6 - Unexpected

2424 Words
NAGMEMERYENDA si Francez sa canteen nang mga oras na iyon nang makita niya ang pinakaiwas-iwasan niyang banda. Maingay na umupo ang mga ito sa isang mesa, dalawang mesa ang pagitan ng mga ito sa kanyang kinauupuan. Yumuko na lang siya at pinagtuunan ng pansin ang pagkain. Siguro naman ay hindi siya mapapansin ng mga ito. "So ano na? Agree ba kayo sa suggestion ko?" 'Tsk! Ang iingay talaga ng mga lalaking 'to kahit kailan!' She rolled her eyes. Napailing na lang siya. "We'll talk about that later. Pinag-iisipan pa namin." "Yeah and one more thing, gutom na ako. Pwedeng kumain muna tayo?" "Fine! But I'm hoping for a positive answer." "Whatever." Naghaharutang nagpunta ang mga ito sa counter upang bumili ng pagkain. As usual, lahat na naman ng tingin ng babae ay nakuha ng mga ito. "Ihh! Ang gwapo talaga nila!" Bahagya siyang napalingon sa kanyang likuran at napapailing na lang siya nang makita ang mga grupo ng babaeng tila kinikilig sa pagkakakita sa mga limang lalaki. Kulang na lang ay maging heart shape ang mga mata ng mga ito sa pagkakatingin sa mga lalaki. She rolled her eyes when she heard them murmured the guys name as if dreaming about them. Ganon ba talaga ka-patay na patay ang mga ito? "Kung sina Brad Pitt at Hero Tiffin Fiennes 'yan, malamang kikiligin talaga ako," bulong niya. "Pero kung sila lang naman, magbibigti na lang ako! Tsk!" "Nga pala, balita ko may role play daw na gaganapin sa foundation day ng university natin," anang babae sa kabilang mesa. "That will be a boring show, for sure." Nagpanting ang tainga niya sa narinig. 'Boring ang kwentong ginawa ko? Aba, ang kapal ng mukha ng babaeng to ah!' Pinukol niya ng masamang tingin ang babaeng mukhang panda sa kapal ng eyeliner sa mata. "You're wrong. Kasali sa cast ang banda nina Prince." "Really? Iihh! Omg!" "Yup! Infact, si Prince ang lead role at si Sarah ang partner niya." "Sarah as in, the campus queen? His girlfriend?" "Definitely. Another casts ay yung mga ibang varsity players like Ace, Hanz, Keith, Carl, Jayvee and Zack." "Wow, that's great! Makikita ko na ring umarte si Ace at Hanz!" kinikilig na nagtititili ang mga ito. She rolled her eyes. Wala pa ring pinagbago ang mga babae r'on. Iisa lang talaga ang laman ng mga bibig ng mga ito, ang mga sikat na estudyante sa kanilang campus. Doon na talaga nakafocus ang mundo ng mga ito. Napapailing na lang siya. Wala talagang kapaga-pag-asa ang mga ito. "At siyempre, kasali rin sa cast ang mga dancers at campus queens ng school natin. Pati rin pala mga sosyaleras at fashionistas." "Nice, may bago na naman akong magagayang fashion style sa kanila." "So, kanya-kanyang banners na naman ang mga fans kung nagkataon." "Excited na akong manood. For sure maganda ang kwento ng roleplay na 'yan. Lalo na at ang mga sikat dito sa campus ang gaganap." Nainis siya sa mukhang christmas tree na babae. Anong ibig nitong sabihin? Na hindi maganda ang ginawa niyang kwento kung hindi ang mga sikat na tao sa kanilang school ang gaganap? 'How dare her!' Pero mas naiinis siya sa mga taong gaganap sa kwentong ginawa niya. Her story can stand without them! Nanggigigil na tinusok niya ang eggpie sa plato niya habang galit at matatalim ang mga matang tiningnan ang mga lalaking kakabalik lang sa mesa ng mga ito. 'Nakakainis! Nakakaasar! Umay na umay na ako sa kanila! Bakit lagi na lang nakatutok ang pansin ng lahat sa mga ito? Bakit palagi na lang buhay ng mga ito ang laman ng bali-balita? Ano bang meron sa kanila? Nakakainis na talaga!' Nanggigigil na nginuya niya ang isinubong eggpie habang ang mga mata ay matalim pa ring nakapukol sa grupo ng mga lalaking iyon. Ilang sandali pa'y ganun na lamang ang pagbundol ng kaba sa puso niya nang magawi sa direksyon niya ang paningin ng dalawa sa mga ito. Sa sobrang nerbiyos niya ay nasamid tuloy siya nang wala sa oras. Umuubong mabilis niyang dinampot ang juice sa mesa upang uminom. Tukneneng naman. Kahihiyan na naman ang nagawa niya. Baka isipin tuloy ng mga ito na isa siya sa mga avid fans ng mga ito na nagpapapansin dito. Nanindig ang mga balahibo niya sa katawan sa naisip. 'Fan? Ako? No way! Never! Malabong mangyari yun! Over my dead body!' Kailan ba kasi matatapos ang mga kahihiyang pinaggagagawa niya sa harap ng mga lalaking ito? Masyado nang nadadali ang kanyang dangal. Nang ayos na siya ay pasimple niyang sinulyapan ang mga ito at para lang lalong kabahan nang makitang nakatingin pa rin ang dalawa sa kanya. 'Patay! Namumukhaan yata nila ako!' Napakagat-labi siya. Mabilis na sinaid niya ang juice na iniinom. Kailangan na niyang makaalis doon oramismo! Mukha kasing nakikilala nga siya ng dalawang iyon. Si Drew, dahil nabasa nito ang kantang ginawa niya. At si Prince, dahil tinawag niya itong manyak! Pinamulahan siya ng mukha sa huling naalala. Hiyang-hiya na talaga siya. Ilang sandali pa'y ganon na lamang ang pagkataranta niya nang makitang tumayo ang isa sa mga ito. Akmang tatayo siya upang umalis sa mesa ngunit nahuli na siya dahil nakalapit na ang lalaki sa kanya. "Hi!" bati nito at itinukod ang dalawang kamay sa mesa niya. Maang na tiningala niya ito. Then suddenly her heart pound like a drum. He saw Drew flashed his killer smile. Lalo siyang natulala rito. "I'm Anthony Drew Flores. And you are?" "A-ako ba ang kinakausap mo?" naguguluhan, kinakabahan at nagtatakang tanong niya sabay turo sa sarili. "There's no one here except you, so yeah, I'm talking to you," nakangiting sagot nito. She saw amusement in his eyes. "I can't believe this! Nakikipagkilala sa kanya si Drew!" hindi makapaniwalang bulalas ng grupo ni panda girl. "Kainis! Why her?" "Oh my! Nakakainggit naman!" Hindi niya maintindihan ang nararamdaman ng mga sandaling 'yon. Kinakabahan siya at nahihiya while at the same time parang na-starstruck siya sa kagwapuhang taglay ng kaharap. 'Wait! Hindi ako pwedeng magkagusto sa kanya! Babaero kaya siya!' Ngunit sa hindi niya malamang dahilan ay napatitig siya sa mukha nito na tila pinag-aaralan iyon at kinakabesa. Gwapo nga talaga ito. Kahit na sinong babae ay maaattract dito. Kulay mocca brown ang mga mata nito na naartehan ng makakapal na pilik mata. Katamtaman ang laki niyon. Kapag tinititigan mo ay tila lagi iyong nakangiti. Idagdag pa ang makapal pero maayos na kilay nito, ilong na pagkatangos-tangos at manipis na labing medyo namumula. Mas gwapo pala ito sa malapitan. "Ahemm!" Narinig niya ang pagtikhim nito na dahilan upang matigil siya sa pagtitig sa mukha nito. "So, nakapasa na ba ako standards mo?" He smiled at her as if flashing his dimples. 'You're totally perfect! Nakapasa ka na sa standards ko!' sigaw ng isip niya. Standards? Wait, anong standards ang sinasabi niya? Nababaliw na ba siya? Mabilis niyang ipinilig ang ulo at nagtatakang napatingin dito. "What?" maang na tanong niya rito. He laughed at her reaction. Amusement was written on his face. 'He's so cute when he laugh!' "No, I was just kidding," nakangiting sabi nito. "So, anong name mo?" Naguguluhang napatingin siya rito. Nakikipagkilala ito sa kanya? Bakit? "So you are?" untag nito. "I'm Francez. Francez Kaizel Roxas." "Drew," sabi nito at iniumang ang kanang kamay sa kanya. Lumipat ang tingin niya roon. Nang hindi ito makatiis ay inabot nito ang kanang kamay niya at nakipaghandshake ito. Nanlaki ang mga mata niya sa ginawa nito. Pakiramdam niya'y bumilis ang t***k ng puso niya sa pagdaiti ng mga palad nila. He gave her a smile. "Oh by the way, gusto kong ibalik yung napulot kong papel. Here." Iniabot nito ang papel matapos bitawan ang kamay niya. "Sayo 'yan hindi ba?" Tumango siya at tahimik na tinanggap iyon. Isinigpit na niya iyon sa notebook. "Nice meeting you Francez. By the way nice penmanship." "Thanks," wala sa sariling sagot niya. Nang ilibot niya ang tingin ay namula ang mukha niya nang makitang halos nakuha na nilang dalawa ang atensiyon ng mga tao sa loob ng canteen. At ang tingin ng mga babaeng iyon, ang sama at ang tatalim. Kung nakakamatay nga lang ang tingin ng mga ito malamang ay kanina pa siya nalagutan ng hininga. Ayaw naman niyang mamatay doon nang wala sa oras kaya napagpasyahan na lang niyang umalis. "I need to go, excuse me, bye," paalam niya at kinuha na ang mga gamit. Hindi na niya hinintay ang sagot nito. Mabilis niya itong iniwan at malalaki ang hakbang na tinungo niya ang pinto at agad na umalis ng canteen. Nagmamadaling nagpatuloy siya sa paglakad palayo. Nang maalala ang pagpuri nito sa sulat kamay niya at wala sa sariling napangiti siya. "Wait, kinikilig ba ako? Oh gosh! No way, it can't be!" Hindi niya hahayaang malason din ang utak niya tulad ng iba. Hindi! Hinding-hindi siya makakapayag! MARAHAS na napabuntong hininga si Francez at muling tiningnan ang cellphone. 'Tumatawag na naman ang lalaking 'yon. Hindi ba talaga siya titigil?' Nakailang tawag na ito sa kanya pero kinancel niya lahat iyon. Sa sobrang inis niya ay tinanggal na lang niya ang battery ng cellphone niya. Ano na naman ba kasi ang sasabihin nito? Hindi ba nito alam na masyado na siya nitong naaabala? Marahil ay tatanungin siya nito kung bakit hindi siya sumipot sa usapan nila. Sandali, anong usapan? Sa pagkakaalala niya, hindi pala siya pumayag na makipagkita rito kaya wala itong karapatan para magcomplain. Naalala niya ang sinabi nitong may ibibigay ito. Ano kaya iyon? May pumasok na idea sa isip niya. Hindi kaya si Drew ang tumatawag? At ang ibibigay nito ay ang napulot nitong papel na naibigay na nito kaninang umaga? Kung ganon, bakit pa ito tumatawag kung naibigay na nito iyon? Napaisip siya ng malalim. Marahil ay wala itong magawa sa buhay kaya naghahanap ito ng maaasar at mapagtitripan. Sorry na lang ito dahil wala siya sa mood makipag-lokohan dito. Pero nakakapagtaka lang. Saan at kanino kaya nito nakuha ang cellphone number niya? Ah oo nga pala, walang imposible dito, iba na ang sikat at mayaman. Napabuga na lang siya at iwinaksi iyon sa isip. She just closed her eyes to sleep. Ngunit bigla na lang nag-appear sa balintataw niya ang nakangiting mukha ni Drew. Sobrang nakakainlove ng ngiti nito. Nanlalaki ang mga matang iminulat niya ang mga mata at ganun na lang ang takot niya nang tila maaninag sa puting kisame ang seryosong mukha ni Prince. 'Whaaahhh!' Gusto niyang magsisisigaw ngunit walang lumabas sa bibig niya. Lalo siyang natakot at biglang kinilabutan nang maramdaman at marinig ang mabilis na pagtibok ng puso niya. Para saan naman kaya iyon? Naiinis at nanggigigil na pinagtatampal niya ang sarili. "Nababaliw ka na Francez! Nababaliw ka na! Bakit mo inaalala ang pagmumukha ng mga lalaking iyon? Bakit? Nahihibang ka na ba ha? Ano bang iniisip mo at nagkakaganyan ka? Stop it! Huwag kang tanga!" parang tangang kinausap at pinagalitan niya ang sarili. Tumigil siya sa ginagawa at biglang napaisip. Ang weird niya. Bakit siya nagkakaganoon? Hindi kaya humahanga na siya sa mga ito? Mabilis niyang ipinilig ang ulo. Hinding-hindi niya hahangaan ang mga lalaking iyon! Never! Marahil ay kulang lang siya sa tulog at sobrang inaantok na kaya siya nagkakaganoon. Inabot niya ang lampshade at pinatay iyon upang matulog. NAKADUKMO ang ulo ni Francez sa kanyang mesa, inaantok kasi siya. Habang hinihintay nila ang professor nila para sa next subject nila, ang mga kaklase niya ay may sari-sariling mundo kasama ang mga kaibigan. Halo-halo ang kaguluhan sa loob ng kanilang classroom. May nagpi-PDA sa likod, may nagkukwentuhan, naghaharutan, nagtatawanan at nagkakantahan. Sa totoo lang, sobrang naiingayan na siya sa pinaggagagawa ng mga ito. Pero walang pakialamanan lalo na't hindi naman siya nagi-exist sa paningin ng mga ito. Pero mas mabuti na iyon kaysa naman mabully siya at siya ang gawing center of attention ng mga ito. "How I wish, tumahimik naman kayo kahit ilang minuto lang," hiling na bulong niya. Naririndi na kasi ang pandinig niya. Sumasakit na ang ulo at tainga niya sa lakas ng ingay ng mga ito. Ilang sandali pa'y tila narinig ng Diyos ang panalangin niya dahil biglang natahimik ang paligid. 'Lord thank you! I feel so blessed today!' masayang sigaw ng isip niya. Noon nakahinga nang maluwag ang eardrums niya. Mabuti naman at natahimik din ang mga ito. Pero nagtaka siya. Ba't naman biglaan yata ang pananahimik ng mga ito? At kailangan pa talaga sabay-sabay? Kinabahan siya. Hindi kaya naging estatwa na ang mga ito dahil huminto ang takbo ng oras? Wow, ang galing naman kung ganon, siya lang ang nakakagalaw kung nagkataon. Pwede na niyang bigyan ng tigi-isang pitik sa ilong ang mga ito. Oh di ba, makakaganti na siya nang walang kahirap-hirap. At hindi pa nila malalaman. Lihim siyang natawa sa naisip. Pwede nga kaya iyon? O kaya naman ay baka nag-disappear at nagteleport na ang mga ito sa ibang dimensiyon? Kung nangyari iyon, siya na ang pinakamasayang tao sa balat ng lupa. Wala na kasi ang mga kontrabida sa buhay niya! But all of that were impossible. Ipinilig niya ang ulo. Kung ano man ang dahilan ng pananahimik ng mga ito, wala na siyang pakialam! Nakangiting muli niyang ipinikit ang mga mata at tahimik na kumanta. "Di ba, napag-usapan nating magkikita tayo sa library kahapon? Naghintay ako pero anong ginawa mo, hindi ka dumating! Inindian mo ko!" Nagsalubong ang kilay niya nang marinig ang isang pamilyar na boses. Naguluhan siya. Bakit may biglang nagsalita? Ano ba talagang nangyayari? At sino ang boses lalaking ito sa harap niya at tila galit na galit na nakikipag-usap sa kanya? Hinintay siya nito sa library dahil iyon ang usapan nila? Ano bang sinasabi ng lalaking ito? At sino ba ito? Naguguluhan siya nang mga oras na iyon. Tila hirap na hirap magloading ang utak niya sa mga nangyayari. "I even called you last night but you end up rejecting my calls! Mabilis na gumana ang utak niya sa narinig. Naalala nga niya iyon. Oo tinatawagan nga siya nito kagabi. It took her one minute to realize and figure out everything. Nang matauhan ay nanlaki ang mga mata niya. Marahil ay si Drew ito. 'The nerve! Pumunta pa talaga siya rito para sermunan ako. Ni hindi man lang siya nahiya! Arghh! Humanda ka saking lalaki ka! Makakatikim ka talaga sakin!' gigil na sigaw ng isip niya. "Bakit, sinabi ko bang pupunta ako?!" Naiinis na tiningala niya ang lalaki. Handa na siyang suntukin ito ngunit natigilan siya. Napamaang siya at nanlaki ang mga mata niya nang makita kung sino ang lalaking nasa harapan. Laglag ang panga, nanginginig na bumuka ang labi niya at napausal. "P-Prince?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD