Chapter 12 - Pustahan

1618 Words
“Tita Lucy!” tawag ko nang makauwi ako sa amin. Alas-nueve pasado pa lang, sarado na ang dead bolt sa pinto namin. Muli akong kumatok at naghintay, nang sa wakas ay marinig ko ang mabigat na yabag ni Tita sa pagbaba ng hagdan. Bumukas na nga ang pinto at nakita ko ang mukha ni Tita Lucy na namamaga ang mata. “Tita?” agad ko siyang inalalayan papasok ng bahay. “Ano pong nangyari?” “Wala `to, sumakit lang ulo ko kaya humiga muna ako at nagpahinga.” Humatsing siya at suminghot. “Tita, may trangkaso `ata kayo!” sabi ko nang mapansin na mainit ang braso niya. “Wala `to, makainom na lang ng gamot mamaya...” “Sandali po, kumain na ba kayo? Ipagluluto ko kayo ng mainit na sabaw...” “Ay, kumain na ako, ikaw, nakakain ka na ba? Maaga pa pasok mu bukas, `di ba? May delivery ka pa...” “Okay lang po ako, Tita, kayo yang mainit, eh!” “Wala nga kamo ito...” “Hay nako, Tita, halika po, balik na kayo sa kuwarto n’yo sa taas.” Napilit ko rin si Tita na uminom ng gamot at magpahinga. Ang temperature niya ay nasa 39 degrees, at ang gusto pa niya, eh, balikan `yung mga telang binibilang niya para sa tahi bukas! Pinagluto ko siya ng sopas, at pagkatapos ko siyang pakainin, ay nakatulog din siya agad. Pagpasok ko ng kuwarto ko, napabuntong hininga ako at napaisip. Matanda na si Tita. Next year 73 na siya. Pero para sa akin, siya pa rin ang tiya Lucy ko noon na kayang-kaya akong buhatin kasama ng mga pinanahi niya. Ngayon, kahit ipakita man niya na kayang-kaya pa niya ang mga ginagawa niya, alam ko na hindi na siya tulad ng dati. Marami na rin siyang iniinda, at hindi malayo mangyaring mauuna pa siya sa akin. Nagbabara ang ilong ko. Huminga ako ng malalim at dumapa sa kama. Hindi pa ako inaantok, kaya naisipan kong dalawin ang sss account kong matagal ko nang `di binubuksan. May 360 plus messagaes ako at 247 friend requests. Inisa-isa ko itong burahin. Ni hindi ko kilala ang karamihan dito, mga natuwa lang sa profile pic ko na noong highschool ko pa kinunan. Simpleng pic lang naman ito ng upper body ko habang topless at nasa palengke. Kakabuhat ko lang ng paninda ni Tita noon kaya pawisan ako rito. Nakita ko ang friend request ni Jiro. Muntik ko na `to mabura, ang nakalagay kasing pangalan ay J.Aka at ang litrato naman sa profile ay labi niya. Buti na lang may kasamang message ang request. In-accept ko ito at saka pinagpatuloy ang pagbubura ng request na di ko kilala, at PM na puros kabastusan ang laman. Pwede na ata akong gumawa ng buong album na puro body shots ng chest, d**k and p***y pics sa dami nila. Biglang may nag-PM sa akin. On line pala si Jiro. ‘Hi, anong ginagawa mo?’ ‘la lang bura basura sss’ ‘Ha? Aalisin mo sss mo?’ tanong niya ‘hindi. bura ako unwanted pm and requests.’ ‘Ah, akala ko buburahin mo na sss mo, eh, kung kailan pa naman na-accept mo na ako.’ Mukhang si Jiro ang type na buung-buo kung mag-type ng messages. Malamang may PC ito sa bahay. ‘Kamusta kayo? Kamusta na si Tita?’ ‘trangkaso’ ‘Ha? Si Tita o ikaw? Uminom ka ba ng gamot? Anong temperature mo?’ ang dami agad niyang na type, samantalang ako, hirap na hirap sa liit ng keyboard ko, lalo na at malaki ang daliri ko. ‘Si Tita. Inom na meds 2log na’ ‘That’s good to hear, sana gumaling agad siya.’ Hindi na ako nag-reply sa kaniya. Maya-maya nag-message `uli siya. ‘Puwede ba akong dumalaw sa kaniya bukas?’ ‘ikaw’ ‘Ano ba favorite na kainin ni Tita? Bibilhan ko siya para gumaling agad siya.’ ‘sapin-sapin’ ‘Okay, I’ll see you tomorrow.’ Muntik na akong malate kinabukasan. Nag-aalala ang itsura ni Jiro nang makita ko siyang naka upo sa MRT bench. Nang makita niya ako, parang nabunutan siya ng tinik sa lalamunan. Tumayo siya at sinalubong ako. “Akala ko hindi ka na papasok...” “Sorry, may dinaan akong patahi ni Tita, napasabak pa ako,” sagot ko sa kaniya. “Napasabak?” nagtaka siya. Hiningahan ko siya sa mukha, at napatakip siya ng ilong. “Anong amoy?” tanong ko, tumatawa. “Parang... ewan...” “Halika, banyo muna tayo. May dala kang mouthwash, `di ba?” Nagpunta nga kami sa CR sa isang fastfood chain na malapit sa MRT station. Nagmumog ako sa banyo. “Taga Kamuning `yung isang suki ni Tita,” sabi ko bago muling nagmumog. “Pinahatid `yung mga panahi sa bahay niya, pinapasok pa ko sa loob, tapos ng paalis na `ko, pinasok ba naman `yung bundle ng perang ibabayad niya sa loob ng panty niya. Kunin ko daw gamit ang ipin ko.” Natawa ako nang makita ang itsura ni Jiro sa salamin. Para s’yang nandiri na nagalit. “Syempre, `di naman p’wedeng kunin ko lang `yung pera,” sabi ko habang nakatitig sa kaniya sa salamin. Kinuha ko ang perang naka-plastic sa aking bag at pinakita sa kaniya iyon. “Gusto mong amuyin?” Muli akong natawa nang umiling siya ng todo. Binalik ko na lang ang pera sa loob ng bag ko. “N-napaka... nakakadiri naman `yung taong `yun!” sabi niya. Napatingin ako `uli kay Jiro. Mukha pa rin siyang galit at nandidiri, but it seems that his disgust wasn’t aimed at me. “Well, babae pa rin naman siya, may asim pa kahit kuwarenta na. Ang lakas ngang sumigaw habang kinakantot ko, eh, nakadalawa pa kami. Buti marami akong baon na condom.” I watched his reaction. Namula si Jiro, pero hanggang doon lang. “B-Buti nakakaya mo... `yung ganon...” sabi niya sa akin. “Sanayan lang,” sagot ko sa kaniya. “Pag ang mga babae ang nagpipilit sa `yo, minsan no choice ka kundi ibuka na lang ang bibig mo at kumain.” Ibinalik ko sa kaniya ang mouthwash. Halos maubos ito, kanina mahigit kalahati pa iyon. “Thanks, mabango na ba?” hiningahan ko siya muli sa mukha. Namula naman si Jiro at tumango. Kinapitan ko ang mukha niya, tinaas ang kaniyang baba, at hinalikan siya sa labi. Tinanggap niya ako this time. Hindi madiin ang pagkakasara ng mga labi niya. Pag atras ko, nakapikit pa rin siya at nakatingala sa akin. Biglang nanginig ang buo kong katawan. Unti-unting dumilat si Jiro at matagal kaming nagtitigan. “M-maalat pa ba labi ko?” tanong ko sa kaniya, sabay tawa ng malakas. “Hindi na,” sagot niya sa akin na nakangiti. Gusto ko siyang yakapin. Gusto kong pagmasdan ang ngiti niyang iyon habambuhay. Inabot ko siya, pero dumiretso ang kamay ko sa ulo niya at ginulo ang napaka lambot niyang buhok. “Lika na nga, mukhang `di na tayo aabot sa unang klase natin ngayon. Tambay na muna tayo kung saan.” Naglibot na lang muna kami sa palibot, hanggang sa pagbukas ng SM North, kung saan tumambay naman kami sa arcade. `Pag may papalapit sa aming mga babae o lalaki man, aalis kami at maghahanap ng ibang lugar na tatambayan. Pagdating namin sa classroom, nagtinginan sa amin ang mga kaklase namin. “Vic, ba`t wala ka kanina sa unang klase?” tanong sa akin ni Jojo habang si Jiro naman ay dumiretso sa kaniyang puwesto sa likod. “Hm? Na late ako ng pasok, eh, tapos nakita ko si Jiro, late din, kaya naisipan na lang naming tumambay sa kung saan.” “Kitams, pare! Magkasama sila! Tama ako!” sabi ni Rick na binatukan si Jojo at si Tony. Naglabas naman ang dalawa ng tig-bente at iniabot iyon kay Rick na malaki ang ngisi. “Pucha, pinag pustahan n’yo kami?” natatawa kong sinabi. “Oo, ayaw nilang maniwalang kasama mo si Jiro, sabi ko magkaibigan na kayo, ngayon, sino iiyak?” Lumapit pa siya sa ilang kakalse namin na nag-abot rin ng bente, tapos ay lumapit siya sa akin. “O, eto, cut mo!” “Hatiin mo sa tatlo para kay Jiro!” sabi ko, sabay kuha sa napanalunan niya. “Sige, sige, `oy, Jiro, kunin mo ang cut mo rito.” “H-ha!? H-hindi na!” sabi niya habang nakataas ang dalawang kamay. Kinuha ko ang pera kay Rick at lumapit kay Jiro na namumula nanaman pati batok! “Eto, pang date natin mamaya!” biro ko sa kaniya. Agad nag-ingay ang klase. “Bakit, kayo na ba?” tanong ni Tony na nanlalaki ang mga mata. “Ano sa tingin n’yo?” ngumisi ako sa klase na lalong nag-ingay, habang nakaakbay ako sa balikat ni Jiro. “O, pano ba `yan, talo nanaman kayo!” sigaw ni Rick! “Ano? Pati ba naman `yun pinag-pustahan ninyo?!” tanong ko sa mga loko kong kaklase. “Teka! Wala pang admission!” sigaw ng isa naming kaklase. “Dapat umamin sila pareho!” ”Huh! Ayaw mo lang pumayag dahil `sang daan ang pusta mo!” “Kayo na ba talaga?” tanong naman ni Aida na masama ang tingin sa akin. “Totoo ba `yun?” nilapitan na rin nila ni Jiro. “H-hindi!” sabi ni Jiro, sa hina ng boses niya, halos `di siya narinig sa ingay ng klase. “M-Magkaibigan lang kami ni V-Vic! Hindi kami mag-on!” “Waaaah! Talo ka Rick!” Lalong umingay ang klase. Nagtawanan kami, pati si Jiro na namumula, hindi na rin napigilang makitawa. Natahimik lang ang klase nang pumasok ang professor namin at ilang beses ihampas ang dala niyang t-square sa mesa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD