4 - Love Letter

2390 Words
'DAMMIT! Another panda-clown wanna be!' 'Get-your-hands-off-me' look ang ibinigay ni Prince sa humawak sa kanyang babae na mukhang clown at panda sa kapal ng eyeliner at kolorete sa mukha. Kung nakakamatay lang din ang tingin niya, malamang ay bumulagta na ito sa kinatatayuan nito nang mga oras na iyon. Tila natakot naman ito sa tingin niya dahil tila napapasong mabilis nitong inalis ang kamay sa pagkakahawak sa braso niya at bahagyang napaurong palayo sa kanya. "I-I'm s-sorry," nauutal na paumanhin nito. Nakarehistro ang matinding takot sa mukha nito dahil sa tinging ipinukol niya rito. "Ah girls, next time ulit ha? Alis na kami. Nagmamadali rin kasi kami. Bye!" Inakbayan na siya ng kaibigan at mabilis siyang hinatak palayo sa mga ito bago pa man niya mabulyawan ang babae. Pasalamat ang babae dahil inilayo na siya rito ng kaibigan dahil kung hindi baka nasapak na niya ito. "Oh my gosh! I can't believe this! Nahawakan ko si Prince! Nahawakan ko si Prince!" narinig niya ang tili ng isa sa mga iniwang babae. "Ayoko nang maghugas ng kamay girl!" Lalong nalukot ang mukha niya sa narinig. Ganon ba kapatay na patay sa kanya ang babaeng iyon? "Pfft!" Nang sulyapan niya ang kaibigan ay bumungad sa kanya ang nang-aasar nitong ngiti. "What? Anong iningingiti-ngiti mo r'yan?" naiirita at naaalibadbarang tanong niya rito. "Kinikilig kasi ako!" pagboboses babae nito at niyakap pa siya. Sa sobrang inis niya ay itinulak niya ito palayo sa katawan niya. "Isa ka pa! Dun ka nga! Kasalanan mo ito! Kung hindi mo sila pinansin, hindi sana niya ako nahawakan. Natsansingan tuloy ako!" "Wow! Sa kamay ka lang hinawakan, tsansing na? Agad-agad? Arte! So gay!" "What did you say?" "Relax dude! Ikaw rin naman kasi, kung makapagreact ka parang may nawala sayo! Tsk! Pasalamat ka, may ganyan kang fans na patay na patay sayo. Uulitin ko, patay na patay! As in baliw na baliw! Yung tipong iaalay na ang lahat-lahat sa'yo! Parang ganito ang linyahan ng mga babaeng nahuhumaling sa'yo. Oh Prince!" Nakapikit pa ang bwisit na lalaking ito. Naaalibadbaran na siya sa pinaggagagawa at sinasabi nito. Mukhang pinasok na yata ng kamanyakan ang utak nito. Kung ano man ang sinasabi ng lalaking ito, it's a little bit scary! Nakakadiri! "Oh Prince!" nagpatuloy ito. "Ibibigay ko ang lah-" "Magtigil-tigil ka Jefferson Thomas! Kapag hindi ako nakapagpigil, baka maihampas ko talaga sayo itong folder na hawak ko!" nanggigigil sa babala niya rito. Naiinis na iminulat nito ang mga mata at lukot ang mukhang tiningnan siya nito ng masama. "Kailangan ba talagang kumpletuhin ang buo kong pangalan? Ang bantot kaya! Ikaw na nga itong tinulungan, ikaw pa 'tong may ganang magalit! Maiwan na nga kita r'yan!" Nauna na ito sa pagpasok sa old gymnasium. "Tinulungan daw niya ako. Baliw talaga ang isang iyon," bulong niya. Natawa na lang siya sa inakto nito at sumunod dito sa loob ng gym. Kahit kailan talaga ay napakasensitive nito sa pangalan nitong pang-old fashion. "What took you so long?" bungad ni Froilan Jake Torres sa kanya, the chinito eyed, silent-type and serious bass guitarist of the band who loves watching anime. Prenteng nakaupo ito sa sofa kasama ang tatlo pa niyang kaibigan at kabanda. May sarili silang room na pinagi-ensayuhan sa loob ng university, ang old gym ng university nila. Sila lang ang may karapatang pumasok doon, wala nang iba. "Hayun nakipaglandian sa mga avid fans niya!" si Tom. "Look who's talking. Tss!" He rolled his eyes. Pasalampak siyang umupo sa tabi nito. Ngali-ngali na niya itong ihagis sa kisame sa matinding inis. Ang galing kasi nitong gumawa ng kwento. "Kinausap ako ng Chairman namin." Iminuwestra niya ang hawak na folder sa harap ng mga ito at inilapag iyon sa mesa. "What's that?" tanong ni Brian Paolo Ballejo, the childish and playful drummer of the band who loves cooking. "Malamang folder," sagot ni Anthony Drew Flores, the naughty and playboy electric guitarist of their band na wala nang ibang ginawa kundi ang magpaiyak ng babae. "Kung buklatin niyo kaya?" napipikong sagot niya. Nakakainis talaga ang mga ito. Malalaman ba nito ang laman niyon kung hindi nila iyon bubuklatin? Napabuga na lang siya. Lahat silang magkakaibigan ay galing sa mga kilala at prominenteng pamilya. Lahat ng parents nila ay mga negosyante. Drew's family owns The Ezperanza Restaurant. Maliban doon ay pagmamay-ari rin ng pamilya nito ang ilang kilalang Casino at beach resorts sa buong bansa. Business administration ang kinukuha nitong kurso. Froilan's family owns a company that produces branded T-Shirts and stuffed toys. Pagmamay-ari rin ng pamilya nito ang ilan sa mga kilalang condo unit, villas at subdivisions sa bansa. Katulad ni Drew, Business administration din ang kinukuha nito. Pao's family owns a company that produces different kinds of gadgets. His parents also owns 2 haciendas that measures 200 hectares. Political Science naman ang kinukuha nito. Tom's family owns a company that produces lotions, colognes, soaps and shampoos. Pagmamay-ari rin ng parents nito ang ilan sa mga kilalang mall sa buong bansa. At ang family naman niya ay nagmamay-ari ng kilalang shipping line at airline sa bansa na pinamumunuan ng dalawang kuya niya. At ang isa pang pinagkakaabalahan ng parents niya ay ang pamamahala sa motor company nila. Silang lima ay ipinanganak na may gintong kutsara sa bibig. "What's this? A manuscript?" salubong ang kilay na tanong sa kanya ni Pao. "What are we going to do with that?" hindi maipinta ang mukhang tanong ni Froilan. Mukhang hindi ito natutuwa sa nakikitang laman ng folder. "Stupid! Para saan ba ang manuscript? Make sense? Kakainin niyo siguro," naiinis na sabi ni Drew. "Palibhasa kasi hindi kayo matalino gaya ko." Matatalim ang mga matang binalingan ito ng tatlo. Halatang hindi nagustuhan ng tatlo ang mga sinabi nito. "Bright idea Drew! At dahil ikaw na ang matalino, kakainin mo ito!" nanggigigil na sabi ni Tom at kinuha ang folder kay Pao. Hinawakan naman ng dalawa ang kamay ni Drew at isinandal sa sofa. "Hay naku! Minsan kasi, 'wag masyadong magmagaling. Lesson learned Drew?" naiiling na bulong niya. "Hey! Hey! Hey! Walang ganyanan mga pre!" nagpupumiglas na sigaw ni Drew. "Come on, eat this baby. Huwag ka nang mahiya. Say ah." Inilapit naman ni Tom ang nakaroll na folder sa bibig ni Drew. "Come on." "Mga baliw kayo! Tama na, parang awa niyo na! Prince tulungan mo ko!" Itinaas nito ang mga paa upang tadyakan ang dalawang nakahawak sa kamay nito ngunit mabilis na dinaganan iyon ng dalawa habang tinatawanan ito. "Pakialam ko sa inyo! Bahala ka sa buhay mo!" Humalukipkip siya at tumingin sa mga ito. He just loved the view. Parang nanunuod lang kasi siya ng live wrestling sa tv. "Help! Tulong! r**e! r**e!" "r**e daw pre!" nagtawanan ang tatlo. "Pakiss nga!" ungot ni Froilan at kunwari ay ngumuso. Unti-unti nitong inilapit ang mukha sa pisngi ni Drew. "Langya ka Froilan! Kapag dumapo iyang nguso mong mukhang caterpillar sa balat ko, magtago ka na sa saya ng mommy mo!" nagpupumiglas pa rin si Drew at pilit inilalayo ang pisngi sa nguso ni Froilan. 'Mukhang caterpillar? Labi ni Froilan?' Sabay-sabay silang napatitig sa labi ni Froilan at sinuri iyon. Ilang sandali pa'y humagalpak sila ng tawa nang makahuma sa pagkabigla. Lalo silang natawa nang makita ang napipikon at hindi maipintang mukha ni Froilan. Hindi naman talaga mukhang caterpillar ang labi ni Froilan. Wala lang talagang magawang matino si Drew kaya puro pang-aasar at kalokohan na naman ang inaatupag nito. "What did you say?! Kaninong labi ang mukhang uod?!" gigil na bulyaw ni Froilan dito. Mukhang sinaniban na ito ng kadaldalan. "Do I need to repeat it? Labi mo dude mukhang caterpillar! I repeat, mukhang caterpillar!" 'Great! Astig itong dalawang 'to!' May iiyak na naman sa dalawang 'to sigurado,' natatawang sabi ng isip niya. "Hoy mukhang tuko! Para sabihin ko sa'yo itong labing ito na kinukutya at sinasabi mong mukhang caterpillar, pamatay sa chicks ito! Para sabihin ko sayo, my lips are far better than yours!" "Talaga?" sarkastikong tanong ni Drew and he even smirked at him. "Bakit, ilan na bang babae ang nakatikim diyan sa ipinagmamalaki mong labi mo? At ako pa talaga sinabihan mong mukhang tuko? Mukhang ito?" sabay turo sa sariling mukha. "Haha! Huwag patawa dude! Baka nakakalimutan mong mas gwapo ako sayo!" "Kapal mo talaga! Oh sige paramihan tayo kung gusto mo! Sakin hindi bababa sa 90!" "Whoah!" Nanlaki ang mga mata niya sa narinig. Seryoso ba 'to? Ganon na karami ang nahalikan nito? "Tangina ka Froilan! Akala ko tahimik ka babaero ka rin pala!" Pinanlakihan ito ng mga mata ni Tom. "Letse! Hiyang-hiya naman ako sa'yong choosy ka!" singhal ni Pao. Panira talaga ng imahe ang mga ito. Napailing na lang siya. "Kaya naman pala, ngayon alam ko na." "Ano na naman?" naka-poker face na tanong ni Froilan kay Drew. Mukhang nawawalan na talaga ito ng pasensiya. "Sa dami ng babaeng nahalikan mo, hindi na ako magtataka na naging ganyan ang labi mo. Bwahahahahaha!" Napahalakhak sila sa sinabi nito. "Bwisit ka! Wala ka talagang matinong gawain sa buhay kundi mang-asar! Masasakal talaga kita!" KATATAPOS lang ng klase ni Francez nang umagang iyon kaya mag-isa siyang nagtungo sa locker room niya upang isauli roon ang ilang gamit. Naalala niya ang nangyari kahapon, pinarusahan ng university president ang mga kaklase niya sa pamamagitan ng paglilinis sa buong quadrangle. Dahil sa kahihiyang natamo ng mga ito, ay hindi muna pumasok ang iba. Nasermunan din ng adviser nila ang mga kaklase niya. At nag-promise naman ang mga ito na hindi na iyon mauulit. Ang worst lang na epekto nun, hindi na siya pinapansin ng mga ito. Maski ang tapunan siya ng tingin ng mga ito ay hindi man lang ginawa ng mga ito as if she doesn't exist at all. Pero naisip niyang mas mabuti na siguro iyon. Atleast magiging maayos at tatahimik na ang pamumuhay niya sa loob ng classroom nila. Dahil wala nang manggugulo sa kanya. Dahil mahaba-haba ang vacant niya ay napagpasyahan na lang niyang magtungo sa library upang magsulat. Umupo siya sa pinakadulong mesa at inilabas ang isang papel, notebook at ballpen. Nagsimula na siyang magsulat ng lyrics para sa bagong kantang bubuuin niya. Ang theme niyon ay tungkol sa inspiration. Nasa bandang chorus na siya nang biglang tumunog ang cellphone niya. Nagulat pa siya sa lakas ng ringing tone niyon dahil nakafull yata ang volume niyon. Namula ang mukha niya nang lumingon at tumingin sa kanya ang lahat. Parang gusto na niyang maglaho sa paningin ng mga ito nang mga oras na iyon. "Will you turn off that cellphone?!" sigaw ng librarian. "S-sorry po," nakangiwing paumanhin niya at nahihiyang napayuko. Mabilis niyang kinuha ang bag upang kunin ang cellphone. Dahil sa dami ng gamit sa loob ng bag niya ay tinanggal niya roon ang mga gamit at inilapag iyon sa mesa. Nang makita ang cellphone ay mabilis niyang kinuha iyon sa loob. Sinagot niya ang tawag at tinakpan ang bibig habang bumubulong sa pakikipag-usap. "Hello 'Ma. Bakit ka napatawag? Nasa library ako. Napahiya tuloy ako dahil sa lakas ng ringing tone ng cellphone ko." "Anak, nakalimutan mong kunin ung lunchbox at pera mo. Ano na lang kakainin mo? Naku! Ikaw talagang bata ka, ang tigas ng ulo mo!" Napangiwi siya sa panenermon nng inang si Marie. "Balak mo na naman bang magpalipas ng gutom ha?" Napabuga siya. "'Ma awat lang po. Relax. May pera pa naman ako rito. 'Yon na lang ang gagamitin ko. Itago mo na muna 'yan." Ilang sandali pa'y nanlaki ang mga mata niya nang makitang lumipad ang papel na sinusulatan niya patungo sa kabilang mesa na kinauupuan ng grupo ng mga lalaki. Nakita niyang lumanding ang papel sa mismong harapan ng isa sa mga ito. Nang sulyapan niya kung sino iyon ay nanlaki ang mata niya at umawang ang mga labi niya. Namumukhaan niya ang grupo ng mga lalaking iyon, ang sikat na miyembro ng The Rising Blue Angels Band. Kumunot ang noo niya. Anong masamang hangin ang nagdala sa mga itong pumunta sa loob ng library? Nakakapagtaka naman yata. Naipilig niya ang ulo. Bakit ba niya pinapakialaman at pinoproblema iyon? Ano ba namang pakialam niya sa buhay ng mga ito? Hinagilap niya ng tingin ang papel at ganun na lang ang gulat at panlalaki ng mga mata niya nang makitang ang napiling landingan ng papel ay ang tapat pa man din mismo ng pinakamatinik sa chicks na si Drew. Well, lahat pala sila eh babaero, mas malala nga lang ito. Kilala niya ang miyembro ng nasabing banda dahil wala namang ibang laman ang mga bunganga ng mga babae sa buong university maliban sa mga ito. Nakilala niya ang mga ito dahil sa naririnig niya sa ibang tao. Nakaharap si Drew sa kanya habang nakapangalumbaba sa mesa. Kaya kitang-kita nitong galing sa kanya ang papel na dumapo sa harapan nito. Saglit lang itong napasulyap sa papel at pagkatapos ay iniangat ang tingin upang tingnan siya. Habang dinadampot nito iyon ay sa kanya nakatuon ang tingin nito. Napalunok siya. Pakiramdam niya'y halos mabingi na siya nang marinig ang mabilis at malakas na t***k ng puso niya. Halos ay pinamulaan siya ng mukha nang makitang binasa nito iyon. Sa pagkataranta at kaba niya ay dinampot niya lahat ng gamit sa mesa at mabibilis ang hakbang na tinungo ang pinto. Isa lang ang naiisip niya nang mga sandaling iyon. At iyon ay kailangan niyang makaalis doon. "What's that? A love letter?" Namula ang mukha niya sa narinig na sinabi ng kasama ni Drew. Lalo niyang binilisan ang paglakad. 'The hell? Kahit pa magunaw ang mundo never ako magsusulat ng love letter!' Nang makalabas siya sa pinto ay mabilis siyang tumakbo palayo roon. Paliko na siya noon at dala pa rin ng nerbiyos ay hindi niya napaghandaan ang sumunod na nangyari. May nabundol yata siyang pader dahil napasubsob siya. Sa bilis ng mga pangyayari ay namalayan na lang niyang nahulog lahat ng hawak niyang gamit. Matagal din siyang nanatiling nakatayo roon at nakadikit sa pader na iyon. Gayunpaman ay nakahinga siya nang maluwag. She's safe now dahil nakalayo na siya. Malayo sa bandang iyon. Malayo kay Drew. Ilang sandali pa'y natigilan siya nang may maalala. 'Wait, pader?' Napakunot noo siya. May nabunggo siyang pader sa gitna ng daan? Nagtaka siya. Kailan pa nagkaroon ng pader sa gitna ng daan? At bakit ganon? Ang bango-bango naman ng pader na iyon. Matagal bago niya napagdugtu-dugtong ang mga pangyayari. Posible kayang?.. "Miss, are you alright? You're trembling."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD