Chapter 3

2228 Words
NAPATINGIN si Fame sa cellphone na nakalapag sa desk niya ng tumunog iyon. Dinampot ni Fame ang cellphone. Hindi niya napigilan ang pagkunot ng noo nang makita kung sino ang tumatawag sa kanya sa sandaling iyon. Mabilis niyang sinagot ang tawag mahirap na baka masungitan pa siya. "Hello po, Sir Zach." Bati ni Fame ng sagutin niya ang naturang tawag. "Miss Sevilla." Anang malagom na boses mula sa kabilang linya. "Yes, Sir Zach." "Miss Sevilla I forgot to bring the AB Contract with me." Umpisa ni Zach. Ang tinutukoy nito na AB Contract ay iyong kontrata na AB Malls na ipapatayo sa may Pampangga na ang ZB Realties ang gagawa. Malaking project iyon ng ZB Realties ngayon taon. Mangtatanghali ay umalis na ang binata sa opisina para bumisita sa site. At halos isang oras na itong nakaalis. "I want you to bring those contract here at Pampangga, Miss Sevilla. Understood?" Utos nito sa kanya. "Yes, Sir." Mabilis na sagot niya. "Good. Magpahatid ka na lang sa company driver at umalis na kayo ngayon." "Okay po, Sir." Sagot niya habang inaayos ang desk niya. "Okay. I'll just wait you here, Miss Sevilla." Anang binata bago nito pinutol ang tawag. Agad naman ini-off ni Fame ang computer. Pagka-off ay tumayo siya para pumasok sa private office ni Zach upang kunin ang naiwan nitong contract. Nahanap naman agad ni Fame iyon dahil nasa ibabaw lang ng table ang folder. Agad niyang kinuha iyon sa ibabaw ng executive table nito at lumabas na ng private office nito. Bago siya umalis ay tinawagan niya ang company driver ng ZB Realties para sabihin nito na aalis silang dalawa. Pagkatapos niyang makausap ang driver ay sumakay na siya ng elevator. Hindi naman nagtagal ay nakarating si Fame sa parking lot at naghihintay na roon ang company driver nila. "Saan po tayo, Ma'am?" Magalang na tanong nito ng lapitan niya ito. "Sa Pampangga po tayo, Manong." Sagot ni Fame dito. "May nakalimutan po kasi si Sir Zach. At kailangan po niya iyon." Pagbibigay alam niya. Sumakay na siya sa kotse ng pagbuksan siya nito ng pinto. Nang masiguro nitong nakasakay na siya ay umibis na rin ito patungo sa driver seat. Finally, after an hour of trip ay nakarating na din sila sa Pampangga. Kinuha ni Fame ang cellphone sa loob ng kanyang bag at tinawagan si Zach. Nakatatlong ring din bago nito sinagot ang tawag niya. "Yes, Miss Sevilla?" Bungad na wika ni Zach ng sagutin nito ang tawag niya. "Hmm...Sir Zach I'm already here." Imporma niya sa binata. "Saan po kayo para maibigay ko na sa inyo itong AB Contract?" Tanong niya. "Were here at the site." Sagot nito sa kanya. "Wait, pasusundo kita diyan sa mga tauhan dito, Miss Sevilla." "Okay po, Sir. Hintayin ko na lang po siya rito." Ani Fame. Pinutol na rin ni Zach ang tawag. At habang hinihintay ni Fame ang tauhan na susundo sa kanya ay inaayos niya ang sarili. Sinuklay niya ang buhok gamit ang mga daliri. Hindi naman nagtagal ay dumating na ang tauhan na sinasabi ni Zach na susundo sa kanya. Kipkip ang folder na naglalaman ng kontrata ng AB Malls ay bumaba siya ng sasakyan. Binilinan niya ang driver na hintayin na lang siya baka kasi saglit lang din siya roon. Iaabot lang niya kay Zach ang kailangan nito. Pagkababa ng sasakyan ay binati siya ng tauhan na susundo. Ginantihan din niya ito ng pagbati. Kinuha ni Fame ang payong sa loob ng bag at binuksan iyon. Mainit kasi ang sinag ng araw ng sandaling iyon. Sinundan lang naman ni Fame ang tauhan ng magsimula itong maglakad. Hindi naman sila nagtagal ay nakarating na din sila sa site. Nakita agad niya ang kaniyang boss na si Zach na kausap si Mr. Angeles—ang kliyente ng ZB Realties ang may-ari ng ipapatayong Mall. Tuluyan ng lumapit si Fame sa mga ito. "Good afternoon, Sir Zach." Bati niya sa binata ng makalapit siya. "Good afternoon din po, Mr. Angeles." Bati din niya ng balingan niya si Mr. Angeles. "Good afternoon too." Mabuti pa si Mr. Angeles ay ginantihan siya nito ng bati ng batiin niya ito. Samantalang si Zach denedma na naman siya. Haist! What's new! Eh, hari ng deadma ang binata. Hindi niya napigilan ang pagsilay ng ngiti sa kanyang labi sa mga naiisip. Nang bumaling siya sa binata ay nagulat siya nang makitang nakatitig ito sa kanya. Nagtaka si Fame kung bakit nakakunot ang noo ng binata. Nginitian na lang niya ito bago niya inalis ang tingin rito. Pero agad din niyang ibinalik ang tingin ng maalalang may ibibigay siya rito. Hindi pa pala niya naibibigay sa binata ang folder na naglalaman ng AB Contract. "Sir ito pala iyong contract." Sabi niya sa binata sabay abot ng folder rito. Kinuha naman ni Zach ang folder na inaabot niya. At hindi sinasadyang magdikit ang mga kamay nila ng kunin ni Zach ang inabot niya. Napatingin siya sa binata ng makaramdam siya ng parang boltaheng nanulay sa buong katawan niya. Nahigit ni Fame ang hininga nang makitang nakatitig din ang binata sa kanya. Kakaiba ang titig na pinagkakaloob nito sa kanya sa sandaling iyon. Naramdaman din ba ng binata kung ano ang naramdaman niya sansandaling iyon? naitanong ni Fame sa sarili. Ipinilig na lang niya ang ulo para alisin kung ano ang nasa isip niya. Sa sumunod na sandali ay tahimik lang siya sa isang tabi habang nakikinig siya sa pinag-uusapan nina Zach at ni Mr. Angeles. At habang nakikinig siya ay hindi niya maiwasang humanga sa mga suhestiyon na sinasabi ni Zach kay Mr. Angeles para mas lalong ikakaganda ng mall na ipapatayo. Hindi na rin magtataka si Fame kung ang ZB Realties ang nakakuha ng deal ng AB Mall dahil magagaling talaga ang mga engineer at architect do'n. At bago ipakita sa kliyente ang mga desenyo ng mga engineer at architect ay kinakailangan pang pag-aralan ni Zach iyon bago nito aprobahan. At pagdating sa mga bagay na iyon ay strikto ang binata. Pinag-aaralan nito ng mabuti kahit na pinakaliit-liitang detalye. Tumingin siya kay Zach at nang makita niyang tinatamaan ito ng sikat ng araw ay itinaas niya ang hawak na payong para masilungan ito kahit papaano. Sa ginawa niya ay napatingin ito sa gawi niya. At hindi naman napigilan ni Fame ang pusong tumibok ng mabilis nang makita ang kakaibang emosyon na bumakas sa mata ni Zach ng tumingin ito sa kanya. At hindi din napigilan ni Fame ang sarili na ngitian si Zach. "AYYY!" Tili ni Fame sabay takip ng dalawang tainga gamit ang kamay ng biglang kumulog at kumidlat habang naglalakad sila ni Zach patungo kung saan nakaparada ang sasakyan nito. Mahigit dalawang oras din sila ni Zach sa Pampangga. Matagal din kasing nag-usap ito at si Mr. Angeles. At sinabi rin nito sa kanya na sabay na silang bumalik sa Manila. Pagkasabi nito iyon sa kanya ang tinawagan ni Fame ang driver na naghatid sa kanya sa Pampangga para sabihin rito na mauna na itong bumalik sa Manila at makikisabay na siya kay Zach pauwi. Nakangiwi siyang ngumiti ng nilingon siya ni Zach. "Gulat lang po ako—ayy!" Muling siyang napatili ng muling kumulog at kumidlat. Iiling na lang si Zach sa naging reaksiyon niya sa kulog at kidlat. "Bilisan mong maglakad. Baka abutan tayo ng ulan." Sabi ni Zach sa kanya. And true to his word ay biglang pumatak ang ulan. Kanina, tirik na tirik ang araw pero ngayon naman ay madilim tanda ng pag-ulan. Iba na talaga ang panahon. "s**t!" She heard him cursed. Muli siyang binalingan ni Zach. Mabilis namang kinuha ni Fame sa loob ng bag ang payong na dala. Binuksan niya iyon saka siya lumapit sa binata para mapayungan ito. "Mabuti na lang at girlscout ako." Nakangiting wika niya ng balingan siya ni Zach. Nagpatuloy na sila ni Zach na naglakad. Nasa kalagitnaan na sila ng paglalakad ng bumuhos ang malakas na ulan kasabay pa ng malakas na hangin. Gamit ang isang kamay ay hinawakan niya ang dulo ng payong upang hindi iyon tangayin ng hangin. Umaangat kasi ang payong. Mayamaya ay nagulat na lang si Fame ng akbayan siya ni Zach at hinapit siya nito palapit sa kanya. Nanlalaki ang mata na binalingan niya si Zach. And it was a wrong move dahil bumaling din pala si Zach sa kanya. Lalong nanlaki ang mata ni Fame ng magdikit ang ilong nila ni Zach. Naramdaman ni Fame ang paninigas ni Zach sa nangyari. At mayamaya ay napalunok siya nang makita niyang bumaba ang tingin ni Zach sa kanyang labi. Nakita din niya ang pagtaas baba ng adams apple ng binata. Inalis ni Zach ang tingin sa kanyang labi at tumingin ito sa mga mata niya. Nang gumanti din si Fame ng titig sa binata ay iba't ibang emosyon ang nakita niyang bumalatay roon. Pero kahit isa ay hindi niya kayang bigyan ng kahulugan ang emosyong bumalatay sa mga mata nito sa sandaling iyon. Inalis niya ang tingin sa binata ng hindi na niya nakayanan ang klase ng tinging ipinagkakaloob nito sa kanya. Kakaiba kasi ang epekto ng tingin nito sa sistema niya, lalo na sa puso niya. Bigla na lang kasing tumibok iyon ng mabilis. At sa sobrang bilis ay natatakot siya na baka marinig iyon ni Zach. Pero mayamaya ay hindi niya napigilan ang sarili na sumiksik sa binata ng muling kumulog ng malakas at kumidlat. Naramdaman na naman ni Fame ang paghapit ni Zach sa katawan niya palapit rito. Para ngang yakap siya nito sa posisyon nila. "Let's go." Ani Zach saka ito nagsimulang naglakad. At habang naglalakad sila ay hindi pa rin nagbabago ang t***k ng puso niya. Why heart? Mayamaya ay nakarating na din sila sa kinapaparadahan ng kotse nito. Binuksan nito ang pinto ng passenger. Pagkatapos niyon ay kinuha nito ang payong na hawak niya. "Hop in." Utos ng binata. Sumakay naman agad si Fame roon. Inalalayan pa siya nito habang pasakay siya sa loob. Isinara ni Zach ang pinto ng makapasok siya pagkatapos ay umibis ito sa driver seat. At doon lang napagtanto ni Fame na wala doon ang driver ng binata. "Where's your driver?" Tanong ni Fame kay Zach ng makapasok ito sa loob ng kotse. "He's not here as you can see." Sagot ni Zach ng lingunin siya. Hindi niya alam kung namimilosopo ba ito o hindi? Pero mukhang hindi dahil seryoso ang ekspresyon ng mukha nito. Hindi niya maiwasan ang pag-ikot ng kanyang mata. "Patilain mo na natin ang ulan. Bago tayo umalis." Mayamaya ay wika ni Zach. Kung hindi nito sinabi iyon ay isu-suhestiyon din niya iyon. Delikado din kasing bumiyahe ng malayo kapag ganoon ang panahon. Nang balingan ni Fame ito ay nanlaki ang mata niya ng isa-isa nitong tinatanggal ang butones ng suot nitong pulo. Nang napansin ng binata na nakatingin siya rito ay bumaling ito sa kanya. Mabilis namang inalis ni Fame ang tingin rito. At kahit hindi siya nakatingin sa salamin ay aminado siyang namumula ang magkabilang pisngi niya. At mula sa gilid ng kanyang mata ay nakita niyang tuluyan ng nahubad ng binata ang suot nitong long sleeve. At aaminin ni Fame sa sarili na natutukso siyang tingnan ang hubad na katawan ni Zach. Ibayo ngang control ang ginagawa sa sarili huwag lang siyang tumingin rito. Nakita din niya sa gilid ng kanyang mata na may kinuha ito mula sa backseat ng sasakyan. Sa pagkakataong iyon ay doon lang napatingin si Fame kay Zach ng i-abot nito sa kanya ang isang puting towel. "Use this towel." Ani Zach. Kinuha naman agad ni Fame ang tuwalyang inabot nito. Saka niya pinunasan ang nabasang balikat at medyo nabasang buhok. Nakita din ni Fame na pinunasan ni Zach ang katawan nito gamit ang hinubad nitong long sleeve. Pagkatapos niyon ay isinuot nito ang hawak nitong puting v-neck shirt. "Nabasa ka ba? You want to change? May extra pa akong t-shirt diyan." Wika ni Zach ng sumulyap ito sa kanya pagkatapos nitong maisuot ang T-shirt. Nakangiting lumingon naman si Fame kay Zach saka siya umiling. "Hindi na. Hindi naman ako masyadong nabasa. Salamat na lang." Sagot niya. Tumango lang naman ang binata bago nito isinandal ang ulo sa headrest ng sasakyan. Mayamaya ay namayani ang katahimikan sa kanilang dalawa. Pinagkrus ni Fame ang braso ng makaramdam siya ng palalamig. "Are you cold?" Tanong ni Zach kapagdaka. "Medyo." Pag-aamin ni Fame. Umisod si Zach at kinuha nito ang coat nito na nakalagay sa may backseat. Napatingin naman siya sa coat ng binata ng iabot nito iyon sa kanya. "Wear my coat para hindi ka lamigin." Ani Zach. Hindi naman agad nakapagsalita si Fame. Hindi din siya nakakilos. Nanatili lang siyang nakatitig sa coat nitong nakalahad sa harap niya. Narinig ni Fame ang marahas na pagbuntong-hininga ni Zach bago ito umisod palapit sa kanya at ito na mismo ang nagsuot ng coat sa katawan niya. And right at the moment, her heart beating so wildly at her chest. Habang sinusuot ni Zach ang coat sa kanya ay hindi niya napigilan ang sarili na titigan ang mukha nito. Iyon ang unang pagkakataon na matitigan niya ito ng malapitan. Gwapo talaga ito kahit saang anggulo titigan. Mula sa pilik ng mata nito, tangos ng ilong at korte ng labi nito. Wala ngang panama ang ilang hollywood actor sa taglay nitong ka-gwapuhan. At hindi inaasahan ni Fame na mag-a-angat ng tingin si Zach sa kanya. At nang magtama ang mga mata nilang dalawa ay halos trumiple ang t***k ng puso niya. Darn. ____ May on-going story din po ako. Follow niyo lang po. The Bodyguard. The Ex-wife The Ex-girlfriend The Bossy Boss 2: Xavier Brillantes
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD