MARISOL
Friday night, pababa ako ng ten o'clock in the evening. Tinuro sa 'kin ni Ate Sonia, isa sa kasambahay namin, ang telephone.
Busy akong nag-aayos ng mga gamit ko sa taas nang tawagin niya ako.
I mouthed thank you. Saka 'taka at bahagyang nakakunot noo kong sinagot ang tawag na iyon sa telepono.
"Omg! Did you know already?" Ang napakalakas na boses ni Joy sa kabilang linya. Kasunod ng pagtitili nito. Sabi ko na.
Napangiwi ako at bahagyang naingat palayo sa aking tainga ang handset receiver call ng telepono namin.
"Hey Joy, don't scream. I'm not deaf you know.”
"Oh, sorry! I'm just too excited, Sol." Halata naman 'yon sa sigla ng boses niya mula sa kabilang linya.
Puwede naman niya akong tawagan at e-text sa cellular phone ko pero tumawag pa talaga sa landline.
"Yes! Sa wakas magkakasama tayo muli sa bakasyon!" napangiti ako.
Well, kahit ako man, nang malaman kong may weekend vacation kami sa Tagaytay ay halos magtatalon ako sa tuwa.
Knowing na magkakasama kaming lahat, sila mom and dad at ang De Cena family. Mga mabibilang na pagkakataon na pagbabakasyon ng dalawang pamilya nang sabay.
Kadalasan kasi, kapag naglalaan sila ng oras para magkakasama, dinner lang sa kabilang mansyon or dito naman sa mansyon namin.
"Handa na ba mga gamit mo?" Ang tanong ko rito. Kanina kasi nang tawagin ako ng isa sa mga kasambahay namin para sagutin ang tawag niya sa telepono ay kasalukuyan naman akong naghahanda ng mga dadalhin ko para bukas. It wasn't much, isang maliit na hand carry language lang naman ang pinaglalagyan ko ng gamit ko.
"Sila Yaya na ang bahala sa mga gamit ko no, don't tell me ikaw na naman ang gumagawa nun?"
" Yeah, of course. It wasn't much, hindi ko kailangan ng tulong and I was busy doing my things when you called, so don't you call me on my cellular phone instead?" Natigilan siya, saka narinig kong ngumisi sa kabilang linya.
"Sungit mo a, mayro'n ka?" I chuckled.
"Seriously Joy, hindi ako matatapos n'yan!"
"Why don't you ask your maids, Sol. You're refusing the precious time with your best friend, right now." Ang pagdra-drama niyang medyo nagpaikot ng eyeballs ko.
"Joy, it wasn't much so I don't have to. And as I said, you could call me on my cellular phone, saka late na rin kailangan mo nang magpa-beauty rest kung di mo bet magkaroon ng eyebags bukas," ang natatawa kong sagot dito. Narinig ko ang pagbuga niya ng hangin.
"Sige na nga." Oh finally. Magkasama na kami buong araw sa school. I love her, pero minsan napapagod rin ang tainga ko sa kakatili at lakas ng boses niya.
Wala kaming ibang pinag-usapan kun'di about sa mga boys na nanliligaw sa kaniya. Natatawa nga ako kasi sa kaniya ngayon nanliigaw si Vladimir right after niyang walang mapala sa akin.
Ngayon, si Joy naman ang naiinis at parang diring diri.
It was multiple times that slipped into her mouth about do'n sa guy na matagal na niyang gusto but unfortunately the guy was so in love with someone else.
I was at ease dahil kahit paano nagkukuwento na siya about sa nararamdaman niya sa guy na 'yon pati tungkol do'n sa guy.
**
Magtatanghali na nang mapagpasyahan namin ni Joy na magtampisaw sa swimming pool. Ang mga parents naman namin, ay naglibot libot sa palagid ng malawak na bahay bakasyonan na iyon ng mga De Cena.
Nakabikini si Joy at sa edad namin na fifteen ay kita kong hubog na hubog na ang katawan niya na tila isang ganap nang dalaga.
Malasutla ang kaniyang kutis na 'di kakakitaan ng kahit maliit na mantsa.
Pang modelo ang aura niya bagay na 'di ko pinagtatakahan dahil isang dating kilalang beauty queen si Tita Amira, ang kaniyang ina.
Isang simpling one-piece bathing suit naman ang suot ko. "Ang liit mo, Sol."
"I know it, right? No need to remind me," humalakhak siya ng malakas.
Napairap ako sa kaniya. "You're so cute though," pangbawi niya. "Nang-uto pa!" lalo siyang natawa.
Panay ang langoy niya na parang walang kapaguran. Samantalang ako, pagkatapos ng ilang minutong paglulunoy sa tubig ay umahon na at piniling maupo sa gilid ng pool at ibabad na lamang ang mga paa sa tubig.
Pagkalipas ng ilang minuto, sa wakas nakaramdam din yata ng pagod ang babaeng ito.
Tumabi siya sa akin. Hinawi ang tubig na tumutulo pa sa kaniyang mukha kaya inabutan ko ng towel.
Nagsimula siyang magkuwentong muli tungkol sa mga lalake na nagtatangkang manligaw sa kaniya.
Panay lamang ang pakikinig ko habang naglalagay ng sun cream lotion sa legs at arms ko.
Ganun rin ang ginagawa niya, habang nagkukuwento pero ako na ang naglagay ng sun cream sa likod niyang naka-expose sa araw. Ilang sandali lang ay natapos na rin ang walang humpay na kuwento niya about boys.
"Sarap ng ganitong buhay sana lagi tayong may bakasyon together," ang wika niyang nakapikit ang mga mata, may matamis na ngiti sa labi habang nakatukod ang mga braso sa sementong sahig sinasamyo ang sariwang hangin na paminsan minsan ay dumadapo sa aming balat upang ibsan ang init na tama ng araw.
Nakakahawa ang ngiti niya kaya napapikit na rin ako at sabay kaming sinamyo ang hangin.
"s**t, ang hot niya talaga!" napamulat ako ng mga mata.
"What?" I asked. Natigilan siya saglit saka ngumiti, "wala. Sabi ko parang lalong umiinit na," sagot niya.
"Hi girls, mukhang nag-e-enjoy kayo sa tubig a," napalingon ako. "Dad!" masaya kong sambit. Naka-short swim trunk lang siya na suot at alam kong lulusong sa tubig. He always does that at home. Without any warning, lumusong nga siya pa-dive malapit sa amin.
Napatili si Joy sa malakas na pagtalsik ng tubig habang napahagikgik naman ako.
I expected it already he does that all the time. Nang makaahon ay sinabuyan niya pa kami ng tubig gamit ang kamay.
"Hi, my Princesses!" nakangiti niyang bati.
I giggled again. I know what will gonna happen next.
Gumanti si Joy ng pagsaboy ng tubig, dad fought hanggang lumangoy rin si Joy kung nasaan si Dad at naglaban ang dalawa.
Hanggang manguyapit si Joy sa leeg ni Daddy dahil hindi na ito makahinga sa dami ng tubig sa mukha.
"You're so mean, really Tito Eduardo," nakanguso niyang sabi na kinahalakhak lamang ni, Dad. Natatawa na lang ako't naiiling lagi naman ganiyan ang dalawang 'yan kahit sa bahay. Laging napagkakatuwaan asarin ni Dad si Joy.