Chapter 26

3836 Words
NAPAPITLAG ako nang sikuhin ni Victor. Nagsasalubong ang mga kilay ko nang lingunin ko siya. “May sinasabi ka ba?” “Come on, pare! What’s happening to you? Are you okay?” “Yeah. I’m okay. May… naiisip lang ako…” “No, you’re not, pare. Anong problema? Si Gigi ba?” derechahang tanong ni Victor na nagpaismid sa akin. “Si Gigi? How can you say that?” “E, ano pa bang pwede mong maging problema kung hindi ang tungkol sa inyong mag-asawa?” “Wala kaming problema. Normal naman siguro sa bagong mag-asawa na may pinagtatalunan sila. It happened to you, right?” “Yes. Pero hindi ako ganiyan. You look depressed. Kanina pa tayo magkausap at kanina ka pa rin palutang-lutang. Tell me what happened. Makakatulong sa’yo kapag nagsabi ka.” I was hesitant at first. Pakiramdam ko, mababawasan ako kapag ipinaalam ko kay Victor ang gumugulo sa akin. Pero hindi rin ako nakatiis. Ikinuwento ko sa kaniya ang mga nangyari lalo na ang huling pagtatalo namin ni Gigi. Tinawanan ako ni Victor. Tiim-bagang ko siyang tiningnan. He playfully displayed his two fingers for a peace sign. I exhaled soundly and gulped from my wine glass.Gusto ko agad magsisi na sinabi ko sa kaniya ang tungkol sa problema ko. “You’ll die of jealousy because of your own doing, Matt,” wika ni Victor nang salinan ulit nito ng alak ang baso ko. Nagsalubong ang mga kilay ko. “What? No. Of course not. You misunderstand the situation. I am not jealous.” “You are. Hindi mo lang maamin pero, iyon ang totoo. Nagseselos ka hindi lang dahil may ibang nakakakita ng katangian ni Gigi. Nagseselos ka dahil hindi mo magawa ang nagagawa ng ibang lalake para sa sarili mong asawa.” “What do you mean?” “Matalino ka, Matthew. Kulang ka lang sa pag-a-analyze. Mas naka-focus ka kasi sa kilos ng asawa mo at sa kilos ng mga tao sa paligid ninyo. Let me be honest, pare. Nasa ‘yo talaga ang problema. Hanggang ngayon hindi mo maitama ang pagkakakilala ng mga tao kay Gigi. Kung ako sa katayuan niya, magagalit din ako.” “Bakit hindi na lang siya ang magsabi?” katwiran ko. I smirked. “You know what, if she really wanted the truth to come out, siya na mismo ang maghahayag noon. She could freely tell to anyone that we’re married kung gugustuhin lang niya. Hindi ko naman iyon itatanggi kung sakaling gawin niya.” Isang dismayadong tingin ang ibinigay sa akin ni Victor. “Anong klaseng logic ‘yan, pare? Hindi mo maamin sa iba pero, hindi mo rin itatanggi kung sakali? Bakit hindi ikaw mismo ang gumawa ng sinasabi mo? In the first place, ikaw naman ang pasimuno ng kasinungalingan na ‘yan?” Hindi ko sinundan ang sinabi niya. Malalim akong nagbuntung-hininga at sinapo ang ulo ko ng dalawang palad. I guessed no one could understand me better. Kahit ako mismo, naguguluhan sa sarili ko. “Pinakasalan mo na ‘yong tao, bakit hindi mo pa gawing opisyal ang lahat? Tingin ko naman kay Gigi, she’ll be a loyal wife to you.” Natawa ako sa sinabi niya. “How do you say that? She’s still young. Marami pa siyang makikilala lalo na ngayong malapit na siyang bumalik na sa pag-aaral. Paano mo nasabi na magiging loyal si Gigi sa akin? Walang maayos na pundasyon ang pagsasama namin. She can meet someone and leave me easily.” Napatiim-bagang ako. Hindi ko na namalayan na nakalabas na sariling bibig ko ang mga bagay na kinatatakutan ko. Marahang tawa ni Victor ang nagpabalik sa akin. “You really are crazy, Attorney! Kukuha ka ng bata tapos matatakot ka? Grow up, Matt! Para kang hindi abogado kung mangatwiran. Para kang hindi treinta y cinco anyos kung mag-isip.” “Sinasabi ko lang ang totoo. You know my story, Vic. Ayoko mang aminin pero, tama ka. Natatakot ako. Natatakot ako na maulit ang mga nangyari.” “Yes, I know your story. Pero hanggang ngayon hindi ko kilala kung sino ang babaeng sinasabi mo.” Nagbuga ako ng hangin at dinampot ang baso ng alak. “You don’t need to. Saradong kabanata na ‘yon ng buhay ko. But you know very well how I supported this girl, right? Pero saan nauwi ang lahat ng ipinuhunan ko? Sa wala. Ayoko nang mabigo ulit, Vic. Masakit ang mabigo.” Pagkasabi noon ay sinaid ko ang laman ng wine glass ko. “You just invested on a wrong person, Matt. Isa pa, ano bang naibigay mo sa taong ito? Alalahanin mong wala ka sa tabi ng taong iyon sa loob ng mga panahong sinasabi mong namumuhunan ka sa kaniya. Para sa akin kasi, oras at panahon ang pinakamagandang investment sa isang tao. Hindi mga materyal na bagay.” “I don’t know. Magkakaiba ang mga tao, Vic. Baka ‘yong bagay na inaakala kong walang halaga sa iba, iyon naman ang pinakaimportante para sa isa.” “That exactly is the case. Magkakaiba ang mga tao. You yourself told me that the girl in your horror story was already into someone before you met her. Si Gigi? Wala naman, ‘di ba? Malinis at walang laman ang puso niya nang pakasalan mo siya. You’ll just have to win her heart, Matt. Iyon ang atupagin mo imbes na bigyan siya ng dahilan para ma-insecure sa relasyon ninyo.” Umiling ako at nagbuga ng hangin. “Nagkamali ako, Vic. Nagkamali ako sa desisyon kong pakasalan si Gigi. Pinitas ko agad siya nang hindi pa lubusang nahihinog. I should have let us invested more time together, to get to know each other better. Hindi dapat ganito dahil pareho kaming nangangapa sa isa’t isa. And what’s worst is we don’t even know how to deal with one another because of our differences. May oras na natatakot ako sa kaniya. May oras na akala ko alam ko ang iniisip niya pero, hindi pala. I’m filled with all kinds of uncertainties since Gigi. Kaya ganoon din ang isinusukli ko sa kaniya. Uncertainties. Hindi ko alam kung bakit sa ganito nauwi ang lahat.” “You still have the chance to correct everything, Matt. Kahit saang anggulo mo kasi tingnan, ikaw talaga ang may pagkukulang. Hindi si Gigi. Nariyan na ‘yan, pare. Ikaw naman ang lalake, ikaw ang mas dapat manindigan para sa inyong dalawa.” Sa daan pauwi ay binalikan ko sa isip ko ang naging away namin ni Gigi. Hindi ako makapaniwala sa sarili ko. I used to be calm and collected. Ang hirap paniwalaan na ang dali para kay Gigi na guluhin ang emosyon ko. Nasa bahay na ako nang tumunog ang cellphone ko sa tawag ni Tita Samantha. Nang una ay nadalawang-isip ako na sagutin iyon pero, nang maisip kong baka importante ay tinanggap ko rin ang tawag niya. “Tita Sam? Gabing-gabi na ang tawag mo…” bungad ko habang paakyat ng hagdan. “Matt, we have to talk. Importante ang sasabihin ko sa’yo kaya sana ay dumating ka. Hihintayin kita bukas ng umaga.” “Fine. I’ll meet you tomorrow.” Bago tumuloy sa aking kwarto ay dumaan muna ako sa kwarto ni Gigi. Maingat kong binuksan ang pinto niya at sumilip. Tulog na siya. Aminin ko man o hindi, ako ang mas apektado sa away namin. Hindi ko siya makatabi sa pagtulog. And I missed her. Ang hirap dahil hindi ko man lang siya mahawakan. It would be a bad idea. May pinagdadaanan kami at kalabisan nang igiit ko pa ang s****l needs ko sa kaniya. Nakaya ng konsensiya kong daanin siya sa pwersa noong una pero, ngayon? Baka kasuklaman ko na ang sarili ko kapag inulit ko pa ang ginawa ko. Kaya isinarado ko na ang pinto ni Gigi bago pa ako matuksong pumasok at tabihan siya. “Magpapaalam na ako sa’yo, Senyorito. Hinintay lang kitang magising.” Natigilan ako nang paggising ay mabungaran ko si Gigi sa paanan ng kama ko. Bumalikwas ako ng bangon at ang una kong nakita ay ang mga sako kung saan nakalagay ang mga damit niya noong araw na pinalayas siya ng kaniyang madrasta. “Hihingi rin sana ako ng pamasahe sa’yo. Hindi ko pa alam kung saan ako pupunta pero, pwede na siguro ang limang daan.” “What?! What are you talking about? Nagpapatawa ka ba, Gigi?” galit pero, kabadong tanong ko. “Hindi po, Senyorito. Aalis na po talaga ako. Hindi ko na kayang tumira sa bahay na ‘to nang kasama ka.” “Nababaliw ka ba? Asawa mo ‘ko! Bakit iiwan mo ‘ko? Kasal tayo at legal ang kasal natin. Hindi ka pwedeng umalis!” “Abogado ka. Madali na sa’yong ipa-annul ang kasal natin, Senyorito. Tawagan mo na lang ako kung may kailangan akong pirmahan.” “No! Gigi, stop this foolishness! You’re my wife! May karapatan ako sa’yo!” “Hindi mo ako asawa… Kuya…” Natigilan ako sa huling sinabi niya. Ngumiti pa sa akin si Gigi at pagkatapos ay dahan-dahan na siyang tumalikod bitbit ang mga sako ng damit niya. Nagsimula siyang humakbang palabas ng kwarto. “Gigi!” tawag ko. Hindi siya lumingon. Gusto ko siyang pigilan pero, hindi ko magawang ikilos ang mga paa ko. Pakiramdam ko ay nakatali ako sa kama kaya hindi ako makaalis-alis. “G-Gigi…c-come back!” Pabilis nang pabilis ang paghinga ko. Pabilis din ng pabilis ang paglalakad ni Gigi palabas ng kwarto. Hanggang sa tuluyan siyang makalampas sa pintuan ay hindi niya ako nilingon. Napatulala na lang ako nang nawala sa paningin ko ang aking asawa. “Gigi!” Natigilan ako. Nakita ko ang sarili kong nakaupo sa kama at habol ang paghinga. Tumingin ako sa bintana. Maliwanag na sa labas. Tumingin ako sa pinto ng kwarto. It was closed. Biglang dumaloy sa alaala ko ang panaginip ko kay Gigi. Mabilis akong umahon sa kama at tumakbo palabas ng kwarto. Binabalot ako ng panic habang pababa ng hagdan at tinatawag si Gigi. “Attorney?” takang tanong sa akin ni Ate Rosa nang magkasalubong kami sa sala. Natigilan ako. Nakataas ang mga kilay niya nang pagmasdan ako. I was topless. Naka-shorts at nakapaa lang ako. Pawis na pawis ang buo kong katawan. “Attorney, anong nangyari sa inyo? Bakit kayo hinihingal? Nag-exercise ba kayo sa kwarto n'yo?” Lumunok ako at umiling. “Nasaan si Gigi?” “Nasa kusina po. Bakit mo hinahanap?” Hindi ko na sinagot ang tanong ni Ate Rosa. Dumirecho agad ako sa kusina. Parang isang malaking bato na nakadagan sa dibdib ko ang biglang naalis nang makita ko si Gigi na gumagawa ng juice sa pitsel. Napakurap-kurap ako. Naramdaman niya siguro ang presensiya ko kaya nag-angat siya ng mukha. Our eyes met. Hindi siya nagsalita pero, hindi rin niya binawi ang tingin niya. I made my first move. Kumuha ako ng baso at nagsalin ng tubig at uminom. Pagkabalik ko ng pitsel ng tubig ay lumapit ako kay Gigi. Itinutuloy na niya ang ginagawa. “H-hindi ka ba aalis?” tanong ko. She lifted her face to answer me. “H-hindi. Bakit?” Napalunok ako. “Dito ka lang ba maghapon?” paniniyak ko. Tumango siya. “Saan pa ba? Tutulungan ko si Ate Rosa dito sa bahay.” “Ang mga damit mo? Nasa closet mo lang lahat?” Nagusot na ang makinis na noo niya sa tanong ko. “O-oo. Bakit?” Nabantuan ng lungkot at pagdududa ang tingin niya sa akin. “P-pinapaalis-” “Sshh…!” I immediately placed my thumb on her lips. Natigilan siya. Natigilan din ako. Hindi ko na maitatago pa ang takot na nararamdaman ko. Mariin ulit akong lumunok. Dahan-dahan kong hinaplos ng daliri ang mga labi niya. Umangat ang isa ko pang kamay at dumako naman sa batok ni Gigi. “M-Matt…” Biglang lumikot ang mga mata ni Gigi. “B-baka pumasok si Ate Rosa…” Hindi ko siya pinakinggan. Siniil ko siya ng halik. Ramdam ko ang pagkabigla niya. Pinatagal ko nang ilang segundo ang mga labi ko sa kaniya at nang bitiwan ko siya, nakita ko ang mga luhang namuo sa mga mata niya. “B-bakit?” May takot na namuo sa dibdib ko sa pag-iisip na kahit ang halik ko ay inaayawan na niya. Umiling siya. "Na... nabigla lang ako." I felt relieved. Lumunok ako at tumango. “I have to meet with someone today. Dito ka lang. Hintayin mo akong makauwi.” She looked at me. “Lagi naman akong naghihintay sa’yo.” Natigilan ako sandali bago ko naramdaman ang unti-unting pagguhit ng ngiti sa mga labi ko. “Good,” sagot ko at tiningnan ang nasa mesa. “Ituloy mo na ang ginagawa mo. Gagayak na ako para makaalis agad.” Nasa office niya si Tita Samantha nang dumating ako sa Villa Isabelle. Pagpasok ko pa lang ay sinabi na niya na kanina pa siya naghihintay. Humingi ako ng paumanhin dahil pasado tanghalian na nga nang dumating ako. Na-delay ang pag-alis ko sa rest house dahil kahit sinabi ni Gigi na roon lang siya maghapon, hindi ko siya maiwan-iwan. “Kung hindi importante ito ay hindi naman kita aabalahin, Matt,” panimula niya. I already noticed her uneasiness. Mukhang kailangan niya talaga akong makausap. “Tungkol saan ba ‘yan, Tita Sam? Let’s just go straight to it dahil kailangan kong makabalik agad sa Irosin.” Sumeryoso siya lalo at tiningnan ako bago muling nagbukas ng bibig. “Nalaman ko kahapon sa abogado ni Papa na ipinapaayos na ng Lolo mo ang adoption kina Stephanie at Calyx.” Hindi ako nagulat sa aking narinig. Nang dumating ako ay usap-usapan na iyon ng ilang tauhan sa hacienda. Hindi ko lang alam kung saan sila nakakuha ng ideya. I didn’t bother to ask because it’s far from my concern. “Matthew, ang ibig sabihin lang noon, magiging legal na tagapagmama na rin ang mga anak ng Tito mo sa una niyang asawa. I cannot accept that. Hindi ako papayag na makikinabang sa kayamanan ng mga Ylustre ang mga hindi ko naman kadugo.” “Tita Sam, parang mga anak mo na rin ang dalawa. Isa pa, desisyon iyon ni Lolo. Wala tayong magagawa.” “He’s disowning you, Matt. Aalisan ka niya ng mana.” Natigilan ako sa aking narinig. Pinagmasdan ko ang nag-aalalang reaksiyon ng tiyahin ko. “W-what?” “You heard it. Totoo ang sinasabi ko. Iyon ang dahilan kung bakit tutol na tutol ang kalooban ko. Ikaw ang mas may karapatan pero, ikaw ang mawawalan. Anak ka ng kapatid ko, Matthew. Ibinilin ka pa sa akin ni Sofia bago siya namatay kaya hindi ako papayag na malalamangan ka ng ibang tao.” Mahabang sandali ang lumipas na tahimik lang kami pareho ni Tita Samantha. Hindi ko habol ang kayamanan ng mga Ylustre. But disowning me as their grandson was something serious. Hindi nila ako tunay na kadugo pero, may kurot sa dibdib ang hatid noon sa akin. “All right. Kung iyon ang pasya ni Lolo, hindi ko na ikokontesta. I appreciate your concern, Tita Samantha pero, wala na akong magagawa tungkol sa bagay na ‘yan.” “Gano’n lang ba ‘yon, Matthew? Papayag ka lang basta?” Nagkibit ako ng balikat. “What should I do? Papagurin ko lang ang sarili ko sa paghahabol samantalang kilala natin pareho si Lolo. Kapag sinabi niya, ginagawa niya.” “You can do something about it. Iwan mo ang anak ng dating katiwala ng hacienda.” Natahimik ako. I knew it. Iyon lang kasi ang pwedeng maging dahilan ni Lolo sa pagtatakwil sa akin. Wala akong naaalalang ibang pinagtalunan namin kundi ang tungkol doon. “Kailan lang kayo ikinasal, Matthew. Madali sa’yo na ipawalang-bisa ito. Alam mo na tutol ang Lolo mo sa anak na iyon ng dating katiwala. Kapag nalaman ni Papa na iniwan mo ang babaeng ‘yon, siguradong magbabago ulit ang isip niya. Ikaw pa rin ang nag-iisang apo ng mga Ylustre. Matthew, ang dami-daming babae. ” “Nag-iisa lang ang asawa ko. At hindi ko siya iiwan,” sagot ko pagkatapos ng mahabang sinabi ni Tita Samantha. “What?” Hindi makapaniwalang tingin ang ibinigay niya sa akin. Marahan akong nagbuga ng hangin. “Walang ibang solusyon dito kung hindi ang tanggapin ang pasya ni Lolo. Tanggapin na lang natin kung ano ang gusto niyang mangyari. Maging masaya ka na lang na magiging legal nang Ylustre ang mga anak-anakan mo. Wala nang makakapagsabi na hindi kayo isang buong pamilya.” “No! No, Matthew, no!” Sunod-sunod ang pag-iling ni Tita Samantha at tumayo. Nasa mukha niya ang labis na pagtutol sa sinabi ko. Kulang na lang ay isigaw niya iyon sa mukha ko. “Hindi ko kayang ibigay sa ibang tao ang pinagpaguran ng mga magulang namin ng ina mo! Hindi ako papayag! Siguro ay hindi mahalaga sa’yo ang kayamanan ng mga Ylustre dahil mayaman din ang pamilya ng ama mo pero isipin mo naman ang ina mo, Matthew. Kung buhay si Sofia, hindi siya matutuwa na malamang pumayag kang alisan ng karapatan sa pangalan at yaman ng mga Ylustre. Do something about this, Matthew. Ikaw lang ang makakatulong sa akin.” I weaved a deep sigh and shook my head firmly. “I’m sorry to disppoint you, Tita Samantha. Nasabi ko na ang sagot ko. I have to go.” Hindi ako agad umuwi ng rest house pagkagaling sa Villa Isabelle. Alas sais pasado na sa orasan ko nang lumabas ako ng department store. Bitbit ang mga binili ko ay nilakad ko ang kinapaparadahan ng kotse. Napansin ko agad ang isang pamilyat na motorsiklo sa tabi ng sasakyan ko. Paglingon ko ay nakita ko ang anak ni Mr. Flores. “Good evening, Attorney…” Hindi ko siya pinansin. Pinindot ko ang unlock button ng susi ng kotse at binuksan ang backseat upang mailagay roon ang mga binili ko. “Attorney... pasensiya na kung nakakagambala ako. Nakita kita kanina sa loob ng mall kaya naisipan kong abangan ka. Sana kahit isang minuto lang.” “I don’t even have a second with you.” Binuksan ko ang driver's seat. “Gusto lang kitang makausap. Pakinggan mo lang ang sasabihin ko.” Hinarap ko siya. “Matigas din ang mukha mo. Ano pa bang kailangan mo?” “Attorney, malinis ang intensiyon ko kay Gigi.” Napahinto ako sa pagsakay nang marinig ang sinabi niya. Humarap ulit ako sa kaniya. I saw the determination on his face. Bagay na lalong nakakainsulto para sa akin. “Attorney, kung nag-aalala kang guguluhin ko si Gigi sa pag-aaral niya, maniwala ka, hindi ko iyon gagawin. Hindi ko rin siya lolokohin. Hindi ko siya hahawakan man lang. Irerespeto ko siya at iingatan. At ipaglalaban ko siya kahit kanino.” “Won’t you ever give up? Pasalamat ka, narito tayo sa pampublikong lugar. Dapat pala ay hindi ako nagpaawat kay Gigi.” “Tapat ang hangarin ko kay Gigi, Attorney. Kahit anong sabihin mo, ipaglalaban ko ‘yon. At gusto kong patunayan sa’yo na mapagkakatiwalaan mo ako sa pinsan mo.” “Hindi ko pinsan si Gigi!” Hindi ko na napigilan ang pagtaas ng boses ko. “A-ano?” “At ano bang akala mo sa sarili mo, ha? Na ikaw lang ang lalakeng may kakayanan na ipaglaban ang babaeng gusto niya? I can do the same, boy. Higit pa sa inaakala mo.” “P-pero… a-anong-” “We're already married so you cannot court my wife. Naiintindihan mo ba?” Nakita ko ang naguguluhang anyo ni Gio. “A-asawa? Anong asawa? Asawa mo si Gigi?” “Narinig mo naman, hindi ba? Kaya kahit anong ganda at linis ng intensyon mo sa kaniya, wala na ring silbi dahil may nagmamay-ari na kay Gigi. Asawa ko siya kaya tigilan mo na ang pag-asam sa kaniya.” Marahil sa gulat ay nawalan ng sasabihin si Gio. Ilang segundong nakatingin lang siya sa akin. Umiling ako at nagbuntung-hininga. Hindi ko na hinintay na makabawi siya. Pumasok ako ng driver’s seat at nagmaneho pauwi. Ipinarada ko ang sasakyan sa tapat ng rest house at agad lumabas. Kinuha ko muna ang mga binili ko sa backseat ng kotse bago nagmamadaling pumasok ng bahay. Napahinto ako sa pag-akyat ng hagdan nang makita ko si Gigi na lumabas mula sa kusina. Nagkatinginan kami. “Gigi…” Parang minamaso ang dibdib ko dahil sa lakas ng t***k ng aking puso. “Nakauwi ka na pala?” bungad niya. Hindi ako sumagot bagkus ay humakbang ako palapit sa kaniya. Naaninag ko ang pag-aalangan sa mukha ni Gigi habang lumililiit ang aming distansiya sa isa’t isa. “M-mag… maghahain na ako…” “Mamaya na,” pigil ko sabay hawak sa kamay niya. Tumingin siya sa akin, nagtatanong ang mga mata. “M-may… problema ba?” Umiling ako. Binitiwan ko ang kamay niya. Binuksan ko ang isa sa mga dala ko at kinuha ang nasa loob noon. Ibinaba ko pagkatapos ang mga paper bag sa sahig. Tiningnan ko si Gigi. Nakita ko sa mukha niya ang sari-saring reaksiyon habang binubuksan ko sa harapan niya ang maliit na kahon na hawak ko. “M-Matt..?” Hindi ako nagsalita. Kinuha ko ang isa sa mga singsing bago ko ipinatong ang kahon sa katabi naming side board. Dinampot ko ang kamay ni Gigi at sinimulang isuot sa kaniya ang singsing. “A-anong… ibig sabihin nito?” Magkahalo ang pagdududa at pag-asam sa boses niya. Kumikislap ang mga mata niya habang nanonood sa akin. “Hindi pala sapat ang marriage certificate para talian ka bilang asawa ko. Hindi rin pangmatagalan ang mga markang inilalagay ko sa katawan mo. So maybe… just maybe… wearing my ring will label us as husband and wife?” Pagkatapos maisuot ang singsing sa kaniya ay dinala ko ang kamay ni Gigi sa mga labi ko at hinalikan. I looked at her. She gaped in awe and disbelief. Dumaloy ang mga luha sa pisngi niya. Mabilis ko namang pinahid ang mga luha ni Gigi bago sinakop ng mga palad ang kaniyang mukha. “Something's missing though. Let me seal our marriage.” Pagkasabi ko noon ay siniil ko agad siya ng halik. Ilang sandali pa ang lumipas bago ko naramdaman ang pagtugon ni Gigi. Yumakap siya sa baywang ko at mainit na ibinalik sa akin ang mga halik ko. Nagulantang kami sa tunog ng nagkapira-pirasong pinggan sa sahig. Nilingon namin ang pinanggalingan ng ingay at nakita ang nagugulat na reaksyon ni Ate Rosa. “A-Attorney? G-Gigi?” “H’wag kang mag-isip nang masama sa amin, Ate Rosa. Asawa ko si Gigi. Hindi ko siya pinsan.” “A-ano?” Kitang-kita ko nang mawalan ng kulay ang mukha ng babae. Nalilitong umiling ito habang pinaglilipat ang tingin sa amin. Hahakbang sana ito palapit pero, biglang nawala ang itim sa mga mata at humapay ang katawan. “Ate Rosa!” tili ng asawa ko. Mabilis kaming naghiwalay ni Gigi. Maagap kong tinakbo ang kinaroroonan ni Ate Rosa at sinalo ito bago pa tuluyang bumagsak sa sahig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD