Third pov
Bakas ang matinding takot at pag-alala sa mukha ni Sandro habang panay ang paroon, parito nito sa harap ng delivery room kung saan naroon ang asawa nito.
Bahagya pa niyang naririnig ang sigaw ng kaniyang misis habang inilalabas nito ang kanilang anak mula sa kaniyang sinapupunan.
Hindi siya pinayagan ng isa sa mga doktor na magpapaanak sa kaniyang asawa na sumama sa loob at gano'n din ang advice ng uncle Ed niya, ang ama ng matalik niyang kaibigan na si Eduardo.
"Puwede ba Sandro, maupo ka na nga muna at kalmahin mo ang sarili mo?" Ang mahinahong saway ng kaniyang ina.
Napahinto siya sa paglalakad at tinignan ang ina. Mababakas ang pagbabanta sa mga mata ng ginang sa anak niyang kanina pa parang pusang 'di matae.
Laglag balikat itong umupo na rin sa bakanting upuan na naroon ngunit wala pang isang minuto ay napatayo siyang muli sa kinauupuan at aktong susugod na sa loob ng delivery room nang marinig muli ang hiyaw ng kaniyang misis mabuti na lang at mabilis siyang napigilan ng ama at ina nito.
"Sandro nakakahiya ka, huminahon ka nga normal sa nanganganak ang masaktan, Dios ko dalawang magagaling na doktor na ang magpapaanak sa asawa mo at 'di mabilang na nurse. Hindi siya pababayaan do'n!" ang naiinis nang sabi ng kaniyang ina.
"Ma, hindi n'yo maiaalis sa akin ang mag-alala. Hindi n'yo ba naririnig ang sigaw ng asawa ko?" Ang yamot niyang sagot.
"E, kung nasa loob ka rin naman baka kanina mo pa tinatakot ang sinisigawan ang mga doktor at nurse do'n sa loob, tsk!" supla naman ng kaniyang ama na mukhang iritado na rin sa kaniyang kinikilos.
"Huminahon ka nga at walang maitutulong kung para kang pusang 'di matae d'yan at panay ang paroon, parito mo. Kami ang nahihilo sa'yo e," dagdag sabi ng kaniyang ama.
Dalawang doktor ngayon ang nakatoka para sa panganganak ng kaniyang asawa maliban sa mga nurse na hindi niya sigurado kung ilan.
Gusto niyang masiguradong ligtas ang kaniyang asawa pati na rin ang paglabas ng sanggol sa sinapupunan nito.
Magkahalong takot at excitement ang nararamdaman niya. First-time daddy kasi siya kaya hindi niya alam kung paano nga ba e-handle ang halo-halong pakiramdam na nararamdaman niya ng mga sandaling iyon.
Matinding pag-aalala, takot at excitement ang nararamdaman niya. Naaawa na siya sa asawa na kanina pa sumisigaw sa sakit dapat ay nasa loob siya ng delivery room bilang suporta sa kaniyang misis pero hindi siya pinayagan.
Pero kung sabagay tama ang daddy niya, kung nasa loob naman siya ng delivery room at nakikita niya kung paano nahihirapan ang kaniyang asawa sa panganganak ay baka nga masigawan niya ang mga doktor at mga nurse na umaasikaso rito.
Baka nga makasuntok pa siya e, imagine makikita niya si Amira na namimilipit sa sakit at pagod na pagod na at namamaos pa sa kakasigaw, parang hindi niya kakayanin na masaksihan ang mga iyon.
"Kumusta na, nakapanganak na ba?" Natigilan siya at napalingon.
Pilit ang ngiti niyang sinalubong ang matalik na kaibigan na si Eduardo kasama at nakaalalay sa asawang buntis at namimintog na rin ang tiyan sa bilog. Halos kabuwanan na rin nito at ang alam niya ay sa susunod na buwan na rin ang due date nito.
"Wala pa nga, tol. Naiinis na nga ako ilang oras na sila sa loob," ang reklamo nito na kahihimigan ng matinding pag-aalala. Tinapik siya ng kaibigan sa balikat, "huminahon ka, pasasaan ba at makakaraos rin si Amira. Isa pa, magagaling ang mga doktor namin dito tol," may pagmamalaki at nakangiti nitong sabi.
Pag-aari kasi ng pamilya nito ang kilala at pribadong ospital na iyon. He boredly looked at him and smiked, "tignan natin kung masasabi mo rin 'yan ng nakangiti kapag nanganak na rin ang asawa mo," ang sagot niyang tinawanan lamang nito.
Maya-maya pa'y dumating na rin si doctor Santos ang ina ni, Eduardo.
Mula sa waiting area kung saan nakaupo ang mga magulang ni Sandro ay tumayo ang mga ito nang makita ang papalit na ginang.
"Wala pa bang balita?" Tanong nito nang makalapit.
Nagbatian ang mga ito saka binalingan ng doktor- ginang si Sandro
"Wala pa nga Mare, ang huling balita namin nasa 4 cm pa lang siya pero kanina pa namin naririnig ang sigaw ng manugang namin mula sa loob," ang ina ni Sandro ang sumagot.
Humalik naman sa pisngi nito si Eduardo at Marevic. "Kayong dalawa ba ay handa na sa ganitong eksina?" Biro ng ginang sa kaniyang anak at manugang. Napakamot sa batok si Eduardo. Kung tutuusin ay sanay na siya sa mga ganitong eksina pero nakakaramdam pa rin siya ng matinding nerbyos. Ang asawa naman nitong si Marevic ay napakagat labi na lamang sa tanong na iyon ng doktor nilang ina.
"O ano, hindi ka nakaimik d'yan? tatawanan din kita tignan natin," ang pang-aasar ni Sandro sa kaibigan. Bahagyang natawa ang lahat.
"O siya, at papasok ako sa loob at aalamin ko ang kalagayan ng panganganak ni Amira," ang paalam na nito sa lahat.
"Baby, sana huwag mong pahirapan si Mommy at lumabas ka agad," ang bulong ni Marevic habang haplos ang napakabilog nang tiyan.
Hindi nakaligtas sa pandinig ni Eduardo ang bahagyang panginginig sa boses ng asawa.
Masuyo niya itong kinabig at hinalikan sa buhok, " you don't have to worry hon, kasama mo ako hindi kita pababayaan. Maipapanganak mo ng maayos ang anak natin," ang nakangiting pagpapanatag ni Eduardo sa kalooban ng asawa.
Tumango itong nakangiti. Kakatapos lang mag-aral ni Eduardo bilang doktor.
Halos kalahating taon na rin itong nagtratrabaho sa pag-aaring ospital ng pamilya.
Naka-leave lamang ito limang buwan na ang nakakaraan dahil naging masilan ang pagbubuntis ng asawa nito sa kanilang anak.
At ngayon nga sa napipintong panganganak ng asawa ay halos ayaw na niya itong mawala sa paningin.Siya ang personal na nag-aalaga sa asawa hanggang sa maipanganak na nito ang kanilang anak.
May isang oras pa ang nagdaan nang makarinig sila ng malakas na iyak ng sanggol.
Sabay-sabay pa silang nagkatinginan at saka napasigaw si Sandro, "nakanganak na ang asawa ko!" lalo siyang hindi makapaghintay na makita na ang kaniyang mag-ina.
Gustong-gusto na nitong sumugod sa loob pero panay ang pigil sa kaniya ng mga kasama.
Pero gano'n pa man, nakahinga siya ng maluwag nang lumabas si Doctora Santos, ina ni Eduardo at ibalita nito sa lahat na ligtas na naipanganak ni Amira ang anak nila ni Sandro at isang napakaganda at napakalusog na babaeng sanggol ang anak nito.