Unang araw sa trabaho ni Anna bilang nanny, kaya naman maaga siyang bumangon at naligo. Masigla ang bawat galaw niya. Hanggat maari ay ayaw niyang pa-apekto sa mga kasamahan sa loob ng mansion. Kung ayaw nila sa akin, bahala sila. Basta ako, kailangan ko ang trabahong ito! Matapos makaligo ay naghanap si Anna ng masusuot, pero akmang isusuot na niya ang damit nang pumasok sa loob ng silid na inuukupa nila si Bebang, ang mayordoma. Isang silid lang ang ginagamit nilang mga katulong, pero malaki iyon at malapad. May kani-kaniyang bed spaces. Maluwag pa sa kanilang lima. May sariling bathroom at kusina rin iyon. Kung iisipin ay hindi iyon ordinaryong silid lamang. Napatingin si Anna sa damit na inilapag ni Bebang sa ibabaw ng higaan niya. "Iyan ang uniporme mo." supladang sabi ni Beban