19

1366 Words
''Nagmadali akong lumabas sa pinagtataguan ko. At tumakbo patungo sa pinto at binuksan ko ito. Ngunit nagulat ako dahil mayroon nakaharang na malaking bulto ng tao sa harap ng pintuan. Nakatalikod ito habang ang isang kamay ay nasa bewang nito." "Bigla itong kumingon sa'kin. Nakakunot pa nga ang noo nito ng tumingin sagawi ko. "Hmmmm.." Excuse me Sir. Makikiraan po sana ako, alanganin kong wika rito. Ngunit hindi ako pinansin, umurong pa ito kaya lalong hindi ako makalabas ng pad nimg lalaki. Nakasimangot tuloy akong tumingin sa malapad nitong likod. Kaya sa inis ko rito'y malakas ko itong itinulak kaya kang hindi man lang natinag sa pagkakatayo. Patuloy pa rin ito sa pakikipag-usap sa cellphone nito. Ayaw mong umalis ha, tingnan natin kong 'di ka matinag sa gagawin ko. Mahina kong bulong. "Mabilis ko inilapat ang nakabuka kong bibig sa likod nito at mariin kong kinagat. "F*ck!!" Hiyaw nito. Kaya tumingi ito sa'kin at tingin ko'y gusto akong ihampas sa hamba ng pinto. "Ano bang problema bansot? Sumusobra ka na aahh! ang liit mong babae ang patapang mo aaahh, gulalas nito. Siguro'y kong lalaki ako kanina pa ako na suntok nito. "Umalis ka kasi sa daraanan ko kung ayaw mong masaktang. Baka hindi lang yan ang abutin mo sa'kin Kulogo. "Umayos ka babae! Hindi na tama ang ginagawa mo pahayag nito. "Tumabingi lang ang labi ko at pairap na tumingin dito. Pinilit kong pagkasyahin ang katawan ko sa gilid upang makaalis na ako. Kaya lang inipit ako ni Demon. "Ano bang problema mo kulugo? Lalabas nga ako 'di ba! Asar na wika ko. "Sinong may sabi makakaalis ka dito sa bahay ko. Walang lalabas nitong bahay ko Kieth turan nito at sapilitan ako ipinasok sa loob ng pad nito. "Ano ba? Saka sino ka para pigilan ako sa gusto ko ha? Di ba nga hiwalay na tayo? Hiyaw ko rito. "Pumasok ka na kasi sa loob, bansot. Ang dami mo pang sinasabi eh! Tingin mo basta na lang akong papayag sa nais mong hiwalay! Hindi pa ako nababaliw pahayag nito. Inilock nito pinto at basta na lang itinapon ang susi. Talagang balak mo akong iwanan ha, pagpapatuloy nito. Kinuha mo pa talaga itong mga gamit mo dito sa bahay! Naka-simangot akong tumingin rito. Nagulat ako ng lumapit ito sa'kin at mahigpit akong niyakap. Nagpumuglas ako dahil nagtatampo pa rin ako rito. Kaso mahigpit ang pakakayakap niya sa'kin. Patawad sa mga nasabi ko sayo Kieth! "I love you so much! Bulong nito sa may puno ng tainga ko." Hindi ako nagsalita. Ngunit sa puso ko'y masaya ako dahil nagkaayos na kamin ni Demon. Panay din ang halik nito sa noo at mukha ko. "Sinong hindi magagalit sayo? Mas pinaniwalaan mo pa ang babaeng yon! Asik ko rito. "Nag buntong-hininga mo na ito bago nagsalita. "I love so much! Alam kong malaki ang kasalanan ko sayo dahil sa mga sinabi ko. Nakakapag-init naman naman kasi ng ulo 'yong mga picture na iyon. Lalo at kausap mo ang lalaking 'yon. Gusto ko ako lang ang kakausapin mo pahayag ni Demon. "Ehhh.. "Matagal na kaya ang picture na yon. Hindi pa nga kita nakikilala ng magpapicture kami ni Rodel. Sinong naman nagbigay sayo noo? Tanong ko. Si Myra. Nakita lang daw niya sa daan. Noong papasok dito sa building. "Naniwala ka naman?" Naninira lang yon. Dahil ang totoong motibo niya ay mag-away tayo at nang maghiwalay. Para maakit ka na niya. Dahil tingin ko'y patay na patay sayo ang espasol na 'yon asar na wika ko. "Sorry na bansot! Bulong nito at bigla akong hinalikan sa labi. Mapusok ang halik nito. Malikot na rin ang mga palad at panay pisil sa bewang ko. "Mayroon pa ba? Tanong nito. "Ha?!" Kunot noo akong tumingin rito." Hmm, ang sabi ko kung mayroon ka pang dalaw tanong nito. "Aba! Teka lang naman mo na hindi pa nga tayo nag-uusap ng maayos! Galit pa ako sayo aahh! Mamaya kana magalit Kieth! Bulong nito at nag-umpisa na sa paghalik sa leeg ko. At mariing din itong kinagat. "Isa-isa nitong inalis ang suot kong damit. Kaya para akong nilamig. Anak ng kulugo oohh! Dahil hindi ko na mapipigilan si Demon sa nais nito." Mr Impossible . ."Mapusok ang paghalik nito sa aking labi. Kulang na nga lang ay kainin nito ang labi ko. Kaya lang bigla akong napamulat ng mga mata ng marinig kung mayroon nag do-doorbell sa labas ng pinto ng pad nito." Kaya inawat ko ito. Mayroon tao, mahina kong wika. "Hayaan mo 'yon, sagot nito at pinagpatuloy ang ginagawa. Ngunit sadyang makulit ang nag do-doorbell. TEKA lang nga mo na! Buksan mo muna ang pinto at baka mahalagang tao ang nag do-doorbell. "Damn!!!" Malakas na wika nito at umalis sa ibabaw ko. Nakita kong nagbibihis ito. Tumayo na rin ako upang magbihis. Nagdadabog pa nga itong lumapit sa pinto upang buksan. "Ohhh! Demon. Ayaw mo ba akong makita at ganyan nang klase ng mukha ang ihaharap mo sa'kin? Lumaki ang mata ko ng marinig ko ang ina ni Demon. "Nasaan si Kieth? Totoo bang nagpakasal na kayo agad? Akala ko'y next month pa. Baka pinilit mo lang si Kieth ha, Anak. "Ang ingay mo Ma. Para kang si Kieth, naiiritang saad ni Demon. "Nakita agad ako ng Mama ni Demon. Mabilis itong lumapit sa'kin at niyakap ako. "Hija nabalitaan kong kinasal na raw kayo? Nitong anak kung demanding. Alanganin akong tumango rito. "Naku hija, intindihin mo na lang minsan ang topak nitong anak ko ha. Ito'y manang-mana sa kanyang ama. Pero wala akong naging pagsisisi na ang ama ni Demon ang naging asawa ko, minsan nga lang ay may topak sabi ng ina ni Demon. "Narinig kong ibinagsak ni Demon ang pinto. Kaya bigla kaming napatingin sa taong lumabas. "Anong nangyayari doon sa asawa mo, Kieth? Mukha yatang may sumpong? Nagtatakang tanong ng ina ni Demon. "Hindi ko rin po alam Ma! Turan ko. Kahit ang totoo'y alam ko kung ano ang pinuputok ng buchi nito. "Kieth, hija. Sanay intindihin mo na lang minsan. "Ako na ho ang bahala sa sumpong ng anak n'yo Ma. Wika ko. "Hmmm. "Hija pwede ba akong matulog mo na dito. Nagtatampo kasi ako sa asawa ko. "Opo! Pwede po Ma! Sagot ko. "BUMUKAS! Muli ang pinto at pumasok si Demon. Mayroon itong bitbit na pizza. Inilagay ito sa harap namin. Ngunit padabog rin. "Ano bang nangyayari sayo Demon? Ayaw mo ba akong makita at ganyan kang makaasta? Pagalit na tanong ng ina nito. "Kung ayaw kitang makita Ma! Hindi sana kita binilhan ng meryenda mo, sagot na pabalang ni Demon. "Umayos ka Demon. Saka dito mo na ako nang tatlong araw, nag-away kami ng ama mo. "W-what????" Halos lumaki ang mata ni Demon malakas rin ang pakaka sabi nito ng" What. Kaya nabato si Demon ng unan nang kanyang ina. "Alas otso ng gabi. Lalong nang hindi maipinta ang pagmukha ni kulugo ng malaman nitong sa sofa siya matutulog. At kami ng ina nito ang sa kama. "Malaki naman ang kama tingin ko'y kasya kaming tatlo roon. Tingin ko nga'y gusto lang itong asarin ng ina nito. Nagsusuklay ako ng buhok ng lumabas ito ng cr. Lumapit ito sa'kin at mariin akong hinalikan. "Baka biglang sumulpot ang Mama mo nandoon lang siya sa kusina. Hindi 'yon! Bulong nito. Ngunit narinig ko ang mga yabag papalapit dito sa kwarto. Kaya inawat ko agad si Demon. "Hindi pa tayo tapos! Bulong nito at mariin pang kinagat ang leeg ko. Bumukas ang pinto. Nakita kong pumasok ang ina ni Demon. "Nasaan si Demon, hija? Nagbibihis lang po Ma. Sagot ko. "Manonood lang mo na akong ng tv hija. Baka inaantok ka na. Saka pwede naman pala tayo dito sa kama. Kasya pala tayong tatlo dito sa kama, pahayag ng ina ni Demon. "Lumabas ng dressing room si Demon. Nakakunot pa rin ang noo nito. Ma! Bakit hindi ka pa natutulog? Tanong ni Demon. "Ikaw ang matulog na Anak. Dahil mayroon kang trabaho bukas. Diyan kana matulog sa kama Demon. Kasya pala tayong tatlo diyan "Mabilis na tumabi sa'kin si Kulugo. Pasimple pa nga akong hinalikan sa lips. Dapat pala bumili ako ng pampatulog kay Mama, bulong nito sa'kin. Kaya napalo ko ito sa kamay. "Ang salbahe mo, mahina kong bulong.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD