“Aray!”
Pilit binabaklas ni Anna ang mga kamay na sumasabunot sa kan'yang buhok. Pakiramdam niya ay matatanggal na ang anit niya dahil sa higpit nang pagkakahawak no'n.
“Buwesit ka talagang babae ka! Nakuha mo pang pumasok sa restaurant ng kumare ko a! Para ano? Para nakawan mo rin sila na gaga ka?!"
Noon lang nalaman ng dalaga na ang Tiyang Gerlie niya pala iyong sumasabunot sa kanya.
"T-tiyang, hindi po... Nagtatraba—aray po!" Ibinalalya ng Tiyahin si Anna sa sahig at pinasundan iyon ng malakas na tadyak sa sikmura ng pinsang si Chloe.
"Sasagot ka pa kay Mama a!"
Nagsitayuan ang mga taong naroon dahil nakaagaw na sila ng pansin. Puno ng awa ang tingin ng mga ito sa dalagang nakalugmok sa sahig habang sapo ang sarilin sikmura. May ilan na gustong umawat pero kalaunan ay mas inisip na lang na huwag nang mangialam. May ibang pailing-iling na tila naniniwalang nagnakaw nga ang kawawang dalaga.
Ang kaibigan ni Anna na si Gina ay patakbong nilapitan ang dalaga. Galit nitong binalingan ang mag-ina na ngayon ay bumalik na sa pagkakaupo na tila wala lang nangyari.
"Mga demonyo kayo! Hindi na kayo naawa kay Anna!" singhal ni Gina sa mag-ina. Inalalayan nitong makatayo ang dalaga na namimilipit pa sa sakit.
"Awa? E, magnanakaw ang babaeng 'yan kaya sinong maaawa d'yan?! Mga letse!" anang Ginang.
"Bakit may proweba kang nagnakaw si Anna? Bakit hindi mo tanongin 'yang anak mo na ubod ng arte na akala mo ikinaganda ang nude na lipstick e muka namang lalamayan na sa itsura niya!" sunod-sunod na wika ni Gina na ikinatayo naman ni Chloe mula sa kinauupuan nito. Namewang ito kay Gina at tinaasan pa ng kilay ang huli.
"Huwag mo'kong taasan ng kilay mong tattoo d'yan baka tapyasin ko 'yan!" singhal ni Gina sa dalaga. Nagtago ito sa likuran ng ina na tila natakot ito sa pagbabanta ni Gina.
Tatalikuran na sana nina Gina at Anna ang dalawang mag-tiyahin nang bigla na lang ang mga itong ambahan ng dalawang bruha. Hinila ang kanilang buhok at pinagsasampal ang kanilang mga mukha. Muling bumagsak sa semento si Anna, nanilim ang mga paningin nito dahil sa ginawang pagsampal ng tiyahin. Si Gina ay hindi nagpapatalo sa pinsan niyang si Chloe, pinagsasampal nito ang dalaga hanggang sa umiyak iyon.
Gustong lumaban ni Anna pero nanaig sa kanya ang respeto para sa tiyahin, iniisip na wala naman siyang mapapala kung papatulan niya ang mga ito lalo't 'di naman totoo ang pinagbibintang nito sa kanya. Wala siyang ginawa kundi ang tanggapin ang malalakas na sampal at tadyak ng kan'yang tiyahin. Tila wala itong nakikita sa paligid, hindi pinapansin ang mga taong naroon at pumipigil sa kanila.
Pati ang amo ni Anna na si Agnes ay pilit nang pinipigilan ang kumare nito pero sadyang hindi nagpapaawat ang Ginang.
"Tama na mare! Mapapatay mo ang bata ano ba!" Pilit na hinihila ni Agnes ang babae.
"Huwag mo'kong pakialam mare! Bibigyan ko lang ng leksyon ang gagang ito para hindi na gawin sa'yo ang ginawa sa'min!" Pagkasabi no'n ay kinuha nito ang isang stool, at akmang ihahampas iyon kay Anna pero nabitin ang mga kamay nito sa ere nang marinig ang malakas, at galit na boses na siyang nagpatigil din sa lahat sa loob ng karenderyang iyon.
"Stop! you f*****g s**t!" anang galit na galit na boses. Lahat ng mga tao ay napatingin sa pinanggalingan ng boses na iyon. Kasama na roon ang mag-ina. Napasinghap ang lahat nang makita ang madilim na anyo ng isang lalaking nakatayo at tila handa nang manakmal sa mga sandaling iyon.
...
Kung kanina ay napipigilan pa ni Brett ang sarili, ngayon naman ay hindi na. Kitang-kita niya kung paanong pagkaisahan ng dalawang babae ang dalaga na walang kalaban-laban sa mga ito. Gusto niyang mainis sa dalaga dahil hindi man lang nito ipinagtatanggol ang sarili at hinayaan na lamang na tanggapin ng katawan ang mga p*******t sa kanya.
"Kapag hindi pa kayong dalawa tumigil sa p*******t sa kanya, sinisigurado kong ako mismong ang tatapon sa inyo sa loob ng kulungan!" Dumadagundong ang boses niya sa kabuuan ng silid na iyon.
"At sino ka naman para pagsabihan ako ng ganyan, aber?" nakataas ang kilay na sita sa kanya ng Ginang. Nginisian niya lang ito saka niya nilapitan ang dalagang nakalugmok sa semento.
"Tama! Sino kaba ha, pogi?" wika pa ng babaeng katabi ng Ginang. Siniko pa iyon ng Ginang. Pero hindi na niya bibigyan pa ng pansin.
"Are you okay?" alam niyang hindi maayos ang lagay ng dalaga pero iyon pa rin ang itinanong niya. Nagtaas ito ng tingin upang matignan siya. Saglit itong natigilan nang magtama ang kanilang mga mata.
"O-okay l-lang po 'ko..." sagot ng dalaga. Alam niyang kasinungalingan lamang ang naging tugon nito dahil kitang-kita niya kung paano ito namimilipit sa sakit.
"Hoy! Tinatanong kita kung sino ka!"
Kung hindi lang masama ang pumatol sa babae ay baka kanina pa niya pinilipit ang leeg ng dalawang ito. Pero hindi siya gano'n kaya naman hindi na lang niya pinansin ang sinabi at pagtawag sa kanya na "hoy" ng Ginang. Walang pag-aalinlangan niyang binuhat ang dalaga. Nagulat ito sa kan'yang ginawa pero hindi naman ito tumutol.
"Hoy lalaki! Bingi ka ba? Sino ka ba sa akala mo ha?!" nanggagalaiting singhal pa ng Ginang.
Binalingan niya ito at binigyan ng pagbabantang tingin. Napatikom ng bibig ang Ginang nang mabasa ang ipinapahiwatig ng mga mata niya.
"Ale, don't try him. Baka hindi mo maubos ang mga kinakain mo. And please, stop calling him 'hoy' dahil sasamain ka na!" saad ng kaibigan niyang si September. Kung may nakakakilala man sa kanya maliban sa mga magulang niya, ay ang mga kaibigan niyang ito.
"Gusto niyo bang dalawa matulog sa presinto ngayong gabi? Feel free to ask me, akong bahala sa inyo. I'm a policeman. And what i saw earlier, ay maliwanag pa sa sikat ng araw na puwede ko kayong kasuhan, pero... iyon ay kung gusto ni Binibining inyong binugbog." ani naman ni Rico. Isang pulis na kaibigan niya.
Napasinghap ang mag-ina. At tila umurong ang mga dila ng mga ito kaya hindi nakapag-salita. Ang mga taong nasa paligid nila ay nagbulong-bulongan rin.
"Kasuhan na 'yan!" anang babaeng kustumer.
"Tama! Kalbuhan na mga 'yan! Mga walang modo, mga bastos!" anang isa pang babae.
"May kuha kaming video! You can use it para gawing ebedensya pogi!" wika pa ng isa.
Napaatras naman ang mag-ina. Takot ang rumehistro sa mukha ng mga ito.
"P-please h-huwag na po s-sir... P-pamilya ko po sila... Hayaan niyo na lang po silang makaalis..." Napabaling siya sa dalaga ng sabihin nito iyon sa pagmamakaawang boses.
Nais na naman niyang mainis. Matapos itong bugbugin wala man lang itong gagawin? Kung siya lang ang masusunod ay bibigyan niya ng leksyon ang dalawa ito. Hindi matatawag na kapamilya ang mag-inang 'to! Masahol pa sa hayop ang tingin sa kawawang dalaga. Pero sino nga ba siya para pangunahan niya ang desisyon ng dalaga? Napabuntong-hininga siya.
"Ikaw ang bahala." Pagkasabi no'n ay nagpatuloy siya sa paglalakad palabas ng karenderyang iyon.
"Saan mo dadalhin ang kaibigan ko?" pahabol na tanong sa kanya ng isang babaeng tumulong sa dalaga kanina.
"Sa malapit na Hospital. Sumunod ka na lang sa mga kaibigan ko." aniya. Maingat niyang pinaupo sa tabi ng driver seat ang dalaga saka siya umikot sa sasakyan upang tumungo sa driver seat. Pero bago niya iyon paandarin ay binalingan niya muna ang dalaga na ngayon ay nakatitig na sa kanya.
Bumaba ang tingin niya sa mga labi nitong may sugat. Nag-awtomatikong gumalaw ang kamay niya, tumaas iyon, at namalayan na lamang niyang hinahaplos na ang labi ng dalaga. Nagulat ito sa kan'yang ginawa at gano'n din naman siya. Pero imbes na tigilan niya ang ginagawa ay inilapit niya pa ang mukha sa dalaga. At walang pasabing siniil ito ng halik. Nang maramdam niyang nagulat ang dalaga sa kan'yang ginawa ay noon lamang siya nahimasmasan.
"s**t!" aniya. Mabilis siyang lumayo sa dalaga. Pinaandar niya ang makina ng sasakyan at mabilis na nagmaneho palayo sa lugar.
Habang ang dalaga naman ay nagtatanong ang mga mata habang nakatitig ito sa kanya. Sapo ang bibig, at hindi makapaniwala sa kan'yang ginawa.
Dinala niya sa pinakamalapit na Hospital ang dalaga. Sumunod naman ang mga kaibigan niya kasama ang babaeng nagngangalang Gina. Nang masiguro na maayos na ang kalagayan nito ay saka siya umalis sa lugar. Pero bago niya nilisan ang lugar ay sinigurado niyang wala nang bill pa na babayaran ang dalaga.
Sa hindi malamang kadahilanan ay imbes na umuwi sa kanilang bahay ay tinunton niya kung saan nakatira ang mag-inang iyon kanina. Nakabuntot naman ang sasakyan ng mga kaibigan niya sa kanya.
Nang mahanap ang bahay ng Ginang ay agad niyang nakita ang mga ito sa labas ng pinto habang walang tigil sa pagdadakdak sa kausap nito. Nang makita siyang paparating ay natigilan ito at akmang papasok sa kabahayan upang pagsarhan siya ng pinto. Pero natigilan ito sa paghakbang nang marinig ang sinabi niya.
"I'm here to remind you na kapag inulit niyo pang saktan ang babaeng iyon, ay hindi ako mangingiming ipakulong kayo. Or, puwede din namang palayasin kayo sa lupang pagmamay-ari ko. You can decide which one you like sa dalawang iyan. Or, puwede din namang both." aniya saka ito tinalikuran.
Naiwang natameme ang Ginang sa sinabi niya.
Nang makapasok sa loob ng kotse ay nilisan na niya ang lugar na iyon.
Atleast may nagawa siyang maganda ngayong araw. Pero kailangan niyang ihanda ang sarili sa mga magiging katanongan ng mga kaibigan niya sa kanya. Dahil sigurado siyang nalilito ang mga ito sa katauhan niya. Dahil kilala siya ng mga ito na hindi niya gawain ang mga bagay na ginawa niya kanina.
He's a cold hearted person. Being kind and have pity to someone is not his thing. Pero bakit siya nagkaganoon nang makitang sinasaktan ang babaeng hindi naman niya kaano-ano? That's the question he can't answer right now.