3 - Caught His Attention

2001 Words
"HINDI ko nagustuhan ang ginawa niyong pang-aalipusta kay Miss Roxas! I'm giving you a lesson that you will never forget to make sure you will never do that again!" halos ay mabingi na sila sa lakas ng boses ng presidente ng University sa speaker. Dinig na dinig na yata iyon ng mga estudyanteng nag-aaral sa mga building na nakapaligid sa quadrangle ng University dahil nagsilabasan na ang lahat ng mag-aaral upang makiusyoso at panuorin sila. Balak ba talaga silang ipahiya ng University President sa lahat ng mag-aaral? Heto nga at pinagkakaguluhan na sila ng iba. "Grabe naman! Kailangan talaga naka-microphone?" angal nilang magkakamag-aral habang nakapila sa quadrangle at nakabilad sa araw. "s**t! Nakakahiya! Sirang-sira na ang dangal ko rito!" Nagyukuan sila ng ulo nang makitang nakatingin na lahat sa kanila ang mga mag-aaral ng engineering, HRM at political science department. "Lagot ako kay Papa kapag nalaman niya ito." "Ako rin, I'm sure grounded ang aabutin ko rito." "Oh my gosh! Si Prince at Tom nakatingin dito!" "Pati sina Ace at Kiel! Oh my god! Nakakahiya!" Ang mga sikat na personality ng school nila ang tinutukoy nila. Mabilis silang nagtakip ng mga mukha sa matinding hiyang nararamdaman. "Bilang punishment sa kalokohang ginawa niyo, lilinisan niyo ang buong quadrangle!" anang University President na si Dante Valmores. "What?!" Lahat sila ay napamaang at nanlaki ang mga mata sa narinig. Hindi makapaniwalang napatitig sila rito. "Lilinisin namin ang buong quadrangle? Seriously?" "You heard me. My decision is final! Kung ayaw niyo, okay fine! But bring your parents with you tomorrow! Is that clear?" Lalo silang nawindang sa sinabi nito. Alam nila ang ugali ng President ng Saint Therese University, kung anuman ang sinabi nito, hindi na iyon mababali. No one can ever break his rules. Pero kung gaano man sila katakot dito, mas takot silang lahat sa parents nila, alam nila baka hindi lang pagka-grounded ang ipaparusa ng mga ito sa kanila sa bahay kapag nalaman ng mga ito ang kalokohang ginawa nila sa university. Ayaw man nila but they don't have a choice but to accept the consequences of their actions. Kaya pikit mata na lang nilang gagawin ang iniuutos nitong paglilinis sa buong quadrangle huwag lang makarating iyon sa mga magulang. Nandidiri at napipilitan man ay nagsimula na sila sa paglilinis. "Yuck! I can't believe this!" "Eww! So smelly. Ang baho! Smells like a trash." tila sukang-sukang nagtakip sila ng ilong. "Oh my gosh! I never do this at home! My muchacha do this for me!" "Me too!" "Kasalanan lahat ito ng babaeng basura at germ carrier na iyon! Siya dapat ang nandito, not us!" "I really really hate that trash girl!" "She'll pay for this!" Lahat sila ay nagngingitngit at nanggigigil sa tinutukoy na kaklase. "Oh my gosh! So hot you know! Nasusunog na ang aking balat!" "Oh my gosh! This is so embarrassing!" "Do I look like a garbage cleaner? With this beauty? With this outfit? With this skin? Omg! I can't believe this!" "Humanda talaga sakin ang babaeng iyon! I'll never ever forgive her!" FOR the nth times, Prince looked at his wrist watch. For heaven's sake! Mahigit 20 minutes na siyang naghihintay! Pero hanggang ngayon wala pa rin yung hinihintay niya! He's waiting for his Department Chairman dahil may importante raw itong sasabihin sa kanya. Pero kung paghihintayin lang naman siya nito ng ganun katagal, ayaw na niyang pakinggan pa ang sasabihin nito. Mahalaga man iyon o hindi. He hates waiting. And he waited long enough. Sobra-sobra na yata ang oras na iginugol niya sa paghihintay rito. Mukhang nasasayang lang ang oras niya sa paghihintay sa wala. Napabuga na lang siya at tumayo. Nakapamulsang tinungo niya ang pinto nang biglang bumukas iyon at pumasok ang taong hinihintay niya, ang department chairman nilang si Mr. Perez. "I'm sorry Mr. Cortez if I made you wait. Have a seat please," apologetic na sabi nito nang makita siya. 'Wrong timing. Kung minamalas nga naman.' Kung kailan balak niyang umalis tsaka pa ito dumating. Lihim na lang siyang napasimangot at napipilitang bumalik sa kinauupuan kanina. "I'm sure, you're aware of our university's incoming foundation day," simula nito nang makaupo. Kumunot ang noo niya ngunit nagawa pa rin niyang tumango. "I know there are lots of events. Ang pinaghahandaan kasi ng board ay ang gaganaping roleplay. They decided that your band will be joining the cast in the said roleplay. And you will be the lead role." Tumaas ang kilay niya sa sinabi nito. He wanted to say no but he didn't bother to say anything. "Halatang tutol ka pero wala ka nang magagawa. Napag-usapan na iyon ng board." Is that it? Iyon lang ba ang pinag-aksayahan niya ng panahon? Dahil sa isang roleplay? "Okay," tipid na sagot niya upang hindi na humaba pa ang usapan. Ayaw na niyang magtagal sa opisina nito. The place looks so dull and so boring. Tumayo na siya. "Oh by the way, here's the manuscript and the usb." "Usb?" nagtatakang ulit niya at dinampot ang mga iyon sa mesa. "Yes, diyan lahat naka-save ang mga songs na kakantahin niyo. Mind you, you will be singing original songs." Tumango na lang siya sa sinabi nito. Naiinip na siya. Gusto na niyang lumabas doon kaya nagpaalam na siya rito. Matapos magpaalam ay tinungo na niya ang classroom nila. At ganun na lamang ang pagtataka niya nang makitang nagkakagulo ang mga kapwa niya estudyante ng architectural engineering. Tila may pinapanuod ang mga ito sa labas dahil nasa corridor ang mga ito at nakatanaw sa quadrangle. Tanaw na tanaw kasi ang quadrangle sa building nila. "Ano kayang meron?" tanong niya sa sarili. Lumapit siya sa kabanda niyang si Tom na kapareho niya ng kursong kinukuha. "Hey, what's the commotion all about?" he asked. Tumatawang humarap sa kanya ang kaibigan at inakbayan siya. "Si president, nagpupunish ng mga mass com student," natatawang sagot nito. Kumunot ang noo niya. 'Mass com student?' "Why? What happened?" Tinanaw niya ang mga tao roon at nakita niya ang halos isang section na nakapila at nakabilad sa araw. Nakita rin niya ang galit na mukha ng ninong niya kasama ang mga ilang opisyal ng paaralan. Oo tama, ninong niya ang Presidente ng Unibersidad. "Nakikita mo 'yung babaeng nasa tabi ni chancellor?" Hinagilap niya ng tingin ang tinutukoy nito at kumunot ang noo niya nang mamukhaan kung sino iyon. "Yeah, why?" takang tanong niya. "Hindi ba't siya yung baliw na babae sa canteen noong nakaraang araw? The girl who walked like this." Ginaya ni Tom ang paglakad ng babae noon sa canteen. Ngali-ngali na niya itong batukan dahil mukha itong tanga sa ginagawa nito. Sabagay, masisisi ba niya ang kaibigan niya? Mukha kasing ewan ang babae sa ginawa nitong kahihiyan sa canteen. Papaano kasing hindi magiging baliw sa paningin ng iba ang babaeng iyon, bigla-bigla na lang kasi itong nagtakip ng tainga. Napahiya ito pagkatapos nun. Ngunit dinugtungan pa nito ang kalokohan at kabaliwan nito. Marahil sa sobrang kahihiyang nararamdaman nito ay nagtakip ito ng mukha gamit ang libro at naglakad na parang pusang alien. Honestly, nakakatawa ang itsura nito noon. It's too obvious na ayaw nito sa maingay na lugar. She's really weird. Her simplicity and difference from others made her an outcast. It's too obvious that she doesn't belong in their world. Hindi ito masyadong nag-aayos sa sarili dahil sa tuwing nakikita niya ito ay gulu-gulo ang buhok nito. But his impression about her suddenly and totally changed when she came inside the music auditorium. The memory comes on flashing back inside his mind. HE was in his deep sleep when he heard someone's playing the piano. Nakakainis. Gusto niya sana itong sigawan at bulyawan dahil nabulabog nito ang pagtulog niya. Pero sa hindi malamang dahilan, nanatili siyang tahimik at pinakinggan ang tono ng piano. Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay napangiti siya. Ngayon lang niya narinig ang kantang iyon and he admit the music sounds so great and beautiful. Ilang sandali pa'y narinig na niya ang isang malamig at malamyos na boses ng babae. Sinabayan nito ang tugtog na ginagawa nito. He closed his eyes na tila ba kinakabesa ang timbre ng boses na naririnig. Pakiramdam niya, para siyang pinaghehele ng mala-anghel na boses na iyon. Na-curious siya kung sino ang nagmamay-ari ng boses na naririnig. Never pa kasi niyang narinig ang ganoong boses sa loob ng university nila. Transferee kaya ito? Outsider o gatecrasher? Sino nga kaya ito? With his curiosity, he found himself sitting and watching the girl on stage. He was sure that she can't see him. Masyado kasing madilim ang kinaroroonan niyang bleacher kaya sigurado siyang hindi niya ito maiistorbo. He tried to recognize her face. At kumunot ang noo niya nang makilala kung sino iyon. It's her. Napangiti siya bigla nang maalala iyon. "Ginawa siyang katatawanan ng mga iyan. Binuhusan siya ng tea. At nilagyan daw nila ng patibong na bubblegum ang upuan niya. And sabi sa bali-balita na narinig ko, hindi lang ni minsang ginawa iyon sa kanya. She's a subject of bullying in her class kahit siya pa ang pinakamatalino sa batch nila. Kaya bilang punishment sa mga bully na kaklase niya, lilinisin nila ang buong quadrangle," kwento ng kaibigan na nagpabalik sa kanya sa realidad. "Buti nga sa kanila iyan. Kung ako iyan lahat sila may palo sa puwet." "And she didn't even notice that?" taas ang kilay na tanong niya. Bigla na lang ang pagkulo ng dugo niya sa nalaman. Kinakawawa at inaapi ito ng mga taong nakapaligid dito pero hindi man lang ito lumalaban? Mahigpit niyang ikinuyom ang mga kamao. "Yeah, maybe. I don't know." Ikinibit nito ang balikat. "By the way, what's that?" tanong nito sabay turo sa hawak niyang folder. "Manuscript," tipid na sagot niya habang nakatanaw pa rin sa baba at sinusundan ng tingin ang naglalakad na babae palayo kasama ang Ninong niya. "Don't tell me, balak mo na ring sumabak sa pag-arte?" pang-aasar nito. "No choice. By the way, tara na baka naiinip na ang mga mokong," tukoy niya sa ibang kaibigan at sabay na silang naglakad papunta sa meeting place nila. "Anyway, I have something to tell you." "Oo, kanina pa nga sila text ng text. About what?" "Malalaman mo rin mamaya. Magpapagod lang ako kung sasabihin ko iyon sayo ngayon. Let's go," yakag niya. Habang palabas sila ng kanilang building ay natanaw niya ang ilang grupo ng mga babae na tuwang-tuwa at tila kinikilig pagkakita sa kanila. Ilang sandali pa'y sinalubong sila ng mga ito. 'Na naman? Wala na bang bago?' anang isip niya. Napabuga siya nang wala sa oras. "Hi Prince." "Hi Tom," matamis ang ngiting bati ng mga ito. "Hi girls!" nakangising bati naman ng kaibigan niya. Sarap tuloy nitong batukan. Malandi rin talaga itong lalaking ito. "Pwedeng magpapicture at magpa-autograph?" pagpapacute ng mga ito. "Please?" they plead with puppy eyes. He rolled his eyes. Naalibadbaran siya sa inakto ng mga ito sa totoo lang. "Sure." Go na go ang kaibigan niya samantalang siya, wala lang. Patuloy lang siya sa paglakad na parang walang nakita at narinig. He admit he's a snob. Sila ng mga kaibigan niya ay ilan lamang sa mga sikat na estudyante sa campus. Sikat ang banda nila lalo na sa mga babae, mapaloob at labas man ng unibersidad. Daig pa nila ang ilan sa mga artista sa dami ng die hard fans, stalkers at fans club nila. Halata naman siguro sa inaasal ng mga babaeng to hindi ba? Siya pala si Prince Louie Cortez, ang lead guitarist at vocalist ng bandang The Rising Blue Angels. At ang kasama niya naman ay si Jefferson Thomas Bilarde ang pianista at keyboardist ng banda nila. "Prince wait!" Ilang sandali pa'y naramdaman niyang may pumigil sa braso niya. Awtomatikong napatigil siya sa paglakad at dahan-dahang napatingin sa kamay na iyon. Matatalim ang matang lumipat ang tingin niya sa mukha ng babae. Ang pinakaayaw niya kasi sa lahat ay hinahawakan siya ng hindi niya kakilala! Dumilim ang mukha niya nang makita ang mukha nito. Her face is full of makeup and eye liner. 'Dammit! Another panda-clown wanna be!'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD