“Hey, wait up!” tawag ko kay Jiro na ang bilis maglakad, nasa may sakayan na agad siya ng e-jeepney paikot sa aming campus.
“O, ba’t mo iniwan ang mga kaibigan mo?” tanong niya sa akin.
“May nagpapahabol sa akin, eh.” Ngumiti ako sa kaniya.
“Loko. Baka magalit ang mga yun, lalo na si Tony...”
“Pasensya ka na sa isang yun. Feeling kasi ni Tony, siya ang kuya naming lahat at kailangan niya kaming bantayan at pangaralan lagi.”
Natahimik kaming pareho hanggang sa muli siya’ng magsalita.
“So... bisexual ka pala?” tanong niya sa akin.
“Ang you’re gay.”
“P-paano mo nasabing Bi ka?”
“Hindi lang babae ang mga suki ni Tita.”
Napa-singhap si Jiro sa sinabi ko. “I-ibig mong sabihin... nakikipag s*x ka rin sa...”
“Well, not really sex... puro hand job lang naman... on their part... hinahayaan ko lang silang manansing sa akin.”
Muli kaming natahimik. Napatingin na lang ako nang maramdaman kong kumapit siya sa likod ko.
“Please don’t feel bad for me,” sabi ko sa kaniya.
“I don’t,” sagot niya. “I just can’t believe how incredibly strong you are.”
Napalingon ako noon sa kaniya. “I-I wish I was as strong as you.”
‘I wish I was as strong as you.’
Ilang ulit na nagpaulit-ulit iyan sa isipan ko. Kahit pa nasa bahay na kami, naiisip ko pa rin ito.
“Tita, good evening po!” masayang bati ni Jiro sa tiyahen ko.
“Naku, si Jiro pala, kamusta? Kumain na ba kayo?”
“Hindi pa, Tita.” Dahil pagkatapos ng huling subject namin – na walang imikan, ay dumiretso na kami rito.
“Eh, kumain na muna kayo!”
“Hindi na po, Tita, ihahatid ko na muna `yung order ni Julie, at baka lalo pa akong gabihin pagbalik.”
“S-sasama ako!” biglang sabi ni Jiro.
“`Wag na, sandali lang ako, iiwan ko lang `yung order...”
“Basta, gusto kong sumama... tutulong din ako!” pilit niya.
Alam ko naman ang dahilan kung bakit gusto niya’ng sumama sa akin, eh.
Tumawag na ako ng tricycle. Ipinasok namin ang tatlong bundle ng mga panahi sa loob at sa likod na kami sumakay. Pagdating kina Julie ay nakita kong nakatayo na sa labas ang bakla at naghihintay sa akin.
Ang laki ng ngisi niya nang makita niya akong bumaba ng tricycle. Pero bahagya ito’ng nawala nang sumunod sa akin si Jiro.
“Vic, natagalan ka ata, kanina pa kita hinihintay,” bati niya sa akin. “At sino naman `tong cute na kasama mo?”
“Kaibigan ko po, ate Julie, si Jiro.”
Ngumiti si Julie sa amin. Hindi ko nagustuhan ang ngiti na iyon.
“Good evening po,” bati sa kaniya ni Jiro.
“Jiro? May lahi kang hapon? Konbanwa!” sabi ni Julie, “Dati akong nag-Japan for eight years!”
Ngumiti naman si Jiro sa kaniya, mukhang nahihiya.
“Sige, pasok n’yo na muna ang mga order ko, tapos mag meryenda na rin kayo.”
“Ate, nagmamadali po kami, eh, ipapasok na lang namin ito...” binuhat ko na nga ang isa, at inalalayan naman ako ni Jiro. Talagang pinilit niyang iangat `yung bundle sa likod ko.
Pagkapasok namin ng ikatlong bundle, lumapit ako kay Julie para hingin ang bayad.
“600 pieces po, 72K lahat.” Nag-abot ako sa kaniya ng resibo.
“Nasa taas ang pera ko, samahan mo na muna ako, kunin natin,” tumungin siya kay Jiro. “Sama ka na rin, hijo, sandali lang tayo. Bigyan ko tuloy kayo ng extra para may pang gastos kayo.” kinindatan pa niya si Jiro.
Naramdaman ko ang kamay ni Jiro sa likod ko. Hinatak niya ang laylayan ng t-shirt ko.
“Hintayin ka na lang namin dito, ate, nagmamadali po talaga kami, eh,” sabi ko.
“Eto, naman, sandali lang naman.” Hinimas niya ang balikat ko. “Sige na, pagbigyan n’yo na `ko.”
Inalis ko ang kamay niya sa braso ko. “Pasensya na po, pinababalik kami agad ni Tita. May idedeliver pa po kaming iba.”
Natigilan si Julie.
Tumingin siya sa akin, naiinis, tapos ay pa-ismid na umalis.
“Ayan.” abot niya sa akin ng isang supot ng pera na halos puros barya. “Bilangin mo kung tama. Saktong 72 thousand `yan, walang labis.” Talagang pinagmatigasan niya na ’walang labis’.
Matapos bilangin ang bayad, ipinasok ko ang pera sa loob ng suot kong belt bag at nagpaalam na.
“Salamat po, ate Julie.”
“Hmph. Sige na, umalis na kayo!”
“Bicoy, isa rin ba `yun?” tanong sa akin ni Jiro nang naghahanap na kami ng masasakyan pauwi.
“Anong isa?”
“Sa mga... humihingi ng s****l favors sa iyo?” bulong niya.
Natawa ako. “Oo, kita mo, nairita ang bruha nang `di ko pinagbigyan. Langyang bakla yun, pati ikaw gustong tikman.”
Namula ang mukha ni Jiro. “Sobra... nakakatakot `yun... kung ako nasa lugar mo, `di ko alam kung anong gagawin ko...”
“Kung ikaw ako, tumakbo na ako palayo! Baka mamaya pilitin ka pa no’n! Sa liit mong `yan, wala kang kalaban-laban sa ganoong bakla!” muli akong natawa.
“Eh, `di hindi ko naman nakuha `yung bayad niya sa mga blouse ng Tita mo?” sabi niya. “At isa pa, hindi ako maliit, mas malaki ka lang!”
“`Yun lang... kaya nga `di ka na dapat sumama pa,” sabi ko.
Natahimik sandali si Jiro. “Kung wala ako... kung mag-isa ka lang... papayag ka ba sa gusto niya?”
Nagbuntong hininga ako. “Kung makulit siya,” pag-amin ko. “Huling inaya ako nun, dalawang libo ang bigay niya sa `kin,” sabi ko. “Malaki rin yun. Tamang-tama sa enrollment.”
Hindi na sumagot si Jiro. Pagtingin ko sa kaniya, nakakunot ang noo niya. Nakatiim ang bagang niya at nakakuyom ang mga kamao. Hinawakan ko ang kaliwang kamay niya.
“May gusto kang sabihin?” tanong ko.
“H-hindi ba... p-parang p-prostitution `yun?”
Natawa na lang ako. “Obviously. Kung hihindi naman ako, malamang mawalan ng suki si Tita. Pero okay lang, nasasarapan naman ako, eh. Isa pa, lalaki ako, walang mawawala sa `kin. Iniisip ko na lang na pasalamat ko `yun sa kanila dahil marami order nila sa amin.”
“P-pero... h-hindi ka ba nandidiri?” tumingin siya sa akin, may galit sa mata.
“Nandidiri ka ba sa `kin?”
“H-Hindi!” agad niyang sagot. “Pero...”
“Tao lang sila, tulad mo. Malilibog na tao na naghahanap nang paglalabasan ng init sa katawan. Ako man ganoon din. Naglalabas lang ako ng init. No big deal. Pero kung nandidiri ka sa akin-“
“Hindi ako nandidiri sa `yo!” hinawakan ni Jiro ang kamay ko. Mukhang maiiyak na siya. “Pero ayoko na ginagamit ka nang kung sinu-sino! Ayoko nang...”
“Nang ano?” tanong ko. “Gusto mo ba sa iyo na lang ako?” ngumiti ako nang pang-asar.
Napatitig sa akin si Jiro, nanlalaki nanaman ang mga singkit niyang mata. Tapos ay umiling siya at yumuko. Nakita kong may tumulo mula sa mata niya.
“Hindi... kaibigan lang kita,” sabi niya.
Inakbayan ko siya at ginulo ang kaniyang buhok. “Salamat sa pag-aalala,” sabi ko sa kaniya. “Pero kaya ko `to. Wala `to sa `kin.”
Hinatak ko siya, “Halika, uwi na tayo, baka hinahanap na tayo ni Tita.”
Muli kaming naglakad. May dalawang kanto pa bago namin maabot ang main road kung saan kami sasakay ng jeep pabalik ng Pasig palengke.
Palampas na kami ng unang kanto, nang may biglang umakbay sa amin ni Jiro.
“Hold-up to. Akin na ang bag mo.” bulong sa akin ng lalaki.
Nanlamig ang buong katawan ko.
Naramdaman ko ang matalim na kutsilyo na nakatutok sa tagiliran ko, at alam kong may nakatutok din kay Jiro.
“B-Bicoy...” nanginginig ang boses niya.
“O-okay manong... sandali lang po...”
“Bilisan n’yo! Yang relo tanggalin mo rin! Pati mga pitaka, at cell phone, amin na lahat!” sabi naman ng nakaakbay kay Jiro.
“E-eto na po.” inabot nga ni Jiro sa lalaki ang mga gamit niya.
“`Wag kayong gagalaw!”
Bumitaw na sa akin ang isa. Pero paglayo ng nakakapit kay Jiro, agad akong humabol sa kanila.
“Bicoy!” tawag ni Jiro sa akin.
Nahatak ko naman ang isa sa kanila sa kuwelyo at ibinalibag pabalik, kaya lang, `pag tingin ko sa kaniya, may hawak pala siyang baril.
BANG!
Nakakabingi ang tunog ng baril.
Nakita ko ang sarili kong nahuhulog.
Napatitig ako sa madilim na langit.
Halos `di ko naramdaman ang pagbagsak ko sa kalsada.
Bang-bang-bang!