“B-Bicoy.” tawag sa akin ni Jiro na pati batok, eh, namumula na rin. “Tinatawag ka ng mga kaibigan mo.”
“Vic!” lumapit nga sa akin si Tony. “Pupunta kaming cafeteria para mag meryenda, sama ka?”
“Kayo na lang, may pupuntahan lang kami ni Jiro.” Napansin kong mapapitlag si Jiro sa pagbanggit ko ng pangalan niya.
“Sinong Jiro?” tanong ni Tony na nakakunot ang noo.
“Eh, `di si Akari,” sabi naman ni Rick sa likod niya. “Sige, tol, kita na lang tayo sa klase mamaya.” inakbayan niya si Tony at magkakasama na silang naglakad paalis.
“W-wala naman tayong pupuntahan, ha?” tanong niya sa akin. “Dapat sumama ka na lang sa mga kaibigan mo!”
“Okay lang , lagi ko naman sila kasama eh, ikaw naman ang gusto kong makasama ngayon.”
“Eh... baka kung anong isipin nila...”
“Ano naman iisipin nila?” natawa ako.
Natahimik si Jiro. “H-hindi ba... sabi nila... bakla ako?” mahina niyang sinabi.
Napatingin ako kay Jiro na nakatungo at mahigpit ang pagkakakapit sa giraffe keychain sa kanyang bag.
“Totoo ba `yun?” tanong ko sa kaniya. Hindi siya sumagot. “May masama ba kung bakla ka nga?” Tumingin siya sa akin. “Besides, magkaibigan lang naman tayo, it’s not like you’re gonna jump me or anything, right? As if naman kaya mo akong sunggaban, eh, ni hindi mo nga maiangat `yung bundle ng panahi ni Tita.” Natawa ako at nakitang mangiti si Jiro.
“So, saan mo gustong kumain? Hanggang alas-siete ang clase natin mamayang five, sigurado magugutom tayo.”
“Kahit saan,” sagot niya.
“Then, okay lang ba sa labas tayo kumain?” tumango si Jiro.
Later, nasa Burger Queen na kami sa labas ng campus. Umorder ako ng Woofer Junior, si Jiro naman ay umorder ng 4 Cheese burger at large fries, onion rings at large rootbeer.
“Ang lakas mo namang kumain.” Natawa ako habang pinagmamasdan ang patpatin niyang katawan.
“Oo... hindi ako tumataba.” Inabot niya sa akin ang fries. “Kuha ka lang.”
“Thanks.”
“So... kamusta ang party kahapon?” tanong niya.
“Ayun, makulit, masaya... Lasing kaming lahat pag-uwi.”
“S-saan ka umuwi?”
Napatingin ako kay Jiro na agad umiwas ng tignin. “Kina Tony, kasama ko si Rick.”
“Ah...” mukhang nakahinga siya ng malalim.
“Next time na may gimick, sama ka rin.”
“H-hindi na... ma o-out of place lang ako.”
“Nandoon naman ako, hindi ka ma o-out of place, besides, mas gusto kitang kasama.”
Nasamid si Jiro sa kinakain niyang onion rings. Nilapitan ko siya at tinapik sa likod, nakangisi.
“Okay ka lang? Hinay-hinay lang sa pagkain.” Inabot ko sa kaniya ang rootbeer niya.
“Ikaw, wala kang drinks?” tanong niya nang mapansin na burger lang ang binili ko.
“Okay na sa `kin ang tubig.”
“Parang lagi kang nagtitipid?” Nahihiya niyang tinanong.
“Ayoko kasing humingi pa ng extra sa tyahin ko, kaya mas gusto kong gastusan ang sarili ko. Tama lang ang nakukuha ko sa pag deliver ng mga panahi ni Tita para sa baon ko at mga gastusin sa school,” paliwanag ko sa kaniya.
“Hirap ba kayo ni Tita Lucy mo? Mukha namang maayos ang sales ninyo sa tiyangge, ha?”
“Oo, malaki-laki naman kita niya, kaya lang may maintenance na si Tita sa diabetes niya, pati sa highblood at cholesterol, kita mo naman si Tita, malusog,” natawa ako. “At gusto ko pag dating ng time na titigil na siya sa pananahi, marami s’yang pera para sa sarili niya.”
Mauubos ko na pala ang fries ni Jiro. Iniabot niya naman sa akin ang kinakain niyang onion rings.
“Nandiyan ka naman, Bicoy, alam ko naman `di mo pababayaan ang Tita mo kahit pagtanda niya.”
Napangiti ako. “Totoo,” sabi ko, “Pero siyempre, `di natin masasabi kung anong p’wedeng mangyari sa hinaharap. Malay mo, bukas, makalawa, mabundol ako ng trak, eh, `di wala nang kasama si Tita?”
Biglang napatayo si Jiro! “H-hoy! W-wag ka namang magsalita nang ganyan!” sabi niya, at nakita kong may luhang tumulo sa mata niya.
“H-ha?” nagulat ako sa reaksiyon niya.
“P-paano mo naman nasabi yun? Hindi ka dapat nag-iisip ng ganyan, pano na lang si Tita mo? Anong sasabihin niya `pag narinig niya `yan?”
Natawa ako, masyado naman `tong si Jiro mag over-react. “Kunsakali lang naman,” sabi ko.
“Kahit na...”
“Maupo ka na at pinagtitinginan na tayo ng ibang tao.”
Napatingin nga si Jiro sa paligid, namula, at muling umupo sa tapat ko.
“S-sorry,” bulong niya.
Inabutan ko siya ng tissue. Ipinunas niya iyon sa mukha niya at suminga.
“Alam mo, nang three ako, namatay ang mga magulang ko sa vehicular accident,” kwento ko sa kanya. ”Nakasakay sila sa bus na nawalan ng preno habang papuntang Cavite para makiramay sa tyuhin ko’ng namatay. Pile up ang nangyari noon, sa South Express way. Sa sobrang bilis ng bus na sinakyan nila, halos nadurog ito, pati na rin ang mga pasahero.”
“Eh, ikaw?” tanong niya sa akin.
“Na kay Tita Lucy ako noon, iniwan ako nina mama dahil may sinat ako, at sabi nila, masamang sinasama ang mga bata sa lamay. Ayun, nadagdagan pa tuloy `yung pag luluksaan nila.” Natawa ako.
“Bikoy, ba’t ganyan kang magsalita?”
Napatingin ako kay Jiro. Malungkot ang tingin niya sa akin.
“Haay... may mga bagay na hindi na dapat iniisip pa, kaya mas mabuti pa tawanan mo na lang at ipag-isang tabi.” Natahimik si Jiro. “Ewan nga kung bakit sinasabi ko pa `to sa `yo, eh, hindi naman ako lasing.” Lalo akong natawa. “Basta alam ko lang, komporbable ako sa `yo.”
Tinignan ko ang kinakain niyang burger. Kalahati pa lang ang bawas nito, samantalang naubos ko na pati onion rings niya.
“Bilisan mo na kumain, may klase pa tayo.”
Nagpunta akong CR at iniwan si Jiro na kumakain sa mesa. Umihi ako, naghilamos at napatitig sa salamin.
Bakit namumula ang mukha ko?
Ngayon ko lang nasabi sa ibang tao ang nangyari kina nanay at tatay. Ngayon ko lang nasabi sa kahit sino ang nararamdaman ko tungkol sa aksidenteng iyon.
Bakit si Jiro?
Bakit sa kaniya pa ako nagsabi?
At bakit parang tumagos sa akin ang mga sinabi niya?
Bakit nga ba ako ganito?
Bakit ba tanggap lang ako ng tanggap?
Bakit tinatawanan ko lang ang lahat?
Naghilamos muli ako ng mukha at huminga ng malalim bago lumabas.
Nakita ko si Jiro. May dalawang babae siyang kasama sa upuan namin. Masaya silang nakikipag usap kay Jiro na mukhang pilit ang ngiti.
“B-Bicoy...” tawag sa akin ni Jiro nang makitang palapit ako sa mesa.
“Oh, hi!” sabi ng isang babae. Mestiza siya, wearing a blouse that looks like it was a size too small for her. Halos mamutok ang dibdib nito. “My name’s Kitty and this is my friend Kate, gusto sana naming magkipag-friends sa inyo,” turo nito sa kaibigan niyang nakasuot ng skirt na pinapalandakan ang mahaba at makinis niyang legs.
“Hi! Nice to meet you,” sabi ng kasama niyang si Kate. “We were hoping we could be friends?”
Lumapit ako kay Jiro na malungkot ang tingin sa akin.
“Sorry,” sabi ko sa dalawang babae, “but I’m very possesive of my boy friend.” pagkasabi ko nito, ay yumuko ako at hinalikan si Jiro sa pisngi.
Nanlaki ang mata ng dalawang babae, pati na rin ang kay Jiro na bumagsak ang panga.
Hindi ako makatigil sa kakatawa.
Pabalik na kami ng campus, pero tuwing naaalala ko ang itsura ng dalawang babae sa Burger Queen, `di ko mapigil na humalakhak!
“Ano ba `yan, kanina pa `yan, ha?” nakangisi rin pati si Jiro.
“Kasi naman... `di ko malimutan `yung itsura ng dalawa kanina...”
“K-kung anu-ano kasi pinagsasasabi mo, eh!” Hinampas ako ni Jiro sa balikat.
Ang lamya talaga niya.
“Pero ayos `yun, ha? Magandang way `yun para magpaalis ng unwanted company!”
“Maganda ba `yun? Halos tumalon ang puso ko sa ginawa mo!” sabi ng katabi ko.
“Kinilig ka ba?” bulong ko sa tenga niya.
“H-Hindi ha!” Pero lalong namula ang mukha niya.
“Don’t tell me, that was your first kiss?”
Lalong namula si Jiro, and for some reason, nawala ang tawa ko.
“M-malapit na tayong bumaba,” sabi niya.
Pagbaba namin ng jeep ay nagmamadali si Jiro na pumasok ng aming building.
Pero gusto ko pa siyang makasama.
Hinawakan ko ang kamay niya at hinatak siya paikot ng building.
“S-sandali! S-saan tayo pupunta?”
Katabi ng Architecture building ay ang Engineering sa kaliwa, at ang Fine Arts sa kanan. Sa likod naman ng tatlong malalaking building na ito ay may field, at sa part ng FA ay may malawak na garden. Dito ako tumatambay dati `pag wala ako sa mood na makipag-usap sa ibang tao. Sinama ko si Jiro papunta rito, kung saan may mga matatandang puno ng kapo na kasing taas ng mga building sa campus. Doon, sa likod ng isang mataas at malapad na puno ng kapo ko siya sinama.
“Bicoy, Bakit tayo nan-“
Hinatak ko papalapit si Jiro at hinalikan siya sa labi.
Ang maninipis na labi niyang mapula na madalas kong titigan tuwing nakikipag-usap ako sa kaniya.
Hindi siya nakagalaw sa gulat.
Hinimas ko ang batok niya at naramdaman siyang mapaigtad. Lalo ko pang idiniin ang bibig ko sa kaniya, dinilaan ang kaniyang labi, pero madiin ang pagkakasara nito.
Sa wakas, binitawan ko rin siya.
Dumilat siya, tumitig sa akin, at saka lang nakahinga.
“How’s that for a real first kiss?” I asked him with a lopsided grin. And I saw two big tears roll down his cheeks.
“H-hoy, okay ka lang?” Nanikip ang dibdib ko. “Hey, that was only a joke!”
“I-I’m okay...” pinunasan niya ang luha niya.
“You sure?” Gumaan ang paghinga ko ng bahagya.
“O-okay lang... j-joke lang naman...”
“Well... yeah... pero, first kiss mo ba talaga `yun?” tanong ko `uli, tumawa pa ako, trying to lighten the mood.
Tumango si Jiro.
Ginulo ko ang buhok niya, tapos ay tinapik siya sa likod.
“Pasensya na, twisted lang ako. Ganito ako magbiro sa mga kaibigan ko,” palusot ko. “So, have you fallen for me?”
Napatingin sa akin si Jiro, nanlalaki ang mga mata, nanginginig ang mga labi. Tinignan ko naman siya pabalik, I gave him a playful grin.
Umiling si Jiro at ibinaba ang tingin.
“Are you sure?”
“Y-yes.”
Natawa `uli ako.
“Good... never fall for someone like me.” I told him. “I’m twisted as f**k. Even being friends with me can drive you nuts.” Yumuko ako at sinilip ang mukha niyang namumula. “Hey.” patuloy ko, “It’s not too late, you know? Pwede ka pang umatras kung ayaw mo nang makipagkaibigan pa sa akin.”
“H-hindi!” umiling siya ng ilang ulit. “G-Gusto kong maging kaibigan mo... I want to know you better... get even closer than Tony and the rest...”
Lumaki ang ngiti ko. “Then hold on tight, Jiro, you’re on for a rough ride.”