4: Breather

1742 Words
Out of courtesy, inimbita ni Thea si Vance para mag-snacks sa café malapit sa condo tower niya pero tumanggi naman ito. He said he still needs to go somewhere. Nahiya tuloy siya dahil sinundo siya nito. Busy pala ito. Puwede naman kasi sanang ipinagpaliban na lang niya ang pag-uwi hanggang sa mayroon nang available na chopper para sumundo sa kanya. She doesn’t want to think that he’s treating her special but she can’t help it. Kilala pa kasi nito kung sino ang mga ka-close niya noong college sila. But that should not be her concern. Alam naman niyang maraming babae si Vance. Ayaw na niyang dumagdag pa. That realization gave her headache kaya itinulog na lamang niya ng ilang oras bago nakipagkita sa mga kaibigan niya ng bandang hapon. As usual, her friends are very inquisitive. Hindi siya tinantanan hangga’t hindi siya nagkuwento ng tungkol sa pagkikita nila at pagka-hire niya sa kumpanya ni Vance. Kilig na kilig din kasi ang mga ito sa lalaki kahit ang tanda-tanda na nila. They never believed the rumors about Vance when they were in college. Kahit na ikinuwento niya ang nakita niya sa library noon. Hindi naman daw kasi nila nakikitang nakikipag-usap sa mga babae si Vance. Hindi pa nakuntento sina Candice at Rose sumama pa talaga sa condo niya para makitulog baka may maalala pa daw siyang ikuwento. Kapareho niya kasi ang dalawa na single pa rin kaya ayos lang na magpunta kung saan-saan. Gusto rin sanang sumama ni Marjorie pero tinawagan na ito ng asawa. Alas onse na ng gabi sila naghiwa-hiwalay. Rose immediately rummaged her closet. Kumuha na ito ng pamalit na damit. Ka-size niya lang kasi ito at sanay na silang naghihiraman ng damit kapag nakitulog sa pad ng isa’t-isa kahit noong college pa. Candice brought her own clothes. Dinaanan nito kanina sa bahay nito bago sila tumuloy ng condo niya. They were busy watching a movie while laughing at some anecdotes when her phone rang. Inabot agad ito ni Rose at nanunudyong tumingin sa kanya. “New number. Baka si Baby Vance na ‘yan.” Tudyo nito habang ibinibigay ang cell phone sa kanya. Agad nitong hininaan ang volume ng TV at lumapit para makinig. “Hello?” she uttered holding the phone near her ear. “Did I disturb your sleep?” Her heart leaped. It was really Vance. Itinulak niya ang kaibigang sobrang lapit sa telepono. Nanunudyo naman itong tumingin at sa kanya at nagbantay sa harap niya pati si Candice ay nakisali rin. “No, I’m actually watching a movie.” Walang sound ang pagtawa ni Rose habang pinipigilan siyang tumayo mula sa sofa. Hinayaan na lamang niya ang mga ito. “Really? What movie?” “Bakit napatawag ka?” tanong niya sa halip na sagutin ang tanong ng binata. Ang laki kasi ng ngiti ng dalawang nakikinig sa usapan kapag sinagot niya ang tanong baka mapatili ang mga ito. “Yeah. About that. I won’t be in the office on monday.” Vance answered blandly. “Nagpapaalam. Ang sweet-” Pinandilatan niya ang kaibigang nagsalita. Lumapit pala ito at nakinig. Natatawa nitong itinikom ang bibig at nakipag-high five pa kay Candice. “Sino ‘yong nagsalita? May kasama ka ba diyan?” tanong ni Vance. “Wala. ‘Yong TV lang ‘yon. Pinatay ko na.” “Okay . As I was saying, wala ako sa opisina sa lunes pero darating ‘yong maglalagay ng table and filing cabinet mo sa office.” Umpisa nito. Hindi siya nakasagot agad. Saglit siyang napaisip sa sinabi nito. “Will you please help them re-decorate the office? I mean instruct them where you want to place the furniture. Bahala ka na sa ayos na gusto mo.” Dagdag nito. Saka lang nag-sink in sa utak niya ang sinasabi ng binata. He wants her to stay in his office? “Are you sure?” She asked. “Yes. Alam ko namang hindi mo guguluhin ang office ko.” Natatawa nitong tugon. “No. I mean. Do you want me to stay inside your office? Hindi ba parang nakahihiya?” Sambit niya. Hindi makapaniwalang nakatingin ang dalawang kaibigan na nakatitig lang sa kanya at nakikinig sa mga sinasabi niya. “I actually want you near me.” “Ano?” “Uhm, I mean I want you to be always at reach. I don’t have much time for the pharma lab so you’ll be doing most of the works for me.” Paliwanag nito. Napa-oo na lang siya. Pagkababa pa lang niya ng tawag, hindi na siya tinantanan ng dalawang kaibigan na hindi sabihin ang napag-usapan nila. Wala tuloy siyang nagawa kundi magkuwento. Kilig na kilig pa ang dalawang bruha. Ewan niya kung bakit. She can’t see anything special about it. If she was special, he would’ve taken advantage of her invitation awhile back. Iyon ang ipinapaliwanag niya sa mga kaibigan pero hindi nila ito pinapakinggan. Sometimes she thinks her group of friends is odd. ‘Yong mga iba kasi kapag lalaking katulad ni Vance kuntodo pigil na sa kaibigan para hindi ma-inlove. But her friends are different, they are even pushing her towards him. Her Saturday was spent with friends. Lumabas pa kasi sila kinabukasan. On Sunday, she went home and spent it with her family. Her mom was so ecstatic when she said that she’ll work at VLF. Noon pa man kapag nakare-receive siya ng invitation galing sa mga Filan kapag may okasyon, Mommy niya ang nagtutulak na pumunta siya pero hindi siya nagpupunta. Alam naman kasi niya na ang imbitasyon ay out of courtesy lang dahil kaklase niya si Vance. Lahat silang magka-klase ay automatic na nakaka-receive ng invitation kaya kapag may natatanggap siya ay itinatago niya sa Mommy niya. Kahit noong ikinasal ang isa sa mga triplets at pinipilit siya ng mga kaibigang pumunta ay hindi talaga siya nagpunta. Hindi naman kasi niya ka-close sa isang ‘yon dahil iba ang section nito. The triplets had different sections when they were in high school. Si Vance lang ang naging kaklase niya sa tatlo. _____ Sinalubong siya ng sekretarya ni Vance pagpunta niya ng opisina. “Engr. May hired interior decorator na inutusan si sir pero kayo pa rin daw ang masusunod.” Saad nito habang iginigiya siya papasok ng opisina. There are already four men inside. Agad namang lumapit ang interior decorator at ipinakita sa kanya ang sketch ng gagawing pagbabago. Minimal lang naman ang mangyayari. Ire-rearrange lang ang sala set para spacious pa rin ang dating kahit na maglalagay ng filing cabinet at table niya. “Pwedeng pagpalitin itong filing cabinet at table?” tanong niya sa decorator. Napangiti naman ang lalaki. It was actually her first time to deal with a male interior decorator. Nakakapanibago. May equality na talaga pagdating sa gender roles. “Hindi na po kayo magkakakitaan ni sir Filan.” Komento nito. That’s exactly her point. Halos katapat lang kasi mismo ng table nito ang table niya kaya siguradong kita nito lahat ng galaw niya. Kapag pinagpalit naman ang cabinet at table, puwede niyang iusog ang swivel ng kaunti para hindi siya nito makikita. “Mas okay ‘yan para hindi masyadong awkward kapag may kausap siya.” tugon niya rito. Napatango naman ito kahit mukhang hindi kumbinsido. “Kapag may gusto pa daw po kayong ipadagdag na gamit sabihin niyo lang para ma-order agad.” Singit ng sekretarya. “Wala na siguro.” Tugon na lamang niya. Pareho kasi silang minimalist ng lalaki. Ayaw niya rin ng masyadong maraming dekorasyon para kasing mas magulo tingnan kapag gano’n. Nanatili lang siya sa reception area kung nasaan ang sekretarya ni Vance habang inaayos ang loob ng opisina. Gumawa na lang siya ng report ng tungkol sa mga nakita at nalaman niya sa island para may maibigay sa boss kung sakaling magtanong ito. She was busy typing on her laptop when she smelled a familiar scent – manly but sweet and soothing. “How’s our office?” Nakangiting mukha ni Vance ang bumungad sa kanya pag-angat niya ng tingin. He’s leaning on the desk. His face is only a few inch away. Itinulak niya ang lamesa para lumayo ng kaunti ang upuan. His nearness suffocates her. Natatawa namang umayos ng tayo ang binata. “Come with me.” He ordered before moving towards the door of his office. Huminga na lamang siya ng malalim bago sumunod. “Akala ko hindi ka pupunta ngayon dito.” Saad niya nang magpang-abot sila. “Can’t I change my mind?” baling naman nito sa kanya nang may pilyong ngiti. She must not forget he is the boss. Hindi na lamang siya nagsalita. “Why did you exchange the cabinet and the table?” tanong nito nang makita ang ayos ng opisina. Patapos na pala ang mga nag-aayos sa opisina. “Can’t I change the plan?” balik-tanong niya rito. “I figured that.” Napailing ito at natatawang tinungo ang upuan nito. “Will you try your sitting on your swivel?” Nakangiti nitong saad nang makaupo sa puwesto. She didn’t even think twice. She immediately went to her chair. Sinadya niyang umusog ng kaunti para hindi siya makita ng binata. This is better. “s**t. What happened to the world?” Vance exclaimed. Napatayo siya para tingnan ang binata. Napakunot-noo siya nang makitang okay naman ito sa pagkakaupo. “Where is justice in interior designing?” tanong ng binata sa decorator. Napatawa naman ang lalaki pero hindi ito nagsalita. Hindi niya maintindihan ang dalawa kaya bumalik na lamang siya sa pagkakaupo. Nagpaalam na rin ang mga lalaki nang maayos na ang lahat. “You can never hide, Thea.” Napapitlag siya nang marinig magsalita ang binata. Nakatayo na pala ito sa harap niya. Itinuloy kasi niya ang ine-encode kanina. Vance laughed when he saw her reaction. “You look scared. Wala akong gagawing masama sa ‘yo.” Natatawa nitong sambit. Bahagya pa siyang pinamulahan. Nakakahiya lang kasi kung mukha siyang takot. “Hindi naman ako natatakot. Nagulat lang.” Depensa niya. Vance chuckled. “Good. Let’s have lunch then.” Nakangiti nitong anyaya. She wasn’t able to answer. He looks so handsome. Mas lalo siyang natameme nang kumindat pa ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD