2 - Bullied

2061 Words
AFTER what happened in the canteen ay hindi na muli pang tumapak si Francez doon. Aba, sobrang katangahan kaya ang ginawa niya. Kaya wala na siyang mukhang maihaharap sa mga taong nakakita sa kabaliwang ginawa niya. Tatlong araw na ang nakalipas nang mangyari iyon. At aaminin niya, hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nakaka-move on sa ginawa niya. Ano na kaya ang naiisip ng mga taong iyon tungkol sa kanya? Sigurado siya, puro negative iyon at malamang ay isa na siyang katatawanan sa paningin ng mga ito. 'Shut up Francez!' Pinagalitan niya ang sarili. Bakit nga ba niya iniisip at pinoproblema iyon? Ano nga naman sa kanya kung iyon ang gusto nilang isipin? Sino ba sila? At sino ba siya para pag-aksayahan ng panahon ng mga ito? Ipinilig niya ang ulo. 'Erase! Just forget everything!' Pilit na lang niyang iwinaglit iyon sa isip. Pasalamat na lang siya, kahit isa siya sa mga matalinong mag-aaral doon ay hindi siya kilala at sikat sa loob ng campus. Kaya malabong maaalala pa siya ng mga ito. Buti na lang talaga. Napabuga na lang siya at nagpatuloy sa paglalakad sa hallway ng building nila. Nang araw na iyon ay pinatawag siya ng kanilang department chairman. Habang naglalakad siya ay napapaisip siya. Ano na naman kaya ang sasabihin nito? Tungkol ba ito sa ginawa niyang script? May problema ba? Papapalitan ba nito iyon? "Hay huwag naman sana. Ilang araw ko ring pinagpuyatan iyon." Inayos muna niya ang sarili at huminga muna siya ng malalim bago siya pumasok sa office ng chairman nila. "Miss Roxas, have a seat please," seryosong bungad ng Chairman nilang si Mr. Rosales nang makapasok siya sa office nito. "Thank you sir." Kinakabang umupo siya sa upuang itinuro nito sa harap ng table nito. "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa," simula nito. Hindi niya napigilang makaramdam ng kaba sa pagiging pormal at kaseryosohan nito. "I presented your manuscript to our school boards, deans, chancellor and president." "P-po?" napamaang siya sa sinabi nito. "You heard me." Serious face pa rin ito. "And I called you here in my office to tell you personally that our school president wanted to meet you." "P-po?" Nanlaki ang mga mata niya. Lalo siyang nawindang sa sinabi nito. Gusto raw siyang makilala ng University President nila? Seriously? Bakit? "By the way," ngumiti ito. "You did a great job! Your work has gathered approvals from our school board. So, congratulations Miss Roxas. And like what I have promised you, you will have additional grades to all your subjects." Namilog ang mga mata niya sa matinding tuwa dahil sa sinabi nito. "T-talaga po? Naku! Thank you po Sir! Thank you po talaga!" Halos ay hindi na siya magkandaugaga sa pagpapasalamat dito. "But I'm asking you to do me one last favor." Natigilan siya. Napalis ang ngiti niya sa sinabi nito. Pakiramdam niya'y tila nawala ang excitement niya dahil sa narinig. Heto na naman. Akala pa naman niya'y tapos na ang kalbaryo niya ngunit mukhang may bago na naman siyang haharapin. "Sige, ano po iyon Sir?" KASALUKUYANG nasa music auditorium si Francez dahil inirerecord niya ang ginawa niyang kanta na kakantahin ng mga bida sa ginawa niyang role play. Iyon kasi ang request sa kanya ng mga school board kaya hindi naman siya maka-hindi. Mahirap na, baka magbago pa ang isip ng mga ito at bawiin ang additional grades niya. Kaya pumayag na lang siya sa suggestion at request ng mga ito. Marami-rami na rin siyang nacompose na kanta. She's a composer anyway so hindi na siya mahihirapan pang gawin iyon. Composing songs, singing, playing guitar and piano ay ang kanyang mga hidden talents. Kaya halos lahat ng mga kantang kakantahin sa role play ay orihinal niyang likha. Sinimulan na niyang pindutin ang mga tiklado ng piano para sa intro. Ilang sandali pa'y sinabayan na niya ang tugtog ng kanyang mala-anghel na boses. Yes, she admit, she has an angelic voice. Pero ang talento niyang iyon ay nanatili lang na nakatago. Nahihiya kasi siyang kumanta kapag may ibang taong nanunuod sa kanya. Maswerte nga siya dahil natiyempuhan niyang walang tao sa loob ng music auditorium dahil kung hindi, hindi niya maibibigay ang mga kanta ngayon. Habang tumutugtog siya sa piano ay umaawit siya. It's one of the things she love. Sobrang nagi-enjoy siya sa mga ginagawa kaya halos ay hindi na niya namalayang natapos na siya sa pagtugtog at pag-awit. Napangiti siya nang matapos siya sa ginagawa. Umalis na siya sa auditorium nang matapos niyang ayusin ang mga gamit at nagtungo sa kanilang classroom. Nasa hallway pa lang siya nang matanaw niya ang mga kaklase niyang maldita na nakatambay mismo sa tapat ng pinto. Malamang ay mambubully na naman ang mga ito. Papasok na siya nang bigla siyang harangan ng leader ng mga ito, si Beatrice. Salubong ang kilay na tiningnan niya ito. 'Ano na naman ba ang problema ng babaeng ito?' tanong ng isip niya. "Hey you, weirdo-poor-loner girl, where do you think you're going?" si Beatrice. Hindi niya ito pinansin ngunit mabilis siya ulit nitong hinarangan at bahagyang itinulak. "Alcohol please!" utos nito sa alipores nito na sunud-sunuran sa anumang iuutos nito. Mabilis namang tumalima ang inutusan nito na tila ba takot mapagalitan ng amo. "Mahirap na baka magkasakit ako. I don't want to be infected by your dirt. Prevention is better than cure." Nainis siya sa sinabi at ginawi nito. Ano siya? Mikrobyo? Eh kung inumin na lang kaya nito ang alcohol na iyon, malamang ay matutuwa pa siya. Nasa loob kasi nito ang mikrobyong sinasabi nito. "And you," baling nito sa kanya. "Don't tell me, naging deaf ka na? Hahaha you're really poor. Infected na ang tainga mo, ang dumi-dumi mo pa." Nagtawanan ang mga kaklase niya na nanunuod lang sa kanila. Well, sanay na siya. What's new? Kapag may nang-iinsulto sa kanyang mga kaklase niya, lalo na si Beatrice, walang ginawa ang iba kundi ang manuod at tumawa na tila ba nanunuod ang mga ito ng gag show. Her college days were just like hell because of them. Ilang beses siyang umiyak at napahiya nang dahil sa mga ito. Noong una ay hindi siya sanay until she got used to it. Na-immune na rin siya sa tawag ng mga itong nakakainsulto. She's been through a lot of pain because of them kaya nagagawa na rin niyang lumaban. "What do you want?" nagtitimping tanong niya rito. "Well, I'm asking you. So, where are you going?" "You know what Beatrice, I don't know if your brain is functioning. Parang hindi kasi gumagana eh, check-check din pag may time ha?" Nakita niya ang pamumula ng mukha nito dahil sa sinabi niya, marahil ay dahil sa matinding galit at pagkapahiya lalo na nang magtawanan ang mga kaklase nila. "How dare you!" bulyaw nito at itinaas ang kamay. Marahil ay sasampalin siya nito. "Sige sampalin mo ko, pero siguraduhin mo lang na hindi dadapo sa mukha mo ang kamay ko," banta niya. "Nag-aalala lang naman ako. Masasayang lang kasi yang mukha mong retokada. Ikaw din, baka gusto mong tumabingi yang ilong mo, maflat iyang pisngi mo at lumaylay yang cheekbone mo sa lakas ng sampal ko. Atleast ako, mamumula lang, no damage at all." She smirked at her. "How dare you! I am not retokada! You filthy witch!" gigil na sabi nito. Tumawa siya ng pagak sa sinabi nito. "Here." Iniabot niya rito ang maliit niyang vanity mirror. "Titigan mo 'yan at nang makita mo ang witch na tinutukoy mo." Nilampasan na niya ito at pumasok sa loob ng classroom. "Aahh! You freak girl!" gigil na sigaw nito at nanlilisik ang mga matang nilingon siya. "How dare you say that! You'll pay for this! Sa tingin mo, you belong here?" Tumawa ito ng pagak. "You wish! I'm telling you, a poor, weak and filthy girl like you doesn't belong here!" Galit na galit na sigaw nito at ibinato sa kanya ang salamin. Napasulyap siya sa nabasag na salamin sa paanan niya. Ibato ba naman nito iyon sa kanya. Mabuti na lang at mabilis niyang naiharang ang bag niya kundi naglanding na iyon sa mukha niya. Nababagot na tumingin siya rito na parang walang nangyari habang padabog na umupo sa kanyang upuan. Narinig niya ang mahinang hagikhikan ng mga kaklase niya. "And who belong here? Ang mga clown at witch na katulad mo?" pang-iinis niya. "How dare you! I am not a clown!" "Stop fooling yourself." "Oh, at sino ka para sabihin iyan sa akin? Nakakatawa ka naman. Niloloko ko ang sarili ko? Hindi ba dapat sabihin mo muna iyan sa sarili mo? Sino sa ating dalawa ang sinasabi mong fool? I'm sure, hindi ako iyon. Kasi ako, hindi ko ipinagpipilitan ang sarili ko sa lugar na hindi ako bagay. Can't you see, you don't belong here! Because you're nothing but a trash! Ito ang bagay sa'yo!" Nagulat na lang siya nang mabilis nitong dinampot ang iniinom na bottled tea ng isang kaklase niya at ibinuhos iyon sa kanya. Hindi siya nakahuma sa ginawa nito dahil sa matinding gulat. It took several minutes bago siya natauhan. Namalayan na lang niya ang paglaglag ng luha niya. Mabilis niyang pinahid iyon. "Aww, so pathetic," tumatawang sabi ng mga kaklase niya na tila tuwang-tuwa pa sa nakitang reaction niya. "Now scram and get out of my sight! Your presence ruins my day!" Okay lang siya kahit ilang beses siyang inisin at tuksuhin ng mga ito. Kaya niyang palampasin ang mga ganoong pambubully ng mga ito. Pero ang ganunin siya ng mga ito? Sobrang nakakasama na ng loob. Sobrang nakakadegrade na. Kahit man lang sana konting respeto ang ibigay ng mga ito sa kanya. Pero ang simpleng bagay na iyon ay hindi man lang kayang ibigay ng mga ito. Ano bang mahirap gawin sa pagbibigay ng respeto sa ibang tao? Ano bang kasalanan niya sa mga ito? Bakit lagi na lang siyang kinakawawa ng mga ito? Ano bang naging kasalanan niya sa mga ito? Nang hindi na niya makayanan ang sama ng loob ay tumayo na siya ngunit lalo siyang napamaang nang tila may kung anong dumikit sa suot niyang pantalon. Napatingin siya sa likod at ganon na lang ang disappointment niya sa nakita. Hindi pa talaga nakontento ang mga ito, heto at nilagyan pa ng patibong na bubblegum ang upuan niya. Wala na talagang kasing-sama ang ugali ng mga ito. Lalo namang lumakas ang tawanan ng mga ito dahil sa nangyari. Masyado na siyang nabibingi sa lakas ng tawanan ng mga ito kaya tumakbo na siya palabas ng room nila. "Nice acting Beatrice!" Narinig pa niya ang pagtatawanan ng mga ito. Binilisan niya ang pagtakbo palayo roon nang sa ganoon ay hindi na niyang marinig ang nakakainsultong halakhakan ng mga ito. Masyado nang nasasaktan at natatapakan ang buo niyang pagkatao sa ginagawa ng mga ito. Nasiguro na niyang malayo na siya roon nang hindi na niya marinig ang tawanan ng mga ito. Umiiyak na bumaba siya ng building nila. She had enough. Maybe it's the right time for her to make a move and to fight. "Acting pala ha! Humanda kayong lahat sakin! It's payback time!" bulong niya at mabilis na pinahid ang luhaang mukha. Ilang sandali pa'y nasa harap na siya ng chairman nila. Gulat na gulat at hindi makapaniwala ito nang makita ang itsura niya. Ipinakita din niya ang dumikit na bubblegum sa pantalon niya. She can read disappointment and anger in his eyes, kahit nakasalamin ito ay hindi iyon nakaligtas sa paningin niya. Nagkukwento siya habang umiiyak nang biglang dumating ang presidente ng unibersidad nila kasama ang chancellor nila upang kausapin siya at makilala. Lihim siyang nagdiwang nang makita siya ng mga itong ganoon ang itsura. 'Kung sinuswerte nga naman. Patay kayong lahat ngayon!' nagbubunying sabi ng isip niya. Mukhang nakikiayon sa kanya ang pagkakataon. Lihim na lang siyang napangiti. "I don't tolerate such kind of attitude inside my university!" dumadagundong ang boses ng president sa loob ng office. Totoo nga ang narinig niyang balita. Nakakatakot ito kapag galit. "Give them a punishment now! Papuntahin mo silang lahat sa quadrangle!" "Y-yes President!" nahihintakutan at mabilis na sagot ni Chairman. Lumapit ito sa kinaroroonan ng microphone. "Paging all 3-A student, please proceed at the quadrangle now!" malamang ay dinig na dinig na iyon sa buong building nila. "Don't worry Miss Roxas, I assure you, it won't happen again," the University president give her an assuring smile. Ngumiti siya ng tipid dito. "Thank you President."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD