[6] Deserving

1650 Words
-ASH- I was, for a moment, taken aback. Tumingin muna ako kay Xavier at nakabalik na siya sa kanyang pagt-trabaho. Ibinalik ko ang tingin ko kay Sharlott. She was fierce as always, from her outfit to her aura. But looking from her eyes, seems like something has changed. Tumayo ako at pumunta sa pintuan para harapin siya. I have to check on her first. Baka mamaya may dala 'yang bomba. "Excuse me, I want to see Xavier." Seryosong sabi niya. Sa halip na papasukin siya ay lumabas muna ako ng opisina. And then I closed the door. "I know you're aware of this pero hindi basta-basta nagpapapasok si Xavier ng kung sino." I told her. Kita kong namuo ang galit sa kanyang mga mata. She's holding her anger. You ruined the moment b***h. I deserve the anger more. "Hindi ako kung sino. And one thing. When I was still in your position, I just let people I know who's way above me to do whatever they want. That's what you should be doing as well, right? Hindi tayo magka-level." Sabi nya. I nodded. "Tama ka, hindi tayo magkalevel." I told her then I smiled sweetly. "Nakakatamad magbrag pero sige sasabihin ko pa rin para aware ka. I am a data engineer, a manager, a scientist, and yeah, a secretary. I learned, educated myself, went through a lot of hardships, did that for five years of take note, fixing myself. Balita ko, secretary ka pa rin ng demonyong si Yoshiro Amano na hanggang ngayon, nasa kulungan pa rin. So...yeah, we're miles apart." She closed her fist, as if she's threatening me. Oh God. Ang dami ko nang pinagdaanan sa buhay ko. Sa kamao nya pa ba ako matatakot? She gritted her teeth. "I wanna see Xavier. Get lost," sabi niya. Tinabing niya ang balikat ko at akmang bubuksan na niya ang pinto ng opisina nang pigilan ko siya. "It won't be worth it," mahina kong sabi. Muli ay tiningnan niya ako sa mata. And the moment she looked at me, I noticed something. Her eyes are conveying thoughts I couldn't read. It unleashes explanations I couldn't explain. Unti-unti kong binitawan ang pagkakahawak sa kanyang braso at hinayaan ko na siyang pumasok sa loob ng opisina na ikinataka ko rin kung bakit ko ginawa. After all...mukhang wala naman siyang dalang bomba o masamang balak. And also, magkakilala sila ni Xavier noon pa. Ang sama ba ng dating ko kung pipigilan ko siya? I just sigh. Bumalik na lang din ako sa loob at sa pwesto ko. Nakita ko si Sharlott na lumapit sa may table ni Xavier at umupo sa couch na nasa tapat nito. "I just thought you still need me kaya kita dinalaw dito." Rinig kong sabi niya. Biglang nagpantig ang tenga ko. Wow. Ang gandang bungad. Saglit lang siyang tiningnan ni Xavier ngunit hindi ito umimik. "Xavier, please. I need you. Konting oras lang." Sabi pa nito. Umiling na lang ako at ibinalik ko na ang focus ko sa pagt-trabaho. Pero syempre, 'yung tenga ko nakatutok pa rin sa kanila. No choice naman ako kundi marinig ang pag-uusapan nila. As if magbulungan sila, right? Napansin kong bumuntong-hininga si Xavier at saka siya tumingin kay Sharlott. "I get it, Sharlott. But not now, ok? I still have a lot of things to do within this day and this whole month. Ash is here. Do not cause any commotion." Kalmado niyang sabi. "I know, I won't..." sabi ni Sharlott. "Pero pakiusap. Sana i-consider mo rin ako. I'm going through a lot these past few weeks at kailangan kita sa tabi ko. Sana ako naman ang pagtuunan mo ng pansin kagaya ng ginawa ko sa'yo noong mag-isa ka lang." Sabi pa nya. Dito muling nagpantig ang tenga ko. But, what can I do. I suppose to not give that a double meaning, otherwise I will be the one who's pathetic. Xavier did gone through a lot of pain and hardships. And she did took the advantage to be with him noong nag-iisa ito. My heart is aching in the idea. Pero kilala ko naman si Xavier. I am fully aware of his loyalty. Sana. Sana. "Sharlott. I want to remind you na hindi kita kailanman kinailangan o tinawagan. Ikaw ang lumapit sa akin. Please don't misunderstood, complicate, and mess things up. Hindi ko na utang na loob pa ang sympathy mo dahil in the first place, I recovered by my own. But yeah, I should thank you for taking your time to console me. Aaminin kong sometime and somehow natulungan mo ako sa oras na sobrang dilim ng buhay ko. Pero ngayon, ayos na ako. Hindi mo na ako kailangan," sabi ni Xavier. Nakita kong lumungkot ang itsura ni Sharlott. I can see her lips trembling. For a moment, parang gusto ko magsalita at tanungin siya. She faced the floor, as if she's lost in the middle of her sea of thoughts. "I-I know, Xavier... I know very much. But..." She said, at maya-maya ay tumulo na nga ang luhang pinipigilan niya. Hindi ko mabasa kung umaarte lang ba siya o ano. But I can feel her sadness. "-hindi ko na alam kung saan ako pupunta. Pinalayas ako ni mom. Si dad nasa abroad. Wala akong ibang macontact na relative. Ni-wala akong kaibigan. X-Xavier, I don't know. I don't know where else will I stay." she said. Hindi kaagad nakapagsalita si Xavier. Natahimik siya at bahagya ring napatigil sa kanyang ginagawa. Unti-unti niyang tiningnan si Sharlott. Hindi ko mabasa ang kanyang mga mata. Xavier sigh. "I'll talk to you later." Sabi niya. "Xavier--," "Please." Sabi pa niya. Hindi na nakapagsalita pa si Sharlott at lalo lamang lumungkot ang kanyang itsura. Pinunasan niya ang natirang luha sa pisngi niya. Inayos na niya ang kanyang sarili at saka siya tumayo. "I'm begging you," huli niyang sabi. At saka niya tinalikuran si Xavier. Bahagya pa siyang napatingin sa akin ngunit tumungo lamang siya. At tuluyan na siyang lumabas ng opisina. Ibinalik ko ang tingin ko kay Xavier at sa ngayon ay nakahawak na siya sa kanyang noo. Tila naguguluhan na rin siya sa kung anong gagawin niya. Napabuntong-hininga ako. Bahagya kong itinigil ang ginagawa ko at tumayo ako para lapitan siya. Pumwesto ako sa may likuran niya then I massage his broad shoulders. "Ash," he said. "Hayaan mo muna ako. Para 'di ka lalong mastress," sabi ko sa kanya. Hindi na siya nagsalita. Ipinagpatuloy ko ang pagmasahe sa kanyang balikat. Matigas ang kanyang balikat, maging ang kanyang likuran. Marahil sa kadahilanang consistent siya sa pagg-gym at pinangangalagaan niya ang pisikal niyang katawan. Which, I am insecure about. I am skinny. Not too skinny but, I am not satisfied. Basta. "I'm sorry about her, Ash." Biglang salita ni Xavier. "Sorry?" "I know you are not in good terms with her. She's arrogant and bossy. But for now, I want you to understand her. I don't mean to offend you by this but...she also needs time for healing. Hindi lang tayo ang maraming pinagdaanan at pinagdaraanan, siya rin. And also, I'm sorry that I had to entertain her. Aminin ko man o hindi, I owe her a thing or two. Kapag natataong halos hindi ko kayanin mag-isa, she's there for me. There were times na sinasamahan lang niya ako at hindi siya nagsasalita. Don't worry, wala nang iba pang namamagitan sa amin. Naaawa lang ako sa kanya. I somehow want to return the favor." Sabi niya. Ngumiti ako kahit alam kong hindi niya ako makikita dahil nasa likuran niya ako. "Xavier, I am cool." Sabi ko. "Fine, I'm not in good terms with her but I'm also concerned with her personal hardships. Hindi ko naman alam kung anong nangyari rito noong wala ako. Masyado akong malayo sa posisyon para pagdudahan ka. Ang mahalaga, maayos na ang lahat ngayon. Don't worry. I'll be more understanding." Sabi ko sa kanya. Bumuntong-hininga siya. "But I will admit, Ash. When it comes to you, I'm afraid I couldn't be as understanding as you. Ang tagal kitang hinintay. Ang tagal kong nangulila sa'yo. Sa buong ikaw. Sa lahat-lahat ng iyo. Kaya kung makikita kitang may kasamang iba, if you are understanding, intindihin mo rin ako kung maging...let's just say, possessive ako." Sabi niya. Napatigil ako sa pagmasahe sa kanyang likuran. "Xavier," "When I said you're only mine, I meant that." Sabi niya. Maya-maya ay tumayo siya at saka siya humarap sa akin. Nagulat ako nang bigla nya akong hinawakan sa aking bewang at kinarga niya ako. His left arm wrapped around my waist, his right supporting my buttocks. I wrapped both my arms around his neck then I stared at him in the eyes. "I don't want anyone else to have your heart. Kiss your lips. Or even you be in their arms because I don't share what's only mine." Sabi niya at bigla niya akong hinalikan sa labi. I kissed him back without any hesitation. Mapusok ang kanyang paghalik. Halos hindi ako makahinga. I tried to control my breathing pattern as he kisses me in a moving manner without stopping. When he finally miss the essence of breathing, he paused. Parehas naming habol-habol ang aming mga hininga. "I'm obsessed," sabi niya. At muli ay hinalikan niya ako. Walang mintis. Ang sarap ng labi niya. Gusto ko itong angkinin. Ang tamis. Nalulunod ako. Pagkatapos ng ilang saglit ay ako naman ang napatigil sa paghalik. Muli ay tinitigan ko siya sa kanyang mata. "Am I deserving?" Bulong ko sa kanya. Hindi siya nagsalita. Bagkus ay hinigpitan niya ang pagkakayakap sa aking bewang at mas lalo pang naglapit ang aming mga mukha. Ramdam na ramdam ko na ang mainit niyang hininga. Inilapit niya ang kanyang labi sa akin. He bit my lower lip. "More than that," he said. ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD