Third Pov
When Amira gave birth to their daughter, she and her husband Sandro named her Amera Joy De Cena.
Isang napakagandang bata ang anak nila tulad ng kaniyang ina na isang dating beauty queen.
And the following month, Marevic also gave birth to their daughter. She and her husband Eduardo named her, Marisol Santos.
Isang napakagandang batang babae rin ang kanilang naging anak. Nagkasundo naman ang magkaibigang Eduardo at Sandro na sabay nang pabinyagan ang mga bata.
The celebration was held at the famous hotel owned by Sandro’s family.
The De Cena family is known as one of the wealthiest families and successful in the field of entrepreneurship. Countless hotels and resorts are owned by De Cena family and they also have hotel branches in different countries.
Namamayagpag ang pangalang ng kanilang pamilya sa larangan ng negosyo lalo na nat si Sandro na ang humawak sa company.
Samantala, ang pamilya Santos naman ay kilala rin sa bansa bilang isa sa mga mayamang pamilya.
Kilala sila bilang may-ari ng ilang malalaki at kilalang private hospital sa bansa.
Ito ang pangunahing negosyo ng pamilya at ang kilalang pharmaceutical company na sila rin ang nagmamay-ari.
Ang magarbong binyag ng dalawang batang tila mga prinsesa ng dalawang mamayamang pamilya na yata ang pinag-usapang okasyon sa buong bansa.
Naging laman iyon ng mga pahayagan, balita sa radyo at telebesyon.
"Sana lumaki ang mga bata na magkasundo at maging matalik na magkaibigan tulad ng kanilang mga ama," ang masayang pahayag ng ina ni Eduardo.
Malapit na magkakaibigang pamilya ang De Cena at Santos kaya hindi nakakapagtakang naging matalik na magkaibigan si Eduardo at Sandro.
Kaya ngayon naman ay inaasam ng pamilya na masalin sa kanilang mga apo ang tila naging tradisyon ng dalawang kilalang pamilya.
"Sigurado 'yan Ma. Lalaki rin silang malapit sa isat isa," Sandro assured his mom.
Mula pagkabata kasi ay matalik na talagang magkaibigan si Sandro at Eduardo.
Habang lumalaki nga ang dalawang bata ay makikita ang pagiging malapit nila sa isat isa.
May mga pagkakataon na sabay nga nilang pinagdiriwang ang kaarawan ng mga ito.
Ang mansyon nila Eduardo ay katapat lamang din ng mansyon nila Sandro kaya madalas magkakasama ang dalawang pamilya.
Ang malawak na kalsada lamang ng sikat at pribadong subdivision na iyon ang pagitan ng mga mansyon nila.
NANG tumuntong sa elementarya ang dalawa ay kapansin-pansin na ang pagkakaiba ng mga ugali ng bawat isa. Joy has this playful but spoiled brat and pilya aura. Unlike Sol, she's always shy and reserved.
At dahil iisang school lang ang pinapasukan, madalas ay sabay din silang pumapasok na dalawa.
"Are you ready na ba? Si Daddy ang maghahatid sa atin today," ang masayang balita ni Joy kay Sol habang kausap ito sa phone.
"Gano'n ba? Nakabasyon ba ulit si Tito? Wala na ba siyang business trip?" ang tanong ni Sol habang iniipitan sa gilid ang may kahabaang buhok sa harap ng salamin habang nakaipit ang phone nito sa pagitan ng tainga at balikat.
Sol grew up very independent. Kung sa mga simpling bagay lang tulad ng pag-susuklay ng buhok, paghahanda sa kaniyang susuotin at ibang maliliit na na bagay na kaya naman niyang gawin ay mas gusto niyang siya na lamang ang gumawa.
Kabaliktaran naman kay Joy na sa edad nitong sampong taong gulang, dalawa pa ang yaya nito. Kulang na nga lang ay subuan pa ito sa pagkain.
"Kakauwi lang niya from business trip papasok rin siya sa office mamaya pero okay lang daw na ihatid muna niya tayo. S'yempre nilambing ko e," napangiti si Sol sa sinabi ng kaibigan. Nai-imagine na niya ang panghahaba ng nguso nito sa kabilang linya.
'Yan kasi ang laging reklamo ni Joy sa kaniya, madalas nasa business trip ang daddy niya at kung sa ibang bansa ang pupuntahan nito, madalas ay sumasama naman ang kaniyang ina.
So, Joy always left in the mansion with the maids. Minsan ay dinadalaw lang siya ng Lolo at Lola nito.
Mabuti na lamang at magkapit bahay lamang sila kaya madalas kapag wala ang mga magulang ni Joy ay sa kanila ito nakikitulog.
Wala naman kaso iyon kay Eduardo at Marevic, mas gusto nga nila na laging magkasama ang dalawang bata.
Iilan lamang kasi ang kaibigan ng kanilang anak ngunit iba pa rin ang samahan ni Joy at Sol. They looked and treated each other like sisters.
Hetong nakaraang business trip ng daddy niya ay nauna raw umuwi ang mommy niya dito sa Pilipinas at naiwan pa sa Korea ang daddy niya.
"Mom was annoyed, minsan nagagalit siya sa akin at sinisigawan ako kahit wala naman akong alam na kasalanan," Joy once told to Sol. Nginisihan lamang niya ang kaibigan at hindi gaano sineryoso ang sinabi nito.
Napakakulit kasi nito at pilya kaya inisip na lamang ni Sol na marahil sa dami ng iniisip ng mommy nito kaya minsan ay nawawalan ng pasensya.
Like her mom, dahil malaki na si Sol ay nagpasya ang mommy nito na tumulong sa pagma-manage ng kanilang negosyo.
Kaya nga mas pinili ni Sol na maging independent at lumaking independent para bawas na siya sa iisipin pa ng magulang.
Minsan nga kapag dumarating ang Daddy niya sa mahabang duty sa ospital ay minamasahe ni Sol ang mga paa nito gano'n din niya lambingin ang kaniyang ina na gustong gusto naman ng mag-asawa.
"Dapat kasi bawasan mo ang kulit mo, at lambingin mo kasi lagi ang mommy mo, like giving her a foot massage or back massage baka pagod lang si Tita Amera," tanda pang sabi ni Sol sa kaniya.
Dinig pa niyang dumadaldal si Joy sa kabilang linya pero wala na siyang maintindihan dahil saglit na naglakbay ang isip niya sa parting iyon ng pag-uusap nila.
Patapos na niyang ipitan at itali ng maayos ang buhok nang marinig naman niya ang tila pagbukas ng pinto sa kabilang linya na humalo sa boses ni Joy.
"Joy, are you ready? Aalis na tayo sasabay ba si Sol?" Ang dinig ni Sol sa kabilang linya. It was his Tito Sandro.
"Yes, Dad. Sasabay po siya. Hey Sol, see you outside okay? bye!" she didn't even wait for her reply and she already hang up the phone.
Nang matapos naman ang pag-aayos niya sa sarili ay agad na niyang dinampot ang mga librong nasa study table niya at madaliang isinilid sa kaniyang backpack.
Pagbaba niya ay narinig na niya ang dalawang magkakasunod na busina ng sasakyan.