2: His Personality

2244 Words
“Follow me. I’ll show you the laboratory,” tipid na saad ni Vance nang pumasok si Thea sa opisina nito. After days of meditating she finally decided to accept the job offer. Maganda kasi ang benefit package at ito rin ang pinakamalaki at respetadong pharmaceutical laboratory sa bansa. She is more than sure they also have a state-of-the-art laboratory. Gaya ng sa ibang bansa kung saan siya nagtrabaho. Tahimik lang ang lalaki habang naglalakad. She was a bit puzzled by his silence. It was different from the Vance she encountered the last time. Tahimik na lang din siyang sumunod nang pumasok ito sa elevator. Base sa research niya, walang ibang company address ang pharmaceutical company kundi sa mismong building ng mga Filan kaya hindi na siya nagtanong pa nang makitang paakyat sa top floor ang elevator kung saan sila nakalulan. Napakunot-noo siya nang lumabas sila sa mismong rooftop. It’s not a laboratory but a helipad. She was more than startled when Vance stepped towards the helicopter. Ngumiti at bahagyang yumuko ang lalaking nakatayo malapit doon bago naglakad papuntang elevator. Nilagpasan lang siya ng lalaki. Sinundan niya ito ng tingin. Napalingon lang siya nang marinig ang pagtikhim ni Vance. “Let’s go?” aya nito. Naguguluhan man ay napatango na lang siya. Inalalayan siya nitong makapuwesto sa cockpit area. It wasn’t her first time to ride in a chopper. Her father once had one when she was younger. Hindi nga lang naalagaan kaya binenta na lang. Natigilan pa yata si Vance nang makitang nakaayos na siya nang sumakay ito sa tabi niya. Pero hindi ito nagsalita. Gusto niyang itanong kung saan ang lab na tinutukoy nito pero hindi na ito nagsalita. He immediately put his seatbelt and headset then, turned on the throttle. He adjusted the collective and pushed the pedal. Marunong talaga ang binatang magmaniobra ng helicopter kaya nakahinga siya ng maluwag. A moment later they are already leaving the ground. ______ Lumapag sila sa isang isla. Hindi niya alam kung saang banda na sila ng Luzon. Nahiya siyang magtanong. Hindi rin kasi nagsasalita ang lalaking kasama niya. Parang pangkaraniwang island resort lang naman ang isla. May mga two-floor cottages, may parang pinaka-main hotel na mas malaki kaysa sa cottages na two-floor din at may restaurant. Ang kaibahan lang wala masyadong tao. May nakita lang siyang ilang tao na pumapasok sa restaurant ng resort pero mukhang mga empleyado lang naman ang mga iyon dahil naka-uniform. “Let’s eat first. I’m starving.” Saad ni Vance bago naunang naglakad papunta sa restaurant. She was right. Puro employees lang talaga ang nandoon. Kinabahan tuloy siya. Para kasing ghost island ang pinuntahan nila. Idagdag pa ang tinging ipinupukol sa kanya ng mga empleyado sa loob ng restaurant. Pero ang guwapo naman nitong multo na nasa unahan niya kung sakali. Binati si Vance ng mga empleyado pagpasok nila. Manager pa ang nag-asikaso sa kanila. She didn’t speak when he ordered food. Hindi rin naman siya tinanong. Inilabas niya ang phone. Nagpasalamat siya nang makitang may signal naman ito. At dahil hindi nagsasalita ang kaharap niya, hinanap na lang niya sa internet ang lugar kung nasaan sila. Alam niyang papuntang west ang direksyon nila kaya tiningnan niya sa arial view kung saan ang pinakamalapit na isla sa Bataan pero wala siyang makita. Even the map of the Philippines didn’t show any island nearby. Nang hindi makatiis ay tumikhim siya para kunin ang atensyon ng lalaking kaharap na abala rin sa sariling cellphone. “V-vance. I mean Sir Filan. Saan ba’ng lugar ‘to?” Lakas-loob niyang tanong. “Don’t call me Sir Filan. It sounds like my dad.” Vance smirked. Napatango siya. Hinintay niyang sagutin nito ang tanong pero hindi na ito muling nagsalita pa. Huminga siya ng malalim para kumuha ng lakas ng loob. “Sir, ano nga pong isla ito?” tanong niya ulit. “Weren’t you my classmate in ChemEng before? The Magna c*m Laude?” tanong nito sa halip na sagutin siya. Saglit siyang natigilan. Parang gusto niyang mapangiti. So, he recognized her? Unti-unti siyang napatango. “Then stop calling me sir. Magka-level lang tayo.” Saad ng binata bago ibinalik ang tingin sa sarling phone. “You were a Summa c*m Laude.” Sambit niya. Technically, hindi sila magka-level. Mas mataas pa rin si Vance. Napalunok siya nang kunot-noo itong napatitig sa kanya. “And you are my boss.” Dagdag niya para panindigan ang naunang pahayag. Nakita niyang napailing ang binata bago ibinalik ang tingin sa hawak nitong phone. “Ano nga’ng lugar ito? May right naman po akong magtanong ‘di ba since magta-trabaho ako dito?” Sinubukan niyang kontrolin ang namumuong inis. She doesn’t actually want to work in a secluded island. Isa pa sa VLF Empire ang business address sa pinirmahan niyang kontrata. Sinabi lang niya iyon para sabihin na nito ang lugar kung nasaan sila. Bakit ba kasi siya pumirma ng kontrata na wala namang nakalagay na address ng pharmaceutical laboratory? That was so stupid for a magna c*m laude. “You will be working closely with me at the VLF Building, not here.” Nagpanting ang tainga niya sa hindi na naman nito pagsagot sa tanong niya. “So anong ginagawa natin dito?” May langkap ng iritasyon niyang tanong. “I do not like repeating myself. I already told you before we went here.” Kalmadong saad ng lalaking kaharap na mas lalo niyang ikinainis. “And I also despise repeating simple questions.”Inis niyang tiningnan ang binata. Nainis siya nang makitang umiling ito habang napapangiti. She prepared a tirade in mind but he already spoke. Itinikom na lamang niya ang bibig. “It’s called VLF Island. It’s near Bataan coast. Don’t try searching it on the internet. It’s not there.” Nakangisi nitong saad. “This is a man-made island and I paid websites a large amount not to include it in their maps.” Hindi siya nakapag-react agad sa sinabi nito. “One more thing. Don’t forget the clause you signed on the contract. You are not allowed to disclose any information about the laboratories.” Dugtong nito. Nainis siya sa tono ng pananalita ng binata. Mukha ba siyang hindi marunong tumupad sa usapan? Tsk! “Why? Are you operating illegally?” tanong niya sa binata. “What do you think?” Vance smirked. “Malay ko. Bakit kailangang discrete ang labs niyo kung hindi ilegal?” taas-kilay niyang tanong rito. “Why did you sign a contract with a company you are unsure of?” balik-tanong ni Vance. His facial expression changed. Mukhang nainsulto ito sa tanong niya. His green eyes suddenly looked so distant. “That’s not what I meant. Of course I trust your company. I just don’t see the point why you need to hide your laboratories.” Sambit na lamang niya. Hindi naman sumagot ang kausap hanggang sa dumating ang mga inorder nitong pagkain. Hindi tuloy siya nakakain ng maayos. Hindi niya kasi alam ang tumatakbo sa isip nito. His silence left her hanging. Tahimik siyang sumunod nang pumasok ito sa main hotel ng isla. They were greeted by some staffs. Tinanguan lang ito ng lalaki at dumiretso sa isang hallway. Sa dulo nito ay may silver door na agad na bumukas nang itapat nito ang mukha sa scanner. She knew it was an elevator when he pushed a button and the arrow down signal blinked. Huminga siya ng malalim nang tumigil ang elevator. Sumunod lang siyang lumabas. They were greeted by an empty receiving area. Sumunod lang siya nang nag-scan ulit ito ng mukha sa isang pintuan. She almost gasped when she saw the wide laboratory. This is far better than the laboratories she ever saw. Sa gitna ang hallway. Sa magkabilang sides ang mga sections ng laboratory. It has glass walls kaya kitang-kita ang nangyayari sa mga sections. She instantly recognized that the one on her right is the tablet section. The machines are working unmanned. As she walked down the hallway she saw the strip packing machine, automatic tablet printing machine, tablet polishing machine, tablet counting machine, rotary tablet press, spray coating machine, mechanical shifter, rapid mixer granulator. Sa kabilang side naman ang capsuling section. The machines are all working on their own. “I don’t think I need to tell you what those are. Just ask if you have questions.” Saad ni Vance habang naglalakad sila. They went to the Liquid and Ointment Section. Inilibot din siya nito sa may Quality Control Section kung saan may ilang empleyado siyang nakita. Nakahinga pa siya ng maluwag nang sa wakas ay makakita ng tao sa loob. Nagpunta rin sila sa packaging sections. She can’t believe there is a wide space like this below the island. Sobrang lawak. Umaalingawngaw ang tunog ng stiletto shoes niya sa buong hallway. Kahit kanina pa sila palakad-lakad hindi niya maramdaman ang pagod. She’s too engrossed and amazed at what she’s seeing. Naglakad pa ulit sila bago nakarating sa isang parte ng lab. “They are the chemists and research chemists.” Turo ni Vance sa mga taong nasa loob. Halos dalawampu ang mga ito na pare-parehong may pinagkakaabalahang kung anu-ano sa mga work area nila. “I invented and will invent all the medicines and vaccines produced or will be produced by this lab.” Vance stated. Napatingin siya rito. Hindi na siya nagtaka. “The chemists do the formula for mass production and testing.” Napatango siya. Chemical engineers are more on designing and troubleshooting processes for the production of chemicals. Hindi nila trabaho ang mag-imbento ng gamot. “Why didn’t you take up BS Chemistry instead of Chemical Engineering?” she asked. Vance smirked at her question. “I’ve been doing what chemists do since high school.” He said matter-of-factly. Napangisi na lang ang loob niya. Ang yabang. Hindi na siya nagsalita. “There are 5 in-house Chemical Engineers here.” Pagpapatuloy nito habang naglalakad. “Your job is to help me improve the whole laboratory processes. If there are new innovations that may be integrated, you’ll help me ratify and see how it would fit with the existing technologies we have.” Huminga siya ng malalim habang napapatango. Sumunod lang siya nang maglakad ito. Pumasok ito sa isang pinto. “These two are marine biologists, the other two are ichthyologists, she’s biochemist, and he’s a biologist.” Isa-isa nitong itinuro ang mga nandoon sa loob. Nginitian niya ang mga ito sa kabila ng pagtataka kung bakit kailangan nito ang mga iyon. They only greeted her before turning to their work tables. Vance went on the side of the room and swiped his palm on the white walls. Unti-unting naging clear glass ang puting dingding. There she saw underwater marine life. “Are we underwater?” tanong niya rito. Vance smiled. “Yes. I do not want to jeopardize any life. That’s why I made this laboratory away from populated areas.” Nakangiti nitong tugon. “The scientists here are turning all the chemical wastes and excess into marine foods and bio-friendly chemicals.” He added leaving her speechless. Wow. This guy is really a genius. Sumunod siya nang lumabas ito. “Diyan sa kabilang side ang mga machines at equipments na nagpro-process no’ng mga excess at chemical wastes.” Turo nito sa kabilang part ng hallway. It has white walls kaya hindi niya ito nakikita. Napatingin siya sa signage na nakapaskil sa dingding. Napailing siya. Sa pinasukan din nila kanina may gano’ng signage pero hindi niya pinansin. “What’s with that No s*x Among Employees signage?” Wala sa loob niyang tanong. Para namang hindi niya alam gawain nito. Ano ayaw lang ba nito mahilig sa gano'n? Vance stopped walking and stared at her. “No pleasure during work hours.” Nakangisi nitong tugon. “Kaya pala may ginagawa kang kababalaghan sa Ladies Room during business hours.” Nakangisi rin niyang tugon. “She’s not an employee.” Agad nitong tugon. “So hindi ka pumapatol sa mga empleyado mo?” balik-tanong niya rito. Her forehead creased when Vance grinned. “What if I don’t? Are you going to retract your signed contract?” He asked with a wide green. Her face flushed at his bluntness. Tumawa ito nang makita ang reaksiyon niya. His laughter echoed. Mas lalo tuloy siyang pinamulahan. She wanted so bad to answer back but she doesn't know what to say. Naumid ang dila niya. “I was just kidding.” Saad nito nang makahuma mula sa pagtawa. Nakahinga siya ng maluwag sa kabila ng pamumula ng mukha. Vance move a step closer. “But to answer your question, yes, I never did it to any of my employees and I don’t have plans to.” Tumingin ito sa kanya ng diretso. Hindi na lamang siya nagsalita pa. “But don’t fret.” He muttered smiling. “You are not an employee. You are my partner engineer, remember? So you might not be spared of the pleasure.” Kindat nito bago natatawang tumalikod at nagpatuloy sa paglalakad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD