Chapter 10 – Hang Over

1685 Words
Nag taxi kami pauwi. Bagsak na si Tony. Buti nga kami ni Rick hindi nalalasing. Mukhang kung sino pa ang may birthday, siya pa ang halos hindi uminom. Paano kaya kami uuwi kina Tony nito kung tulog na siya sa kalasingan. “Pare, kinakausap mo ba sarili mo?” natatawang tanong ni Rick sa akin. “Ha? Was I saying that out loud?” tanong ko sa kaniya. “Oo. Mukhang lasing ka na nga talaga.” “Nah, I don’t get drunk, eto nga, o, diretso pa utak ko.” “Ikaw ang type na pag nalalasing, eh, nagbubulgar ng kung anu-ano. Si Tony naman ang type na tawa ng tawa at nagiging lalong makulit.” “Eh, ikaw?” tanong ko kay Rick. “Secret,” sabi niya, nakangisi. “Kaya nga hindi ako masyadong uminom, eh.” Mukhang alam naman ni Rick kung saan nakatira si Tony. Apartment pala tinutuluyan nito. Ang tatag niya ha, mag-isa lang s’yang nakatira rito? “Oo, ang probinsya kasi nila sa Bicol, kaya rumerenta siya rito, mas mura kumpara sa condo.” “Ah, was I talking out loud again?” tanong ko kay Rick. “Yup,” ngumisi siya sa akin. Kinapkapan niya si Tony at naglabas ng keychain. Binuksan niya ang pinto sa apartment 305 at pumasok kami sa loob. Parang kuwarto ko ang apartment niya. May dalawang silya at isang lamesa. Sa loob naman ng isang maliit na kuwarto ay ang kama niya at aparador. Well, at least lamang siya ng isang silya. Wala nang ibang gamit sa kuwarto, ni pinggan o mga kubyertos, wala. “Sa karindirya lang kasi siya kumakain,” sagot ni Rick sa akin. “Tulugan lang talaga niya ang lugar na `to.” “Saan tayo matutulog?” tanong ko. “May extra comforter si Tony, doon ako natutulog pagpumupunta ako rito, naglalatag na lang ako ng karton para di tumagos ang lamig ng lapag.” Naglatag na nga ng karton si Rick sa maliit na living room matapos namin ihiga si Tony sa kuwarto niya. “Isara mo `yung kurtina para di tayo masilip ng mga dumadaan sa harap.” Isinara ko na nga ang mga kurtina. Nakabukas ang tuktok na bahagi ng jalusi sa mga bintana para may pumasok na hangin. Buti nga at may electric fan na nakatutok sa amin, dahil maalinsangan ang panahon. “Sige, pare, matulog ka na at kanina ka pa nag-na-narrate diyan,” sabi ni Rick na natatawa sa akin. “Sige, pare, goodnight.” Nagising ako na masakit ang ulo. Napatingin ako sa paligid. “Nasaan na `ko?” Nanakit ang likod ko sa matigas na higaan. Umupo ako at may nakitang hubad na katawan na nakatalikod sa akin. Mahaba-haba ang buhok nitong nakatakip sa batok at maputi ang katawan. Kaya lang, ba’t parang maskulado? Sinilip ko ang pang-ibaba ko sa ilalim ng kumot. Okay, suot ko pa ang brief ko. Mukhang wala namang nangyari kagabi. Tinaas ko ang kumot ng katabi ko at nakitang nakapantalon naman siya. Okay. Safe. Pero, nasaan nga ba ako? Pinilit kong alalahanin ang nangyari kagabi. “Ah! Birthday ni Rick!” muli akong napatingin sa katabi ko. “Rick? Gising na!” Umungol ang katabi ko. “`La pa...” “Mag aalas-dies na, `di ka ba uuwi sa inyo?” “Dies... nueve... otso...” “Ha?” natawa ako sa count down ni Rick. “Gumising ka na, gigisingin ko na rin si Tony.” Pumasok ako sa maliit na kuwarto at tinapik si Tony. “`Oy, buhay ka pa ba?” tanong ko rito. Kagabi kasi ay bagsak talaga ang isang ito at kinailangan pa naming buhatin para maiuwi. “A-araaaaay...” ungol niya, kapit ang kaniyang ulo. “Anong nangyariii?” “Sobrang lasing mo kagabi, ayan tuloy, hang-over ka ngayon.” “Sino kaaa?” tumitig siya sa akin, `di pa madilat nang maayos ang mga mata. “Si Vic-“ Nagulat ako nang bigla akong tinalon ni Tony at yakapin. “`Oy, lasing ka pa ba?” “Hindi pare...” sabi nito, “Wala `to...” pero hindi pa rin siya bumibitaw. “Basta pare, tandaan mo, nandito lang ako lagi! Nandito lang kami ni Rick! Nasa tabi mo lang kami!” “Ano ba makakain?” tanong ni Rick na nagkakamot ng ulo sa may pintuan. “Rick! `Alika group hug tayo!” tawag sa kaniya ni Tony. “Bakit, anong meron?” lumapit naman ang isa at yumakap din sa amin. “Ano bang nangyari?” tumatawa kong tanong, nang maalala ko `yung mga ikinuwento ko kagabi. Pinili kong manahimik na lang. Kaya ayokong umiinom, eh. “Okay, gutom na rin ako, sa’n ba kainan dito?” tanong ko kay Tony. “Sa baba may karinderia,” sabi ni Tony na bumitaw din sa wakas sa akin. “Pahiramin ko na lang kayo ng damit,” at pumunta siya sa mababang OroraCan sa may dulo ng kaniyang kama. Matapos kumain, umuwi na muna si Rick sa kanila. Malapit lang kasi bahay nila, sa Lagro lang, ako naman, nag-stay kina Tony at nanghiram ng t-shirt. “Gusto mo bang maligo muna?” tanong sa akin ni Tony na kanina pa ko tinatrato na parang special guest. “Eto tuwalya, gusto mo, hiram ka na rin sa `kin ng boxers? Malilinis `to, nagpapa-laundry ako.” “Sige, salamat,” nakangiti kong sinabi at nakita ang tingin niya sa akin na para bang nagpipigil siya ng luha. Pumasok na ako ng banyo. This really pisses me off. Ang ayoko sa lahat, `yung kinaaawaan ako. Well, ganon lang siguro talaga si Tony. From what I heard, panganay siya sa limang magkakapatid. May kaya man ang pamilya nila sa Bicol, siya ang nag-aalaga sa mga kapatid niya, at madalas niyang ibida sa `min ang mga iyon. Obviously, nami-miss niya ang mga alaga niya, kaya nga kahit siya ang pinaka maliit sa barkada, siya rin ang pinaka maalalahanin at maalaga sa amin. Matapos maligo ay lumabas na ako at nakitang naglatag si Tony ng mga damit na isusuot ko sa kaniyang kama. “Eto, pahiramin na rin kita ng pantalon, tignan mo kung kakasya sa `yo.” “Sigurado bitin `yan,” natatawa ko’ng sinabi. “Shorts, gusto mo?” tanong niya. “Tingin ko naman magka-bewang tayo.” “Okay na ang pantalon ko.” Kinuha ko ang boxer sa kaniyang kama at inalis ang tapis kong tuwalya. Napalingon ako kay Tony na nakatayo pa rin sa may pinto ng kuwarto niya at nakatitig sa likod ko. “Umm... magbibihis na ako.” “Ang ganda talaga ng katawan mo, ano?” sabi niya. “Nag g-gym ka ba?” “Hindi, kargador lang ako sa palengke.” Natawa si Tony sa sinabi ko. Hindi ata siya naniwala. Sinuot ko na lang ang pinahiram niyang boxers. “Ako, kahit anong gawin kong exercise, hindi lumalaki katawan ko, buti pa nga `yung sumunod sa akin, mas maganda pa katawan kesa sa akin. Pero iba pa rin katawan mo.” “Salamat.” Humarap ako sa kaniya at ngumiti. “Minsan sama ka sa akin para masubukan mong magbuhat, sigurado lalaki rin ang katawan mo.” Nagtawanan kami pareho. “Pero, Tony, p’wede favor?” singit ko. “Ano yun?” tanong niya. “If possible, ayoko ng special treatment, lalo na ngayong may natutunan ka tungkol sa nakaraan ko.” Natahimik si Tony. “Siguro na inyo, napaka laking bagay nang nangyari sa akin. Iniisip n’yo siguro na na-rape ako ng mga pinsan ko, pero mali kayo doon.” Natawa ako. “Hindi naman p`wedeng ma-rape ang lalaki, eh, the very idea is silly. Actually, nasarapan nga ako noon, eh, biro mo, first time ko, apat agad, puro virgin pa, at tuwang-tuwa sila dahil ang laki daw ng akin. So please, let’s just forget I ever told you guys that story, okay?” Tumango naman si Tony. “A-ang lupit mo talaga, Vic, idol na talaga kita.” At least bumalik na ang makulit na ngiti niya. “How to be you, pare!” “Ha-ha, idol ka d’yan, simulan mo sa pagkakargador,” at muli kaming nagtawanan. Magkasama kaming nag-lunch ni Tony. Mukhang kinalimutan na nga niya ang kuwento ko kagabi. After kumain, magkasama kaming pumasok sa university. “O, nawala ka kagabi, ha?” kant’yaw ni Tony kay Jojo nang makita ito sa classroom. “Ha-ha, may nag-aya, eh...” napatingin siya sa kaklase naming si Ann na may kasamang dalawang kaibigan. Napatingin din ito sa kaniya at namula. “Mukhang may mabubuo nang love team sa klase natin ha?” muling nangant’yaw si Tony. Habang nagkukulitan naman sila ay pumasok si Jiro. Tumingin-tingin siya sa paligid at natigil sa akin. Tinunguan niya ako saka pumunta sa dulo ng classroom. Sinundan ko siya doon. “Good morning.” Ngayon lang ako naunang bumati sa kaniya. “Good morning.” Binigyan niya ko ng matipid na ngiti. “Nakuha mo ba text ko?” “Oo...” “Baka kasi hintayin mo ko sa MRT.” “Dumiretso na nga ako rito.” “Good.” “Good...” Pinanood ko si Jiro as he fixed his bag. Binuksan niya iyon at kumuha ng notebook at ballpen sa loob. Parang laging ang daming laman nito. Binuksan niya ang notebook. Nagbasa siya. Pilit s’yang umiiwas ng tingin sa akin. Nangiti ako. For some reason, para akong nare-relax tuwing nakikita ko si Jiro. I don’t know why, but it kinda feels like I could just stretch out and chill when I’m with him. Pumasok na ang professor namin sa kuwarto. “Vic, balik ka na sa upuan mo,” sabi ni Jiro sa tabi ko. “Hm? Nasa upuan na `ko,” sagot ko sa kaniya. “Ha?” Nilingon niya ako, gulat, mukhang ninerbiyos. “D-dito ka uupo?” “Oo. Na-mis kita, eh. At akala ko ba Bicoy na ang itatawag mo sa akin?” namula ang mukha ni Jiro, pati tenga niya nagkakulay. Natawa ako, at buong klase ay `di ko mapigilang mapatingin sa namumulang mukha ng aking katabi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD