-GERRONE-
Una kong nakilala si Ash noong nakita ko siyang naghihintay kay boss Xavier sa entrance ng kumpanya. He was quiet, uncomfortable, at parang hindi makabasag pinggan.
I mean...
He's like a fragile glass na tipong kapag hahawakan mo pa lang ay magb-breakdown kaagad.
That's only my first impression of him.
Hindi ko akalaing mas matatag pa siya kaysa sa inaakala ko. Ang dami niyang napagdaanan, ang dami niyang sakit na naranasan. I have seen him once breaking down but he's still smiling. Pinapalitan niya ng ngiti ang lahat ng sakit na nararamdaman niya.
Hindi ko siya madalas makausap. Naaabutan ko lang siya minsan, kapag hinihintay niya si boss na pumasok. Minsan naman ay nakakasabay ko siyang kumain sa cafeteria. And the last time na nagkasama kami ng maayos ay noong pumunta kami sa Dumaguete.
Pero palagi siyang nakatambay sa isip ko. Palagi kong naiisip kung nakakain na ba siya, kung ayos lang ba siya. Kung masaya ba siya. Kung hindi ba siya pinahihirapan ni Xavier. Naiisip ko rin na paano kaya kung kami ang madalas na magkasama.
Paano kung sa akin siya nagkagusto at ako ang dahilan ng mga pagngiti niya?
Am I weird? Yes I am. Pero wala eh, hindi ko naman mapipigilan ang nararamdaman ko. Even though I know that I am not going any further than this. Hanggang dito lang ako, alam ko.
I am nothing compared to Xavier. Kitang-kita ko kung gaano niya kamahal si Ash. Higit pa sa pagmamahal na nararamdaman ko. Tingin ko, hindi ko iyon kayang higitan. At mas lalong wala akong laban dahil alam kong sa kanya lang titibok ang puso ni Ash.
I just heaved a sigh.
Ito na naman ako, unti-unti ko na namang tino-torture ang sarili ko. Lagi na lang.
"Oh, Gerrone. What's bothering you?" Biglang sabi ng isang babae na kakalapit lang sa akin. May dala siyang isang tasa ng kape.
Napatingin ako rito. Sobrang tingkad ng kanyang lipstick. Sobrang evident din ng kanyang eyeliner maging ng foundation niya. Makapal ang kanyang make-up.
Napapikit ako sa imahinasyon ko. Goddamn. Kaaalis lang ni Sharlott, ngayon ito naman.
"None, ma'am." Sabi ko at iniligpit ko na ang manual na hawak ko pati ang mga gamit ko.
Nginitian ko siya at akmang paalis na ako nang may ibulong siya sa akin.
"See you later in my office." she whisper.
Hindi ako nagsalita. Tumungo lang ako at saka umalis.
Nang makalayo ako sa kanya ay napabuntong-hininga na lang ako. I hate this. I hate her. It's so frustrating.
Napailing na lang ako at hindi ko na iyon masyadong inisip. Naglakad na ako papuntang cafeteria para bumili ng milk shake nang mahagilap naman ng mata ko si Chad na mag-isang kumakain ng breakfast sa isang tabi.
Bahagya akong natigilan. Pansin ko kasi, kahapon pa siya parang palaging mag-isa. Nakausap ko naman siya kahapon kaya lang parang hindi siya mapakali. Ibang-iba siya sa Chad na kilala ko dati. Parang may iba sa kanya ngayon. I'm curious.
Pagkabili ko ng milkshake ay umupo ako sa bakanteng upuan sa harap ni Chad.
"Hey." Bati ko sa kanya.
Saglit siyang napatingin sa akin then he smiled.
"Oh, sir Gerrone. Good morning po." He said.
Napailing na lang ako, "Sir?" I mocked. "No honorifics, please. Na promote lang, ako pa rin 'to." I said then I gave him a smile.
Muli siyang ngumiti.
Dahan-dahan na niyang tinapos ang pagkain niya at uminom siya ng tubig.
"Nandiyan na si Ash?" Tanong niya.
I nodded. "Yeah. Sabay sila ni boss Xavier." Sabi ko.
"Eh, sabay?"
"Yes. Why?"
Saglit siyang napaisip. Maya-maya ay tumango-tango siya.
"Well, no wonder." He said.
Tumango rin ako.
"Right."
He gave me a meaningful look. Mga ilang segundo siyang nakatingin sa akin ng makahulugan. Kaya naman tinanong ko siya kung bakit.
"Why?"
"Masakit?" Patanong niyang sabi.
Saglit akong napaisip sa tanong niya. At nang ma-gets ko ito ay napangiti na lang ako.
I faked a cough. "Of course."
"Ouch," he said, at may paghawak pa siya sa dibdib niya. I just chuckled.
"Ba't ayaw mong umamin? I mean, kahit sabihin mo lang sa kanya. Para aware lang siya. Sabihin mo sa kanya na he doesn't have to feel the same way as you. Just, tell him how you feel." He said.
"It's easier said than done, Chad." Sabi ko.
Magsasalita pa sana siya pero hindi na niya naituloy. Then he sigh.
"Sabagay, tama ka." Sabi nya.
I smiled sadly.
"Ikaw? Bakit parang kahapon ka pa mag-isa?" I asked him.
Saglit siyang napatingin sa akin at natigilan siya. Tumungo siya at pumikit.
"W-wala naman. Stress. You know, codes for life. Masakit sa ulo." Sabi niya.
Bahagya naman akong napatawa.
"I know the feeling. Don't worry. After the current project, chill muna kayo. Hayaan muna nating visual team ang mag-asikaso nung project. After that, may panibago tayong client. Pero hindi naman siya nagmamadali. Kaya kahit lamang ang break nyo sa working hours." Sabi ko.
"Really? Kung pwede nga lang eh. Lagot tayo sa mga board at directors niyan kapag biglaan silang nagtour dito sa company." Sabi nya.
Napatawa naman ako.
"I will inform you if ever. For sure naman malalaman ko kaagad 'yon mula kay boss Xavier." Sabi ko.
"Kay boss Xavier ayos lang eh. Dun talaga sa mga masusungit na board." He said.
Hindi na ako nagsalita. Ganyan din kasi ako noong nagp-program pa lang ako. Well yes, I still do programming but for now, I am more on managing and leading the dev team. Balak ko rin magwork at magprocess for being the Chief Technology Officer o CTO kaya lang mukhang wala pang balak si Sir. Lincoln na ipasa sa ibang tao ang title. At isa pa, board pa rin ang magde-decide. Pagkatapos na pagkatapos ng termino ni sir Lincoln, hindi ako magdadalawang-isip na tumakbo.
Dahil sa ngayon, iyon ang pakay ko.
Ang matapos ang unang hakbang ng pinakang dahilan kung bakit ako nandito.
I sigh.
"Gerrone, remember? 'Yung sa bistro?" Chad suddenly asked.
"Yeah. 'Yung last last night?"
Tumango siya. "Yep. Nasabi ko na ba sa'yong sinukahan niya 'yung halaman mo sa may exit area?"
"Wait, really? Sa kanya 'yon?" Tanong ko.
He nodded. "Y-yeah. Sorry ha. Hindi ko napigilan. Lasing na lasing eh. Tsaka kinakabahan ako baka kung anong gawin sa akin. Ang lakas pa naman niya kahit lasing." Sabi niya.
Kaya pala may nakita akong suka doon sa may halaman ko. f**k. Baka mamatay 'yung halaman na 'yun. Damn.
Hindi naman siya karamihan. White liquid lang at hindi ko malamang content. Still gross.
"That's fine. Naayos ko na naman. And what about him?" Tanong ko.
Umiling siya. "W-wala na naman. Sinabi ko lang 'yun sa'yo. Akala ko kasi nasabi ko na kahapon," sabi nya.
Tumango lang ako.
Hindi ko rin alam, Chad. Hindi ko rin alam kung nasabi mo ba sa akin kahapon. Ash occupied my mind too much.
~*~
-ASH-
"Stop doing that," Sabi ni Xavier habang nagt-type siya sa kanyang laptop.
Umiwas naman ako ng tingin. Wala lang, trip ko lang siyang titigan dahil ang fresh niyang tingnan sa suot niyang white long sleeve. Wala siyang suot na Amerikana. Wala rin siyang tie. Tanging white long sleeve lamang at tanggal ang unang tatlong butones mula sa may kuwelyo niya.
Ang hot at fresh niya at the same time.
Hay naku, self.
Bago pa tuluyang lamunin ng perverted thoughts ang utak ko ay pinilit ko nang mag-focus sa trabaho. Muli kong binuklat ang planner na hawak ko iniscan ko ang schedule ni boss Xavier ngayong araw.
By 2pm later, papunta rito ang board chairman at may private talk sila ng CEO na si Xavier. Medyo nalungkot naman ako. Alam ko kasi, dad niya ang dating board director. Ngayong wala na ang dad niya, napagkasunduan ng stakeholders at iba pang board members na baguhin nga ang board director.
Xavier was one of the options. Ngunit dahil bumaba si Xavier noon ng puwesto at pansamantalang lumayo sa kumpanya, hindi siya ang napili. Baka ngayon, kapag naisipan nila na magpalit ng panibago. Kung hindi ngayon, well, sometime.
Hindi ko namalayan ay unti-unti na pala akong tumititig kay Xavier.
Busy pa rin siya sa pagt-type. He's too serious.
Pero ang tali-talino niyang tingnan.
Maayos ang kanyang buhok na, I'm proud to say, ako ang nag-ayos kanina. Nakasuot siya ng eye glass. May tumutubo na muling kaunting balbas sa kanyang panga. Matangos ang ilong niya. Evident ang kanyang adams apple.
Busy na uli ako sa pagtitig sa kanya nang bigla naman siyang lumingon sa akin.
Muli akong napaiwas ng tingin. Pinilit kong ibinalik ang atensyon ko sa trabaho.
"Ash, do you still remember what I told you five years ago?" Sabi ni Xavier.
"P-po?" Sabi ko.
Bigla naman akong napapikit sa sinabi ko.
Ghad. Po?!
Suddenly, nagflashback lahat ng memories sa utak ko the moment na makapasok ako sa kumpanyang ito.
Well, yeah. Those days.
Maya-maya ay narinig ko siyang tumawa.
"Hahaha, Ash. I missed you so much," sabi niya. "I told you this, that if you ever commit a serious mistake, you already know what I mean." Sabi niya.
Muli naman akong napatingin sa kanya.
Is he serious?
"T-teka, serious mistake na ba 'yung pagtitig ko sa'yo?" I asked him.
"Sort of. Kapag nandito tayo sa loob ng opisina ko." Sabi niya, then he gave me a meaningful smile.
Tumayo siya at unti-unting lumapit sa kinagagawian ko. Nang tuluyan siyang makalapit sa akin ay hinawakan niya ang aking baba. At saka niya ako tinitigan sa mata.
"I know, you know." sabi niya.
From my chin, he placed his hand to his groin area. Hinimas-himas niya ang kanyang harapan hanggang sa unti-unti itong bumukol.
Napalunok ako. Ito na naman siya. Nandito na naman tayo sa ganitong sitwasyon.
"Suck me," he said in a husky voice.
My heart excitedly pumped out of nowhere.
Tumingala ako sa kanya. He just gave me a sweet grin.
Umiwas ako ng tingin at ipinikit ko ang mata ko.
"Xavier, n-nasa work tayo." Sabi ko.
"This is part of the work," sabi naman niya. "Your work for me as my secretary."
Kinuha niya ang kamay ko at idinako ito sa kanyang harapan. I was speechless, my mind preoccupied. Little by little, I am again being driven by worldly desires.
He removed his grip from my hand, allowing it to move on its own. I slowly stroked his crotch, causing him to whimper, baritone.
Tatanggalin ko na sana ang pagkaka-zipper ng kanyang pantalon nang bigla namang may kumatok sa opisina dahilan para mapabalik ako sa huwisyo ko.
"Damn," mahinang sabi ni Xavier. Tumingin siya saglit sa pintuan ng kanyang opisina at ibinalik niya ang kanyang tingin sa akin.
"Damn the devil," he said, then he smiled shyly.
Napangiti na lang din ako.
Bumalik na si Xavier sa kanyang upuan. Tumayo naman ako upang pagbuksan ang taong kumakatok.
I admit, I was a little bit frustrated.
Huminga ako ng malalim at pinagbuksan ko na ng pinto ang kung sino mang kumatok.
At bumungad sa akin ang isang taong hindi ko inakalang muli kong makikita sa ngayon. It was Sharlott.
---