-ASH-
"Stop staring. You're making me uncomfortable." Sabi ni Xavier habang nandito kami sa loob ng elevator.
Kanina pa kasi ako nakatitig sa repleksyon niya sa salamin. Hindi ko maiwasan. At isa pa, na-miss ko talaga ang ganitong set-up. 'Yung hihintayin ko siya sa may entrance, sabay kaming papasok sa elevator, at papasok sa kanyang opisina. Na-miss ko 'to.
Narinig ko siyang bumuntong-hininga.
"Lincoln sent me a message. Hanap ka niya." He said.
"Ahh. Yes. may kailangan lang akong kunin sa opisina saglit. Then I'll meet him." Sabi ko at saka ako ngumiti.
Muli akong napatingin sa kanyang repleksyon sa salamin. Seryoso lang ang mukha niya. Kaming dalawa lang ang nandito sa loob ng elevator kaya naman malinaw na malinaw kong nakikita ang aming repleksyon.
"I'm jealous. Kaya ka ba pumasok ng maaga para kitain siya?" Sabi niya.
I nodded. "Actually, o-oo. Nasabi ko na naman sa'yo 'yun kagabi, 'di ba? Hindi ko lang nasabi na mauuna akong pumasok." Sabi ko.
"Sabay na sana tayo. Kinabahan ako kanina. Akala ko iniwan mo na naman ako. Kung hindi ko pa nabasa 'yung note mo," sabi niya.
Bahagya naman akong lumapit sa kanya at medyo hinawakan ko ang laylayan ng kanyang suot na Americana.
"I'm sorry." Mahina kong sabi.
Narinig kong napatawa siya. Even his laugh sounds handsome. Damn.
"That's fine, nothing to worry about. Basta next time huwag mo na akong pakakabahin ulit." Sabi niya.
Humarap siya sa akin at hinawakan niya ang aking baba. Tinitigan niya ako sa mata at tila nalunod naman ako rito.
"Akin ka lang." He whispered. At saka niya ako binigyan ng isang matamis na ngiti.
Nginitian ko rin siya. Hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi at tumingkayad ako para halikan ang kanyang noo.
"Para fair," sabi ko.
Hanggang sa tumigil na ang elevator at bumukas na ang pinto. I gave him one last smile at nauna na akong lumabas ng elevator. He sheepishly smiled at sumunod na rin sa akin.
Pagkarating ko sa tapat ng kanyang opisina ay huminga muna ako ng malalim bago ko buksan ang pinto nito. Pumunta kaagad ako sa aking cubicle upang kunin ang journal na may notes ko ng flowchart na kailangan kong i-program mamaya.
"Send these to him also," sabi ni Xavier, at may kinuha siya mula sa kanyang table. Dalawang binder.
Lumapit ako sa table niya at kinuha 'yung binder.
"Got it." Sabi ko.
I looked at him, at napansin kong medyo magulo ang necktie niya. Bahagya akong lumapit sa kanya at saka ko inayos ang kanyang tie.
After that, nginitian ko lang siya at tumalikod na ako.
Palabas na sana ako ng opisina nang bigla niyang tawagin ang pangalan ko.
"Ash," he said.
Nilingon ko siya. Seryoso ang kanyang mukha. At saka siya bumuntong-hininga.
"I love you." Sabi niya.
Ngumiti ako.
"I love you too."
~*~
Pagkarating ko sa work office ni sir Lincoln ay inilapag ko sa kanyang table ang dalawang binder na pinapabigay ni Xavier.
"You are minutes late," sabi niya.
Humigop siya ng kape at saka siya tumingin sa akin.
"Anyways, paki-integrate na lang ng data na isesend ko sa'yo through mail. Use mySQL database management system. Majority stored in tables. Naka-excel 'yun so," he said then he paused for a moment, "take this. Inform mo ako pag tapos ka na. After that, samahan mo ako sa back-end ng IT room. We'll have a few run-through there." Sabi niya at ibinigay sa akin ang isang flashdrive.
Ngumiti lang ako at tumango.
"Thank you sir." Sabi ko.
"No worries." Sabi niya.
Tumalikod na ako at lumabas ng kanyang opisina. At saka naman ako napahinga ng maluwag.
Thank you Lord hindi ko kailangang mag-stay sa office niya, ang awkward kasi.
I just smiled at the thought.
Tiningnan ko naman ang flashdrive na ibinigay sa akin ni sir Lincoln at mas lalo akong napangiti nang mapansin ko ang cap nitong hello kitty. Sobrang manly ni sir Lincoln tapos theme ng flashdrive niya ay hello kitty. Ang cute naman. Sana all cute.
Naglakad na ako at naisipan ko munang pumunta ng cafeteria para kumain saglit. Naalala ko kasi na hindi nga pala ako nakapag-breakfast kanina dahil nagmamadali nga ako. Baka maabutan ako ni Xavier. Kaya naman, pagkagising na pagkagising ko ay naligo na kaagad ako at umalis.
Pagkarating ko ng cafeteria ay napansin kong medyo maraming tao pero hindi naman crowded. Karamihan ay kumakain ng breakfast. 'Yung iba kasing nagw-work dito ay overnight, 'yung iba naman ay 12am pumapasok. Oo, 12 am. Well, dati. Hindi ko alam ngayon. Pero tingin ko, ganoon pa rin naman ang set up base sa nakikita ko.
Pumila na ako para kumuha ng makakain. Corned beef, egg, fried rice, sandwich, isang apple at hot chocolate ang kinuha kong breakfast. After that, naghanap na ako sa paligid ng mauupuan. Hanggang sa mahagilap ng mata ko si Chad na mag-isang kumakain sa isang table.
Dahil bakante naman ang harapan niya ay doon na lamang ako umupo.
"Hi Chad!" Bati ko sa kanya.
"O-oh, hi!" Bati rin niya at saka niya ako binigyan ng isang awkward na ngiti.
Napatingin naman ako sa pagkain niya. Medyo marami siya than usual. Seryoso siyang kaya niyang ubusin 'yan?
At pansin ko rin, kanina pa siya parang ang awkward awkward. As if something happened to him? Gustuhin ko mang itanong, baka naman isipin niya napaka-chismoso ko. So, bahala na. Hindi ko na lang siya tatanungin.
"Chad, ayos ka lang? Bakit parang kanina ka pa awkward kumilos." I asked him.
Napa-face palm naman ako sa isip ko. Sabi ko hindi ko tatanungin eh. Hay naku.
Saglit siyang tumingin sa akin at agad din naman siyang napaiwas.
"Ako? A-ayos lang ako. It's just that," he said, then he suddenly paused. Nginuya muna niya ng maayos ang nasa loob ng bibig niya at nilunok niya ito. At saka siya tumingin sa akin.
"Just...personal matters. Ahm, Ash..," he said.
Sumubo ako ng isang subo mula sa pagkain ko at tiningnan ko siya.
"Hm?" Sabi ko habang ngumunguya.
"Ahm. Y-you know. 'Yung pinsan mo." Sabi niya.
Napaisip naman ako saglit at muli ay tiningnan ko siya. "Pinsan? 'Yun bang nakuwento at pinakilala ko sa inyo noon? Si Marko?"
He nodded. "Yeah."
Nilunok ko muna ang nasa bibig ko bago ako nagsalita.
"Anong meron sa kanya?" I asked.
"Curious lang ako kung pinsan mo ba talaga siya." Sabi niya.
Muli akong napaisip. What's with his curiousity?
"Oo, pinsang buo. Magkapatid ang mama ko at mama niya. Bakit?" Tanong ko uli sa kanya.
He shrugged. "Wala naman. Nevermind. Madalas ko kasi siyang makita rito sa kumpanya noong wala ka. Minsan nakikita ko siyang kasama si boss Xavier. Madalas ko rin siyang makabangga but he doesn't really mind. Hindi rin niya ako kilala. Then," he paused.
Pinagpatuloy ko ang pagkain ko, at the same time ay nakinig ako sa kanya.
"Then?" I asked.
"Nakita ko siya sa bistro ni Gerrone kagabi. Mag-isa siyang nag-iinom at lasing na lasing. I'm just, you know, concerned, and I think kailangan kong ipaalam sa'yo kung anong nangyari. He's also saying weird things na gusto ko pa sanang sabihin sa'yo pero wag na lang." Sabi niya.
Sinamaan ko siya ng tingin.
"Gusto mong sabihin sa akin pero huwag na lang. Hindi mo ba alam na lalo lang akong na-curious dahil sa sinabi mo?" Sabi ko sa kanya.
Humigop ako ng hot chocolate at medyo napaso pa ang labi ko sa init nito. Pero sakto lang. "But thanks for telling me though. Wait. May bistro si Gerrone?" Tanong ko pa.
He nodded. "Yep, siya mismo ang manager. I think 3 years ago nung pinatayo niya 'yun. Solid nga eh. Dami laging customer. Madalas din ang mga vip." Sabi niya.
"Wow. Big time na pala talaga si Gerrone. Sabagay, noon ko pa alam na may pagka-business minded siya. So, sinasabi mo na nakita mo doon si Marko and he's drunk, at may sinasabi siyang wirdo na gusto mong sabihin sa akin pero wag na lang. Sige, hindi ko na 'yun itatanong. Pero sinabi ba niya kung bakit nandoon siya?" Tanong ko sa kanya.
"Hindi." sabi niya.
Nang bigla naman akong may maalala. Kaya siguro tumawag sa akin si Louis at tita Yen kagabi na hindi pa nga raw umuuwi si Marko. Sabi ko naman sa kanila, baka doon na nag-overnight sa company nila. I don't know. Tapos ganoon pala ang nangyari.
"Anyways, ayun lang naman. Pinaalam ko lang." Sabi niya.
I nodded. "Ok, thanks." Sabi ko at ipinagpatuloy na namin ang pagkain.
Hindi pa man kami masyadong nakakatagal sa katahimikan nang muli siyang magsalita.
"Uhm Ash, may isa pa pala akong tanong." Sabi niya.
"Yep?"
He fake a cough. "Single pa ba 'yung pinsan mo na 'yon?" Tanong niya.
Feeling ko nasamid ako sa tanong niya kahit hindi naman talaga.
"Kung alam mo lang. NGSB 'yon. Maraming nagkakagusto sa kanya pero siya 'tong pihikan sa mga babae. Bakit, type mo?" I asked him.
Siya naman ang nasamid. This time, totoong nasamid siya. Iniabot ko sa kanya ang baso ng tubig na nasa gilid niya at sunud-sunod naman niya itong nilagok.
"Oh, dahan-dahan. Baka lalo kang masamid niyan sige ka. I'm just kidding, ok? Ikaw naman, parang 'di mo pa ako kilala." Sabi ko sa kanya.
Pinunasan niya ang labi niya. At saka ko naman napagmasdan ang mukha niya. Sa totoo lang, cutipie 'tong si Chad eh. He's in mid 20s pero bagets na bagets tingnan. Para siyang highschool heartthrob. Highschool ha, hindi college. Haha.
Medyo chinito siya pero bilugan ang mismong mata niya. Basta, ang gwapo tingnan. Matangos din ang ilong niya. Manipis ang labi niya. Clean under cut. And lastly, ang puti at kinis niya. Isa lang ang masasabi ko.
Sana all.
"Kasi naman, ikaw. Type agad?" Sabi niya.
"Aba, malay ko naman. Kagaya nga ng sinabi ko, I'm just kidding. Ikaw naman masyadong defensive. Pasamid-samid ka pa diyan. Alam mo ba sa mga books o teleserye, ang mga karakter kapag nasasamid, ibig sabihin defensive." Sabi ko.
"I-I'm not. I'm just startled."
"Eh bat ka curious sa lovelife niya?" I asked him.
Hinintay ko siyang sumagot pero hindi siya nagsalita. Tila pinipilit pa niyang isipin kung anong isasagot niya.
"Pero alam mo wala namang kaso sa akin. Isa pa, feeling ko may pagka-homo 'yang si Marko. May 'pagka' lang. Kasi alam ko may mga naka-s*x na rin siyang babae pero girlfriend, wala pa. So, siguro, sa same gender talaga siya naaattract." Sabi ko.
Hindi uli siya nagsalita. Napansin kong bahagya ring lumungkot ang itsura niya. Ok. May nasabi ba akong something?
"Pero feeling ko rin naman kung magkakaroon siya ng karelasyon, magiging seryoso siya. Nakikita ko sa kanyang solid siya magmahal. Just, I think, not his thing. Pero madi-discover din niya 'yun, sometime. Kaya kung type mo siya, magpa-homebase ka na sa kanya. Kapag naulit 'yun, for sure, type ka rin niya." Sabi ko.
Tiningnan lang niya ako saglit ng masama at umiwas ulit siya ng tingin.
"Gago," he murmured.
I just chuckled.
~*~
-XAVIER-
Kanina pa ring ng ring ang phone ko pero hindi ko ito sinasagot. Galing kasi sa hindi ko kilalang numero. Baka mamaya spam lang.
I just sigh at iniligpit ko na ang mga gamit ko. Tumingin ako sa orasan. It's already 7:30 pm. Balak ko pa sanang pumunta sa visual at dev team bago kami umuwi ni Ash. Speaking of Ash, wala pa rin siya. Kasama pa rin niya siguro si Lincoln sa pagrun-through sa back-end.
Patayo na ako nang muling magring ang aking phone. Kanina pa ito actually. Hindi ko lang sinasagot dahil baka spam nga. At dahil nakakairita na, sinagot ko na ito.
"Who's this?" Bungad ko sa tumawag.
"Finally after six hundred years! Xavier! Oh my god," sabi ng isang babae mula sa kabilang linya.
Napakunot naman ang noo ko. Hindi familiar ang boses niya at hindi ko rin siya kilala. Pero bakit kilala niya ako?
"Excuse me, who are you?" Again, I asked her.
"Devine. Your--"
"Devine? Is that really you?"
"Yeah, your lovely president na iyakin noon. Haha," she said.
Napangiti naman ako. Si Devine. Kaklase ko siya noong college. Siya ang president noon ng CSCC for three consecutive years. Palagi ko naman siyang naco-contact and nar-reach sa social media pero never kong binigay ang personal contact ko sa kanya.
Hindi ko na iyon masyadong inisip at kinausap ko na lang siya.
"Woah, yeah. I know you. So, anong ganap?" I asked her.
"Well, nakita mo naman siguro 'yung pinost ko, 'diba. Bale next week kasi, magkakaroon ng art exhibition event sa SMX Convention Center sa Pasay. Isa ako sa magmamanage and a lot of paintings there are also my works. You're invited as my VIP. Digital 'yung invitation ng VIP so send ko na lang sa'yo." Sabi niya.
"Wait, I'm not an artist. Hindi rin ako art collector. Wala akong maiaambag sa art exhibition na 'yan--"
"And also, make sure na ikaw lang, ha? Wala ka dapat ibang kasama. Hindi mo naman need bilhin 'yung mga artwork ko. I will give you some of my works for free. So," she said.
Hindi kaagad ako makapagsalita. Gusto ko sana siyang tanggihan kaya lang, ayoko naman siyang ma-offend. Matagal na rin kasi niya akong niyayaya sa mga exhibition niya at madalas na rin akong tumanggi. For now...
"Devine, I'm sorry to say this but I think hindi muna ako makakapunta sa ngayon--"
"Xavier naman,"
"--unless may kasama ako." dagdag ko.
Saglit siyang natahimik. I heard her heaved a sigh.
"Sino naman 'yan?" She asked.
"Secretary ko." Sabi ko.
She frowned. "Aww. Babae. What a shame,"
"It's a guy." Sabi ko.
"Oh, a guy. Wait, guy? As in lalaki? Lalaki ang secretary mo?" Tanong niya na parang gulat na gulat.
I just sigh. Palibhasa hindi niya alam.
"Well, yeah. That happened for some reason.." Sabi ko.
"Ano ba 'yan. Gusto sana kitang ma-solo eh. Pero sige, guy naman pala. So, pupunta ka?" Tanong niya.
"I'll ask my secretary first." Sabi ko.
"Whatever. Ikaw ang superior sa kanya, ikaw dapat ang masusunod. Please, attend the event. Please?" She pleaded.
For the nth time, I sigh. "Fine, fine. But I'm telling you, kapag ayaw sumama ng sekretarya ko, wag ka na rin masyado mag-expect na--"
"Oh my gee, thank you Xavier! See ya! I'm really excited to finally meet you! Thank you again and bye!" She said at pinutol na niya ang tawag.
Napapikit na lang ako. Huminga ako ng malalim at pinakalma ko ang sarili ko. Inayos ko ang buhok ko at muli kong tiningnan ang aking phone. 17 missed calls. 1 received.
Napailing na lang ako at tuluyan ko nang inayos ang sarili ko. Pagkatapos ay akmang palabas na ako nang opisina nang pumasok naman si Ash.
"Wait, aalis ka na? Sabay na tayo, ligpit ko lang gamit ko." he said, at saka siya ngumiti.
'Yun lang. 'Yung ngiti lang niya na 'yon.
'Yung maliit na frustration na nararamdaman ko kanina, agad-agad ding naglaho dahil lang sa simpleng ngiti niya. Damn. I'm inlove with him as f**k.
"Let's go," sabi niya, at muli ay ngumiti siya.
Napangiti na lang din ako.
Sumunod na ako sa kanya at sumakay na kami ng elevator.
Iba pala talaga ang tama ko sa kanya. 'Yung kahit pagod ako, ang dami kong tinapos, tatlong sunud-sunod na shareholder ang nangumusta sa akin. Binulabog pa ako ni Devine. 'Yung pagod na dulot ng lahat ng 'yon, nawala lahat dahil sa ngiti ni Ash.
Sa simpleng presensya niya, nawawala ang lahat ng pangamba ko. Maybe because of the fact na ang tagal ko siyang hinintay at finally ay nandito na muli siya sa tabi ko.
Sa mundo ko.
"So, nandito na tayo. Wait. Hindi ba tayo didiretso sa parking lot?" Tanong niya nang makarating kami sa ground floor.
"Actually Ash, --"
"Oh, Marko!" Tawag naman niya sa isang lalaki sa may labas.
Naglakad na si Ash palabas ng kumpanya at sinundan ko naman siya.
Nakita ko naman si Marko na nasa labas nga ng kumpanya at nilapitan siya ni Ash. Lumapit din ako sa kanya.
"Woah, the CEO is here." Sabi ni Marko.
Ngumiti lang ako bilang tugon.
"So Ash, hindi ka pa ba sasama sa akin?" Tanong niya kay Ash.
"Ha? H-hindi pa. Sabay na kami ni Xavier pauwi." Sagot naman ni Ash.
"Sa kaniya ka uli uuwi? Kayo ha, I really smell something fishy. Pero sige ok lang. 5 years naman kayong hindi nagkita." Sabi pa nito.
Again, I just smiled. Kilala ko naman 'yang si Marko. Madalas ko siyang makausap noong pumupunta pa ako sa kanila. And I know that he's a good person. I'm casual with him as well.
"Sana all ok na, tapos nakapagtanan na rin. Pero wala pa ring forever." Dagdag pa niya.
"Grabe naman sa tanan. At saka mali ka. May forever kaya. Hindi na ako makikipag-argue, pero may forever. Maybe there are things that may come to an end but the word forever will always be there." Sabi naman ni Ash.
And I somehow agree with him. Mayroong forever. May mga bagay lamang talaga na nagtatapos. Maaaring pagtatapos ng isang relasyon, ng isang problema. Maaari ring pagtatapos ng isang buhay. O katapusan ng mundo.
But after that, time still goes on, right? For forever to linger its existence.
Ewan, hindi ko alam.
May forever nga ba?
---