September ang simula ng Christmas season ng Pilipinas. Ito rin ang simula ng puyatan sa tahian ni Tita. Dumodoble kasi ang mga order sa kaniya pagdating ng –Ber months, dumodoble rin ang tao sa tyangge, kaya kailangan ding doble bantay at doble ingat sa mga mandurukot at magnanakaw.
“Itong isang bigkis, kina Loida sa Marikina, ito namang isa kay Ipe. Itong tatlo kay Julie, idaan mo raw mamayang hapon sa bahay niya.”
Nako, mukhang mapapasubo nanaman ako nito ha, literally. Second Friday pa lang, ang aga-aga, busy na sila Tita sa patahian, at eto nga may ide-deliver akong isa sa Marikina, at mamayang hapon ay dalawa kay Julie na bakla.
“Sige Tita, dalin ko na po muna itong isa.” Binitbit ko na ang plastic ng mga panahing blouse. “Mamaya po, baka mag overnight `uli si Jiro dito,” paalam ko.
“Sige, kamo, bumili ka na rin ng makakain para sa bisita mo sa ibabayad sa `yo mamaya.”
“Okay po Tita.”
Tumawag ako ng tricycle at nagpababa sa terminal ng jeep pa-Marikina. Sa Rancho 2 ang bahay ng suki ni Tita doon. Babae nanaman. Nasa barko ang asawa niya, at tuwing nagpapadeliver siya ay sinasama niya ako sa loob ng kuwarto niya para magbilang ng blouse. Baka raw kasi kulang.
Ginagawa niya `yun habang nakaluhod sa harapan ko, at para sigurado, tutuwad naman siya para magbilang `uli.
Minsan nakakatatlong bilang siya.
“Sa susunod `uli, Victor ha?” tawag niya sa akin habang palabas ako ng kuwarto niya at nagbibilang ng kaniyang bayad. Nakakapit siya sa may pinto at hinihingal.
“Salamat po, ate Loida.” Itinaas ko ang isang libong pa-extra niya. “Pati po sa dagdag baon.”
Nagmamadali na akong umalis.
Pagkasakay ko sa jeep ay agad akong nag-text kay Jiro na siguradong maghihintay nanaman sa MRT bench.
‘marikina p ko trafic una k n daan ko Katipunan’
‘ok’
Mag-aalauna na nang makarating ako sa klase. Pagpasok ko ng room, nakita ko si Jiro na naka ngiti sa akin. Papunta na sana ako sa likod para tumabi sa kaniya nang harangin ako ni Tony.
“Vic, patignan naman ng notes mo, ikaw ang pinaka masipag magsulat sa klase, eh,” sabi niya. “Hindi pa ako nakakapag-aral para sa quiz natin ngayon!”
“Sandali.” Ipinatong ko ang bag ko sa katabi niyang upuan. Doon na ako tuluyang napapuwesto nang dumating ang aming professor. Pagkatapos naman ng class ay kinulit `uli ako ni Tony.
“Salamat sa pagpapahiram ng notes, tol, lika, libre ko kayo sa cafeteria, kapapadala lang sa `kin ng baon ko!”
Napatingin ako kay Jiro. Naghahanda na s’yang lumabas ng kuwarto.
“Jiro, sandali.” tawag ko sa kaniya. Nag-freeze siya, at natahimik naman ang mga kaibigan ko.
“Jiro, pupunta kaming cafeteria, manlilibre daw si Tony, halika sama ka.”
“H-ha?” nanlaki ang singkit na mga mata ni Jiro. “O-okay lang ba?”
“S’yempre naman, `di ba, Tony?”
“Ha? Ah... eh... Sige, okay lang.”
Nilapitan ko si Jiro at kinapitan ang kamay nito. “Lika, sama ka sa `min.”
Lalo pang nanlaki ang mga mata ni Jiro nang akayin ko siya papunta sa mga kaibigan ko.
“Pare, parang ayaw naman sumama ni Akari, eh,” sabi ni Tony sa akin.
“Sasama `yan,” hinarap ko si Jiro at nginitian. “`Di ba, Jiro?”
Walang magawa si Jiro kung `di tumango.
“Sige, lika na, at nagugutom na `ko,” sabi ni Rick na nauna nang lumabas ng room kasama si Jojo.
“Whoo, yabang-yabang ng isa rito, hotdog lang pala ang ililibre!” tumatawang kantyaw ni Jojo na may bitbit na hotdog on stick.
“Kung ayaw mo, `wag kang kumain!” sagot sa kaniya ni Tony na kakakagat lang sa kaniyang hotdog sandwitch.
“S-salamat sa libre,” sabi ni Jiro.
Nag-feeling galante naman ako. “Ako na sagot sa panulak, kuha kayo ng gulaman kay kuya, `yung regular lang, ha?”
“Pucha, magugunaw na ba ang mundo?!” kantyaw ni Rick, “Manlilibre si Vic!”
“Ano bang nakain mo, ha? Pare?” sabi naman ni Jojo.
“Nakadelehensya lang ako ng pera kanina. Sige na, bago pa magbago isip ko.”
“Thank you, Vic...” sabi ni Jiro nang abutan ko siya ng gulaman.
“Vic nanaman, `di ba Bicoy?” sumimangot ako sa kaniya.
“Anong bikoy?” tanong ni Rick sa tabi namin.
“Ang tawag ko kasi kay Akari ay Jiro, Bicoy naman ang tawag niya sa `kin.”
“Ano nga `yung bikoy?” si Tony naman ang nagtanong.
“Palayaw ko `yun sa bahay.”
“Wahaha! Bicoy?” tawa ni Jojo. “Eh, `di dapat Bicoy na rin itawag namin sa `yo?!”
“At eto naman si Jiro,” sabi ni Rick kay Jiro na namumula nanaman ang mukha.
“O-oo...” sagot niya.
“Pucha, ano ba `yan?” napatingin kami kay Tony. “First name basis na kayo? Alam n’yo ba ibig-sabihin n’yan sa anime?”
“Ibig sabihin nu’n, super close na kayo!” patuloy ni Rick na mahilig rin sa anime. “Bakit? Kayo na ba talaga?” tanong niya sa amin ni Jiro.
“Nako, ayan na ang kambal na otaku sa barkada!” natawa si Jojo. “Tinawag lang ang palayaw, mag-on na? Tama na nga `yan, kain na lang tayo ng hotdog.” at kumagat siya nang malaki sa kanyang hotdog sandwhich.
“Oo nga, Tony, cool lang, ayan ka nanaman, eh,” sabi ni Rick.
“Hindi, eh, hindi na tama!” Humarap siya kay Jiro. “Ikaw, bakla ka ba talaga? Balak mo bang gapangin si-“
Hindi natapos ni Tony ang sasabihin niya. Tinakpan kasi ni Rick ang bibig niya at kinutusan siya sa ulo.
“Pasensya na kayo ha, makulit lang talaga `to,” sabi ni Jojo.
“Nagtatampo lang `to dahil hindi ka na raw madalas makipag-hang-out sa amin,” sabi naman ni Rick. “Aray!” bigla niyang inalis ang kamay niya sa bibig ni Tony na mukhang kinagat ito.
“Ano ba `yan! Ang baho ng kamay mo, `di ako makahinga!” sabi niya. “Gusto ko lang naman malaman ang totoo, eh!”
“Oo, bakla ako.”
Natahimik ang lahat at napatingin kay Jiro.
“Bading ako, bayot, gay, homosexual. Ano pa bang gusto mong malaman?”
Napatingin naman kami kay Tony na natulala kay Jiro.
“Ah... ano... L-layuan mo ang kaibigan ko! `W-wag mo siyang hawahin!”
“Eh, pano kung ayokong siyang palayuin?”
Sa akin naman napatingin ang lahat.
“Besides,” patuloy ko, “matagal na akong bisexual.”
Napaatras bigla si Jojo sa akin.
“Relax, hindi ako pumapatol sa mga kaibigan ko,” dagdag ko.
“P-pero... Pero epekto lang `yan ng nangyari sa `yo noon’ng bata ka... hindi naman lahat ng babae, ganon, eh, at hindi ibig sabihin noon, eh, maliligaw ka na ng landas at papatol sa bakla!”
“Porket pumatol lang ako sa bakla, naligaw na ako ng landas?” tanong ko sa kaniya. “Bakit? Magdo-droga ba ako? Magnanakaw ba ako o papatay ng tao? Paano naging masama `yun?”
“Masama dahil hindi tama! Kahit sa bible...”
Natawa ako.
Christian nga pala ang isang ito, hindi ko lang inakala na bible pusher rin siya.
“Sinabi ba ni Kristo `yan?” tanong ko kay Tony.
“H-ha?”
“Si Jesus ba mismo nagsabi na kasalanan ang maging bakla?”
“Hindi, pero...”
“O, Hindi naman pala eh. May sinabi ba s’yang husgahan mo ang kapwa mo?”
“Wala...” sagot `uli ni Tony.
“Kung ganon, anong masama sa pagiging bakla? At ano naman kung magkagusto ako sa isang tulad ni Jiro?”
Muling nanaig ang katahimikan sa lamesang ino-occupy namin.
Jiro was the first to break the silence “Thank you sa libre,” sabi niya. “Babalik na `ko sa classroom. And for the record, wala talaga kaming relasyon ni Bicoy. Bumili lang ako ng blouse sa Tita niya.” Tumayo na siya sa mesa. “At `wag kayong mag-alala, hindi ko kayo type, kaya wala akong balak gapangin ang sino man sa inyo.”
Ngumiti siya bago tuluyang umalis.
“Rinig n’yo `yun?” tanong ko nang malayo na siya. “Wala s’yang type sa atin, at `di n’yo kailangan mag alala, hindi n’ya talaga ako hinahabol,” dagdag ko. “Ako ang naghahabol sa kanya.”
Tumayo na rin ako sa mesa at sumunod kay Jiro.