Chapter 1
“GOOD MORNING, Sir!”
Masiglang bati ni Fame Sevillia sa kanyang Boss na si Zach Brillantes. Ang may ari ng isa sa pinakamalaking Real estate developer sa bansa ang ZB Realties kung saan siya kasalukuyang nagta-trabaho bilang sekretarya ng huli.
“Good Morning too.” mahinang bati niya sa sarili ng dire-deretsong pumasok si Zach sa loob ng opisina ng hindi lang nito ginagantihan ng pagbati niya rito.
Fame just shrugged her shoulder too. Sanay na kasi siya sa pag-uugali ng kanyang boss. Hindi kasi ito ang una, pangalawa, pangatlong beses na binati niya ito at denedma lang siya. Bilang sekretarya ni Zach sa loob ng tatlong na buwan ay alam na niya ang pag-uugali ni Zach. He was snob, arrogant and bossy. Bawat salita na nanunulas sa bibig ng kanyang boss ay batas. Bawal salungatin. Kaya kung may ipinag-uutos ito ay dapat mong sundin kung ayaw mong masungitan o hindi kaya makunootan ng noo.
Noong una, akala ni Fame ay hindi siya magtatagal sa trabaho dahil sa ugali nitong iyon. Pero nagulat na lang si Fame sa sarili dahil nakaabot siya ng tatlong buwan sa pagta-trabaho niya sa ZB Realties bilang sekretarya ni Zach.
Fame Sevilla was a graduate of business course. At iyon ang pangatlong trabaho ni Fame. Una niyang trabaho ay sa isang Car Company, pero hindi siya nagtagal do’n dahil ayaw niya sa working environment. Masyadong sipsip at plastic ang mga kapwa niya empleyado kaya napagpasyahan niyang magbitiw na lang doon at maghanap na lang ng panibagong trabaho. Ayaw kasi niya sa taong plastic at sa taong tila linta kung sumipsip.
Pagkatapos niyang magresign ay naghanap uli siya ng trabaho. Nakahanap naman siya agad sa isang Advertising Company. Secretarya din siya ng boss ro’n. Maganda na sana trabaho niya roon, walang taong sipsip, walang taong plastic. Malaki ang sagod. Maganda din ang benefit na makukuha. Iyon nga lang ay hindi niya matagalan ang lagkit ng tingin ng kanyang boss. Kaya iyon, nagdesiyon muli siyang bumitiw at maghanap na lang muli ng iba kaysa manatili siya roon. Mahirap na baka pagsamantalahan siya ng manyak niyang boss.
Muli, hindi naman siya nahirapan sa paghahanap ng trabaho dahil no’ng nag-apply siya sa ZB Realties ay natanggap agad siya na maging Secretary ni Zach. At sa tatlong na buwan na pagta-trabaho niya roon ay wala naman siyang ibang mairereklamo, maganda ang trabaho, mataas ang sahod, maganda ang benefits at may dagdag bonus pa may gwapo kang makikita araw-araw kahit na may pagkasungit at palautos ang boss niya. Kayang-kaya naman ni Fame na i-handle ang ugaling iyon ng boss niya.
Kinuha na ni Fame ang notebook kung saan sinusulat niya ang appointment ni Zach araw-araw at ang kanyang ballpen sa ibabaw ng kanyang desk. Pagkatapos niyon ay tiningnan niya ang suot na relong pambisig. Nang makitang limang minuto na ang lumipas simula noong pumasok si Zach sa opisina nito ay tumayo na siya sa pagkakaupo niya. Mahigpit kasing bilin ni Zach sa kanya na kapag limang minuto na ang lumipas ay saka lang siya papasok sa opisina nito upang i-remind rito ang mga appointment nito para sa araw na iyon at para na rin sabihin sa kanya ang gusto nitong i-utos kung ano ang ipapagawa nito. Inaayos mo na niya ang sarili bago siya kumatok ng tatlong beses sa pinto upang ipaalam ang presensiya niya.
“Come in.” She heard him say. Bumuntong-hininga siya bago niya pinihit ang seradura.
“Good morning, Sir Zach.” Bumati pa rin si Fame rito kahit na wala siyang makukuhang sagot sa binata. Nakatutok naman ang binata sa harap ng laptop nito. Hindi naman napigilan ni Fame na mapatitig sa seryoso at gwapong mukha ni Zach. At habang nakatitig siya kay Zach ay iisa lang ang masasabi niya, walang panama ang mga sikat na aktor at modelo sa bansa sa kagwapuhan ng kanyang Boss.
He was so damn handsome and so damn hot!
Agad siyang tumingin sa hawak na notebook biglang nag-angat ng tingin si Zach. At kahit hindi siya tumingin sa salamin ay nasisiguro ni Fame na kasingkulay ng kamatis ang magkabilang pisngi niya sa sandaling iyon. Naidalangin din ni Fame na sana hindi mahalata ni Zach na tinititigan niya ito kanina baka kasi kung ano ang isipin nito tungkol sa kanya.
“Do I have an appointment today, Miss Sevilla?” Zach asked.
Fame cleared her throat bago siya nag-angat ng tingin kay Zach upang sagutin ito.
“Yes, sir.” Mabilis na sagot niya. Saglit niyang pinasadahan ang hawak na notebook upang tingnan kung ano ang appoinment ni Zach sa araw na iyon. “Sir may meeting po kayo with Mr. Guttierez ng alas onse.” Imporma ni Fame sa kanyang boss. “And then at two pm kay Mr. Antonio naman po.” Dagdag na wika niya kay Zach.
“Cancel my meeting with Mr. Antonio. And reschedule it tomorrow. May importante akong pupuntahan sa oras na iyon.” Sabi ni Zach bago nito ibinalik ang tingin sa harap ng laptop.
“But Sir.” Angal ni Fame. Hindi niya pwedeng ire-schedule ang meeting ni Zach kay Mr. Antonio bukas kasi masasagasaan ang ibang appointment ni Zach para bukas. Nakagat ni Fame ang pang-ibabang labi ng mapansin niya ang pagkunot ng noo ni Zach ng mag-angat ito ng tingin sa kanya.
“O-okay, Sir. I cancel your meeting with Mr. Antonio.” Pagsunod ni Fame sa utos ni Zach. Naalala niya, ayaw pala ni Zach na sinusuway ang sinabi o utos nito. Kung ano ang sinabi nito dapat iyon ang masusunod huwag mo ng kontrahin kahit na gustong-gusto mo ang kumuntra.
“But Sir Zach I can’t reschedule it tomorrow. Kasi puno po ang schedule niyo bukas.” Paliwanag ni Fame kay Zach. “Check ko lang iyong schedule niyo this week at kung may bakante doon ko lang po i-schedule ang meeting niyo with him.”
“Okay.” Tanging sagot lang ni Zach. Bago nito muling ibinalik ang atensiyon sa harap ng laptop. At iyon ang senyales ni Fame na lumabas na ng opisina ni Zach. Hindi naman niya napigilan ang sarili na mapasimangot ng tumalikod siya. Hindi man lang nagpasalamat ang binata o hindi kaya ay sinabi na maari na siyang lumabas ng opisina. Well, anong bago roon? Binansagan nga si Zach na snob boss, minsan strict boss pero madalas ay bossy boss dahil sa ugali ng binata.
Bali-balita din ni Fame ay hindi lang si Zach ang may ugaling iyon. Balita niya pati ang dalawang nakakabatang kapatid nito na sina Xavier at Ylac ay ganoon din ang ugali. Ang tatlong magkakapatid kasi na Brillantes ay pawang mga bossy. Well, mapapatunayan ni Fame ang mga bali-balitang iyon dahil sa tatlong buwan niyang pagta-trabaho sa ZB Realties ay hindi lang iisang beses na nakita niya ang mga Brillantes. Tulad ni Zach ay may pagka-snob din ang mga ito. At aaminin din ni Fame na walang tulak kabigin ang kagwapuhan ng magkakapatid. Gwapo ang magkakapatid kahit saang anggulo tingnan.
Akmang pipihitin ni Fame ang seradura pabukas ng matigilan siya ng marinig niya ang pagtawag ni Zach sa kanyang pangalan.
“Miss Sevilla.” Tawag ni Zach sa kanya.
Nilingon niya ang binata. “Yes, Sir Zach?” Aniya habang nakatitig sa binata. At sa unang pagkakataon ay ngayon lang siya tinitigan ng binata sa mga mata. And she had to admit that she love staring at those black eyes.
“Miss Sevilla, bring me a coffee.” Utos ng binata dahilan para kumurap-kurap ang kanyang mata.
“Okay, Sir.” Sabi niya kay Zach bago siya tuluyang lumabas ng opisina ng lalaki para ipagtimpla ito ng kape.
NAG-ANGAT ng tingin si Fame mula sa kanyang computer ng maramdaman niyang bumukas ang pinto ng opisina ni Zach. Pagka-angat niya ng tingin ay nakita niyang nakatingin sa kanya ang binata.
“Follow me.” Hindi pa siya nakakapagtanong sa binata kung bakit siya nito pinapasunod ng nagsimula na itong umalis. Hindi tuloy siya nakakilos mula sa kinauupuan. Nang nasa tapat na si Zach ng elevator ay lumingon ito sa likod nito. Napansin siguro nito na hindi siya nakasunod rito. At napansin ni Fame ang dahan-dahang pagkunot ng noo ni Zach ng hindi siya nito nalingunan sa likod nito.
Kunot ang noong tumingin ito sa gawi niya. “What are you still doing there?” Kunot pa rin ang noo na tanong ni Zach. Mabilis namang iniligpit ni Fame ang mga gamit. Dinampot niya ang bag na nakalapag sa mesa saka siya nagmadaling lumapit sa gawi ng binata. Kunot pa rin ang noo nito ng pindutin nito ang button ng elevator. Pagbukas ng elevator ay agad itong pumasok sa loob. Sumunod naman siya agad rito. Siya na ang pumindot ng button pababa ng groundfloor. Pagkatapos niyang pindutin ay pumuwesto siya sa likuran nito.
Hindi naman nagtagal ay bumukas ang elevator. Naunang lumabas si Zach. Inayos din mo na ni Fame ang sarili bago sumunod kay Zach. Nasa likuran lang naman siya ng binata.
“Miss Sevilla.” Narinig na tawag ni Zach sa pangalan niya habang patuloy pa rin ito sa paglalakad sa hallway ng building ng ZB Realties. Mabilis naman naglakad si Fame para makaagapay rito.
Tumabi siya kay Zach. “Yes, Sir?” Aniya ng makaagapay siya siya sa paglalakad nito.
“I want you to take all down notes sa lahat ng pag-uusapan namin ni Mr. Guttierez.” Sabi ni Zach habang ang tingin ay deretso lang sa harap.
“Okay po, Sir.” Sagot niya. Hindi na muling nagsalita si Zach kaya hindi na lang din siya nagsalita. Sumunod na lang siya rito. At ng inilibot ni Fame ang tingin sa hallway ay napansin niyang halos eighty porsiyento ng kababaihan ay nakatingin sa kanila—hindi pala, kay Zach lang nakatingin ang mga ito. Iiling-iling na lang si Fame. Well, hindi naman niya masisisi ang mga ito. Sino ba namang babae ang hindi mapapatitig o mapapalingon sa binata? Tila ito isang modelo na naglalakad sa runway. Sa hitsura at tindig lang ng binata talagang kahit sino ay mapapatitig rito.
“Good morning, Sir.” Bati ng driver ni Zach ng makarating sila sa kinaroroonan ng sasakyan nito. Nginitian niya ang driver ng hindi pinansin ni Zach ang pagbati ng driver sa halip ay pumasok na ito sa backseat ng sasakyan.
“Snob ‘no?” Natatawang wika ni Fame sa driver ng maisara nito ang pinto ng backseat.
Nagkamot ito ng ulo. “Sanay na po, Ma’am.” anang driver sa natatawang tinig. Lumapit ito sa kanya at pinagbuksan siya nito ng pinto sa may passenger seat.
“Salamat po, Manong.” Sabi ni Fame rito bago siya pumasok sa loob ng sasakyan. Isinuot ni Fame ang seatbelt ng pumasok na rin ang driver ni Zach mula sa driver seat. At ng paandarin nito ang sasakyan at napatingin siya sa rearview mirror upang tingnan si Zach. Nakita niyang nakatingin ito sa hawak-hawak nitong cellphone. Lihim siyang napangiti ng makita na naman siya ang pagsasalubong ng kilay ni Zach. Lagi niyang nakikita ang pagsasalubong ng kilay ng binata. At mukhang naramdaman ng binata na may nakatitig rito dahil nag-angat ito ng tingin bigla. Huli na para mag-iwas ng tingin dahil nagtama na ang tingin nila sa rearview mirror.
“What?” Ani Zach sa masungit na tinig.
Umiling-iling si Fame. “Nothing, Sir.” Sabi niya sabay alis ng tingin rito upang itago ang pamumula ng kanyang pisngi.
TUMAYO si Fame mula sa pagkakaupo niya ng makitang tumayo ang boss niyang si Zach at ang ka-meeting nito sa araw na iyon na si Mr. Peter Guttierez.
“It’s my pleasure having business with you, Mr. Brillantes.” Ani Mr. Guttierez kay Zach sabay lahad ng kamay niya.
“Thank you, Mr. Guttierez. It’s my pleasure too.” Sabi naman ni Zach sabay abot sa nakalahad na kamay ni Peter Gutierrez. Pagkatapos niyon ay nagpaalam na si Mr. Guttierez sa kanila dahil susunduin pa daw nito ang asawa. Pagkaalis naman ng lalaki ay inayos na ni Fame ang gamit niya. Isinukbit na rin niya ang bag baka sakaling aalis na sila sa Restaurant na iyon. Tapos na rin naman kasi ang Agenda nila sa sandaling iyon.
Nang humarap sa kanya a si Zach ay awtomatikong kumunot ang noo nito habang nakatingin sa kanya. Nagtaka naman si Fame. Wala naman siyang natatandaang ginawang mali. Sa katunayan ay sinunod naman niya ang pinag-uutos ng binata sa kanya. Nagtake-down notes naman siya sa pinag-usapan ng dalawa kanina. Lihim naman niyang pinasadahan ang sarili baka doon may mali. Pero maayos naman siya.
“B-bakit, Sir Zach?” Tanong niya habang nakatingin siya sa mga mata nito.
Bakit ganyan ka makatingin sa’kin? Nagagandahan ka sa’kin no? O hindi kaya may crush ka sa’kin? Anang pilyang isipan. Kagat labing tumingin siya sa kanyang kaliwa ng hindi na niya kayang pigilan ang pagsilay ng ngiti sa kanyang labi. Kung ano-ano kasing pilyong sumasagi sa kanyang isipan. Impossible naman kasi ang na crush siya nito pero possible din na nagagandahan din ito sa kanya. Kasi sabi ng nanay niya ay maganda daw siya. At hindi nagsisingungaling ang nanay niya sa bagay na iyon. Muling sumilay ang ngiti sa kanyang labi sa mga naiisip.
“What that smile for?” May ngiti pa rin sa labi ng bumaling siya kay Zach ng marinig ang tanong nitong iyon.
“Ahhm...nothing, Sir. I just remember something funny.” Sagot niya. Hindi ito sumagot. Kumunot lang ang noo nito. Pagkatapos niyon ay napatingin ito sa bag niyang nakasukbit sa balikat niya at sa kipkip niyang notebook.
“And where are you going?” Tanong nito.
Aalis na, obvious ba? “Tapos na iyong meeting niyo with Mr. Guttierez, Sir Zach. Baka aalis na tayo.”
“Where not yet leaving.” Bruskong wika nito. Tumingin din si Zach sa relong pambisig nito.
Napatingin din si Fame sa kanyang suot na relong pambisig. “It's exactly twelve noon. Nandito na rin tayo sa restaurant. We better eat our lunch here.” Pagkatapos nitong sabihin iyon ay umupo na ito sa silyang binakante nito kanina. Nag-angat ito ng tingin patungo sa kanya.
“Ano ang sinabi ko sa'yo kanina lang?” Tanong nito ng binata na nakakunot ang noo. Inulit naman ni Fame ang sinabi ni Zach sa kanya kanina.
“So, ano ba ang itinatayo mo diyan?” Masungit na wika nito sa kanya. “Maupo ka na rito.” Utos ng binata.
Tumingin siya sa kanang panig niya upang itago rito ang pag-ikot ng kanyang mata. Saka siya mabilis na umupo sa silyang inupuan niya kanina.
Pagkaupong-pagkaupo niya ay agad nitong tinawag ang waiter. Agad naman silang nilapitan ng waiter at inabot nito sa kanila ang menu.
“Just order what you want, Miss Sevilla.” Anang binata sa kanya ng buklatin niya ang hawak na menu.
She smiled secretly. “I want all.” She said in a love voice. At nang mag-angat ng tingin si Fame upang balingan si Zach ay nagulat na lang siya ng makitang nakatitig ito sa kanya. Hindi niya maipaliwanag iyong tinging ipinagkakaloob ng binata sa kanya sa sandaling iyon. At ng makaramdam siya ng bahagyang pagkailang ay mabilis niyang tinakpan ang mukha gamit ang menu at saka niya binanggit ang order na gusto niya sa naghihintay na waiter.
COMING SOON...