CHAPTER 6

1055 Words
Nagising ako sa tunog ng aking alarm clock, nagmadali akong mag-shower dahil magluto pa ako ng breakfast at maglaba madali lang naman ang maglaba dahil may machine washing naman. Pagkatapos kong mag-shower ay bumaba na ako at nagluto ng breakfast nagsalang navrin ako ng mga labahan sa washing machine. Ganito ako ka busy ngayon dahil dahil nagtatrabaho na ako. Tulog pa rin si Nick kaya umalis na ako papuntang trabaho. Ngunit ganoon pa rin hindi ako maka-focus sa mga ginagawa ko dahil iniisip ko pa rin ang nangyari kagabi hindi nawawala sa puso ko ang sakit kahit sobrang busy ko na ay hindi ko pa rin makalimutan nangingilid na ang mga luha sa aking mga mata. Pero pinilit kong pigilan ang ang aking mga luha dahil ayokong makita ni sir Jake na meron akong problema, pero lumapit siya sa akin at tinitigan niya ang aking mga mata. “Nicole, alam kong iiyak ka na ilabas mo lang ang mga luha mo huwag mong pigilan, I’m sure broken hearted ka. Sinong nanakit sa ‘yo?” Tanong ni Jake sa akin. Pero Tumalikod ako dahil nahihiya akong makita ni sir Jake ang aking mga luha. “Sir Jake, wala okay lang ako, napuyat lang ako kagabi kaya wala ako sa mood ngayon, masakit lang ang mata ko huwag mo na akong pansinin sir.” Saad ko kay sir Jake habang nakatitig ako sa aking ginawa, pero makulit siya at hinawakan niya ang aking mukha hindi ko sinasadyang nakatitig ako sa kaniyang mga mata. At nagtama ang aming paningin. Nagulat ako nang bigla niya akong kindatan, Iniwas ko ang aking mukha at tinulak ko siya. “Gusto mo labas tayo mamaya? May mga kasama naman tayo friday ngayon nuod tayo ng live band.” Wika sa akin ni Sir Jake. “Ganoon ba sir? okay sasama ako sa inyo, gusto kong mag-enjoy kahit ngayon lang.” Diretso kong sinabi na hindi man lang nagpapakipot, ang gusto ko kasi ay makawala ang sakit na naramdama ko gusto kong maranasang mag-enjoy kasama ang ibang tao, kasi buong buhay ay lagi akong nakasunod kay Nick, hindi ko naranasang magkaroon ng boyfriend sino ba ang lalapit sa akin natatakot sila kay Nick ang akala nila ay boyfriend ko si Nick. Kaya walang magtakang makipagkilala sa akin, ngayong hindi ko na siya kasama ay gusto kong maranasan kung masaya ba kung ibang tao naman ang aking makasama. “Talaga Nicole sasama ka? walang halong biro? tanong ni Nick sa akin nakangiti lang ako at tumango sa aking boss. Okay mag-enjoy ka doon promise.” Wala sa isip ko na sumama kay sir Jake, pero gusto ko lang makalimot kahit isang oras lang para naman mawala ang sakit na aking nararamdaman, pagkatapos ng office hour diretso na kami sa lugar na sinasabi niya. Nauna na pala ang mga kaibigan ni sir Jake, at may lumapit na babae sa kaniya nagulat ako nang hinalikan siya sa labi. Napakaganda ng babae at ang sexy pa niya, pero kawawa naman siya dahil hindi niya alam na nangungulikta lang ng babae si sir Jake. “Hello guys please meet my personal assistant, Nicole sila ang mga kaibigan ko katulad ko din silang single.” Nakangiting wika sa akin ni sir Jake.” Nakipagkumustahan ako sa kanila ay nakipag-shake hands. “Hi Nicole kumusta ka na ang ganda mong babae baka puwedeng mag-apply kahit driver lang.” Nakangiting saad ni keneth ang palaberong kaigan ni Jake. “Hi, okay lang ako salamat. Pero hindi ko na kailangan ng driver kaya ko ng ipagdrive ang sarili ko. Sagot ko sa kaniya at nakatitig ako sa babaeng lumalit kay sir Jake. “Nicole si Trina girlfriend ko. Trina si Nicole personal assistant ko.” Saad ni sir Jake habang nakalingkis ang mga braso ni Trina sa leeg nito. “Hi Nicole, please meet you.” “Hi Trina kumusta ka?” medyo nahihiya ako sa kanila kasi mga bigtime sila at samantalang ako nagtatrabaho lang kay sir Jake. Wala akong pakialam dahil ang importante sa akin ay mag-enjoy ako at makalimot para naman kahit paano ay mapalitan kahit sandali ang sakit ng aking puso. “Nicole okay ka lang ba? Umiinom ka ba?” Nag-alalang tanong ni Jake sa akin, nakita kasi niyang malungkot pa rin ang itsura ko. “Oo naman sir Jake, okay lang ako huwag mo na lang akong pansinin salamat.” Napadami na ang aking nainom at nakalimutan ko ang oras, mag ala-una ng madaling araw, kaya nagpaalam na ako sa kanilang mauna na akong umuwi, pero hinawakan ni sir Jake ang aking kamay at pinaupo niya ako sa upuan habang hawak-hawak niya ang aking balikat. “Nicole huwag kang mag-alala kahit abutin pa tayo ng umaga, walang pasok bukas kaya mag-enjoy ka lang okay?” Saad ni sir Jake habang pinipisil niya ang aking mukha. “Sir no, meron naman akong kotse, kaya ko pa namang magmaneho.” Turan ko sa kaniya habang nakangiti. Tumayo ako at nagpaalam sa lahat, pero natumba ako mabuti na lang nasalo ako ni sir Jake ang bilis ng kaniyang mga brasong nakasalo sa akin. Kinuha niya ang aking bag. Binuhat niya ako at isinakay sa kaniyang ng kotse. “Sir Jake, ang kotse ko nasaan?” Tanong ko sa kaniya, hindi kasi ako sanay uminom kaya, naninibago ang aking katawan. “Huwag kang mag akala safe ang kotse mo sa akin na ang ID mo tingnan ko lang ang address mo.” Nilagyan ako ni Jake ng seatbelt at inaayos niya ang aking katawan para maka-relax. “Ihatid kitang na walang bawas, at kinindatan pa niya ako. Ang bait pala niya kahit Playboy siya ay hindi niya ako binastos at iningatan pa niya ako.Pagdating namin sa bahay ay agad siyang bumaba at binuhat niya ako para ihatid sa loob, Pero ang sabi ko sa kaniya ay ibaba na niya ako. “Sir ibaba mo ako. Okay na ako maraming salamat sa kabutihan na nagawa mo para sa akin ngayong gabi.” Seryosong wika ko sa kaniya, pareho kaming nagulat nang biglang sumulpot si Nick sa aming harapan galit na galit ito habang nakatitig siya sa aming dalawa ni Jake. Buhat-buhat pa ako ni Jake sa mga oras na iyon, biglang nawala ang kalasingan ko at natataranta na ako binaba ako ni Jake at hinablot ni Nick ang aking braso.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD