18

1376 Words
"Apat na araw ang nakalilipas. At sa apat na araw na nagdaan para laging sa sabak sa away si Kulugo. O para bang ito'y bulkan na anumang oras ay pwedeng sumabog. Patungo ako ngayon sa opisina ni Demon. Ngunit dito palang sa labas naririnig ko na ang hiyaw nito. "Mayroon na naman sigurong pinapagalitan na empleyado. Bumukas ang pinto at lumabas ang isang babae at lalaki. Parang mga pasan ang mundo ng mga ito. Ano kayang nangyari?" Nag-aalangan tuloy akong pumasok sa loob. Ngunit baka lalong magalit kung hindi ako pumunta. Dahil kanina pa ako pinatatawag ni Demon. Marahan kung binuksan ang pinto. Ngumiti ako ng makita kong nakatingin sa'kin si Demon. "Bakit ngayon ka lang Keith?" Kanina pa kita pinatatawag halos magbuga ito ng apoy sa pagtingin sa'kin. Nakita kong mayroon itong kinuhang envelope. Ang hindi ko ina-asahan ay yung ibato nito sa harap ko ang laman ng envelope. Lumaki ang mata ko ng makita kong ako ang nasa picture at kausap ko si Rodel. Sa aking pagkakaalam simula ng maging kami ni Demon. Pinag-bawalan na ito ni Demon na umakyat dito. Hindi pa kami nagkikita. At itong picture na ito'y matagal na. Nag request lang si Rodel na kung pwede raw kaming mag picture habang nag-uusap. "Paanong napunta ito kay Demon?" Saka wala lang naman ang picture na ito. Bumukas ang pinto at pumasok si Myra. "Oohh! Sinabi mo na ba sa magaling mong asawa O pinakita mo na ang mga picture Honey? Tanong ni Myra. "Lumabas ka na Myra! Mayroon pa kaming pag-uusap, wika ni Demon. Honey ! Huwag mong sabihin maniniwala ka sa sasabihin ng magaling mong asawa. Nandiyan na nga ang katibayang mayroon lalaki ang asawa mo wika ni Myra." "Sigurado ka? Na mayroon akong lalaki? Galit na tanong ko rito. "Hindi mo na maloloko ang asawa mo Kieth Galindo. Nasaharap na niya ang mga katibayan, wika nitong naka-ngisi. "Paano mo masasabing katibayan ang mga iyan? sa aking pagkakaalam ay nag-uusap lang kami diyan ni Rodel. Saka matagal na ang picture na naiyan, galit na wika ko rito. Kung maniniwala pa sa'yo si Demon. Malay ba niyang kalaguyo mo ang lalaking iyan turan nito at tumingin kay Demon. Lumabas ka muna Mayra! Mariin utos ni Demon. "Okay! HONEY! Na sa iyo na kung paniniwalaan mo pa ang babaeng iyan. "Kami na lang ni Demon ang natira sa loob ng opisina nito. "Siya ba ang lalaki mo Kieth?! Galit na tanong ni Demon. Parang sumama ang loob ko. Dahil parang mas paniniwalaan pa ni Demon ang pesteng Espasol na iyon. Ang ibig-sabihin lang nito'y walang tiwala sa akin si Demon. "Tinatanong kita Kieth? Siya ba ang kalaguyo mo? Hindi ka ba nakuntinto sa'kin? Galit na hiyaw nito. "Ganyan ba ang tingin mo sa'kin Demon? "Dahil iyon ang nakikita ko sa picture na ito Kieth. "Kung ano ang nakikita at nararamdaman mo 'yon ang paniwalaan mo. Hindi ko na kailangang magpaliwanag sa'yo! Wika ko sabay talikod rito. Wala kong narinig nasalita nito. Ni hindi ako tinawag nito. "Paglabas ko ng opisina nakita ko agad ang mukha ni Mayra. Naka-ngisi ito sa akin. "Ohh! Ano ka ngayon. Hindi porket mag-asawa na kayo hindi na kayo mag-hihiwalay. Kung ako sa'yo bumalik ka na kong saang squatter ka galing. Dahil hindi ka nababagay umapak sa lugar ng mayayaman. "Pagmamaliit nito sa'kin. Lumapit pa nga ito sa akin. at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Ano kayang nakita sayo ni Demon? Hindi ka naman kagandahan. Kung tutuusin talampakan lang kita, saad nito. "Parang umusok ang ilong ko sa mga sinabi nito. Bigla rin kumati ang palad ko aahh!" "Itinaas ko kamay ko at walang babalang malakas ko itong sinapak. At isa pang sapak sa kabilang mukha nito ang ibinigay ko. Oohh! Sorry! Sa squatter kasi ako nakatira kaya siga rin ako pag-inaapi ako. "Nakita kong nagulat ito sa ginawa ko. "Anong nangyayari dito? Boses ni Kulugo. At lumapit pa sa'min. "Honey! Tingnan mo ang ginawa sa'kin ng babaeng yan? Umiiyak na sumbong ni Myra. "Parang nakulangan yata ako aah! Dahil bigla ulit kumati ang palad ko. Saktong baling ko kay Demon isang malutong na sampal ang inabot ng mukha nito. "Damn!" Wika nito. Ano bang problema mo bansot? "Wala akong problema natutuwa lang akong sampalin kayong dalawa. Magsama kayo! Simula ngayon araw na ito Kulugo. Hiwalay na tayo hiyaw ko rito sabay talikod. "Kieth!!!" Tawag sa'kin ni Demon. . Mr Impossible 28 . "Kieth! Anong nangyayari sayo? Bakit galit na galit ka? Nakikita ko tuloy ang pag-usok ng ilong mo. Panga-ngasar sa'kin ni Analyn." "Hindi ako nagagalit Analyn. Natutuwa lang ako! Saad ko rito. Hmmm. Pwede bang makahingi ng favor bestfriend? "Oo naman ano ba 'yon? Tanong nito. Pwede bang doon muna ako sa bahay mo kahit dalawang araw lang? Tanong ko. "Oo! Walang problema. Siguro nag-away kayo ni Sir Demon?" "Mamaya ko na sa'yo ipapaliwanag. Gusto ko nang makaalis dito, naiinis na wika ko. "Okay! Kailangan na nating umalis habang hindi pa lumalabas si Sir Demon. Mabilis lang kaming nakalabas ng building at agad na sumakay ng taxi. "Pagkarating ng bahay ni Analyn! Agad kong sinabi dito kung bakit kami nag-away ni Demon. Napaluha tuloy ako habang nag ku-kwento. "Sssshhh! Tumigil kana Kieth. Pasasaan ba at magkakaayos rin kayo ni Sir Demon. Nabigla lang iyon sa mga sinabi niya sayo. Nagseselos lang siya, pag-aalo sa'kin ni Analyn. "Kahit na. Na-iinis pa rin ako. Parang na-niniwala pa siya sa penteng Espasol na 'yon. Nakakasama lang ng loob. "KIETH! Tama lang ang punta mo rito mayroon akong bagong bili na alak. Sa samahan kita magluksa tayo ngayon gabi pahayag ni Analyn. "Naglabas nga agad ito ng alak. Agad kong binuksan ang bote at walang babalang tinungga ito. Hindi ko naramdaman ang pait. Ang ramdam ko ng mga oras na ito'y nasaktan ako sa mga sinabi ni Demon. Akala ko ba mahal ako ng pesteng kulugo na iyon. "Hey! Kieth! Dahan-dahan naman. Ginawa mo naman parang tubig yan. Dapat sabay tayong malasing aahh" Bulalas nito. "Ngunit hindi pa umaabot ng isang oras kaming nag-iinom. Umiikot na agad ang paningi ko. "Lasing kana agad, Kieth? "Ang tapang naman pala nitong alak mo kaya mabilis akong malasing turan ko. "Paanong hindi ka malalasing tinungga mo ba naman. Nakailang bote kana nga. "Matutulog na ako besty! Saan ba ang magiging kwarto ko? Tanong ko rito. "Tumayo ito at inalalayan ako upang makapunta sa magiging silid ko. Pabagsak akong nahiga sa kama. "Nagising lang ako ng gisingin ako ni Analyn. Tinatanong kung papasok ako sa trabaho." "Ano Kieth? Papasok ka ba ngayon? Tanong ulit nito. Bukas na lang siguro lalo at wala akong susuoting uniform. Kukunin ko pa sa bahay ni Demon mamaya. "Sige! Tugon nito at umalis na. "Naghanda ako upang pumunta sa pad ni Demon. Kukunin ko lang yung mga gamit ko roon. Dahil wala akong gagamitin. Siguro naman wala na ito sa bahay niya. Dahil maaga itong pumapasok sa opisina. "Ayaw kong umuwi sa bahay ni inay. Dahil ayaw ko rin itong bigyan ng problema. Paglabas ko ng bahay ni Analyn. Mayroon dumaan na taxi. Sumakay ako upang pagpahatid sa pad ni Demon. Mabuti na lang talaga at mayroon ibinigay na duclicate key sa'kin si Demon. Kaya pwede akong makapunta sa pad nito. Nangmakababa ng taxi agad akong pumunta sa elevator. Nakahinga lang ako ng maluwag ng makita kong wala si Demon dito sa loob ng pad nito. Pumunta agad ako sa cabinet para kunin ang mga damit ko. Ganoon din ang uniform ko. Papalapit na ako sa pinto ng makita kong mayroon nagbubukas at papasok sa loob ng pad. Hindi na ako nag-isip at basta na lang sumuot sa ilalim ng kama. "Anak na tukwa oohh! Hindi kaya bumalik dito sa pad, si Demon? Narinig kong tuluyan nang nakapasok at nakita ko ang sapatos nito. Tama nga ang hinala ko. Si Demon ay bumalik dito sa pad. "Nag-alis ito ng sapatos. Naku po! Paano ako rito makakaalis. "Tagaktak na ang pawis sa noo ko. Dahil mahigit kalahating oras na ako dito sa ilalim ng kama. Kaso ang lintik na kulugong ito hindi pa rin umaalis. Wala ba itong balak pumasok sa opisina nito? Nakakainis. "Narinig kong tumunog ang cellphone nito. "Sige pupunta na ako! Dinig ko pang wika ng lalaki. Nag-diwang ako ng makita kong naglalakad na ito palabas
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD