CHAPTER 8

1098 Words
“Nick lasing ka na naman? puwede ba tigilan mo na ang pag inom! Ano ba ang meron sa babaeng uyon at nagkakaganyan ka?! marami pang babae, kung ayaw niya sa iyo pabayaan mo na siya, Pinapatay mo na ang sarili mo sa alak eh.” Wika ko kay Nick, naawa na kasi ako sa kaniya hindi ko kayang nakikita siyang nasasaktan. “Nicole, hindi mo alam kung bakit lumalayo siya sa akin, kaya huwag kang magsasalita diyan na parang alam mo ang lahat! Pabayaan mo akong maglasing at ikaw anong ginagawa mo lagi ka na lang sa boss mo! Sa boss mo! Iniwan niyo na akong lahat! Bakit Nicole wala na akong halaga sa ‘yo? ngayon kita mas higit na kailangan eh, pero anong ginagawa mo? nandoon ka sa boss mong playboy!” Singhal ni Nick sa akin, nakaramdam ako ng kirot sa aking puso dahil hindi niya alam kung paano ako nasasaktan araw-araw. “Mas lalong wala kang alam sa narardaman ko Nick! kaya huwag mo akong pagsalitaan ng ganiyan nagtatrabaho ako para,mganit ko naman ang pinag-aralan ko pagod na ako sa kasunod sa ‘yo araw-araw. Saka hindi naman kita pinabayaan ‘di ba? dahil ginagawa ko pa naman ang mga gawain dito sa bahay eh.” “Kailangan kita Nicole, kailangan kita ang gusto ko dito ka lang sa tabi ko makaibigan tayong dalawa ‘di ba? huwag mo akong ipagpalit diyan sa boss mo! lumapit si Nick sa akin at niyakap niya ako ng mahigpit, damang-dama ko ang lungkot niya tinulungan ko siyang umakyat sa kaniyang kuwarto at pinusan ko ang kaniyang buong katawan para maka tulog siya ng maayos .dahil sa sobrang antok na ako ay pinatong ko ang aking ulo sa kaniyang kama at hindi ko namalayang nakatulog na pala ako, pagggising ko sa umaga nagulat ako nang nakahiga na ako sa kama niya at katabi ko na si Nick nakaunan pa ako sa kaniyang braso, pinagmasdan ko ang kaniyang mukha habang tulog na tulog siya. Hindi ko napigilan ang aking sarili at hinalikan ko siya sa labi, at sinobsob ko ang aking mukha sa kaniyang dibdib, naamoy ko ang kaniyang napakabangong katawan. Nagulat ako nang biglang niyakap ako ni Nick ng mahigpit at hinalikan niya ako sa noo, kinikilig ako at nag-iinit ang aking katawan. Gustong-gusto kong ibigay ang sarili ko sa kaniya kaso nakakahiya naman kung ako ang mag-offer ng katawan ko sa kaniya kaya tinitiis ko na lang ang init ng aking katawan at ang pagnanasa ko sa aking Best friend. “Nicole huwag ka munang pumasok sa work mo please, dito muna tayo alagaan mo ako, broken hearted ako ngayon ‘di ba? Kailangan kita eh.” Paglalambing ni Nick sa akin kaso ayokong mag-absent sa trabaho ko. “Nick hindi puwede kailangan ako sa opisina maraming trabaho ang naghihintay sa akin doon.” Seryosong wika ko sa kaniya. “Naghihintay sa ‘yo ang boss mo? huwag mong ulitin ang ginawa mo huh na makipag-inuman ka sa kaniya, huwag na huwag mong ulitin ‘yon nagseselos ako at t huwag kang magpahawak sa boss mo naintindihan mo?” Seryosong wika ni Nick sa akin? hindi ko siya naintindihan pero masaya ako nang sinabi niyang nagseselos siya ka sa boss ko. “Nick boss ko siya saka mabait naman siya at kahit lasing ako hindi siya nag-take advantage sa akin, hinatid niya ako sa bahay na walang kulang kumpleto ang katawan ko, kaya walang dahilan para iwasan ko siya. Paano ko naman iwasan ang boss ko magkasama kami sa isang opisina maghapon kaming magkaharap.” Hindi na nagsalita si Nick at pinikit niya ang kaniyang mga mata bumangon ako at naghanda ng breakfast para sa aming dalawa. “Nicole im sorry hindi na ako mag-breakfast may pupuntahan kami ng tropa ko at hindi na kita ihatid sa trabaho mo, mauna na ako bye. . . hindi ako makapagsalita medyo na offend na naman ako sa best friend ko dahil nag effort akong magluto para sa kaniya, pero hindi rin pala siya kakain. Sana hindi na lang ako nagluluto, tumulo ang aking mga luha at tinakpan ko na lang ang mga pagkain sa mesa, baka sakaling dumating siya mamaya at wala siyang makain, umalis na ako para magtrabaho, pagdating ko sa opisina ay naabutan ko si Jake na may kausap sa labas sexy at matangkad na babae nakatalikod ito, parang kilala ko ang babaeng kausap ni sir Jake,nakita ako ni Jake at agad niya akong tinawag. “Hi Nicole good morning, halika sabay na tayong pumasok sa loob.” Saad niya sa akin. “Hello sir Jake good morning. Nagulat ako nang makita ko ang babaeng kausap ni sir Jake ay si Katrina ang girlfriend ng bestfriend kong si Nick. “Nicole anong ginagawa mo rito?" “Ikaw Katrina bakit ka nandito? anong ginagawa mo dito bakit magkakilala ba kayo ni Jake siya na ba ang bago mong boyfriend ngayon? ang bilis mo naman magpalit ng lalaki parang nagbibihis ka lang ng panty!” Singhal ko kay Katrina. “Nicole hindi ko siya girlfriend. Siya ang girlfriend ng bestfriend ko, nandito siya para tanungin ako kong nagpakita ba sa akin si Carl sa akin. Pakiramdam niya kasi ay iniiwasan siya ng bestfriend ko.” Paliwanag ni sir Jake sa akin. “Ganoon ba? kung ganoon nangungulikta ka na ngayon ng lalaki Katrina? paano na ang best friend ko? kung may iba ka na palang hinahabol ngayon? sir Jake girlfriend siya ng best friend ko.” Saad ko kay Jake dahilan sa galit ni Katrina sa akin, galit na galit ako sa kaniya dahil sinasaktan niya ang best friend ko. “Hoy Nicole! hindi mo ba alam na naghihiwalay na kami ng best friend mo? tumigil ka nga! at sabihin mo sa best friend mo na huwag na huwag na siyang maghabol sa akin dahil hindi ko na siya mahal!” Sigaw ni Katrina sa akin habang dinuduro niya ako. Mabuti na lang humarang si sir Jake at hinila na niya ako para pumasok sa opisina, Natakot siya na baka magsampalan kaming dalawa ni Katrina. “Katrina, sige huh maiwan ka na namin ni Nicole, halika na sa loob, baka saan pa mapunta ang usapan ninyong dalawa eh.” “Wait lang sir Jake, may sasabihin lang ako sa babaeng ‘yan! Katrina gagawin ko ang lahat para hindi ka na habulin pa ni Nick hindi kita gusto para sa best friend ko! sa totoo lang nakakahiya ka dahil hindi ka marunong makuntento sa isang lalaki!” Singhal ko kay Katrina at nagmadali na akong pumasok sa opisina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD