapagsalita nang itinungga nito ang laman ng baso. She wanted to avert her gaze but the sight is too perfect to ignore. ‘Yong abs ang nagdala. They looked firm. Bumaba ang tingin niya sa waistline nito. It looked sexy. Bababa pa sana ang mata niya nang bigla siyang tinablan ng hiya. “Ahm, hindi n-naman.” Nauutal niyang tugon. Napatalikod siya at agad na naupo sa sofa nang tumitingin ito sa kanya. She uttered a silent prayer when he sat infront of her. Ibinabandera yata nito ang katawan. “Anong oras ka dumating? Hindi ko narinig ‘yong chopper na lumapag.” Saad niya para ilihis ang ideyang pumapasok sa isip niya. “I didn’t ride in a chopper. Ginamit kasi ng mga kapatid ko lahat.” Tugon nito. Napatango na lang siya. “Is it okay if we travel by land pabalik ng Manila?” Dugtong nito. “Okay lang.” May magagawa ba siya? Pero kailangan niya yatang magdasal para hindi niya maalala ang katawan nito habang nasa byahe sila. Nakahinga siya ng maluwag nang tumayo ito. “May kukunin ka pa ba sa kuwarto? Is it okay if I use it? Maliligo lang ako.” Saad nito nang makatayo. Kahit anong iwas ng mata niya ay napasulyap pa rin siya sa katawan ng binata. “Wala na.” nakangiti niyang tingala sa mukha nito. Ngumiti lang ito at nagtungo na sa hagdan. Sinundan niya ito ng tingin. Kulang na lang mapakagat siya sa labi. It took her a while to calm herself from that wonderful sight. ______ Tahimik lang siya habang nasa passenger’s side ng sasakyan at bumibiyahe na papuntang Maynila. Hindi na naman kasi nagsasalita si Vance. Nag-breakfast lang sila kanina sa restaurant ng isla bago sumakay ng motorboat papunta sa private beach resort ng mga ito kung saan nakahimpil ang sasakyan ng binata. He wasn’t speaking so does she. Kahit gusto niyang magsalita, nahihiya naman siyang magbukas ng usapan. Nagpasalamat pa siya nang tumunog ang cell phone niya. “Hey!” Agad niyang sagot pag-angat ng tawag. It was her closest friend since college. Nagyaya kasi ito na lalabas mamayang gabi kasama ang lima pa nilang kabarkada dahil sinabi niyang pabalik na siya ng Manila. Three of them are already married pero go pa rin sa lakaran. “Tuloy tayo mamaya, ha? Kumusta na pala kayo ni Vance?” Agad namang tanong ng kaibigan niya sa kabilang linya. Napasulyap siya kay Vance. Nahihiya siyang napabaling ng tingin nang magtagpo ang mga mata nila. “Oo. Magku-kuwento ako mamaya.” Tipid niyang sagot sa kaibigan. “Pa-bitin. Ano? Pinatulan ka na ba sa wakas?” binuntutan pa nito ng malakas na pagtawa. She had to distanced her ear from the phone para lang hindi mabingi sa pagtawa nito. Wala kasi siyang naililihim sa mga kaibigan. Her life is an open book to them. “Baliw. As if gusto ko.” Saad niya rito. “Whatever! I’ll see you later, b***h!” tugon lang ng kaibigan niya bago siya pinatayan ng telepono. Napapailing na lang niyang ibinalik ang cellphone sa bag. She saw Vance glancing at her. Agad din naman nitong itinuon ang pansin sa daan. “It was my closest friend from college. Lalabas kasi kami mamaya with some friends.” Hayag niya kahit hindi naman siya tinanong ng binata. Mukha kasi itong curious. Napatango ang binata. “Was it Rose? Or Marjorie?” sulyap nito. She was taken aback. “Kilala mo sila?” Hindi makapaniwala niyang tanong rito. Napasulyap naman ito sa kanya nang may kunot sa noo. “They were our classmates.” Sambit nito. She knows that. Pero hindi naman sila kinausap ng lalaki ni minsan at never din nila itong kinausap. So, she presumed they were invisible to him. “Alam ko kaya lang hindi ko lang inexpect na kilala mo sila. I mean kami.” Sambit niya. Vance smiled. “I can memorize the periodic table of elements including all their properties and origin. Shame on me if I can’t even memorize the names of my classmates for four years.” Saad nito. Her jaw literally dropped at what he said. Itinikom lang niya ang bibig nang sumulyap ito at ngumiti ng matamis. Napalunok siya. He looked so handsome when he smiles. “You have four other friends, right?” tanong nito. Napatango siya. She was about to name them but he immediately spoke. “Leah, Candice, Hannah and Shien.” Sambit nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD