5 - An Unknown Caller

1707 Words
"MISS are you alright? You're trembling." 'Nasa langit na ba ako?' wala sa sariling tanong ni Francez sa sarili. Ang ganda kasi ng boses na narinig niya. Parang boses ng anghel. Ang sarap pakinggan. Ang sarap sa pandinig. "Y-yeah. I'm fine, thanks," wala sa sarili at parang nasa alapaap na sagot niya. "Mabuti naman kung ganon." Bigla siyang natigilan. Totoo ba ang narinig niya? May nagsalita ulit? 'Wait, kailan pa nagkaroon ng mabangong pader? At kailan pa nagkaroon ng nagsasalitang pader?' Kinabahan siya. Hindi kaya?.. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata at halos ay nanlaki ang mga mata niya nang tumambad sa paningin niya ang mga brasong iyon na nakapulupot sa katawan niya. Bigla siyang nanlamig. Sino ang herodes na ito at yakap-yakap pa siya? "What the! Ang kapal ng mukha mong yakapin ako! Manyak!" Mabilis niya itong itinulak at gigil itong tiningala. "What did you say?" Napamaang at napasinghap siya nang makita at mamukhaan kung sino iyon - si Prince, ang vocalist ng bandang iniwan niya sa library. 'Siya na naman? Bakit sa dinami-dami ng tao bakit siya pa? Diosko naman! Pwede na akong mamatay! Kakahiya na naman ako nito!' atungal ng isip niya. Halos ay mabingi na siya sa lakas ng t***k ng puso niya nang mga oras na iyon. Kung kanina ay kinakabahan siya dahil kay Drew, mas lalong lumala pa iyon ngayong kaharap niya ang lalaking ito. "Did you just call me p*****t?!" salubong ang kilay na tanong ng lalaking kaharap. Halata sa gwapong mukha nito ang inis. Napalunok siya sa matinding kaba. 'Lord kunin mo na ako please. Nakakatakot ang itsura ng lalaking ito,' she prayed silently. Tila anumang oras kasi ay aambahan na siya nito ng suntok. And one more thing, ayon sa nasagap niyang balita, sa limang lalaki ay ito ang may pagkamaldito at suplado. "Ako pa ngayon ang manyak? Eh ikaw nga itong makadikit sakin eh parang tuko!" "T-tuko?" ulit niya sa huling sinabi nito. Tama ba ang narinig niya? Siya parang tuko? Nakaramdam siya ng inis dito. "Grabe ka naman magsalita! Eh bakit? Sinadya ko bang bungguin ka?" naiinis na tanong niya. Aba! Kahit sino naman siguro ay maiinis dito dahil sa sinabi nito. Ang dami nitong pwedeng sabihin tuko pa talaga. "Bakit, hindi ba?" He smirked. "Ang sabihin mo, gusto mo lang akong tsansingan." Napamaang at napanganga siya sa sinabi nito. Ito? Tsatsansingan niya? Kahit wala pa siyang boyfriend at manliligaw ay hindi siya ganon kadesperada. Nang makahuma ay naningkit ang mga mata niya sa matinding panggigigil at inis dito. 'Ang kapal! Ang yabang! Arogante!' Sa sobrang inis niya ay taas ang kilay na pinasadahan niya ito ng tingin mula ulo hanggang paa. Pinigilan niya ang sariling hangaan ito. Dahil sa totoo lang, super duper gwapo ang lalaking ito. Pero kung gaano man ito kagwapo, siya ring kayabang at kapangit ang ugali nito! "Sa naalala ko mister, ikaw itong nakahawak at nakayakap sakin! Tapos ngayon, ako pa ang sasabihan mong nananantsing? Wow! That's new! Bagong modus operandi iyan." Rumehistro ang inis at pagkairita sa gwapong mukha nito sa sinabi niya. "Ginawa ko lang iyon para hindi ka mabuwal at masubsob diyan sa semento! Kung ganyan lang naman ang sasabihin mo eh di sana hinayaan na lang kitang halikan iyang maruming sahig!" Natigilan siya at natahimik sa sinabi nito. Ginawa ba talaga nito iyon para sa kanya? May puso rin pala ito kahit gaano pa ito kaarogante at kayabang. Biglang naglaho ang galit niya rito dahil doon. Tila sa isang iglap ay nakaramdam siya bigla ng hiya rito. "Tapos ngayon tatawagin mo pa akong manyak? Wow! So good of you! Salamat ha?" sarkastikong tuloy nito. Napabuga siya at napangiwi nang marealize na siya ay may pagkakamali rin sa nangyari. She jumped into conclusions. Kinagat niya ang ibabang labi. "I.. I-I'm so s-sorry. I d-didn't mean what I-I said," nauutal na paumanhin niya at parang maamong tupang mabilis siyang yumuko. Ayaw niyang salubungin at tingnan ang galit na mukha nito. Nanginginig kasi ang tuhod niya. Pinulot na lang niya ang mga gamit upang itago ang pamumula ng mukha. Hiyang-hiya siya sa sinabi niya rito. Kailangan na rin niyang mapulot ang mga gamit upang makaalis na siya sa harapan nito. At habang ginagawa iyon at lihim niyang hiniling na sana bumuka na lang ang lupa at lamunin siya niyon upang mawala na siya sa harap nito. Para wala na siyang problema. Pero kahit anong mangyari, alam niyang hindi iyon magkakatotoo. Marahas na napabuntong hininga ito at tahimik na tinulungan siya sa pagpulot. "Here." Nang makitang iaabot nito ang napulot nitong gamit niya ay mabilis niyang hinablot iyon at tumakbo palayo. "Hey wait!" Hindi na niya pinansin ang pagtawag nito at nagpatuloy sa pagtakbo. Mas binilisan pa niya ang pagtakbo palayo rito. Nang masigurong wala na ito at nakalayo na siya ay hinihingal at nanghihinang napaupo siya sa bench habang yakap-yakap ang mga gamit. Tulala at wala sa sariling dinama niya ang tapat ng puso. Ang lakas-lakas pa rin ng t***k niyon. Talo pa niya ang nakipaghabulan sa tikbalang sa bilis ng t***k niyon. Nang maalala niya ang mga sinabi niya kay Prince ay gusto niyang magsisisigaw sa matinding inis sa sarili. Napasabunot siya sa buhok. 'Whaaahhh! Ano ba namang araw to! Ang malas ko naman! I'm so stupid! Stupid! Stupid!' Hiniling niya na sana ay huwag nang mag-krus ang mga landas nila. Palagi na lang kasi siyang napapahiya. "Bakit ba lagi na lang akong minamalas kapag nakikita ko ang magkakabandang iyon? May balat yata sa puwet ang mga lalaking iyon." Napabuga siya. Sana lang talaga. Huwag nang magkrus ang mga landas nila. Dahil sa susunod baka mas malala na ang kahihiyang mangyayari. At ayaw niyang mangyari iyon. MATUTULOG na sana si Francez nang marinig niya ang message alert tone ng phone niya. Dinampot niya iyon sa mesa at binuksan ang message. "hi.. good eve :-)" "Sino naman to?" kunot noong tanong niya nang makitang unregistered number iyon. "Hmppp! Wala akong pakialam! Ignore! Delete message! Siguradong scam na naman 'to," bulong niya at binalewala iyon. Itinuloy niya ang naudlot na pagtulog. Hindi kasi siya mahilig magreply sa mga unregistered number na nagtetext sa kanya. Nag-iingat lang siya lalo na at marami na ang manloloko sa panahon ngayon. Makalipas ang limang minuto ay napabalikwas siya nang mag-ring ang cellphone niya. "Ay anak ng tipaklong!" gulat na napasigaw siya at napatingin sa nagriring na cellphone niya. Gabing-gabi na, pero heto't may nambubulabog pa sa kanya. Kakamot-kamot sa ulong dinampot niya ang aparato. Hindi nakaregister sa phonebook niya ang caller. Pero sigurado siyang ito ang nagtext kanina. "Hello?!" badtrip na sagot at sigaw niya. "Ooppss! Looks like you're in bad mood! Wrong timing yata ako." Kumunot ang noo niya nang marinig ang boses lalaki sa kabilang linya. "Wrong timing ka talaga kasi matutulog na ako!" pagsusungit niya. "Ganon ba?" "Oo kaya goodbye!" "Sanda-" Hindi na niya pinatapos ang sinasabi nito at agad na pinatay iyon. Inilapag na niya ang aparato sa mesa at umayos sa pagkakahiga. "Istorbo. Tsk!" Muli niyang ipinikit ang mga mata. Ilang sandali pa'y marahas niyang iminulat ang mga mata nang marinig ang muling pagtunog ng cellphone niya. "Ano ba? Hindi ba niya ako titigilan? Aish badtrip naman oh!" Naiinis na muli niyang dinampot iyon sa mesa at pinindot. "What do you want?!" "Ang sungit mo pala?" "So? Ano naman ngayon? Ano bang kailangan mo?" "Wala naman, I just wanted to be your friend?" Ano raw? Makikipagkaibigan ito sa kanya? Anong kalokohan ang sinasabi ng lalaking ito? Paano ito makikipagkaibigan sa kanya eh ni hindi nga niya ito kilala! "No thanks! Hindi ko kailangan ng kaibigan! Kung anuman ang trip mo sa buhay, huwag mo kong idamay pwede?" "I see, you're always alone. Loner ka pala talaga kung ganun. Plus masungit pa. Hahahaha!" Napasimangot siya. 'Aba! Nang-inis pa talaga!' "Anong nakakatawa r'on aber? At ano namang pakialam mo kung loner ako at masungit? Bahala kayo kung anong gusto niyong isipin tungkol sakin. Ang mahalaga, I'm happy with my life!" "Ang sungit mo talaga. Relax lang babe hahaha!" Nanindig ang balahibo niya sa itinawag nito. "Babe ka r'yan! Wag mo nga akong matawag-tawag na babe! Mukha mo!" "Gwapo hahahaha!" "A-ha-ha-ha-ha! Nakakatawa. Asa ka!" asik niya rito. "Dream on!" "Ang cute pala ng tawa mo. May time interval. Bwahahaha!" Nabwisit siya lalo sa sinabi nito. Pinagtritripan yata siya ng lalaking ito. "Bakit ka ba tawa ng tawa ha? Adik ka ba? Nakadrugs ka ba?" "Bakit, masama bang tumawa?" "Hindi, mukha ka lang kasing tanga." "Aba, aba. Nakakadami ka na!" sagot nito. "Loner ka na nga at masungit, seryoso pa. Tumawa ka nga kahit minsan." "At bakit ako tatawa? Hindi pa ako nasisiraan ng tuktok para tumawa nang walang dahilan!" naiinis na pakli niya. "Sa buong buhay ko, wala pa akong nakikilalang katulad mo. Mataray, masungit, seryoso, suplada at hindi alam kung paano sumakay sa mga pagbibiro ko. Kung lagi kang ganyan, I'm sure maboboring lang ang mga kaibigan ko sayo. Tularan mo na lang kaya kami? Laging happy. Hahahaha!" 'Siraulo talaga 'to!' sa isip-isip niya. "Eh ano ngayon? Anong pakialam ko sa barkadahan niyo? Magsaya kayo hangga't gusto niyo. Huwag mo kong itulad sa inyo. Mga baliw! Siraulo!" "Whoah! Anong sabi mo? Sinong baliw? Sinong siraulo?" Mukhang nagalit na ito. "Kasasabi ko lang. Kailangan pang ulitin?" "You're absolutely wrong Miss." "No. I know I was right." "Well then, meet me at the library at exactly 4 o'clock in the afternoon!" he commanded with voice full of authority. "At bakit ko susundin yang sinasabi mo?" nakatikwas ang kilay na tanong niya. "To prove your accusations about us are wrong. At may ibibigay pala ako. So, see you tomorrow." "In your dreams!" pakli niya. "Oh I'd love that." Natuwa pa ang loko. "So, see you in my dreams and see you tomorrow. By the way, I don't accept NO for an answer. So, goodnight. Bye." Nawala na ito sa kabilang linya. Kunot noong napatitig siya sa cellphone niya. Sino ba yon? At kanino nito nakuha ang number niya? Napabuga na lang siya nang wala siyang makapang sagot sa mga tanong. "Bakit ko susundin mga utos mo?" nagsalita siya as if kausap pa niya ito. "Tatay ba kita ha? I don't accept no for an answer. Dami mong alam! Puwes, maghintay ka sa wala!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD