Chapter 16 – Isang Katulad Ko

1846 Words
May tatlo pang putok. Naalala kong bigla si Jiro, at kahit pa bagsak na, ay pinilit kong tumayo. Nakita ko siyang nakatayo sa tabi ko. Nakikipag bunuan siya sa lalaking nang-hold-up sa amin. Tumayo ako. Wala akong maramdamang masakit. Lumapit ako sa kanila. Sinapak ko sa mukha ang lalaki. Ilang beses, habang si Jiro ay sumisigaw sa likuran ko. May mga dumarating. May kumapit sa likod ko. Sasapakin ko rin sana sila, pero nakita ko si Jiro sa tabi nila. “Bicoy, okay ka lang ba?” tawag niya. “Eto na ang tulong.” “Jiro!” hinatak ko siya at niyakap. “Okay na... okay na tayo...” bulong niya sa akin. “Tumawag na kami ng pulis, sandali at parating na ang mga `yun,” sabi ng isang lalaki sa tabi ko. Napatingin ako sa hold-upper sa lapag. Namamaga ang mukha nito. Mukhang napag-tripan din siya ng ilang mga residente na nakalibot sa amin. “M-May tama ako...” sabi ko sa mama. “Saan?” tanong niya. Tinignan ko naman ang sarili ko. Wala namang masakit? “Bicoy...” kumapit sa akin si Jiro. Napatingin ako sa kaniya, nakakapit siya sa kaniyang hita, at namumula ang kaniyang kamay. “Sir, kayo po ba ang kasama ng pasyente?” tanong sa akin ng nurse sa Rizal General. “Opo, kamusta po si Jiro?” “Okay na po ang pasyente, tumagos naman po ang bala, at wala namang natamaang ugat.” “S-salamat po...” “May kailangan na lang kayong sign-an na papers para na rin sa medico-legal.” “Okay po... p’wede ko na po ba s’yang makita?” “Oo naman, nasa recovery room na siya.” Nagmadali akong pumunta sa room na tinuro ng nurse. Ward ito, maraming ibang mga pasyente sa mga kama na nalilibutan ng puting kurtina. Kinailangan ko pang isa-isahin ang mga kama bago ko Nakita si Jiro. Nakaupo siya sa kama at may kausap na doktor. “Jiro,” tawag ko sa kaniya paglapit ko. “Doc, eto po kasama ko.” “Eh, ang mga magulang ninyo?” “Hindi na po, doc, nasa tamang edad na po kami...” tumingin siya sa akin. “Bicoy, nasa `yo ba ang wallet ko?” Inabot ko sa kaniya ang kaniyang wallet. Nakuha namin ito mula sa nahuli kong hold-upper na kasalukuyang dinala sa presinto sa Pinagbuhatan para ikulong. Naibalik din ang mga cell phone namin at ang relo ni Jiro. Yun nga lang, natangay nung isang hold-upper ang 72K na bayad ni Julie sa panahi ni Tita. Kinuha ni Jiro ang ID niya sa wallet at inabot iyon sa doktor. “Twenty na po ako, hindi ko na po kailangan ng parental consent,” sabi niya rito. “Pero, mas mainam na `yung alam ng magulang mo kung ano ang nangyari!” pilit ng babaeng doktor na may kaidaran na. “Talaga bang ayaw mo itong ipaalam sa magulang mo?” Tumango si Jiro. “O, siya, basta inumin mo lang ang nireseta kong anti-biotic, at wag mo munang gamitin masyado ang kaliwang binti mo, at baka magbukas ang tahi mo.” “Okay, salamat po, doc.” “Ikaw, kausapin mo yang kaibigan mo, ha?” sabi naman niya sa akin “`Wag ninyong pag-alalahanin ang mga magulang n’yo, ako, magulang din ako, kaya alam ko sinasabi ko.” “Opo, doc, salamat po sa payo.” “Sige, p’wede na kayong umalis kahit anong oras, daan na lang kayo ng cashier para sa bill ninyo.” Umalis din si doc. Sinara ko ang kurtina at tinignan si Jiro na umiwas sa akin ng tingin. Lumapit ako sa kaniya at umupo sa gilid ng kaniyang kama. “Kamusta?” tanong ko. “O-okay naman... may pinainom sa aking pain reliever kaya hindi naman masakit...” Inalis ko ang kumot, inangat ang suot niyang gown at tinignan ang sugat sa ilalim nito. Nakabandage ito. Halos kakulay ng balat niya ang bandage na puti. “Kailangan mo ng shorts.” “Ah, ang mga damit ko...” “Ginupit nila ang pantalon mo.” pinakita ko sa kaniya ang plastic bag na dala ko. “Nandito ang T-shirt mo.” “Ah... salamat...” “Akala ko ako ang nabaril,” sabi ko matapos ang sandaling katahimikan. “Sorry... sinipa kita sa likod ng tuhod kaya bumagsak ka... muntik ka na mabaril...” “Oo, hindi ko alam na may baril pala siya, kutsilyo lang kasi dala nung isa.” ”Kaya nga kita tinawag...” “Ikaw naman ang nabaril. Ba’t kasi nakipag-agawan ka pa!” “Eh, babarilin ka niya, eh!” Muli kaming natahimik. Tinakpan ko `uli ang sugat niya. Binalik ko pati ang kumot. Lumapit ako sa kaniya at ipinatong ang ulo ko sa balikat niya. “Salamat.” Naramdaman kong mag-tense ang katawan ni Jiro. Wala sa aming gumalaw o nagsalita pa. Maya-maya ay biglang may sumilip sa kurtina. “Hay, nandito pala kayo!” sabi ni Tita na mukhang alalang-alala sa amin. “Kanina ko pa kayo hinahanap, hindi ko naman magawang isigaw ang pangalan n’yo at may mga pasyenteng tulog na!” “Tita... pasensya na po...” sabi ni Jiro sa tabi ko. “Anong pasensya ang sinasabi mo?!” galit na sinabi ni Tita na pumunta sa kaliwa niya at kinurot siya sa braso. “Ikaw pa mag-so-sorry, eh, ikaw na nga itong napahamak sa amin!” “Hindi naman po...” sabi ni Jiro na nahihiyang nangiti. “At ikaw, Bicoy, ang laki-laki mong tao, `etong si Jiro, `di mo maipag-tanggol!” “Tita naman...” sabi ko. “Hindi po, Tita!” singit ni Jiro, “S’ya nga po ang sumugod dun sa hold-upper, eh! Ang tapang-tapang ni Bicoy!” “Ano? Sinugod mo `yung hold-upper?!” galit na inabot ako ni Tita at kinurot sa tagiliran. “Ang tapang mo naman! At anong laban mo sa baril?!” “Eh, Tita, akala ko kutsilyo lang, eh!” “Kahit pa kutsilyo lang! Pano kung nasaksak ka?! Sino nang magbubuhat nang paninda ko?!” natawa ako sa sinabi ni Tita. “Hoy, `wag ka ngang tatawa-tawa diyan!” sabi pa niya, `di niya napigil ang luhang tumulo sa pisngi niya. “Ilang beses ko bang sasabihin sa `yo na ang pera ay madaling kitain? Pera lang `yan, ang buhay mo ang mas importante!” Ilang oras ang sermon si Tita. Buti nga at nag-dala siya ng pamalit. Pinagsuot ko na si Jiro ng shorts habang walang tigil ang bunganga niya. Si Tita ang nagbayad sa hospital bill para makalabas kami, bumili pa siya ng saklay para makalakad si Jiro. Nag tricycle kami pa-uwi, at sa bahay ay binuhat ko naman ang namumula kong kaibigan paakyat sa aking kuwarto. “Sigurado ka, tinawagan mo na ang parents mo, ha?” tanong ni Tita kay Jiro habang ibinababa ko ito sa kama ko. “Opo, Tita, nasa business trip po sila ni dad sa Davao. Monday pa po ang balik nila.” “Kung ganon, eh, dito ka na hanggang Linggo, tapos ay ipapahatid kita sa inyo kay Bicoy.” Humarap sa akin si Tita. “At ikaw Bicoy, puntahan mo si Jiro sa Lunes para makahingi ng dispensa sa magulang niya, ha?” “Opo, Tita.” “Pasensya po `uli sa abala, Tita, ibabalik ko po agad `yung hiniram ko sa inyong pambayad sa ospital.” “Hindi hiram yun!” sabi ni Tita. “Kulang pa nga yun sa abala namin sa `yo, kaya `wag ka nang hihingi pa ng sorry sa akin, ha? Makukurot na kita sa singit niyan!” Natawa si Jiro. “Sige, magpahinga na kayo.” Pagkalabas ni Tita ay ikinandado ko ang aking pinto at umupo sa tabi ni Jiro. “B-bakit mo ni-lock `yung pinto?” tanong sa akin ni Jiro na napa-atras sa kama. “Wala,” sabi ko. “Gusto ko lang mag-usap tayo.” “Eh, bakit kailangan pang i-lock ang pinto?” Hindi ako sumagot. “Ayokong manghimasok sa buhay mo, Jiro,” sabi ko. “Pero ayoko rin nang nagsisinungaling sa akin. Pati na rin sa Tita ko. Bakit ayaw mong ipaalam sa parents mo ang nangyari sa `yo.” Namula ang mukha ni Jiro. “M-magagalit lang sila...” “Nasaan ba sila ngayon?” “Nasa busines trip...” “Totoo ba `yan?” “Oo... nasa Davao sila ngayon, for about six years now...” sabi niya. “Wala akong ibang kasama sa bahay... kundi `yung katiwala namin.” Napa buntong hininga ako. “So, hindi nila alam na nagpupunta ka rito?” Umiling si Jiro. “At `yung mga blouse na binili mo?” Natahimik siya, umiwas ng tingin, kinusot ang kumot. “Were they for you?” Napatingin siya sa akin, sabay iwas `uli. Nangiti ako. “Sa bagay, bagay nga sila sa `yo.” Lumapit ako sa kaniya. Muli s’yang umatras at napasandal sa pader. Umupo ako sa tabi niya at hinawakan ang kaniyang kaliwang kamay. “Gusto kitang makitang suot ang blouse ni Tita.” tumawa ako. Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niyang nanlalamig. Lalo pa akong lumapit. Napasandal na si Jiro sa kanto ng pader. Wala na siyang uurungan pa. Tumingin siya sa akin, nangungusap ang mga mata. Hinimas ko ang mukha niya, pati ang malalambot niyang labi, at marahan siyang hinalikan. Nagpaubaya naman siya. Tinikman ko ang labi niyang matamis, dinilaan ito, pinasok ang aking dila sa kaniyang bibig. Napa-ungol siya, huminga sa kaniyang bibig. “Breath through your nose,” sabi ko, bago muli siyang hinalikan. Lumaban ang kaniyang dila sa akin. Hinigop ko naman ito at natuwa nang mapakapit siya sa dibdib ko. Hinawakan ko ang kanan niyang kamay at ipinunas pa ito sa aking katawan. Ipinasok ko naman ang kabila kong kamay sa ilalim ng kaniyang kamiseta at pinisil ang kaniyang u***g. “Ah! Sandali!” humiwalay siya sa akin. “Hm? Ayaw mo?” binigyan ko siya ng mapang-akit na ngiti. “A-ayaw!” tinulak ako ng mga kamay niya habang mahigpit na nakapikit ang mga mata. “F-friends lang tayo, `di ba?!” Natawa ako. Dumilat naman siya, he looked hurt. “Okay,” sabi ko at hinalikan na lang siya sa noo. Tumayo ako at nagpuntang pintuan. “S-saan ka pupunta?” nag-aalalang tanong ni Jiro. “Magsasarili lang ako sa banyo.” nakangisi kong sinabi. “Gusto mong sumama?” Namula si Jiro at binato ako ng unan. Matapos magsalsal at maghilamos, ay bumalik na ako sa kuwarto ko. Tulog na si Jiro. Or at least it looks like he is. Nilapitan ko siya at pinagmasdan ang kaniyang mukha. “Buti ka pa, ang bilis mong makatulog,” bulong ko. Hinawi ko ang buhok sa kaniyang mukha, muling hinalikan ang kaniyang labi, at saka humiga sa aking kama sa lapag. Kaibigan lang. Sa akin galing iyon. Hindi ako pumapatol sa kaibigan. Hindi siya dapat ma-in love sa akin. Bakit? Dahil basura ako. That’s why. Wala akong kuwenta. At ayokong mapunta lang siya sa isang katulad ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD