CHAPTER 7

1166 Words
“Nicole anong nangyayari sa ‘yo bakit late ka ng umuwi? At ano ang ginawa mo kay Nicole akin na siya!” Singhal ni Nick kay sir Jake. “Pare, wala akong ginawang masama kay Nicole. Huwag kang magalit ng ganiyan.” Seryosong wika ni sir Jake. “Nick, siya ang boss ko, hinatid niya ako dahil nasobraan ako sa alak saka hindi ko na rin kayang mag-drive. Huwag kang magalit sa kaniya wala siyang ginawang masama sa akin.” “Nicole bakit gusto mo pang may gawin siyang masama sa ‘yo bago ako magalit? matinong babae ka pa ba umaga na Nicole, kaya ba gusto mong magtatrabaho para ganito ang gawin mo maglasing kasama ang kahit sinong lalaki? bakit Nicole kailan ba kita tinuturuang uminom? Ikaw ang boss ni Nicole? mula ngayon hindi na siya puwedeng magtatrabaho sa company mo!” At kailan ka pa natutong uminom Nicole kasama mo pa ang boss mo?” “Sir Jake, umuwi ka na muna mag ingat ka sa pag-drive maraming salamat sa paghatid mo sa akin.” Wika ko sa boss ko gusto ko na siyang umuwi dahil alam kong hindi titigil si Nick sa kakasermon sa akin nakakahiya sa boss ko. “Pero Nicole are you sure okay ka lang kung iiwanan kita? paano kung saktan ka ng lalaking iyan?” Seryosong wika nito. Mas lalong nagalit sia Nick dahil sa sinasabi ni Jake. “Anong sinasabi mo? Lumayas ka baka ikaw pa ang masaktan ko!” “Sir please. . . umuwi ka na.” “Okay Nicole bye, magkita na lang tayo sa office next week.” Saad ng boss ko, pag-alis ni Jake ay hinila ako ni Nick sa loob ng bahay. “Halika dito sa loob!” Singhal ni Nick sa akin at Nagulat ako nang tinapon niya ako sa sofa. “Aray! Nick ano ba? bakit ka ba nagagalit huh? Wala na ba akong karapatan mag-enjoy kasama ang ibang tao? anong gusto mo nagmumukmok ako rito sa loob ng bahay? maghihintay kung anong oras ka uuwi? ganito na ba talaga ang papel ko sa buhay mo? sunud-sunuran sa mga gusto mo? Gusto ko naman sumaya Nick kahit saglit lang eh. Bakit ka ba nagagalit sa akin? bakit ka ba nagagalit kay Jake? pasalamat ka nga nagmagandang loob siyang ihatid ako rito eh!” “Sino ba ang hindi magagalit Nicole unuwi kang lasing na hindi mo naman ‘yan ginagawa dati, hindi mo ba ako naintindihan Nicole? pinapahalagahan lang naman kita eh. Bakit hindi ka makaintindi?” Wika ni Nick sa akin pinilit kong intindihin ang kaniyang mga sinabi pero nagalit pa rin ako dahil pakiramdam ko wala na akong karapatang magdesisyon para sa sarili ko. “Wala naman kaming ginagawang masama eh. Ikaw ba sa tuwing iniwan mo ako ditong mag-isa kasama ang mga tropa mo at si Katrina nagagalit ba ako sa ‘yo? Inaway ba kita sa tuwing umaga ka nang umuwi at lasing ka pa? Inaalagaan pa nga kita eh, pinupunasan para mabango ka bago matulog. Meron ka bang naririnig sa akin?” Seryosong wika ko sa kaniya pero nakatitig lang siya sa akin. “Nicole, hindi naman ‘yon eh, magkaiba ang situwasyon natin! lalaki ako at samantalang ikaw ay babae! at mga lalaki pa ang mga kainuman mo! karga-karga ka pa ng lalaking iyon? bakit pumayag ka na hawakan ng ibang lalaki ang katawan mo?! alam mo ba kung bakit hindi kita sinasama sa mga lakad ko kapag kasama ko ang mga kaibigan ko? alam mo ba kung bakit Nicole?” Tanong niya sa akin bakas pa rin sa mukha niya ang sobrang galit ayaw ko siyang tingnan sa kaniyang mga mata dahil para siyang dragon, natatakot ako na baka bugahan niya ako ng apoy. “Hindi ko alam Nick. Paano ko naman malalaman wala ka namang sinasabi sa akin eh.” Wika ko sa kaniya. “Hindi mo alam? o manhid ka lang Nicole? gusto mong malaman? dahil ayokong bastosin ka nila! kasi importante ka sa akin, iniingatan kita Nicole! pero bakit hindi mo nakikita yon!” Singhalvni Nick sa akin at iniiwan ako ni Nick sa sofa, umakyat siya sa taas. Hindi ako makapaniwala sa aking narinig mula sa bibig ni Nick, humiga ako sa sofa at natulog at pinilit na makatulog ayaw kong umakyat sa kuwarto dahil walang lakas ang aking mga paa. Nagulat ako paggising ko sa umaga ay sa aking kama na ako. Nagising ako sa bigat ng braso na nakayakap sa akin, ang higpit ng pagkayakap ni Nick sa akin at nakadikit pa ang kaniyang mukha sa aking balikat, ito ang pinakamahirap na situwasyon dahil natatakot ako na baka hindi ko mapigilan ang aking sarili.kunwaring tulog ako dahil hindi ko alam kung ano ang mangyayari kapag nagising siya na gising na ako. Ilang minuto ay nararamdaman kong bumangon na si Nick kaya nakahinga ako ng maluwag, lumabas siya sa kuwarto. mag-alas-otso na ng umaga. Pero hindi pa rin ako bumangon para magluto ng breakfast masakit ang ulo ko kaya ko, mas gusto ko pang matulog,lumipas ang ilang oras ay bumaba na ako sa kusina para kumain. Wala na ang sasakyan ni Nick, alam ko mag kasama na naman sila ni Katrina dahil weekend. Kumain na lang ako ng instant noodles dahil wala naman si Nick ako lang naman kumain mag-isa. Pagkatapos kung mag-shower ay naisip kong pumunta ng mall para mag-grocery. Samantalang nagkasugitan sina Nick at Katrina dahil meron gustong ipagawa si Katrina kay Nick na ayaw niyang gawin at iyon ang layuan ako ni Nick. “Nick, anong problema mo? bakit ganiyan ang itsura mo? anong masakit sa iyo?” tanong ni Katrina kay Nick. “Katrina wala huwag mo naVlang akong intindihin okay lang ako.” “Anong wala? kanina ka pang wala sa mood eh.Sabihin mo sa akin o iwanan kita dito sa hotel?” “Katrina, nag-aaway lang naman kami ni Nicole? Lasing siyang umuwi kagabi at may kasama pang lalaki.” “Sinong lalaki? boyfriend ba niya?” “Hindi boss niya raw!” “Tapos anong problema mo? mas maganda nga na magka-boyfriend si Nicole para umalis na siya sa buhay mo! masolo na kita para wala na akong karibal sa iyo.” Seryosong wika ni Katrina kay Nick dahilan sa pagtaas ng boses ni Nick. “Katrina anong sinasabi mo? hindi puwedeng mawala si Nicole sa buhay ko, Katrina mahalaga siya sa akin at kailangan ko siya!” “So ganoon? mas pipiliin mo ba siya kung papipiliin kita? Sige nick sino sa amin ni Nicole ang piliin mo?” Wika ni Katrina kay Nick. “Katrina stop! hindi ko puwedeng sagutin ‘yan!” “Okay, Nick maghiwalay na tayo! balikan mo na lang ako kung wala na sa buhay mo si Nicole.” !Katrina! Katrina! Saan ka pupunta?” “Nick, malinaw ang sinasabi ko sa ‘yo! hindi ka naman bingi ‘di ba? balikan mo lang ako kung wala na sa buhay mo si Nicole!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD