Chapter 13 - Oyatsumi

1339 Words
Pagkatapos ng klase, dumaan kami sa mall at naghanap ng sapin-sapin, tapos ay dumiretso na kami sa bahay. “Tita, may bisita po kayo.” tawag ko kay Tita Lucy sa pagkabukas ko ng pinto. Natagpuan namin siyang nakaupo sa likod ng makina at nagtatahi! “Tita Lucy naman, `di ba sabi ko sa inyo magpahinga kayo? Ba’t nagtatahi ka nanaman?!” “Ay, naku, Bicoy, magaling na ako! Tinatapos ko lang itong ibang naiwan ng mga mananahi kanina, sayang din ito, konti na lang tapos na.” palusot ni Tita. “Ah, basta, tigilan n’yo na po `yan at baka mabinat pa kayo!” “Ah, siya, siya, sige na po, tatay, susunod na po ako!” sabi ni Tita Lucy na nakasimangot sa akin. “Tita, para sa inyo po.” Inabot ni Jiro ang kahon ng sapin-sapin na binili naming pasalubong. “Aba, ano naman ito? Salamat, nag-abala pa kayo.” dinala ni Tita ang kahon sa kusina at binuksan ito. “Aba, mukhang masarap ito, ha? Halika at kumuha kayo ng kubyertos, kainin na natin ito.” “Para sa iyo po iyan, Tita,” sabi ni Jiro. “At mas masarap kumain `pag may ka-agaw!” Natawa na lang kami sa tiyahen ko. “Eto, platito at fork.” Naghain na ako sa mesa. “Kumain na ba kayo ng hapunan?” “Opo, Tita.” Ginamit namin kanina ang hati namin sa pustahan at nag-date nga kami ni Jiro sa Jollibuzz. “Kayo po, Tita, ano na pong nakain ninyo?” “Ay, dinalhan ako ni Remy ng nilaga.” “Eh, ang gamot niyo po? Ang mga maintenance ninyo?” “Nainom ko na ang lahat.” Ngumisi si Tita at tumingin kay Jiro na maganda ang ngiti sa amin. “Ito talagang tatay ko, masyadong istrikto! Kaya tumandang dalaga ako, eh!” Lahat kami ay nagtawanan. “Buti po at mukhang pagaling na kayo,” sabi ni Jiro kay Tita. “Ay oo, makunat pa ako sa kalabaw, hindi ako basta-basta babagsak sa trangkaso lang!” “At kasing tigas din ng kalabaw ang ulo!” singit ko. Muli kaming nagtawanan. “Ikaw, Jiro, makikitulog ka bang `uli dito sa amin?” tanong ni Tita sa kaniyang bisita. “K-kung... okay lang po...?” tanong niya. “Ay, okay na okay lang! Buti nga `yun at para hindi ako nerbiyosin sa pag-isip kung makakauwi ka ba ng maayos sa inyo!” Napatingin ako kay Jiro. At may balak pala siyang mag-overnight, hindi nagsasabi sa akin. Nag kuwentuhan pa kami at nagbiruan sa hapag kainan, hanggang sa mapansin na lang namin na ubos na ang isang tray ng sapin-sapin sa aming harapan. Wala pang alas-nueve, pero panay na ang hikab ni Tita. Dumiretso na siya sa silid niya para matulog, habang kami naman ni Jiro, nanood ng TV sa maliit naming sala. “Ano bang magandang palabas nang ganitong oras?” tanong ko kay Jiro. “Wala kaming cable kaya TV box lang ang pagta-tyagaan natin.” “Okay lang, kahit ano p’wede na,” sagot ni Jiro. Nakaupo kami sa iisang sofa, pero sa magkabilang dulo. Mukhang napaka stiff pa ng pagkakaupo niya, diretso ang katawan, nakatitig sa TV, nasa hita ang mga kamay. “Puro naman drama `to...” “May basketball yata ngayon,” sabi ni Jiro. “Aba, oo nga pala.” Tahimik kaming nanood ng TV with the occational retorts and remarks. “Uy, shoot! Ang bobo naman kasi ng bantay,” untag ko. “Ang galing nung three points na yun, akala ko, hindi papasok,” sabi niya. “Oo nga, magaling talaga sa three points yang si Cruz.” “Si Perez naman magaling sa lay-up!” “Mahilig ka pala sa basketball?” tanong ko kay Jiro. “Hindi naman, masaya lang s’yang panoorin, pero hindi ako die hard fan.” “Ano ba ang sports mo?” “Actually, lampa ako, kaya mas gusto ko ang chess kesa mag-sports.” Natawa siya. “Ikaw, Bicoy, anong sport mo?” “Syempre, basketball, `yan lang ang p’wede mong laruin sa kanto. Madalas kami ni Prang maglaro, kilala nga kami noon dito na mahilig mangbakaw ng gym, `pag kasi naglalaro kami ng mga kabarkada namin, `di na makasingit ang ibang mga bata.” “Buti hindi kayo napapa-away?” nakangiti nanaman ni Jiro. “Hindi naman, sa laki naming `to? Kilala rin kaming mga siga, kaya wala nang pumapatol sa amin.” “Ha-ha, nakakatakot naman pala kayo?” “Ganoon na nga, natahimik lang kami nang tumuntong kaming highschool at makapasok sa Pasig Science, sobrang natutok naman kami sa pag-aaral. “ “Wow, Science High school pala kayo?” “Ikaw?” “Sa San Beda ako, after namin umuwi from Japan.” “Oo nga pala, matagal na kitang gustong pagsalitain ng Hapon! Mag sabi ka naman ng ilang linya!” pangungulit ko sa kaniya. “H-ha? Nakakahiya naman!” “Paanong nakakahiya? Eh, maghahapon ka lang naman?” pilit ko. “Sige na, kahit sabihin mo lang kung anong pangalan mo!” “Okay... Watashi no namae wa Akari Kenjiro desu. Yoroshiku onegaishimasu.” Napatulala ako sa sinabi niya. Nakakatuwa siyang pakinggan, parang `yung mga pinapanood namin dati ni Prang na hentai na dina-download niya sa net. Kung lalandiin ko siya, sisigaw din kaya siya ng ‘Yamete kudasai’? “O, magsalita ka naman, ba’t natahimik ka?” tanong niya sa akin. Nakatagilid na siya ng upo. Nakapatong ang kaliwang binti niya sa sofa at ang kaliwang braso niya sa sandalan. Ako naman ay naka-indian seat at nakaharap sa kaniya. “Ang cute mong pakinggan, eh, natuwa ako. Magsalita ka pa nga... sabihin mo gutom ka na!” Natawa si Jiro. Muling nagningning ang mukha niyang maganda. “Hara hetta!” sabi niya. “Ibig sabihin noon, kumakalam na sikmura ko!” “Eh, `yung, natatae na ako?” Pareho kaming tumawa nang malakas. “Sabihin mo lang ‘unchi’!” sabi ni Jiro, “Pero mas matinong sabihin ang ‘otearai ni ikimasu’ ibig sabihin, mag-babanyo ka.” “Sige nga, magsalita ka pa ng Hapon!” pilit ko. “Anata no tomodachi ni naritai,” sabi naman niya. “Ano namang ibig-sabihin noon?” “Gusto kong maging kaibigan mo.” “Eh, ano naman sa Japon ang ‘I want to make love to you?” Namula ang mukha ni Jiro na nabigla sa sinabi ko. “W-watashi wa... anata ni... ai o tsukuritai.” Mahina niya’ng sagot. “Ano kamo?” nakangisi kong sinabi. “W-watashi wa anata ni ai o tsukuritai.” Nilakasan niya ng konti. “Watashiwa... ano?” “...anata ni ai o tsukuritai.” “Watashiwa antani ayo tsukuritay?” Lalong namula si Jiro, lalo na’t lumapit ako sa kaniya at tumitig sa kaniyang mga mata. Nilapit ko pa ang aking mukha sa kaniya. Unti-unti siyang umatras palayo. “Ang haba naman.” Tumawa ako. “Wala bang mas maiksi doon, para madaling sabihin `pag nagkakainitan na?” “Meron... pero...” “Ano?” “s*x suru.” Napalakas ang tawa ko. “Maiksi nga, diretso pa!” sabi ko, “Tapos sasagot ka ng ‘Yamete kudasai!’.” Natawa na rin si Jiro. “Watashi wa nemui desu.” “Ano naman `yun?” “Inaantok na ako.” Ako naman ang napatawa. “O, sige, matulog na tayo.” Pinatay ko na ang TV at naghanda na kami matulog. Paghiga namin sa kama, siya sa taas, at ako sa baba, tinanong ko `uli siya for the last time. “Ano naman ang ‘goodnight’ sa Japanese?” Matagal bago siya sumagot. Mukha ngang inaantok na talaga siya. “Oyatsumi... anata o mederu,” bulong niya “Pano `uli?” tanong ko. “Oyatsumi... mederu...” ulit niya. “Okay... Oyatsumi mederu,” sabi ko. Hindi na siya sumagot. Pinikit ko na ang mata ko at tuluyan nang natulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD