Chapter 2

2620 Words
“COME to my office.” Bungad na wika ni Zach kay Fame ng sagutin niya ang intercom. Hindi pa siya nakakapagsalita ng p*****n siya ni Zach ng intercom. Iiling na lang si Fame na inusod ang silyang kinauupan gamit ang paa para makatayo siya ng maayos. Inayos mo na niya ang sarili bago siya naglakad patungo sa pinto ng private office ng binata. Kumatok siya ng tatlong beses para ipaalam ang presensiya niya. Pagkatapos niyon ay pinihit niya ang seradura pabukas at tuluyang pumasok sa loob. Naabutan niya itong nakatutok ang atensiyon sa binabasang folder. “Good morning, Sir.” Nag-angat ng tingin si Zach. Awtomatiko namang sumilay ang ngiti sa labi ni Fame ng magtama ang mata nilang dalawa. Wala siyang nakikitang emosyon na mababakas sa mga mata nito. “Come here.” Utos ni Zach. Naglakad naman si Fame palapit rito. Huminto lang siya sa paglalakad ng nasa tapat na siya ng mesa nito. Kinuha nito ang dalawang folder na nakapatong sa mesa nito at inabot nito iyon sa kanya. Agad naman kinuha ni Fame ang dalawang folder na inabot ng binata sa kanya.  “I want you to photocopy that files.” Utos ng binata. Binuklat naman ni Fame iyon para silipin. “Okay, Sir.” Sagot niya ng nag-angat siya ng tingin. “It’s that all, Sir?” “No.” Ani Zach sa bruskong tinig. May kinuha ulit si Zach na folder at inabot muli nito iyon sa kanya. “Encode that files. And give it to me at exactly one oclock.” Utos muli nito ng sulyapan niya ito na nagtatanong na tingin kung ano ang gagawin niya sa folder na inabot nito sa kanya. Gusto namang sumimangot ni Fame dahil sa dami ng pinag-uutos sa kanya ni Zach. At pinagsabay-sabay pa nito iyon. At may itinakda pa itong oras kung kalian niya dapat ibigay iyon rito! Hindi lang siya makasimangot dahil nakatingin ito sa kanya. “It’s that all, Sir?” Muling tanong ni Fame kay Zach. “For now.” Sabi ni Zach bago nito ibinalik ang atensiyon sa binabasang dokomento. Sa pagkakataong iyon ay hindi na niya naitago ang kanyang pagsimangot. Ipinaikot niya ang mga mata na tumalikod siya. Nakakatatlong hakbang lang si Fame ng mapatigil siya ng tawagin ni Zach ang pangalan niya. Napasimangot muli si Fame. May idadagdag na naman siguro ito sa inuutos nito sa kanya. Nang lumingon siya rito ay may ngiti sa kanyang labi. “Yes, Sir?”  Sa halip na sumagot ay tinitigan siya ni Zach. Bigla naman nakaramdam ng pagkailang si Fame sa titig ni Zach sa sandaling iyon kahit na wala siyang nakikita o nababakas na kahit anong emosyon sa mga mata nito. Pero mayamaya ay unti-unting nagsalubong ang mga kilay nito. “Frowning is prohibited inside my office, Miss Sevilla.” Sabi ni Zach, hindi pa rin nawawala ang pagkakasalubong ng mga kilay nito. “Understood?” “Look who’s talking.” She said in a low voice. Pasimple din niyang ipinaikot ang kanyang mga mata. Bawal daw ang sumimangot sa opisna nito eh, bakit ito laging nakasimangot o kung hindi naman ay laging magkasalubong ang mga kilay nito. Sa mahigit tatlong buwan nga niyang pagta-trabaho sa ZB Realties ay mabibilang lang niya kung ilang beses lang itong ngumiti. Tapos ipagbabawal nito ang pagsimangot sa opisina nito! Saan naman ang hustisya roon? “Were you saying something?” Masungit na tanong ni Zach. Ang sabi ko gwapo ka sana kung hindi ka lang bingi. Ngumiti si Fame, pero aminado siyang tabingi ang ngiting ipinagkaloob niya rito. “Wala naman po akong sinasabi ah.” Pagmaang-maangan niya. Sa sandaling iyon ay hindi pa rin nagbabago ang ekspresiyon ng mukha ng binata. Oh, tingnan mo ang lalaking ito. Sabi nito bawal ang nakasimangot, eh, bakit ang binata ay nakasimangot pa rin. Unfair lang! “Next time, Miss Sevilla kapag inuutusan kita ay ayokong nakikita kang nakasimangot.” Lalo siyang sumimangot. “Ako hindi pwedeng sumimangot. Eh, bakit kayo pwede?” Hindi napigilan ni Fame ang mangatwiran sa sinabi ni Zach. Dahil sa sinabi ay lalong nagsalubong ang mga kilay nito. “What?” Umiling lang si Fame bilang sagot sa binata. Mahirap na magsalita baka iba pa ang lumabas sa bibig niya. “So, do I make myself clear?” Ngumiti siya ng peke rito. “Clear as sparkling water, Sir.” Ewan ko sa’yo! HABANG tumitipa si Fame sa keyboard ng kanyang computer ay sinasabayan niya iyon ng pagkanta kahit na hindi siya kagaling kumanta. Gawain ni Fame iyon para mapabilis siya sa trabaho. At para na rin hindi siya mabore sa ini-encode niya. At effective iyon dahil ganado siyang mag-encode at sa katunayan ay malapit na siyang matapos sa pinapaencode ng kanyang boss na si Zach. At maibibigay  niya iyon sa takdang oras. “I think I’m ugly. And nobody wants to love me. Just like her I wanna be pretty. Dont lie to my face. Tellin’ me I’m pretty.” Kanta ni Fame habang patuloy pa rin siya sa pagtipa sa keyboard ng kanyang computer. Pa-sway-sway pa siya ng katawan. “I’m think I’m ugly. And nobody wants to love— Napatigil si Fame sa pagkanta ng makarinig siya ng isang pagtikhim. Nanlalaki ang mata niya ng mag-angat siya ng tingin ay nakita niya ang boss niyang si Zach na nakatayo malapit sa pinto ng private office nito habang matamang nakatingin sa kanya. At kahit hindi nakikita ang sarili ay alam niyang namumula ang magkabilang pisngi niya dahil sa hiyang nararamdaman sa isiping nakita at narinig siya nitong kumakanta. Ang buong akala ni Fame ay umalis ito kasi lumabas ito ng private office nito. Kaya kampante siya na kumanta ng medyo malakas dahil sa isiping walang nakakarinig sa kanya. Tumikhim si Fame. “A-anong kailangan niyo, Sir?” Tanong niya sa binata. Hindi naman agad sumagot ang binata nanatili lang itong nakatitig sa kanya. Iyan na naman ang tingin ni Zach sa kanya. Sa tuwing tinitingnan siya ni Zach pakiramdam ni Fame ay nagagandahan ito sa kanya. Kakaiba kasi ito kung makatitig. “Sir?” Untag ni Fame sa binata. “Miss Sevilla make a coffee and bring it into my office.” Utos ni Zach bago nito tumalikod sa kanya. Nang makita ni Fame na hinawakan ni Zach ang seradura ng pinto ng private office nito ay tumayo siya mula sa pagkakaupo niya upang sundin ang pinag-uutos ni Zach sa kanya. Pero hindi pa tuluyang nakakahakbang ang mga paa ni Fame ng marinig niya ang boses ni Zach. Sumulyap siya sa gawi ng binata at nahigit niya ang hininga ng makitang nakatingin ito sa kanya habang hawak nito ang seradura ng pinto. At sa kauna-unahang pagkakataon ay ngayon lang siya nakakita ng emosyon sa mga mata nito habang nakatitig ang binata sa mukha niya. At sa kauna-unahang pagkakataon ay biglang bumilis ang t***k ng puso niya “By the way, Miss Sevilla.” Zach said and pause for a while. “You’re not ugly.” dagdag na sabi nito bago ito tuluyan pumasok sa loob ng private office nito. Naiwan tuloy si Fame sa kinatatayuan na nanlalaki ang mata at namumula ang magkabilang pisngi buhat sa sinabi ni Zach. At kahit ayaw ni Fame ay hindi niya napigilan ang sarili na hindi kiligin. Paano namang hindi siya kikiligin? Kulang na lang kasi ay direktang ipahayag ni Zach sa kanya na maganda siya.  Hindi din niya napigilan ang pagsilay ng ngiti sa kanyang labi habang naglalakad siya patungo sa kinaroroonan ng coffee maker para ipagtimpla ito ng kape. Hanggang sa matapos siya sa pagtitimpla ng kape ay may ngiti pa rin sa kanyang labi. Bigla ding nawala iyong ngitngit na nararamdaman ni Fame kay Zach kanina ng utusan siya nito ng sunod-sunod. Iba talaga ang nagagawa kapag nasabihan ka ng maganda. Lalong-lalo na kapag ang nagsabi niyon ay isang sought-after bachelor in town. Nakakawala ng ngitngit at para siyang nakalutang sa alapaap. Inipit ni Fame sa kanyang tainga ang ilang hiblang tumatakip sa kanyang mukha saka niya hinawakan ang seradura gamit ang isang kamay upang pihitin ang seradura pabukas. Nag-angat naman si Zach ng tingin ng maramdaman nito presensiya niya. Napansin niya ang pagkunot ng noo nito ng makita ang kakaibang ngiti na nakapaskil sa labi niya. “Are you okay, Miss Sevilla?” Masungit na tanong nito. At dahil nasabihan siya ni Zach na maganda kanina ay palalampasin niya ang pagsusungit nito.             “I’m okay, Sir.” Aniya na nakangiti pa rin. “You look crazy.” She heard him murmured. Binalewala ulit niya iyon. “By the way, your coffee, Sir.” Mayamaya ay sabi niya niya.  Lumapit siya rito. Napansin naman niyang nakatitig si Zach sa kanya. At halatang napapantistikuhan ang binata sa inaasal niya dahil sa tinging ipinagkakaloob nito sa kanya sa sandaling iyon. At dahil nakatingin din si Fame sa binata ay hindi niya tinitingnan ang nilalakaran niya, muntik na siyang nadapa at mabuti na lang ay nabalanse niya ang katawan pero hindi niya nabalanse ang pagkakawak niya sa mug na naglalaman ng mainit na kape na tumapon iyon sa kamay niya. “Ouch!” Daing niya ng maramdaman niya ang mainit na likido sa kamay niya. Nag-angat naman ng tingin si Fame kay Zach ng marinig niya ang mahinang pagmumura nito at ang biglang pagtayo nito mula sa kinauupuan swivel chair. At sa pagkurap ni Fame ay nasa tabi na niya agad ang binata. Kinuha nito ang hawak niyang mug at inilapag nito iyon sa executive table nito at pagkatapos niyon ay hinawakan siya ng binata sa pulsuhan at hinila patungo sa CR sa loob ng opisina ni Zach.  “Hindi ka kasi nag-iingat.” Pangaral ni Zach sa kanya ng makapasok silang dalawa sa loob ng banyo. Hinila siya nito palapit sa sink. Binuksan nito ang faucet at hinugasan nito ang kamay niyang nabuhusan niya ng mainit na kape. “Be careful nextime, Miss Sevilla. Para hindi ka madisgrasya at nasasaktan.” Sabi ng binata habang seryoso ito sa ginagawa. Hindi naman agad nakapagsalita si Fame. Nakatitig lang siya sa binata sa repleksiyon nito sa salamin habang seryoso nitong hinuhugasan ang kamay niya. Ramdam pa rin ni Fame iyong init dahil sa pagkakapaso niya sa mainit na kape. Pero may init na nadadagdag na nararamdaman ni Fame sa sandaling iyon dahil sa pagkakahawak ni Zach sa kamay niya at sa magkakadikit ng katawan nilang dalawa. Mayamaya ay pinatay ni Zach ang faucet. Pagkatapos niyon ay may kinapa ito sa bulsa ng suot nitong pantalon. Napansin ni Fame ang pagkunot ng noo ni Zach habang patuloy nitong kinakapa ang bulsa ng suot nitong pantalon. Mayamaya ay nag-angat ito ng tingin sa kanya na nakakunot ang noo. “Do you have a hanky?” Tanong ng binata na magtama ang mata nila. Tumango naman si Fame. Gamit ang isang kamay na hindi napaso ay dinukot niya ang panyo sa bulsa ng suot na pantalon saka niya inabot iyon rito. Tinanggap naman ni Zach iyon saka nito marahang pinunasan ang kamay niyang basa. “Does still hurts?” Tanong ng binata ng mag-angat ito ng tingin. Umiling naman si Fame. Nandoon pa rin iyong hapdi but it was bearable. Nakatulong iyong pagbasa ni Zach ng tubig sa mahapdi niyang kamay dahil sa pagkakapaso niya. “Good. Lagyan mo na lang ng ointment iyan mamaya.” Sabi ni Zach ng bitawan nito ang kamay niya. “And be extra careful next time, Miss Sevilla.” He said and then he left her.   PAGKATAPOS i-off ni Fame ang computer ay kinuha niya ang make-up kit sa loob ng kanyang bag. Nag-powder lang siya ng mukha at sinuklay ang mahaba niyang buhok. Pagkatapos niyang mag-ayos ay ibinalik na niya ang make-up kit sa bag. Saktong pagtayo niya ay ang pagbukas din ng pinto ng private office at iniluwa niyon si Zach. Nakasampay sa balikat nito ang black coat nito. Nakalihis din hanggang siko ang manggas ng suot nitong long sleeve. Saglit lang siyang tiningnan ni Zach bago ito nagpatuloy sa paghakbang. Bumuntong-hininga lang si Fame. Kinuha na rin niya ang bag saka siya humakbang patungo sa elevator. Pagdating niya roon ay nakita niya si Zach na nakasakay. Ngayon ay nagdadalawang isip siya kung sasakay ba siya o hindi.  “Sasakay ka ba o hindi, Miss Sevilla?” Tanong ng binata, as usual magkasalubong na naman ang mga kilay ni Zach. “What Miss Sevilla?” Ani Zach ng hindi pa siya kumikilos mula sa kinatatayuan.  Mabilis na sumakay si Fame sa elevator. “I'm sorry, Sir.” Mahinang wika niya ng makapasok siya. Wala naman siyang narinig mula rito. Tumikhim siya saka niya pinindot ang button pababa. Wala silang imikan na dalawa hanggang sa magsalita si Zach. “How’s your hand?” Sumulyap siya rito at nakita niyang nakatitig ito sa kamay niya. “Medyo mahapi pa ng kunti. Pero okay na po naman.” Sagot ni Fame rito. Tumango lang naman ang binata at hindi na muling nagsalita pa. Ibinalik na naman niya ang tingin sa harapan at hinintay niyang makababa sila. Hindi naman nagtagal ay bumukas ang pinto ng elevator. Lumabas siya do’n at naramdaman niyang sumunod si Zach sa kanya. Gumilid at huminto siya upang paunahin si Zach. Sinulyapan pa siya ni Zach bago siya nito tuluyang nilagpasan. Nang medyo nakalayo na ito ng kunti ay doon lang nagpatuloy si Fame sa paglalakad hanggang sa makalabas siya sa gusali ng ZB Realties ang hanggang sa makarating siya sa may sakayan ng jeep.  Ipinandyak-padyak ni Fame ang paa habang naghihintay siya ng masasakyan. Lahat kasi ng nakikita ni Fame na jeep ay punuan. Sumulyap siya sa suot na relong pambisig upang tingnan ang oras. “Arggh!” Ungol niya ng makitang halos beinte minutos na siyang nakatayo habang nag-aabang ng jeep. Bumuntong-hininga siya saka siya napagpasyahang lumipat ng pwesto. Pero nakakatatlong hakbang palang siya ng may humintong pamilyar na kotse sa harap niya. Bumukas ang bintana ng driver side at sumilip roon ang nakangiting mukha ng driver ni Zach. Nang sumilip siya sa may backseat ng sasakyan ay nakita niya roon si Zach habang nakasandal ang ulo sa headrest ng kotse at ang mata’y nakapikit. “Sakay na po kayo, Ma’am. Hatid na po namin kayo.” Magalang na wika ng driver sa kanya. “Salamat na lang po, Manong. May masasakyan pa naman siguro ako.” Tanggi niya rito. Nakakahiya naman kung sasakay siya roon. “Mahihirapan kang makasakay. Kasi punuan ang mga jeep.” Pamimilit ni Manong driver. Ngumiti siya’t umiling rito. Magsasalita muli sana siya ng mapahinto siya ng marinig niyang nagsalita si Zach. “Sakay, Miss Sevilla.” He said and sounded like a command. Nang silipin niya ito ay nakita niyang nakamulat na ang mga mata nito. Napansin din ni Fame na ang pagkakasalubong ng mga kilay ni Zach. “Sakay na po kayo, Ma’am para hindi magalit Sir.” Ani manong driver. Tumango na lang si Fame bilang pagpayag. Akmang bubuksan niya ang pinto ng passenger seat ng mapatigil siya ng magsalita si Manong driver. “Sa backseat na lang po kayo maupo, Ma’am.” Sabi nito. Nagpakawala siya ng marahang buntong-hininga saka siya lumipat sa gawi ng backseat. Binuksan niya iyon saka siya sumakay. “Hello po, Sir Zach.” Bati niya sa binata pagkaupong-pagkaupo niya. Wala namang nakuhang reaksiyon mula rito. Nagkibit-balikat na lang si Fame at tumingin sa labas ng bintana ng umandar na ang sasakyan. Mayamaya ay tumigil ang sasakyan sa tapat ng isang kilalang drugstore. “Bibilhin ko lang, Sir iyong pinapabili niyo sa akin.” Paalam ni Manong driver bago ito lumabas ng sasakyan. Sinundan naman ni Fame ng tingin si Manong driver ng pumasok ito sa loob ng nasabing drug store. Hindi naman nagtagal ay bumalik si Manong na may bitbit na isang plastic. “Sir ito na po iyong pinapabili niyo.” Wika ni Manong sabay abot kay Zach ng plastic na binili nito. Nagmulat ng mata si Zach at kinuha nito at plastic na inabot ni Manong. Nagtaka naman si Fame ng iabot din ni Zach sa kanya ang plastic. “For you.” Ani Zach. Kahit nagtataka ay kinuha naman niya ang inaabot nito. Nang silipin niya ang laman niyon ay nanlalaki ang matang napatingin siya kay Zach. “I’ts burn ointment cream. Use it para sa paso mo.” Sabi ni Zach bago nito isinandal ang ulo sa headrest ng kotse at muling ipinikit ang mata. Hindi naman maalis ni Fame ang tingin sa binata. At habang nakatitig siya sa nakapikit na mga mata nito ay may tatlong bagay siyang napagtanto. Una, hindi pala totoong wala itong pakialam sa mga nakapaligid rito. Pangalawa, maginoo pala ang bossy na boss niya. At pangatlo, he’s so damn sweet. COMMENTS AND VOTES ARE WELL APPRECIATED!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD