-ASH-
"Ano ba maganda?" Tanong sa akin ni Marko habang naglalakad.
Papunta kami ngayon sa Ricey Magic Store sa Bonifacio High Street. Pansamantalang nagpasama sa akin si Marko dahil bibili raw siya ng panregalo sa boss niyang may birthday. Syempre, kinausap ko muna si Xavier bago ako sumama. He said it's ok, at may aasikasuhin pa rin daw naman siya bago kami umuwi so sinamahan ko na lang muna itong pinsan ko na 'to.
"Aba malay ko. Ikaw magreregalo e," sabi ko sa kanya.
He hissed. "Tsk. Kaya nga kita sinama e. Bakit pa kasi kailangang magregalo. Sabagay, mabait naman kasi 'yung boss namin na 'yun so ok lang." Sabi niya.
I just chuckled. Tumingin ako sa aming dinadaanan at napansin kong ilang hakbang na lang kami sa store.
"Marko, may tanong pala ako." Sabi ko.
"Yep?"
"Nakita ka raw ni Chad sa bistro ni Gerrone last night. Lasing na lasing ka raw. Anong nangyari sa'yo?" I asked him.
Napansin kong napaiwas siya ng tingin.
"Ha? Wala naman. Trip ko lang." Sabi niya.
Pinanliitan ko siya ng mata. "Weh?"
"Wala nga," he said defensively.
"Inalalayan ka raw ni Chad. Lasing na lasing ka raw talaga. Tapos pansin ko rin ang awkward niya. May ginawa ka ba sa kanya?"
"Chad? Sino 'yun?" Tanong niya na para bang inosenteng inosente.
Napailing na lang ako. Denial pa, eh kay Chad na mismo nanggaling.
"Ewan ko sa'yo, dami mong knows. Sagutin mo na lang ang tanong ko kung bakit nandoon ka sa bistro ni Gerrone at kung bakit ka naglasing doon." Sabi ko sa kanya.
Bumuntong hininga lang siya at saka niya ako inakbayan.
"As much as I want to tell you, huwag na muna ngayon."
"Hay nako. Parehas kayo ni Chad."
He chuckled. "Basta. Pumunta lang ako ron para magchill, that's it. Kung may iba pang reason, that's...confidential. And about Chad, that's...confidential too." Sabi niya.
Bahagya naman akong nabigla sa sinabi niya at tiningnan ko siya. I raised my eyebrows.
"So meron nga? At t-teka, anong confidential 'yan ha? Anong ginawa mo kay Chad?" I asked him.
Ngumiti lang siya.
"Huwag mo nang tanungin. Di na 'yun mahalaga."
Medyo hinampas ko ang braso niya.
"Huy ikaw Marko ha, sinasabi ko sa'yo. Wholesome 'yun si Chad. Inosente pa sa inosente kumbaga." Sabi ko.
Bahagya ulit siyang napatawa.
"Inosente? Talaga ba? Hmm."
"Ano ba kasi talagang ginawa nyo?"
"Bakit ba curious na curious ka? Wala nga. Wag mo nang alamin. Hindi naman ikauunlad ng bansa kung malalaman mo 'yon. Tulungan mo na lang akong maghanap ng panregalo sa aking boss para masaya buhay natin." Sabi niya at pumasok na nga kami sa store.
Meron eh. Meron talaga eh. Kakasabi lang niya ng confidential sabay banat ng wala. Pero sige na, bahala na siya. Bakit nga ba ako nakikialam sa buhay ng may buhay.
I just sigh.
Nag-umpisa na kaming maglibot-libot sa loob. Ang daming magagandang stuffs. Ang daming pwedeng ipanregalo. Ano kayang pwede kong ibigay kay Xavier? Wala lang, trip ko lang.
"Ano bang itsura ng boss mo?" Tanong ko kay Marko habang tumitingin-tingin sa mga chores.
"Sakto lang 'yung tangkad niya. Maputi. Hindi rin siya maarte. Actually mabait siya. Masungit lang minsan. Gusto ko sanang ipanregalo 'yung matatandaan niya na sa akin galing 'yun. Para hindi masayang ang effort ko na bigyan siya ng regalo." Sabi niya.
Hmm. Talaga bang boss ang pagbibigyan nya? I smell something.
Inilibot ko ang paningin ko sa mga bagay na nandito. Karamihan, stuff toy. Kaya lang masyado na kasing corny pag ganyan. Sa bandang ibaba ng stuffs ay nahagilap ng mga mata ko ang isang book shelf. Tumambad sa harapan ko ang mga aklat.
"Marko, alam ko na." Sabi ko. Lumapit naman sa akin si Marko at tiningnan ang itinuro ko. Kinuha ko mula sa book shelf 'yung Fifty Shades Trilogy na naka package. "Mayaman ka naman, kunin mo na 'to for P1,800.00. Tatlong book na 'yan. For sure hindi makakalimutan 'yan ng boss mo kapag nalaman niyang sa'yo galing 'yan." Sabi ko sa kanya na may kasamang ngisi.
Pinanliitan naman niya ako ng mata, "Fifty shades huh?" Sabi niya.
I chuckled. "Joke lang syempre. Baka mapatalsik ka sa trabaho, kasalanan ko pa. Haha."
Saglit naman siyang napaisip at maya-maya ay kinuha niya sa akin ang Fifty Shades Trilogy package na hawak-hawak ko.
"Well, not bad." Sabi niya. "Not bad." At unti-unti ay napangiti siya.
"Not bad?" Sabi ko na nakakunot ang noo. "Teka, sigurado ka? Kukunin mo 'yan?" I asked him.
He grinned. "Yeah. I'm pretty sure na magugustuhan niya 'to."
Hmm. I really smell something fishy.
At iyon na nga ang kinuha niya. Pagkatapos niyang bilhin 'yon at mabayaran ay lumabas na rin kami ng store.
"Thank you, Ash. Buti pala talaga sinama kita." He said.
Hay naku. Tapos iiwanan niya ako rito?
"Hindi mo ako ihahatid pabalik sa Skyloft?"
"Hindi na. Kaya mo na 'yan," sabi niya.
Magsasalita pa sana ako nang bigla siyang pumara ng taxi.
"Bye Ash! Thank you talaga, love you!" Huli niyang sabi bago umalis ang taxi na sinakyan niya.
Napailing na lang ako at saka ako bumuntong hininga. Sige lang, Marko. Sige lang. Malalaman ko rin ang lahat.
~*~
Pagkabalik ko ng Skyloft ay naabutan ko na nga si Xavier na nag-aabang sa akin sa may entrance. Nang makita niya ako ay bahagya siyang kumaway.
"Kanina ka pa?" I asked him.
"Not actually. I just finished running my errands. So, let's go?" Sabi niya.
Ngumiti lang ako at naglakad na kami papunta sa parking lot ng kumpanya dahil naroon ang kanyang kotse. Sa totoo lang, medyo nahihiya pa rin ako kada sasakay ako sa kotse niya dahil feeling ko hindi pa rin ako karapat-dapat hanggang ngayon. Ewan ko ba. It's been five years pero ang baba pa rin tingin ko sa sarili ko. At ang taas pa rin ng tingin ko kay Xavier.
Kung sabagay, totoo naman. Mataas pa rin si Xavier at hindi na iyon magbabago. Deserve pa rin niya kataasan kung nasaan siya dahil matagal na niyang na-prove ang sarili niya. Sa mura niyang edad ay CEO na siya kaya hindi na ako magtataka kung gaano kalaki ang agwat namin sa isa't isa.
Pero alam nyo, kahit masyado siyang mataas kumpara sa akin, he never looked down on me. I mean, hindi ko naramdaman ang pagiging superior niya sa lahat. Marahil kapag may mini-meeting siya at siya ang nag-oorganize ng lahat. Kapag gumagawa siya ng corporate decisions as a CEO.
Humility is still in his heart.
Pagkarating namin sa parking lot ay sumakay na rin kami kaagad sa kanyang kotse. At saka niya ito sinimulang itong paandarin.
Saglit kaming nagkatinginan, then we both smiled with each other.
"So, how was it?" Tanong niya sa akin habang nagd-drive siya.
"Ayun, nagpasama lang. May binili." Sabi ko.
"No, I mean with Lincoln. Tapos mo na 'yung mga pinapagawa niya?"
I nodded, "Yeah. 'Yung system pala hindi pa. It still needs some minor debugging. Mamaya ko na lang siguro gagawin." Sabi ko.
He just smiled.
"Allright. Just... Just don't get too attached to him, ok? Konti na lang magseselos na ako. Mas madalas mo siyang nakasama ngayong araw kesa sa akin." Sabi niya.
Napangiti ako. "Ano ka ba. Kapag nasa loob ako ng opisina niya, halos hindi rin naman kami nag-uusap. Ginagawa ko lang talaga kung anong pinapagawa niya. May mga times na siya ang nag-uumpisa ng convo but I'm not really into talking too much with him. Masyado siyang awkward kasama. Kaya ayoko palaging nagi-stay sa loob ng office nya." Sabi ko.
Tiningnan ko siya and I saw him smile a bit. Diretso lang ang tingin niya sa pagmamaneho.
Ibinalik ko na ang tingin ko sa harap at pinagmasdan ko na lang ang city lights mula sa mga building na dinaraanan namin.
Halos ipikit ko ang mga mata ko dahil sa magkahalong antok at pagod mula sa trabaho. I love the ambiance.
"At isa pa, hindi mo kailangang magselos. I worked abroad for five years but at the time that I'm loaded with those lots of works, it's just...I just couldn't stop thinking about you. Doon ko tuluyang narealize na...ikaw lang pala talaga. Hindi ko kayang tumingin sa iba. Yieee boom kilig." I told him.
Hindi siya nagsalita. Bahagya ko siyang tiningnan at napansin kong nakangiti nga siya. Labas ang ngipin.
Nanggigigil ako. Ang pogi pogi niya.
Ibinalik ko na ang tingin ko sa daan. "Sana... ako rin." I whispered.
Napansin kong saglit siyang napatingin sa akin, then he heaved a relaxing sigh.
"Marami na rin akong taong nakasalamuha sa loob ng limang taong wala ka sa tabi ko but believe me, ikaw at ikaw lang din ang laman ng puso't isip ko." Seryosong sabi niya.
Kikiligin na sana ako nang bigla akong atakihin ng panic attacks. Ipinikit ko ang mga mata ko at pilit kong pinakalma ang sarili ko. I held my breath, then I let out a deep sigh.
Sa tuwing maalala ko ang mga pinagdaanan ni Xavier noong limang taong wala ako sa tabi niya, sobrang-sobrang guilty pa rin ang nararamdaman ko. Para bang nawala na sa isip ko ang kasalanang nagawa niya sa akin. Dahil sa pagmamahal ko sa kanya, nararamdaman ko pa rin hanggang ngayon ang sakit ng pinagdaanan niya kahit na sabihin niya sa aking tapos na iyon at nakamove-on na siya.
Tapos, sasabihin niya sa akin na ako at ako lang ang laman ng puso at isip niya. It's too painful. Parang gusto ko na lang siyang yakapin ng mahigpit at sabihin sa kanya kung gaano ko siya na-miss noong panahong hindi ko siya nakakasama.
Hindi ko na nagawa pang imulat ang mata ko nang ipikit ko ito. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako sa biyahe.
~*~
Pagkarating namin sa kanyang mansyon ay bumungad sa amin si Mary, isa sa mga care taker ng mga bata sa kid center na ipinatayo ni Xavier. Nasa loob siya ng mansyon sa salas at may kasamang tatlong bata.
Napangiti naman ako nang magsilapitan sa amin ang mga ito.
"Hello!" Bati ko sa kanila.
Hahawakan ko sana sa magkabilang balikat 'yung isang batang babae na sa pagkakaalam ko ay may sakit sa puso. Ngunit dumiretso siya kay Xavier at nakita ko na lamang silang tatlo na nakayakap na sa kanya.
Napatawa na lang ako sa isip ko.
"Babies, what are you doing here?" Tanong ni Xavier sa kanila.
"Ahm boss, nagmessage kasi 'yung doctor ni Jasmine na need na niya makapagpa-schedule ng operation. Si Justin at Chip naman, ayan gusto ka lang nila makita." Sabi naman ni Mary.
Inayos muna ni Xavier ang sarili niya at inilapag niya sa sofa ang dala-dala niyang bag. Tinanggal din niya ang kanyang Amerikana at tie.
"Really? Allright. Paki-contact na lang ng parents ni Jasmine, sila ang maigi na magdecide. As for these two kids, ok give me a kiss." Sabi ni Xavier at umupo siya saglit.
Lumapit naman 'yung dalawang batang lalaki sa kanya at binigyan siya ng halik sa pisngi. Pati si Jasmine ay humalik din sa kanya.
I can't help but to smile.
"Ok boss. At, oo nga po pala. 'Yung supplies po pala--"
"Oh, yeah, yeah. About that." Kinuha ni Xavier ang kanyang wallet at kumuha siya ng hindi ko nabilang kung ilang libo.
"Uhm boss,--"
"Nasabihan ko na si Roger na magdala ng supplies at supplements para sa mga bata. 'Yang pera, ipambili nyo na lang ng kung anong gusto niyo. I have also already credited your pay to your account, pakisabihan na sina Manang Josie and sina Kloy. And kapag may kailangan pa kayo just contact me. I'm one call away. Bibisita uli kami ni Ash kapag nagka-free kami sa work." Sabi ni Xavier at saka siya tumingin sa akin.
I just gave him a beam.
"Naku, maraming salamat talaga boss Xavier. Nasabi na rin kasi sa akin ni Manang Josie na kailangan na niya ng pera pambili ng gamot dahil sa sakit niya sa atay." Sabi ni Mary at bigla naman siyang napatakip ng bibig.
"Hala, sorry Manang Josie. Hindi ko sinasadyang masabi kay boss." Rinig kong bulong niya.
"Wait, really? Ok. No, ganito na lang. Pakisend na lang kay Roger 'yung list ng mga gamot na kailangan niya, o 'di kaya 'yung mismong mga reseta. Siya na lang ang pabibilhin ko." Sabi ni Xavier.
"Maraming salamat talaga boss Xavier. Pagpalain pa ho sana kayo ng Panginoon dahil sa kabutihan nyo." Sabi ni Mary.
Ngumiti lang si Xavier.
"So, pano na?" Sabi niya then he again offered his arms to the three kids. They hugged him.
"Mmmmp. Pakisabi na lang sa mga friends nyo doon, miss na miss ko na sila. Pupunta kami sometime together with mommy Ash kapag free. Tell them, ok?" Sabi ni Xavier. Tumango naman 'yung tatlong bata.
Samantalang ako ay kanina pa nakatitig sa kanya. Hanggang ngayon.
Hindi ko mapigilan. Patuloy akong nahuhulog sa kanya. Bihirang-bihira mo lang talaga mahahanap ang isang lalaking kagaya niya. Maswerte ako dahil nakilala ko siya. Halos matunaw ang puso ko. Palalim ng palalim ang pagmamahal na nararamdaman ko para sa kanya.
"Ok, so. See you again. Bye bye!" Paalam ni Xavier sa tatlong bata at kay Mary. They waved back.
"Wave din kayo kay mommy Ash. Byeee!" Sabi ni Xavier at saka niya ako itinuro. Tumingin naman sa akin 'yung tatlong bata at nagwave sila sa akin. I gave them a smile then I waved back.
Tumingin din ako kay Mary at nginitian ko rin siya.
"Sige boss, Mr. Ash. Mauna na kami." Sabi niya. Ngumiti lang kami, at lumabas na rin sila ng bahay.
Tumingin si Xavier sa akin samantalang ako ay seryoso pa ring nakatitig sa kanya. I have this obsessed feeling na hindi ko maipaliwanag.
Ngumiti lang si Xavier at unti-unti na niyang tinanggal ang pagkakabutones ng kanyang suot na polo. Wala siyang suot na sando kaya naman huling bumungad sa akin ang kanyang katawan.
My heart is beating fast. Pinipilit kong kontrolin ang paghinga ko. I tried closing and opening my palm to keep myself calm.
Nakatitig pa rin ako sa kanya. Hanggang sa hindi ko na napigilan ang sarili ko at unti-unti na akong naglalakad papalapit sa kaniya.
Ash, no. Ash. Wag.
You're losing control.
"Are you ok?" Tanong niya.
Pinagmasdan ko ang kanyang mukha. Nang tuluyan akong makalapit sa kanya ay bahagya kong inayos ang kanyang buhok. Ipinagapang ko rin ang aking kamay sa kanyang pisngi. Saglit ko ring pinunasan ang kanyang pawis gamit ang aking daliri. Pinagmasdan ko ang mga mata niya. Ang kilay niya, ang ilong niya, ang mga labi niya.
Hanggang sa hindi ko na napigilan ang sarili ko at hinalikan ko siya. Isang mabagal na halik lamang ito. Gusto ko lang pansamantalang damhin ang mga labi niya at panandaliang isipin na akin lamang iyon. I want him. I need him.
Nang humiwalay ako sa pagkakahalik ay unti-unti akong napatungo. Then I closed my eyes. I covered my face with my bare hands.
Bigla akong na-anxious. Siguro kung anu-ano nang iniisip ni Xavier ngayon.
Shucks, nakakahiya.
Hanggang sa maramdaman ko na bigla niyang hinawakan ang magkabila kong pisngi at saka ako muling hinalikan sa labi.
Torrid.
Hinawakan niya ang aking batok at sinuklay niya ang buhok ko gamit ang kanyang mga daliri. Iginapos ko ang dalawa kong braso sa kanyang batok habang patuloy pa rin ang kanyang paghalik sa akin. His right hand still combing the hair on my nape while the other started pulling my clothes.
Hanggang sa maramdaman ko na lang na unti-unti na niyang tinatanggal ang pagkakabutones ng aking polo at hinalikan din niya ang aking leeg. Pababa ito sa aking dibdib. Sa aking tiyan. Bumalik sa aking labi.
Habang ako ay tuluyan na ring nawala sa kontrol. Dinama ko ang bawat paghalik niya. Ang tamis ng kanyang labi. Ang kanyang laway na kanina ko pa nalalasahan. Hanggang sa maya-maya ay bigla niya akong binuhat at dinala papunta sa kanyang kwarto.
Pagka-lock niya ng pinto ay ibinaba na niya ako sa kanyang kama habang patuloy pa rin ang mapusok niyang paghalik sa aking mga labi.
"X-Xavier," ang hindi ko mapigilang pagbanggit sa kanyang pangalan.
"Ugh," he groan. Even his manly groan turns me on.
Maya-maya ay tumigil siya sa paghalik at tinanggal niya ang aking necktie na magulo na ang pagkakatali. Ngayon ko lang napansin na tanggal na ang lahat ng pagkakabutones ng aking polo ngunit ang aking necktie ay suot ko pa rin. Tinanggal niya ito halos magtaka naman ako sa kanyang ginawa.
Hinawakan niya ang dalawa kong wrist at ipinagdikit niya ito. At saka niya itinali rito ang aking necktie. Pagkatali niya ay idinako niya ito sa may aking ulunan at muli niya akong hinalikan sa labi.
"Xavier, a-anong ginagawa mo?" I asked him.
He smirked, then he touched my lips using his index finger.
"I'll f**k you in a creative way."
---