CHAPTER 3

1162 Words
MARISOL Tinulak ko pa-slide ang pintuan ng van na siyang sumundo sa amin from school. "Good afternoon po, Mang Rudy," ang magaan kong bati sa driver namin habang umuusod sa pinakaunahan na bahaging iyon ng upuan ng van at sinuksok agad ang seatbelt pasuot sa akin. Hindi na ako tumingin sa driver ng van but I assumed that was our driver, Mang Rudy. Siya naman kasi lagi ang nagdra-drive ng van na'to at ang laging sumusundo sa amin kun'di man ang driver nila Joy. "Ang bilis mong maglakad, Mirasol! It's very obvious that you avoiding the topic," bahagya itong hiningal, may inis itong sumunod sa loob ng van at tumabi sa akin. "Because it wasn't important you know, and we already talked about that since yesterday," "Hindi talaga kita maintindihan, Sol. Ang guwapo nun ni Vladimir," napairap akong muli sa hangin. Here we go again sa guwapo daw! Okey, guwapo naman talaga siya pero naman ang bata pa namin para diyan! Aral kaya muna 'di ba? Tsaka, maski gusto hindi ko gusto 'yon napakayabang at sobrang feeling-ngero na 'yon. Pakiramdam niya, siya na ang pinakaguwapo sa lahat! Sa buong mundo. Nanligaw siya, hindi ko alam kung bakit sa dami ng mas magagandang babae sa school namin e, ako pa? Ako pa talaga? Ano man ang rason niya, binasted ko pa rin siya. And here's Amera Joy! She's nagging me since yesterday. Kaninang umaga same topic pa rin, ang pag-busted ko kay Vladimir, hanggang sa uwian ba naman? "Sa dami ng magagandang estudyante dito schoonville high, ikaw ang napansin niya tapos dini-dead-ma mo lang?" napabuga ako ng hangin at napahalukipkip. Pinaliwanag ko na naman ang rason kung bakit binasted ko iyong tao. Paulit-ulit na lang. Mas matanda siya sa akin ng isang buwan lang naman pero alam kong mas matured akong mag-isip sa lahat ng bagay. "Because studying is my priority! Masyado pa tayong mga bata para isipin ang mga bagay na may kinalaman sa relasyon at pag-ibig-" "That's right! You kids, are still too young to think about relationships and dating," napaawang ang labi kong napatingin sa driver seat. "Daddy?!" paniniyak at tila 'di makapaniwalang tanong ni Joy. "Lagot ka ngayon kay Tito Sandro," nanulas sa labi ko. "Yeah, it's me, my Princess Amera Joy. Would you like to explain to me what I just heard?" seryosong ani Tito Sandro. Nakita kong bahagyang salubong ang mga kilay niya. "Daddy! You are really here!" tili ni Joy. Imbes na sagutin ang ama ay napatalon pa ito sa driver seat para yakapin ang ama nito na siyang nagpangiti sa akin. "I missed you, Dad. Two months na wala ka, tapos si Mommy lagi naman nasa labas kasama mga amega niya," mangiyakngiyak nitong sumbong habang mahigpit na yakap ang ama. Nakaramdam ako ng awa. Oo ngat, hindi ako nasusundo or nahahatid ni Daddy sa school pero lagi naman kaming nagkikita sa umaga at gabi. Lagi pa rin kaming nagkakasama. And Joy was very vocal about her feelings kung gaano siya naiinggit sa set up namin nila Daddy at Mommy. "Yes, I'm here. At matagal-tagal akong mag-e-stay sa bahay kasama ka." Ang magaan at malambing na aniya sa anak. "Anyways, tama ba iyong mga narinig ko, would you like explain to me about that? Naliligaw na tayo ng topic e," may biro na ang tono nito. Saka niya ako binalingan, " Hi miss beautiful, good job! Dapat wala na muna talagang iyang ligaw ligaw at pakikipag-nobyo ang babata n'yo pa,” mahaba nitong litanya na diniin pa ang salitang, "ang babata n'yo pa." Napanguso si Joy. Tinanong niya ako kung okay lang na mag-isa ako sa likod. Mas pinili nitong maupo na lang sa unahan katabi ng ama at nakakaintindi naman akong na missed nito nang husto ang daddy niya kaya matamis ang ngiti kong tumango. "Daddy, hindi naman ibig sabihin na makikipag-bf na kami e, seryosohan na! Sikat kasi 'yon si Vladimir sa school, ibig sabihin sisikat ka rin kapag naging gf ka niya," pagpapaliwanag pa nito sa ama na nagpaikot sa eyeballs ko. Mukhang nakita iyon ni Tito Sandro sa rearview mirror, dahil natatawa itong nakatingin sa akin. Nahiya ako bigla. "Sol, ito bang si Joy may boyfriend na?”nakita kong napabuka ng labi si Joy saka sumimangot. "Ang dami pong nanliligaw Tito pero sa awa po ng Dios wala pa naman po akong nababalitaan na may sinagot na siya sa mga iyon-" "Dahil wala akong type sa mga 'yon no! Iyong type ko kasi taken na!" bigla nitong nasabi.Napatutop ito sa bibig, tila hindi nito sadyang masabi iyon. Nakita ko ang pagsisisi sa mga mata nito dahil sa naging padaloslos na dila. Hindi niya nabanggit sa akin na may nagugustuhan na siyang iba at taken na. Ang sabi nga niya wala pa siyang mapili sa manliligaw niya. Kahit si Tito Sandro ay nangunot ang noo, " may napupusuhan na pala ang anak ko, hindi ba masyadong napakaaga niyan?" "At hindi niya 'yan sinasabi sa akin Tito, kun'di pa siya nadulas ngayon hindi yata niya sasabihin talaga sa akin," nakanguso kong sabi, nakaramdam ako agad ng tampo, nagawa niya kasing ilihim. Akala ko, lahat ng sekreto namin dalawa alam ng bawat isa. Bakit niya tinago at 'di man lang nabanggit sa akin? Nakita kong napakagat siya sa ibabang labi ng mariin. Guilt immediately written on her beautiful eyes. "Kilala ko ba siya?" kahit si Tito Sandro ay alam kong nakatingin sa akin sa rearview mirror. Pinipigilan niyang ngumiti dahil talagang hindi maganda ang timpla ng mukha ko. "Hindi no.Taga ibang school 'yon kasi at may girlfriend na kaya hindi ko na sinabi sa'yo. Sorry na. Impossible kasi na maging kami, masyado niyang mahal 'yong jowa niya, isa pa I felt like it's not necessarily to share, wala na kasi siya sa akin, hindi ko na nga siya naiisip e. Aba teka lang, bakit sa akin napunta ang topic ikaw at si Vladimir ang dapat natin pag-usapan dito," nagmamaktol din nitong sabi. "Kahapon ko pa 'yan nasagot 'di ba? Mapilit ka lang na pag-usapan ulit as if na magbabago pa ang naging decision ko," "Sayang naman ang guwapo ni Vladimir at maraming babaeng--" "Teka nga muna, kahapon ka pa nanghihinayang kay Dugo! Ikaw ba may gusto do'n kay betamax?" ang pikon ko nang pagkonpronta sa kaniya. "Yuck! bakit mo siya tinatawag na Dugo, 'yong humor mo talaga Sol hindi nakakatawa. Sol, his name is Vladimir, not bloodymir," "And what is betamax?" 'Takang tanong ni Tito Sandro. Napatingin ako sa kaniya, parang biglang gusto kong magsisi sa nasabi ko, nang ma-realised na nariyan pala siya at kasama namin. Bigla akong tinablan ng hiya sa inasal ko. Hindi ako umimik pero si Joy na rin ang sumagot. "A bbq street food that was made in blood, Daddy. At binibinta do'n sa labasan. You know Sol, that I am disgusted with that food, eiw!" reklamo nitong hindi maipinta ang mukha. Pero nagulat kaming dalawa nang umalingawmgaw sa loob ng sasakyan ang malutong na halakhak ni Tito Sandro!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD