""Pagkadismaya ang nakikita ko sa mukha ni Kulugo. Parang gusto akong hampas sa klase ng tingin nito. Bakit? Ngayon pa iyan dumating? Na-iiritang saad nito. Pansin kong parang nalugi ito ng isang milyon.
"Eh.. Sa ngayon dumating. Alangan naman na pigilan ko, katwiran ko rito.
"Kung pwede naman yatang pigilan sana'y pinigilan mo mo na Kieth, naiinis na giit nito.
"Ano raw?! Hoy Mr Kulugo. Hindi pwedeng pigilan iyon.
"W-what?!" Tinawag mo akong kulugo? Galit na turan nito sa'kin.
Gusto kong tumawa ng malakas dahil tingin ko'y umuusok ang ilong nito sa galit.
"Matulog kana bansot! Sabi nito sa'kin at tumalikod. Nagdadabog pa nga na pumasok ng banyo.
"Humiga ako sa kama. Upang magpahinga. Sa totoo lang mababaliw ako sa mga nangyayari sa'kin. Bukas kaya ano pa kayang kakaibang mangyayari na naman sa akin?"
"Ngunit bago ako tuluyang makatulog ramdam kong tumabi sa'kin si Demon. At mariin din akong hinalikan sa lips medyo kinagat pa nga nito.
Ungghhh! Ungol ko ng mas mariin nitong kinagat ang lips ko."
"Damn!" Malakas na wika nito. Sabay alis sa tabi ko. Narinig kong lumabas ito ng kwarto. Bahala ka diyan. Basta ako matutulog.
"Nagising lang ako sa lakas ng kalabog kaya bigla akong napabangon. Nakita kong sinipa ni Demon yung basurahan.
"Anong problema ng lalaking ito? Ang aga-aga ang init agad nang-ulo. Nakabihis na rin ito at tingin ko'y papasok sa opisina.
"Bansot. Bilisan mong kumilos dahil malalate na tayo, asar na turan nito sa'kin.
"Kaya nagtatakbo ako patungo sa banyo. Upang maligo 1-2-3 nga lang yung paliligo ko dahil baka iwanan ako ni Kulugong may sapi.
"Agad akong nagbihis ng uniform ko.
"Ang liit na suot mo bansot. Palitan mo iyan. Ang tigas ng ulo mo. Sinabihan na kita 'di ba? Asar na wika nito .
"Wala akong ibang uniform ito lang ang mayroon ako.
"Mag pantalon ka na lang bansot.
"Masamang tingin ang ibinigay ko rito. Tinaasan lang naman ako ng kilay ni kulugo. Kaya lalong nag-init ang ulo ko. Walang babalang inalis ko ang suot kong uniform at basta ko na lang ibinato rito.
"Sa mukha ito tinamaan. Agad akong umalis sa harap nito. Baka kasi gumanti pa ito sa'kin.
Nangmatapos akong magbihis. Lumakad ako papalapit kay Kulugo. Nakita kong nakasimangot itong tumingin sa'kin. Nakatupi na rin nang maayos ang damit kong ibinato rito.
"Sabay kaming lumabas ng pad nito. Nakahawak pa nga ito sa bewang ko at panay ang pisil doon. Ngunit hindi yata nakuntinto sa kapipisil kaya ipinasok ang kamay sa loob ng damit ko.
"Wala na ba? Tanong nito.
"Ha?!"
Sabi ko kong wala na yung dalaw mo?
"Aaahh..Ehh. Matagal mawala 'yon, sabi ko rito. Nakita ko na naman nagsalubong ang kilay nito.
"Ang tagal naman mawala niyan! Iritang wika nito.
"Panangisi na lang ako ng palihim. Dahil nakikita kong nagagalit muli si Demon.
Nakarating kami sa opisina nito. Hindi mo na ako pinalabas dahil kakain pa raw kami ng agahan.
Bago ako lumabas ng opisina nito mariin pa akong hinalikan sa labi.
"Huwag kang makikipag-usap sa mga lalaki Kieth. Iritang saad nito.
"Opo! Tungon ko riton.
"Sabihin mo nga diyan sa dalaw mo bilis-bilisan na umalis. Na-iinis na wika nito bago bumalik sa table at mag-umpisa nang gawin ang mga dapat pirmahan.
"Diyos ko! May pagka-kulugo talaga ito. Sobrang demanding pa.
"Dumating ang pananghalian. Tumayo ako upang pumunta sa opisina ni Demon.
"Hey! You!" Bigla akong lumingon at nakita ko ang babaeng mukhang espasol ang mukha sa kaputian parang tinudo ata ang face powder. Morena ang kulay nito. Pero hanip kong maglagay na face powder.
"Good day po Ma'am! Wika ko.
"Nandiyan ba si Demon?"
"Opo, Ma'am nandoon po sa opisina niya.
"Mabuti naman kong ganoon, turan nito at lumampas sa'kin.
Sumunod ako rito. Nakita kong hinarang ito Dore.
"Hindi po kayo pwedeng pumasok Ma'am. Busy po si Sir Demon ngayon, wika ni Dore.
"Huwag mo nga akong pigilan dahil alam ni Demon na pupunta ako rito. Hindi mo ba ako nakikila? Ako lang naman ang girlfriend niya, galit na wika ng babae.
"Tumingin sa'kin si Dore. Tumango lang ako rito. Upang magbigay ng hudyat na papasokin na niya ang babae. Nakita kong Umiiling na lang si Dore.
"Sumunod rin akong pumasok sa loob ng opisina ni Demon. Nakita ko ang babae na nagmadaling lumapit kay Demon at kumandong sa hita nito.
"Nagulat pa si Kulugo ng biglang umupo sa hita nito si Espasol.
"Anong ginagawa mo dito Myra?" Tanong ni Demon.
"Gusto lang kitang makita honey! Maarting sabi ni Espasol. Nakita kong nagsalubong ang kilay ni Demon. Mas lalo akong nagulat nang basta na lang nitong itinulak ang babae.
.
Mr Impossible
.
"Honey!" Bakit mo ako itinulak?" Maluha-luhang tanong ni Espasol.
"Huwag mo nga akong matawag-tawag na honey! Saka bakit nandito ka sa opisina ko?
"Gusto lang kitang makita Demon.
"Ayaw kitang makita Myra. Dahil hindi ako natutuwa sayo. Ngayon lumabas ka ng opisina ko kung ayaw mong kalad-karin pa kita palabas, galit na hiyaw ni Demon.
"Demon. Alam mo naman mahal kita. Bakit hindi mo ba ako magawang mahalin. Hindi naman ako pangit, pahayag ng babae habang umiiyak.
"Hindi kita mahal, Myra. Kaya lumabas kana. Mayroon na rin akong asawa. Kaya tigilan mo na ako.
"Biglang nagalak ang puso ko sa mga narinig ko mismo sa bibig ni Demon. Nakatalikod ito sa akin kaya hindi pa ako nakikita.
"Tumayo ang babae at nagmamadaling tumakbo palabas ng opisina nito.
"Hmmm.."Sir! Ako rin ba ay aalis na?" Tanong ko.
"Bigla itong lumingon sa'kin. Masama pa rin ang timpla ng mukha nito. Bakit ngayon ka lang pumunta? Kanina pa kita hinihinta aah! Asar na sabi nito sa'kin.
"Mayroon pa po kasi akong tinapos Sir! Kaya ngayon lang ako nakapunta rito.
"Come here, Kieth!"
"Alanganin tuloy akong lumapit rito. Dahal baka itulak rin ako katulad ni Espasol. Saktong panglapit ko'y bigla akong hinawakan sa bewang at sinunggaban agad ang lips ko. At mapusok na hinalikan. Pumasok na rin ang kamay niyo sa loob ng damit ko.
"Inawat ko agad ito habang maaga pa.
"Sir! Awat mo na dahil mayroon pa akong dalaw.
"Damn!" Kailan ba mawawala ang iyong dalaw? Huwag mong sabihin aabutin pa ng tatlong araw iyan? Asik nito sa'akin.
"Isang linggo Sir! Wika ko.
"Hindi ito nagsalita ngunit ramdam kong mainit na naman ang bungo nito. Kaya tumahimik na lang ako dahil baka madamay pa ako.
"Mayoon itong tinawagan sa telephone. Nag-order lang pala ng kakainin namin. Pabagsak pa nga nitong ibinaba ang telephone.
"Dumating ang order namin. Wala itong imik ng ilagay sa tapat ko. Ang para sa akin na pagkain. Tahimik lang itong kumakain pero ramdam ko ang gigil nito pag nag slice ng ulam nito."
Para bang doon ibinubuhos ang galit. Napapailing na lang ako sa nakikita kong itsura ni Kulugo. Para laging gustong makipaga-away ang pasaway na lalaki."
Tapos na akong kumain kaya nagtangka akong tumayo upang lumabas. Lumapit ako rito upang mag-paalam na lumabas.
"Sir! Lalabas na po ako! Ngunit hindi ito nagsalita patuloy lang na nakatingin sa laptop. Lumapit ako rito upang halikan ito sa lips nito. Hindi naman ito umiwas.
"Bagkus tumugon ito sa halik ko. Saglit lang ang ibinigay kong halik rito.
"Galit ka pa?" Tanong ko.
"Nakasimangot lang itong tumingin sa'kin. Ang arte naman ng love ko. Paglalambing ko rito.
"Pinisil lang nito ang ilong. Lumabas kana bansot baka magahasa pa kita ngayon. Kahit na mayroon kang dalaw."
Ngunit hindi ako nakinig dito. Lumapit pa ako at pasaklang na umupo sa hita nito at nakaharap din dito.
"Huwag ka ngang masyadong mag-sungit at huwag din laging nakakunot ang noo mo Mr Kulugo. Dahil tatanda ka agad. Paalala ko rito.
"Nakita kong nakapikit ito at medyo awang ang labi.
"Hey! Anong nangyayari sayo?!" Tanong ko.
"Aahhh! Wika pa nito. Lumaki ang mata ko nang maramdaman kong mayroon tumutusok sa sakin, sa pagkakaupo ko sa hita nito.
"Damn!" Bulong nito.
"Nagmamadali akong tumayo ng maalala ko kung ano ang bagay na iyon. Nagmulat ito ng mata at tumingin sa akin. Nakikita ko sa mga mata nito ang matinding pag-nanasa.
"Nagmamdali akong lumakbo palabas ng opisina ni Demon. Baka nga ma-rape ako kahit mayroon pa akong pula.
"Alas singko ng hapon oras na nang uwian. Nakita kong papalapit si Demon. Ngunit hindi pa rin maipinta ang pagmumukha nito. Kahit sinong magaling na pintor hindi kayang ipinta ang busangot nitong pagmumukha.
"Naka-kunot na naman ang noo mo turan ko rito ng lumapit ito sa harap ko. Humarap ako rito upang hilutin ang noo nitong naka-kunot. Tumaas ang gilid ng labi nito habang nakatingin sa'kin.
Hindi ito nagsalita pero humawak ito sa bewang ko bahang naglalakad kami. Inamoy pa nga nito ang leeg ko.
"Bansot mayroon pa ba? Mahinang tanong nito sa'kin.
"Oo myroon pa. Di ba nga! Sabi ko isang linggo bago mawala, wika ko.
"Ang tagal naman. Diyan na yata titira iyan, asar na sabi niya sa'kin.