Chapter 9

1481 Words

Habang nasa biyahe pauwi ay panay ang pangungulit ni Paolo kay Anna na dumaan sila sa Kidzoona. Madaanan lamang nila iyon pauwi, pero hindi pumayag si Anna kahit na gusto niya sanang pagbigyan ang bata. Alam niyang nasa rules iyon ni Brett, at bawal iyon labagin. ''Ate Anna, please...'' ulit na panunuyo ni Paolo. Sinadya nitong palambingin ang boses at sinabayan pa ng pagpapa-cute. Napabuntong-hininga si Anna, kapagkuwan ay ginulo ang buhok ni Paolo. Yumakap naman sa bewang niya ang bata. Ang driver naman ay panay ang sulyap sa kanila sa rearview mirror. ''Magpaalam muna tayo sa daddy mo. At kung papayag siya, bukas na lang tayo pupunta sa Kidzoona.'' paliwanag ni Anna sa bata. ''Okay...'' anang bata na tila hindi sang-ayon sa sinabi niya. ''Si mommy ko lagi niyang sinusunod ang gusto

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD